Chapter 34

3831 Words
+++++++++ Nicole's POV I don't know what happened to me.. pero nung sinabi nyang tuloy ang kwento. Nakaramdam ako na pwede kong ilabas sa kanya lahat... Naging komportable ako... Unang beses palang naman kaming mag usap... Ngayon pa na nalaman ko na sya ung tumulong sakin. Nagsabi sabi pa ko ng hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya pero ayun at nagkwento ako ng tungkol sa buhay ko. Nakakatawa pa para akong nagsusumbong sa kanya na sinaktan ako ng pamilya ni Mama. Hahahaha. Pero sa totoo lang naging komportable talaga ako sa kanya... Lalo na nung niyakap nya ko. Nung naramdaman ko ung yakap nya... Nakaramdam ako ng security and gentleness sa yakap nya... Para kong isang bata na niyayakap ng isang magulang na ayaw ng masasaktan ako ulit... While his hugging me, i feel his soft lips gently kiss my head. Parang sinasabing 'it's okay.. i'm here. Wala ng mananakit sayo' Magkaharap pa kami kanina nung sinabi nya na magkaibigan na din daw kami at asawa pa nga daw... Kaya naman nahampas ko talaga sya sa braso pero mahina lang. "Sira!" Sabi ko sabay hampas sa braso nya. "Nice! Komportable ka na sakin. Nananakit ka na eh." Sabi nya kaya nahiya naman ako. "Uy! Hala. Sorry po... Ano ba yan!" Sabi ko na natataranta pa. Natawa naman sya sa ginawa ko. "Pero alam mo, kahit pala ang magaganda pumapangit pag umiiyak." Sabi nya at nakatingin pa sakin Ay loko! Hayop ang wala! Naconcious tuloy ako... "Oh? Bakit nag aayos ka? Sinabi ko bang mganda ka?" Dagdag nya pa ng ayusin ko ung buhok ko at ung mukha ko. "Sinabi ko bang maganda ako?! Nag aayos lang ng buhok kasi baka magulo dahil sa yakap mo. Chansing!" Asar ko sa kanya "Wow! Ikaw na nga tong inomfort, ikaw pa tong galit?" Sabi nya kaya na konsensya naman ako. Kaya naman yumuko at pinag laruan ung daliri ko.. "Ahm... Thank you pala.. sa yakap... It really help me..." Sabi ko pero nakayuko Nagulat naman ako ng hawakan nya ung pisngi ko at iaangat ung ulo ko. "Why you always look down? Chin up Baby. Ang ganda ganda mo tapos yuyuko ka lang. You're strong woman. Kaya kahit nahihiya ka. Always chin up. Okay?" Sabi nya at hinihimas ung pisngi ko. Nakatulala lang ako sa kanya kasi naman sobrang sincere nung pagkakasabi nya. Hindi ko na lang papansinin ung pagtawag nya sakin ng Baby. Nasa ganun posisyon kami ng dumating si Keith, dala nya ung mga gamit ko. Ung laptop, folder, at ung mabigat kong bag. Hehehe "Mr. Monticlaro. Eto na ung gami-" di na nya natuloy dahil nakita nya nga ung posisyon namin. Magkaharap kami tapos hawak nya ung pisngi ko. Hindi naman kami malapit pero alam kong magiging issue un kay Keith. Maissue yan ih! "Sorry. Wrong timing pala. Eto na ung gamit mo Ms. Nicole. Lagay ko na lang dito sa table ah." Sabi nya at umalis. Sabi na ih. Iba iisipin nun. Hahahaha "Iba ata ung iniisip nya." Sabi ko at inalis na ung kamay nya sa pisngi ko. "Ou ata. Akala nya yata hahalikan kita. Hayaan mo na un." Sabi nya at umayos ng upo "Ahm. Nga pala. Pwede akong magtanong?" Sabi ko sa kanya Tumingin naman sya sakin at ngumiti. "Sure. Ano un?" Sabi nya at humarap ulit sakin. "Ahm... Sana wag kang magalit. Hehehe. Pero bakit kinailangan mo ng pangalan ng babae para pakasalan ka? Diba may girlfriend ka naman nun?" Tanong ko sa kanya Bigla namam magsersyoso ung mukha nya kaya kinabahan ako. "Hala! Okay lang kung hindi mo sasabihin.. wag ka na pong magalit.. hehehe" habol ko pa kasi baka nagalit sya. Nagtaka naman sya at gumilid pa ng unti ung ulo nya. "Hm? Hindi naman ako galit. Gusto ko naman sagutin. Mukha ba kong galit?" Tanong nya sakin "Ih. Kasi bigla kang nagseryoso... Baka ayaw mong pag usapan" sagot ko sa kanya "Ah.. No. Nagseryoso lang ako kasi seryoso ung tanong mo." Sagot nya sakin Nakahinga naman ako ng maluwag dun sa sagot. Okay! Marunong nga pala syang magseryoso.. Sorry naman. "Hm.. To answer your question... I need that for my Dad. 2 years ago gusto na kasi nyang magretired sa pagiging CEO ng kompanya, so dahil gusto na nyang magretired, kanino nya ba ipapasa ung posisyon. Sakin. But the board didn't agree... Kasi nga maloko ako at baka daw mapabayaan ko. Hahaha" natatawamg sabi nya. Ah... Pero hindi naman sya maloko pagdating sa trabaho. Napakareponsable nya nga ih.. atska simula din nung sya ung humawak ng ME mas lumago pa.. Madaming naging branches na nabuksan kaya nga nagkaroon ng bagong mga Teams dun sa Marketing kasi madami na ding kailangan gawan ng mga strategy.. "I didn't see that you're not capable being a CEO. I mean, yes! Maloko po talaga kayo, nakita ko naman na un.. lalo na pag nagbabar kayo, ay! Tayo pala.. pero niminsan naman po hindi nyo pinabayaan ang ME at mga employees nyo" komento ko kasi totoo naman talaga.. Natawa sya bahagya at umiling.. "Thank you for complementing me.. hahahaha. Nakakahiya naman na nakita ng asawa ko ung kalokohan ko sa Bar. Hahahaha. Anyway... Nothing to worry naman na pagdating sa tiwala nila sakin. Kasi nakuha ko naman na un at napatunayan na ung sarili ko, 2 year ago..." Dagdag nya "Owww... So bakit nyo nga po kinailangan na ikasal?" Tanong ko ulit.. kasi naman ang tagal. "Excited? Papunta na dun ung kwento Zie." Sabi nya sakit at tinaasan pa ko ng kilay! "Ang tagal kasi! Hahaha. Game! Tuloy!" Sabi ko at parang batang nakikinig ng story telling Natawa naman sya sabay kurot sa pisngi ko. Sakit ah! "Cute mo." Sabi nya at umiinit naman bigla ang mukha ko. "Nagblush pa. Eto na. Tutuloy ko na kwento ko. Wag ka na mablush! Lalo kang gumaganda." Sabi nya at tinawanan pa ko "Ewan ko sayo. Kwento na!" Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya Teka! Boss ko to diba? Bakit parang sobrang nakomportable ako.. Yaan na nga! Asawa ko naman sya sa papel. Hehehehe Di rin naman nya pinapansin.. ang cute lang pag tinatawag nya kong Zie. Hahaha. Maganda pala.. "So... To make the long story short kasi atat ka... Hahahaha. 3 years na kong CEO ng kumpanya, pero 2 year ago the board question my relationship with sofia. Because one of the board member's son ay naka one ni- wait?! Okay ka na ba sa ganung usapan? Hahahaha. Wala ka pang experience diba? I mean... Ahm.. virgin ka pa diba?" Tanong nya kaya naramdaman kong namula ung pisngi ko.. Ano ba?! Hindi naman na kailangang itanong un... "Tsk! Magkwento ka na nga lang ulit." Sabi ko ng naiirita. Kasi naman ih... Wag na itanong ung bagay ma un.. ou na! Wala ng experience! Virgin pa ko... Hindi man ganun kainosente pero... Ay! "Hahahaha! Mas lalo mo tuloy pinatunayan na wala kang experience. Hahaha. Tuloy ko na! Naka'one night stand nya ung anak nun and take all of his money... Si Dad ang una nilang kinausap. After nun pinatawag ako to confirm if that we still in a relationship, and i said yes! I never deny a girl and i will never be, kahit ex ko pa sila nakafling or kahit ginawan nila ko ng kagaguhan. Pero nong sinabi nila ung dahilan kung bakit nila natanong. Hahaha. Parang gusto kong bawiin ung sinabi.. Hahaha" mahina pa syang matawa. Ahm... Hindi ko sya masisisi kasi kahit ako na babae baka itanggi ko ung kapwa ko babae... Bakit nakipagfling or One night stand si Ms. Sofia kung Boyfriend naman pala sya nun? "So Dad get mad.. sobra ung galit nya at sinabing within 1 month dapat makapagpakasal ako... Kung hindi kay Sofia, maghanap daw akong ibang babae, kung hindi kukunin nya ulit ung posisyon, okay lang naman sana sakin but not to my Mom... Ayaw na nyang bumalik si Dad sa pamamahala ng Company kaya naman she talk to me... But, again. I don't love Sofia, so i talk to Keith na hanapan ako ng babaeng pwedeng pakasalan... Kahit hindi na kami magkita o magsama basta may babaeng willing ibenta ung pangalan. So naghanap naman sya pero wala syang mahanap na papasa sa standard nina Dad at Mom, pag ipinakilala ko." Sabi nya at ngumiti ng mapait So ako nakapasa? Ay taray naman pala! Hahahahaha "1 week before the deadline na binigay sakin ni Dad, wala pa ding nakikita si Keith. Naayos na nya lahat ng mga documents ko, ung sa babae na lang. Dahil ng ilang araw na lang, I decided na, 'sige papakasalan ko na si Sofia, No Choice na ko.' kesa naman pati si Mom magalit sakin. I went to her condo, hapon un. Sinabi ko na din kay Keith to stand by para sa documents ni Sofia kung papayag sya. But when i got in, nasa sala pa lang i already heard their moaning and cursing..." Huminto muna sa saglit tapos parang nanggigil. "I walk silently towards the room and then i saw 2 people naked and drowning to their own flesh and lust. Gusto ko silang pasukin pero kinalma ko ung sarili ko, i took them pictures at inantay silang matapos... Habang nag iintay ako sa sala! Dinig na dinig ko, how both of them reach their climax... Argh! Bakit ko nga ba kinukwento to?! Tignan mo itsura mo!!" Sabi nya sabay turo sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong meron sa mukha ko bakit nagalit sya bigla... Siguro dahil nakangiwi ako.. ih! Kasi naman masyading bulgar ung mga wordings nya! Hindi ko maintindihan ung iba?! Hahahahahaha "Masyado kasing bulgar ung mga wordings mo Sir. Pero okay lang ako. Tuloy ang kwento." Sagot ko sa kanya at ngumiti ng pagkatamis tamis.. hahahahahahaha "Wag kang ngumiti dyan isasako kita... Atska pagtayo tayo lang... Pwedeng alisin mo na ung Sir. You can call me anything unique, ung ikaw lang ung tatawag sakin nun... Pwede din Love. Hahahahaha" matatawamg sabi nya Ayan na naman yang endearment na yan! Hindi mahiwalay sa usapan ih! Atska teka! Bakit ako isasako? Sira ulo! Pasalamat sya boss ko sya... Sya isako ko dyan.. "Sige po. Sa ngayon hayaan mo na po ung Sir. Di pa ko sanay ih." Napakamot pa ko sa kilay ko. "Okay. Sabi mo eh. So as i was saying, naghintay ako sa kanila, nung alam kong tapos na sila, inihanda ko na ung litrato na kinunan ko kanina para isampal sa kanila. And then, nung lumabas sila.. I saw the shock in their face... Tapos lumapit ako sa kanila and pinakita ung pictures nila. Then i told to Sofia that we're done and walk out..." Sabi nya sabay sandal sa upuan Parang wala lang sa kanya na nagkwento sta sakin... "The moment i got out, i called keith at sinabing last chance... Pagwala pa ding syang nahanap, i will give up the position... So kinabukasan, pumasok ako dito sa office kasama si Dad kasi mag imemeet ata kaming mga students from AHC. I guess kayo un. Estudyante ka ni Henry diba? So kayo nga ata un pero hindi kita nakita nun, sila Kim lang." Sabi nya. "Hindi mo talaga ako makikita nun kasi umalis na ko at pumuntang ospital dahil nagcollapse na si mama nun.." sagot ko naman "Yeah! Yun ung araw na nag agree ka sa offer ni keith. I actually don't know why Keith is there at The Hospital..." Sabi nya at nag isip. "Ow! Yeah! Right! Pinacheck ko pala sa kanya ung hospital na un because, Monticlaro is the Main Benefactor dun." Sabi nya nung naalala nya Ah! Kaya pala mabilis naoperahan si mama! Nagyon alam ko na. "Kaya pala... Naasikaso agad si Mama.. isa pala kayo sa benefactors dun." Sabi ko at yumuko ulit "Ou." Rinig kong sabi nya. "So that's it! That night you agreed to the offer." Sabi nya ulit Tumango tango naman ako habang nakayuko.. "Yes... At kinabukasan, kinasal nga ako sayo. So alam nila Sir Miguel at Mam Klea na kasal ka sa isang babaeng... Hindi mo kilala?" Tanong ko kasi naman "Yep. The night you agreed, Keith do his research sayo, sabi nya... Nung nakita nya ung mga records and anything about you... Kinuha na nya agad ung mga documents mo tapos... Binalikan ka at pinapirma ska nya ko pinuntahan sa bahay at pinapirma." Dagdag nya pa. "So kilala mo pala ko? Kasi nakita mo ung pangalan ko dun ih.." Tanong ko sa kanya "No. Hindi ko na inalam kung sino ung nakalagay dun. Kasi ibig sabihin, kaya nakalagay ka dun... Keith already do his research and you pass to our standards. Well! Nung nakita ko ung pangalan mo na nag apply at magtatrabaho dito sa ME. Duda pa ko kasi baka may kapangalan lang pero... Nung yumuko ka at lumaylay yang kwintas mo na may sing sing. That's confirmed me that you are Denzie Nicole Ferrer Monticlaro. My wife." Di ko alam pero nung binanggit nya ung buong pangalan ko na may kakabit na apelyedo nya.. napangiti ako. Ang ganda pala pakinggan ng pangalan ko. Hahahaha "Maganda ba pakinggan? Hahahaha. Bat nakangiti ka?" Biglang tanong nya. Kainis to! Pero maganda nga kasi pakinggan... Hahahaha. Tumango lang ako sa tanong nya tapos sya naman ngumiti lang. "Bakit hindi mo sinabi sakin na ikaw pala ung pinakasalan ko or ung bumili ng pangalan ko? Ibabalik mo ba sakin un?" Tanong ko ulit Para naman syang naguluhan pero nag iisip... "Bakit nga ba hindi ko sinabi? Ah... Gusto ko kasi ikaw ung makaalam atska hindi ko inexpect na magkikita tayo ng magkikita dahil kay Henry at Kim... Pero kung hanggang ngayon hindi mo pa din inaalam kung sino ako, sasabihin ko na sayo. Pero dahil naunahan mo na ko, wala na kong itatago. Dun naman sa ibabalik ung pangalan mo, nasa iyo naman diba? Gimagamit mo nga eh." Sagot nya Sabagay... Hindi ko rin naman inexpect na magiging si Kim at Sir Hens... Pero teka! Loko to ah! "Tange! Ay sorry! Sorry! Ang ibig kong sabihin, mag papa'annul ka?" Tanong ko "Bakit? Magpapakasal ka na ba?" Balik na tanong nya "Hindi, ih? Ikaw baka magpapakasal ka na?" Balik na tanong ko ulit sa kanya kasi naman.. "Hindi naman pala eh. Sinong papakasalan ko? Ih kasal na ko." Sagot nya at ngumiti. "Ayaw mo ba sakin? Gusto mo mag pa'annul?" Tanong nya ulit Napaisip naman ako. Bakit parang career na career nya ung kasal... Atska parang ayaw nya naman ng annulment. "Bakit parang career na creer mo ung kasal na meron tayo? Ih.. wala ngang ceremony un.. tapos parang ayaw mo ng annulment." Tanong ko sa kanya Huminga sya ng malalim at pumikit... Anong problema? "Yes. I don't want an annulment. And I wanna give it a try. You and me, this marriage. In one house together. Baka magclick! Tapos wala ng annulment na magaganap. Baka lang naman." Sabi nya pero hindi nakatingin sakin Ah!! Yun lang pala ih! Pero ano daw? Marrige life? Hm... Should i take some risk? Paano kung laro lang pala sa kanya tas mahulog ako, edi masasaktan ako? Atska in one house? Together? Takot ako! "Hm.. pwede po bang pag isipan muna? Medyo risky po ih.. ayoko pong masaktan ulit..." Nakayukong sabi ko. Totoo ung sinabi ko. Ayokong masaktan ulit... Minsan na kong nasaktan, nagkamali sa desisyon. Paano kung ganun uli? Magkamali ako. Umoo ako tapos hindi naman pala kami magclick? Mahulog ako tapos sya hindi, iparamdam nya sakin ung pag aalaga tapos sa huli, masaktan lang namin ang isa't isa... "Mukhang may past ka ah. But yeah! You can think about it. Hindi naman kita minamadali." Sagot nya at ngumiti na naman.. Nakakagaan ung ngiti nya.. nakakahawa! Hahahaha "Sige po. Salamat." Sabi ko at nginitian din sya "Hm... So may tanong ka pa ba Zie?" He ask. Mukha namang wala na. Ska na siguro ung iba. "Wala na po. Kayo po? Baka may tanong pa po kayo." Tanong ko din sa kanya Sandali syang nag isip.. sakto naman pumasok si Keith. "Sorry to interrupt. But Mr. Monticlaro, your meeting will start in 5 minutes. Remind ko lang kayo kasi parang napapasarap ung usap nyo." Nakangiting sabi nya at tumaas baba pa ang kilay Napatingin naman ako agad dun sa Isa. Hala! May meeting pala sya tapos nakipagkwentuhan sakin! Sira ulo! "May meeting ka pala?! Kwento ka ng kwento dyan." Singhal ko sa kanya pero natawa lang sya, napatingin naman ako sa Suit nya.. hala basa un ng luha ko ih.. "Ung suit mo! Basa ng luha! Ayt! Yakap yakap kasi kanina.." dagdag ko pa pero sya tumatawa lang ng tatawa. Kainis! "May suit ako sa kwarto. Magpapalit na lang ako... Ang pangit mo kasi umiyak, kaya para hindi ko makita niyakap na lang kita... Hahahaha." Sagot nya sakin sabay kindat Tusukin ko mata nito ih! Akala mo gwapo! Ou kaya! Ay ano daw?! "Wow! Sana sinabi mo yan kanina nung umiiyak ako para itinigil ko. Kainis to! Sige na! Magpalit ka na dun. Go na! Wag ka ng tumitig sakin. Pangit pangit ka dyan pero nakatitig!" Iritableng sabi ko sa kanya Paano, nakatitig sakin habang itinataboy ko sya... Nainis ako bigla! Kasi may meeting pala tapos kwento kwento... Baka kung ano na naman sabihin ng board sa kanya.. Tumawa lang sya tapos tumayo na. Pero bago pumasok sa kwarto nagsalita muna sya. "I'm just kidding. You're beautiful kahit umiiyak. Unfair! Hahaha" natatawang sabi nya at pumasok na nga Natawa na lang din ako. Kasi ung pagkakasabi nya ng unfair... Parang beki.. hahahahaha. Ang cute! "Mukhang magkasundo kayo agad ah!" Napatingin naman ako kay Leith nung magsalita sya. "Ha? Ah... Ih, hindi sya mataray atska wala naman syang ginawang masama sakin kaya naging komportable ako sa kanya.. nakakatawa lang kasi first time namin mag usap pero naging komportable ako agad sa kanya. Ganyan po ba talaga sya?" Paliwang ko sabay tanong He just chuckle and nod. "His like that sa nga taong komportable sya.. at gusto nyang kausap. Sabi ko na ih, unang tingin ko pa lang magkakasundo na kayong dalawa. Hindi ka mahirap pakisamahan Ms. Nicole. Nakwento ka na sakin ni Camille and she really likes you. Minsan lang humanga sa tao un pero totoo even Harold." Paliwanag nya Wow! Bakit parang na flatter naman ako sa sinabi nya. Pero si Atty. Halata naman sa kanya na minsan lang magcomment ih.. "Nahiya naman ako. Pero salamat, ah! Bakit pala assistant ka nya kung kaibigan mo sya?" Tanong ko kasi barkada sila pero bakit Assistant nya to? "Ah... My mother is also his father's assistant kaya nung nagstart syang magtraining as CEO, kinuha na nya ko para maging assistant nya, mas gusto nya kasi ung kilala at alam nyamg mapagkakatiwalaan nya. Minsan lang din magtiwala yan kaya pagnakuha mo ung loob nya agad agad.. maswerte ka. Katulad mo..." Sabi nya ng may nakakalokong ngiti sa mukha Oh? Ano naman?! Hahahaha. Madali kasi akong magtiwala pero pagnasira... Mahirao ng ibalik. Napayingin kami pareho ng bumukas ung kwarto na pinasukan ni Sir Miggy. "Okay ka lang ba dito? Wag ka na bumalik sa baba. Sabay na tayo mag lunch, kung okay lang sayo?" Tanong nya habang patuloy na inaayos ung necktie nya. Tumingin naman ako sa mga gamit ko... Bakit pa ko babalik? Ih, andito na lahat ng gamit ko. Pagkatapos kong pagmasdan ung gamit ko, bumalik ung tingin ko sa kanya. "Hm.. okay lang naman po. Sige." Sabi ko at tinignan ung necktie na kanina nya painaayos. "Hindi ba ikaw ang nag aayos ng necktie mo?" Sabi ko at lumapit sa kanya. "Ako. Bakit?" Sabi nya at tinignan un. "Pangit ba?" Sabi nya at tumingin sakin. "Hindi naman. Hindi lang maayos." Sabi ko at inayos un. Pero parang mali ata ung kinilos ko kasi tinignan nya ko ng nakakaloko. "Thank you Lo- Aray! Hahahaha" Sabi naman nya. Sabi ko na ih! Kalokohan na naman. Nahampas ko tuloy sya. Ayt kasi ih! "Ay sorry po! Sabi kasing pangalan ih... Inayos ko lang kasi magulo! Kinikilabutan tuloy ako!" Sabi ko sa kanya pero tawa lang ng tawa Pati si Keith na nakatayo sa may pintuan nakikitawa na din. Masyado na ata akong komportable. Sorry naman... "Ou na! Pangalan na. Sa susunod ikaw naismo tatawag sakin ng Love. Hahahaha. Jk lang! Tara na nga Keith baka mabugbug ako dito." Natatawang sabi nya. Sinamaan ko kasi sya ng tingin. Ayt! Bakit ba ko nakipagbiruan sa kanya! Boss ko kaya to! Argh! Kainis! "Ewan ko sa inyo! Pwede naman ako magtrabaho dito diba?" Tanong ko sa kanya "Yeah. Sure. Sabay tayo maglunch ah! Bye Baby! Hahahaha" pang aasar nya bago sila lumabas ni Keith. Tawa lang ng tawa ung dalawa.. ako naiinis! Argh! Bakit kasi... "Hay! Makapagtrabaho na nga!" Sabi ko at inopen na ung laptop ko. Nagsscroll lang ako ng mga updates and umgga sinent nila Blesy at Anne na plan nang biglang maalala ko ung naging usapan namin.. Napasandal ako sa upuan at himinga ng malalim. Should i give it a try? Wala naman sigurong masama.. pero siguro oobserve ko muna si Sir Miggy. Kung anong pakikitungo ang ibibigay nya sakin... Isa pa pala! Yang pangalan na nyan! Ano naman itatawag ko sa kanya?! Miguel? Edi parang tinawag ko na si Sir Miguel nun! Hmm. Miggy? Migs? Ang arte kasi gusto ung ako lang ang tatawag sa kanya! Ska na ko mag iisip.. Sir Miggy na muna sa ngayon... Nasstress ako! Hindi ko magawa mgaayos ung trabaho ko... Habang mag iisip biglang tumunog ung phone ko. Text message. Sino kaya tong pashnea na to. From: Alas Nics! Sige na. Please! Last request! May bayad naman eh. Tapos ask me anything you want.. Call? Please!!! Desidido talaga tong isang to. Hindi na ko masyadong kumakanta pero may times naman na pinag bibigyan ko to. Nung last time lang na kinuha nya ko bilang wedding singer, nagkagulo.. paano may magjowa dun ma nag away dahil daw sakin, tingin daw ng tingin ung lalaki sakin kaya sinabunutan ako ng babae! After nun, hindi ko na talaga sya pinagbigyan.. nakakahiya kaya un! Inilapag ko na lang muna ung phone ko tapos tumingin ulit sa paligid, hanggang sa napako ung tingin ko sa keyboard ni Sir Miggy. Alam kong hindi lang Keyboard ang meron sya.ay gitara din. May stand kasi kaya alam ko. Nasa kwarto siguro. Hahaha Nakita na daw nya kong tumugtog? Wait lang! Isip isip! Ay putek! Sya ung jowa ni Ms. Sofia! Ou nga nuh? Bakit hindi ko naalala un? Pero ibig sabihin? Si Ms. Sofia ung nanloko sa kanyang jowa? Yuck! Kababaeng tao... Big No! Dahil wala akong maintindihan sa binabasa. Pinuntahan ko ung keyboard. Pag naistress kasi ako, nagpapatugtog ako sa office pero ngayong may keyboard baka pwedeng gamitin. Hehehe. Hindi naman siguro sya magagalit. Marunong naman ako. Ska iingatan ko. Hehehe. Promise! Inayos ko ung mga ngalagay dun at inon.. Inayos ung volume at preset nun. Nung nakuha ko na ung preset at okay na ung volume.. nagtipa lang ako ng mga kung ano anong kanta.. Waaaaaaah! Nakakamiss gumamit ng Keyboard!!! Iba talaga pag may mga instrument ka..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD