Chapter 13

2645 Words
++++++++ Nicole's POV Ang sarap lang talaga maglakad dito sa Campus lalo na paghapon kasi mahangin at presko. Habang naglalakad naman ako papuntang Office ni Sir Henry, tumunog ung phone ko. Tumatawag si Ate Jasmine. Need ko na ata magmadali para dun sa papers. KC' Ate Jasmine Calling.... Sinagot ko na lang agad ung tawag, baka kasi importante. "Hello ate jas, Bakit po?" sagot ko sa kanya [Nics! asan ka na? sa parking na lang daw puntahan si Sir, ewan ko pero andun na daw sya.. sorry.. sabi ko naman sa kanya na papunta na ka ih..] sabi naman nya sa kabilang linya bakit mapupunta ng parking si Sir Henry, baka aalis na un.. kanina sabi may bisita sya tas ngayon aalis na agad... gulo ni Sir! "Ah.. sige po tutal malapit na din naman po ako sa parking." sagot ko naman kay ate Nagpaalam na sya at ako naman imbes na dumeretso sa office ni Sir, lumiko pa puntang parking Nang malapit na ko, nakita ko na din si Sir Henry na may kausap na 2 lalaki. siguro kaibigan nya. Binilisan ko na lang ang paglalakad para maabutan sila. "Sir Henry!" tawag ko sa kanya ng medyo malapit na ko. Agad namang napatingin sakin si Sir pati na din ung kasama nyang 2 lalaki. tapos sinabihan nya lang na mauna na sa kotse. "Oh? why? may problema ka pa din ba sa groupings?" Natatawang tanong sakin ni Sir "Hala sir. hindi ah.. okay na po ako sa groupings.. kukunin ko lang po sana ung list ng mga gagawin ng Kinaaadman for Festival. Ako po ung inutusan ni Ate Jasmine po." paliwanag ko sa kanya at parang nagulat pa sya. "Kinaaadman? kasali ka dun? officer ka? ay wait! di ko pa nakikita ung list ng officer ih. Kahapon lang kasi binigay sakin. Kung alam ko lang na andun ka edi sana, sayo ko na lang sinend and dun na lang prinint.. Hahaha. Anyway eto ung list. sorry, may emergency lang talagang pupuntahan. Meeting na lang ulit tayo by next week para mameet ko ung ibang officers.. pakisabi." mahabang paliwanag ni sir sabay abot sakin ng folder. "Opo sir, di ko din alam kung paano ako nasali pero kasali po ako. Sige po sabihin ko na lang kay ate jas. Thank you po. ingat po kayo. Bye!" paalam ko sa kanya kasi pakiramdam ko na urgent ung pupuntahan nila "Salamat. Ingat din kayo sa pag uwi mamaya. Ikaw na lang ang hihingan ko ng update. Hahahaha. Bye!" natawa pa si Sir. Tumalikod na ko at naglakad papalayo.. ako naman talaga hihingan ni Sir ng mga Notes kasi nga Secretary ako. Hahahaha Pagbalik ko ng HQ ay kumpleto na kami, binigay ko na lang kay Ate Jas ung list tas sinabi na din ung pinapasabi ni Sir. Nagphoto copy lang si Ate para samin at nagstart na ung meeting. Ang Agenda lang naman namin ngayon is pag usapan ung paano mapapaganda ung mga task na binigay samin ng SC. Bali hati ang magiging trabaho namin. Ang SC ang kakausap sa Judge, Benefactor at Ang mag aayos ng mga Finances and other miscellaneous fee. Sila din ang bahala sa mga musical instrument na kakailanganin para sa Mini concert event na gagawin pati na din sa mga production lights, sila din ang kakausap sa mga Organization/Club na magpaparticipate. Samantalahang ang amin naman ang Booth ng bawat Department o Course. 2 booth per course, kami na din ang bahala sa mga stage designs, program, forms for application dun sa sasali sa mga event, kami din ang bahala sa pag sschedule ng mga event kung saan ilalagay ang mga un sa buong isang linggo. Saming SC at KC ang pagwewelcome sa mga Outsider Schools, nasabi kasi na gusto ng SC na mag invite ng mga other college schools. "Anong suggestiona nyo? tayo na ang magbibigay ng booth na gagawin ng mga course or sila na lang ang mag iisip?" Tanong ni Ate jas after nyang idiscuss ung mga gagawin namin "Mas maganda siguro Pres kung tayo na lang ang mag bibigay kasi kung sila may tendemcy na late na nila mabigay tapos worst nyan may magkaparehas pala." suggest ni Kuya Louie "May point si Kuya Louie, te jas.. tas mas worst pa nun pwede nilang sabihin na nalimutan nila pero totoo ayaw naman pala nila magparticipate." sabi naman ni Francine May point si Francine lalo na may iba ayaw ng magpagod.. "Agree. Okay! Bunso, sinusulat mo naman diba?" tawag nya sakin, yes bunso! ako kasi pinakabata.. di ko din alam kung bakit? HAHAHA tumango naman ako para sa sagot "Okay! tayo ang mag iisip ng mga booth na ibibigay natin sa kanila and panote ako bebe, na sa kanilang contribution ang gagamitin for their booth." Paalala sakin ni ate "Next time na natin isipin ung mga booth na ibibigay natin sa kanila, assignment ng bawat isa un na dapat atleast may tig 5 kayong booth na ibibigay sa next meeting, pag wala edi! FO na tayo! choss! So move forward.." Nagpatuloy na nga ang usapan, design ng stage for Battle of The Bands and Mini Concert, kung saan ilalagay ang stage, Kung sino sino ang magpaparticipate , Program kung ano ang flow ng BOTB at Ng MC. pati na din mga personnel, kami na nag isip sabi nila ay ung medyo mabuka at makapal ang mukha.. di na nila ko inabala sa personnel dahil sabi nila magiging busy ako nun dahil paniguradong kasali ako sa BOTB at MC. Hanggang sa napunta na kami sa pagsschedule ng event. "So Kelan pala ang AHC Festival? sana naman after ng Midterm para pagkatapos ng Hirap, Sarap naman! Hahahahaha" Sabi ni Ace na nakangisi Agad namang nagtawanan sila kuya Denver at Kuya Louie, pati na din sila Ate Jas at Ate Jhazrine. Samantalang ako, si bea, francine at sandra. nakatulala lang at hindi maintindihan ang sinasabi nila "Hoy! may mga bata gago to!" sabi naman ni kuya louie "ay wait! bata din ako! dapat may mga inosente! hahahahahaha" sabi ni Ace "Basta wala akong masamang sinabi." pagpapatuloy nya pa na nakangisi pa din "Sumbong kita kay Sir Henry sabihin ko ang kalat mo!" sabi ni ate jhazrine. Pinigil naman agad sila niAte Jas. "Tama na.. baka gabihin tayo nyan." sabi nya pero natawa pa din "Kung kailan ang Festival, sabi ni James, bago magSembreak so ibig sabihin mga 3rd week ng october kasi 1st week ng october ang Midterm ih." sagot ni ate jas kay ace "Ow! edi kailan ang BOTB round 1 at 2, tapos pati ung Elimination ng Dance Troupe? pati ung sa Arts and Poster." sabi naman ni Bea Napaisip din naman ako, paano kaya ang gagawin ko pag nagsabay sabay.. Huhuhu "Ipopost ung schedule next week.. sino sino ba nakaasign na handlers na nandito?" tanong ni ate jas "Ako, francine at kuya louie po ang magkakasama sa Dance Troupe. Tas si Alas, Bea, at Jhazrine sa BOTB. Kuya Denver, Sandra at Ikaw po sa Arts and Poster." sagot ko ng mahanap ko ung list namin "Panis! iniisip ko pa lang kung saan ako nakaasign nasabi na agad ni Nics!" sabi naman ni Alas na ikinatawa namin "Hindi ka kasi nagtetake down notes! kaya di mo alam!" sabi naman ni sandra "Sige na.. atleast napaalalahan tayo. ako din, nakalimutan ko ih. Hahahahaha" sabi ni ate jas na mas ikinatawa namin "Oh tamo! mapagpanggap kasi yan si Sandra, ate jas!" pang aasar pa ni Alas "Photocopy ko na lang to tas ibigay ko sa inyo lahat tas post nyo sa ref ng bahay nyo para maremind kayo." sabi ko sa kanila "Ang talino talaga ni Bunso! sige nga!" saang ayon naman ni Kuya louie "ay! bibigyan mo din pala ng copy si Sir Henry ah, para malaman nya ung mga pinag usapan natin. need un ih, baka hingan sya ng report sa ginagawa natin." mabilis na paalala ni ate jas "opo." sagot ko na lang "Ayun na lang muna.. next week na tayo magmeeting ulit para andito din si Sir Henry." pagtatapis ni ate jas "Be Responsible sa nakaasign sa inyo, makisama sa mga SC, makipagcoopirate din kayo sa kanila lalo na dun sa Head Handlers na kasama nyo at kung may iiuutos sumunod, ung mga assignments na binigay ko please... isip kayo ah! para naman may mabuo tayo tas maipasa sa SC." bilin samin ni ate jas. nagphotocopy na lang ako ng list ng asign samin at ibinigay un sa kanila at naghanada pauwi pero bago pa kami makalabas bumukas ung pinto at iniluwa nun sila Kuya James at ung ibang SC Officer. "Hi KC! tapos na kayo mag meeting?" tanong at bati nya samin "Ahm. yes sana. Hahaha. bakit pres?" balik na tanong ni ate jas "ay nalate kami ng dating.. meeting ng na sana tayo ulit ng magkakasama para maisip ng iba pang magandang mangyayari sa Festi.." kamot batok na sabi ni Kuya James Tinignan muna kami ni Ate jas at nagsalita ulit . "Ow.. sige pwede naman pero siguro ang pwede lang natin mafinalize ngayon ay ung mga dates kasi hindi pa din kami nakakapag isip ng pwedeng ibigay na booth sa bawat course.. inaasign ko pa lang sila." sagot naman ni at jas "it's fine, kami din naman. Hahaha." sabi ni Ate Lei "sige tara! upo na tayo ulit pati na din pala ung sa mga events handlers pwede na din nating pag usapan." sabi naman ni Kuya Louie "That will be great! so shall we sit?" tanong nya samin at muli nga kaming umupo sa conference room ng HQ. Hahaha. malupit tong school na to ih.. pinagawan talaga nila ng HQ ang SC at KC kahit na bago lang ang KC ginawan pa din kami. Nagstart na kami sa Meeting at nagkaroon ng mga kanya kanyang opinyon.. wala din ung SC Adviser na si Mr. Melendez "About sa Out Festival Event natin, which are BOTB, Dance Troupe Competion at Arts and Poster need na natin mag settle ng Dates about sa BOTB 1st and 2nd rounds, about naman sa Judge nun.. may mga nakausap na kami. At sure na din si Mr. Monticlaro. Date na lang ang hinihintay." sabi ni kuya james samin. "Maghiwahiwalay na muna tayo para mapag usapan ung mga dates at maipost na para din makapaghanda ung mga Participants." sabi ni Leslie. alam ko kasama sya sa Dance troupe ih.. "Yeah right!" sang ayon naman ni Kuya james at ganun na din kami. pero bago un tumawag muna ko kay mama na malelate ako ng uwi dahil nga may meeting. "So sa Dance Troupe competion, magkakaroon ng elimination. masyado kasing madami, unlike sa Musikalista, 5 bands lang diba nics?" Sabi ni kuya louie "Opo, sa DTC kasi 10 groups po ata sila. pero di pa po sure un kasi need pa nila magfill up ng form para makasali." sagot ko naman. "Oh right! So kelan natin pwede ipost? at kelan ang last submission ng Application Form?" sabi naman ni Bobby Nagdiscuss na kami at inayos na din ung form on the spot dahil na pagpasyahan namin na by next week na kami mag popost ng Announcement. Ganun din sa iba. so nag sasabay sabay talaga. natapos na ang meeting at nagmeryenda lang kami saglit at umuwi na. wala akong sundo kaya naman natrapik ako. pagdating ko ng bahay nakita ko si mama na naghahain na ng Hapunan. "Hi Ma! nakauwi na po ako!" Bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi "mabuti naman at nakauwi ka na, may kasabay akong kumain." Sagot nya at pinagpatuloy ang paghahanda "Sorry.. nabubusy lang po.. dami gagawin sa school. bawi ako pagtapos nito!" sabi ko with matching heart pa. "Ano ka ba namang bata ka. okay lang sakin un atleast ay pinagbubutihan mo ang pag aaral mo, sige na at magbihis ka na.. kumain na tayo." nakangiting sabi ni mama at iginaya na ko papuntang kwarto ko. Nagpalit lang ako at naghilamos tapos lumabas na para kumain. masarap ang ulam namin ngayon Ginisang Repolyo! Yum! "Kain na anak." yaya sakin ni mama ng makita nya ko papunta ng kusina. "eto na po.. sarap nito ma ah!" sabi ko ng makaupo na ko sa hapag namin "aba! ako nag luto eh! Ou nga pala. kumusta ang school mo? ano ang pinagmeetingan nyo?" tanong ni mama habang sumasandok ng kanin nya, nilagyan na din nya ko. "madami po ih.. mag kakaroon po kasi ng Festival ung AHC, at kami po ang magpafacilitate ng buong activities na un.. Tapos ang dami pong gagawin, may mga booth, games, events, battle of the bands, dance competition at madami pang iba.. ganun pala sa Private School ma nuh? hahahaha. sa Public School, intrams lang tas mga sports lang ung event pero kahit ganun masaya naman." mahabang paliwanag ko. nilunok muna ni mama ung pagkain nya bago magsalita, ako naman sumubo na. "Ou ganun talaga sa Private School, may mga freshmen meet pa nga kayo noon diba? buti na lang at andyan sila kim, danica at krystal. kung wala ih, panigurado hindi ka pupunta dun. Hahahaha" natatawang sabi ni mama "Eh hindi naman ako mahilig sa mga ganun ma, nadadawit lang talaga ako. Hehehe. ay! naalala nyo po na kasali ako sa banda... kasali ako sa Battle of The Band." pag papaalam ko sa kanya para naman alam nya kung ano ang nangyayari sakin sa school Minsan kasi hindi na kami nakakapagkwentuhan ng matagal dahil marami akong ginagawa, minsan naman sya ang may ginagawa.. "Ah! ou nga nakwento mo yan nung nakaraan. Teka! okay pa ba ung gitara mo? lumana un diba?" sabi naman ni mama na medyo nag aalala nilunok ko na lang saglit ung pagkain ko ska sumagot. "okay pa un ma. palit string lang un tas okay na un.. nakakatugtog pa naman ako gamit un, kaya okay pa." sagot ko sa kanya ng nakangiti nag alala naman ang mukha nya pero bigla din ngumiti. "Sige. pero sabihin mo pag kailangan mo ng bago ah. para makabili tayo." Tumango ma lang ako at ngumiti. syempre kahot masira pa un di ko sasabihin kay mama, ayokong pati ung idadagdag ko pa sa stress nya. kung kaya pang pagtyagaan. kayanin! natapos kami ni mama kumain ng nagtatawanan, kaming dalawa na din ang naghugas dahil nagkukwento sya ng mga nangyari sa trabaho nya. pagkatapos naming maghugas, pareho na kaming umakyat sa kwarto namin dahil parehas ata kaming pagod, we just said Good Night to each other and Enter to our room. Di pa ko pwedeng matulog dahil may gagawin pa ko.. need ko pang tapusin ung application form ng mga sasali sa DTC bukod dun may usapan kami nila kuya Myk na magVideocall para sa atleast mapaghandaan ung gagawin namin act sa round 1 kahit wala pang binibigay na date. tsk! ou nga pala.. tanong ko nga kay Alas baka sabihin. Hahahahaha To: KC Alas Alaaaaas!!! ?? pagkasend ko nun medyo matagal magreply tong lalaking to kasi marami din gingawa. hahahaha From: KC Alas September 11, 6pm sa Auditorium, Band's Choice. Judge: Mr. Mendoza, Ms. Perez, Ms. Jin. Nasagot ko ba tanong mo Ms. Sexy? Ewan ko pero natawa ako. kasi wala pa naman akong tinatanong, may sagot na agad! Ang bilis din! Hahahahaha To: KC Alas Hahahaha! wala pa kong tanong pero may sagot na! Malupet ka din talaga Alas! Salamat pala!!! ???? pagkasend ko sakto namang chat nila kuya myk sakin. at nagtatanong kung okay na ko. syempre nag okay na ko at nagcall na sila. mabuti na lang talaga at binigay ni Kuya Daniel etong luma nyang laptop kaya may nagagamit ako kahit papaano. Tapos ung kay Danica naman na luma na kay kim. dapat nga babayaran namin kaso hindi na daw kaya sobrang salamat namin sa kanila From: KC Alas Alam ko na itatanong mo eh. Tama naman ako diba? Hahahaha. Goodluck sa 1st Round! ?? di na ko nagreply. Dahil busy na kami nila kuya na naguusap para sa 1st Round..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD