Chapter 9

2708 Words
+++++++++ Nakababa na ko ng Rooftop at ngayon san ko na ulit sya hahanapin???? "At san ang punta mo Nicole?" nagulat naman ako sa nagsalita at agad na hinarap ko un. Si Sir Henry lang pala... "Hi Sir! hinahanap ko lang po ung kaibigan ko.. Si kim po. kilala nyo un diba?" sabi ko sa kanya na nahihiya pa napaisip naman sya at biglang nagliwanag ang mukha "Ah! si Ms. Santos ba un? ung lagi mong kasama.. nakita ko sya dyan sa garden sa likod.. if i'm not mistaken, sya un." nakangiti pang sabi nya. Naangat naman ako agad ng tingin sa kanya at parang batang ngumiti "Hala! sige sir! baka po sya un! salamat po!" "okay! ingat and sing well." sabi nya at nagtuloy na sa paglalakad. Naalala ko may gitara mga pala akong hiniram... ano pala kakantahin ko! yawa! bahala na nga mamaya na lang pag nakita ko na talaga sya.. Pinuntahan ko nga ung garden na sinasabi ni Sir Henry.. at tama sya! andito nga ang babaeng broken.. umiiyak at nakatingin sa taas ng mga puno.. masarap dito, sariwang hangin hindi gaano mainit.. nakakasenti! Kinuha ko ung gitara at naglakad papalapit sa kanya ng dahan dahan, may naisip na kong kanta.... tinipa ko ung kanta na lagi naming kinakanta pag malungkot ung isa samin.. umpisa palang alam na nya ang kanta kaya napabaling ung tingin nya sakin agad... Naawa ako sa itsura nya kasi alam kong nasasaktan talaga sya.. sabi kasi magtira para sa sarili.... "Oh-oh If you ever find yourself stuck in the middle of the sea I'll sail the world to find you If you ever find yourself lost in the dark and you can't see I'll be the light to guide you We'll find out what we're made of When we are called to help our friends in need" papunta ng chorus at naiiyak na din ako kasi lalo syang umiyak.. Parang nararamdaman ko ung sakit na nararamdaman nya... "You can count on me like one, two, three I'll be there And I know when I need it, I can count on you like four, three, two And you'll be there 'Cause that's what friends are supposed to do, oh, yeah Ooh-ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh, yeah, yeah" Tinapos ko ung kanta hanggang forst chorus.. Dahil hindi ko na kayang hindi lapitan at yakapin si Kim.. Pagkalapit ko sa kanya, agad ko syang ni yakap at ganun din sya.. "Nicole!!! ang sakit sobra!!! binigay ko naman lahat ih... bakit nagawa pa din akong ipagpalit! 4 months lang kami pero minahal ko sya ng todo! binigay ko lahat! oras, panahon, pati ung mga oras na dapat sa inyo, para sa pag aaral.. bunigay ko sa kanya!!!!" Hinagod ko lang ung likod nya at hinayaang umiyak sya dahil ako din umiiyak na.. "May pagkakataon pa na sya lang ang pinapakinggan ko, pinaniniwalaan ko kesa sa inyong mga matatagal ko ng kaibigan... pero wala! iniwan pa din ako ng gago!" nasasaktan ako kasi nasasaktan sya.. hindi ko pa nararamdaman ung nararamdaman nya pero alam kong masakit un... lagi man kaming nagbabardugalan pero mahal ko tong babaeng to kaya ayoko ng umiiyak sya o kahit na sino sa kanila ni Danica at Tally Naalala ko si kim ang una kong naging kaibigan dito sa Maynila... classmate ko sya ng grade 4, at nakita nya ko na tahimik at walang kausap.. since maingay sya kinausap nya ko at dun na mag umpisang mag usap at maging magkaibigan kaming dalawa.. Lumalim pa un ng nalaman namin na magkalapit pang un bahay naming dalawa.. sabay kaming papasok at uuwi para lang magkwentuhan... Nagkakataon na pagmay nang aaway sakin dahil sa transferee ako, si kim ang tagapagtanggol ko at minsan ako naman ang nagtatanggol sa kanya... Ganun ung naging routine namin hanggang sa nakilala namin si Danica na binubully ng ibang kaklase nya dahul daw sa mayaman at maarte.. nagkataon kasi na hindi namin sya kaklase pero nasa kabilang room lang sya... talagang nakipag sagutan kami sa mga kaklase nyang paepal at muntikan pang umabot sa sabunutan nun ung bully at si Kim... Pagkatapos nun, hindi na kami mapaghiwalay na tatlo.. naging magkakaklase na din kaming tatlo sumunod na taon at naging maybe best friend hanggang ngayon... Alam nilang dalawa ang kwento ng buhay ko at ganun din ako sa kanila... Alam nila na ampon lang ako at hindi talaga anak ni Mama.. alam nila na galit na galit sakin ang pamilya ni mama at ni papa.. Sila ang nilalapitan ko pag sobra ung sakit na nararamdaman ko.. dahil doon kilala na namin ang isa't isa, alam namin pag nagsisinungaling ang isa sa amin basta alam na namin ang ugali ng isa't isa! "Ssshhh... sige umiyak ka lang.. wag mong itago.. andito lang ako.. kami... dadamayan ka namin... wag mong sarilinin.." umiiyak na sabi ko sa kanya. "Sorry... sorry kasi hindi ako nakinig sa inyo.. sorry kasi mas pinakinggan ko sya nung sinabi nyong niloloko na nya ko.. sorry.." iyak na paghingi ng sorry. Bigla naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Gaga! hayaan mo na un.. wala na tayong magagawa dun.. atleast may natutunan ka naman sa nangyari.." at pinunasan ang mga luha ko "Ang sakit kasi teh! biruin mo ipinagpalit ako sa mas maganda ako! ang pangit naman nung babae na ipinalit sakin... kamukha ni Theresang malunggay dun sa palengke satin."magmamaktol nya habang pinupunasan ang luha. Hindi ko alam kung bitter ba sya o nagsasabi ng totoo bukod dun, kung makapanlait tong babaeng to.. pero gustong matawa at syempre batukan sya "Ayun naman pala ih! mas maganda ka naman pala sa babae, hayaan mo na it's his lost not yours, pinakawalan nya ang isang dyosang katulad mo.. kaya kung tapos ka na umiyak halika na at nagugutom na ko..." pagpapagaan ko sa loob nya at inilabas ang baunan ko. "Wow! sana damayan mo muna kong iiyak to nuh? pero alam mo tama ka! hindi naman ako ganto sa mga maging ex ko nuon pero kasi... minahal ko talaga ung gago na un! tipong muntikan pa magkalamat ung pagkakaibigan natin dahil sa kanya.. Alam mo yan Denzie Nicole! tapos biglang ipagpapalit ako sa pangit! Argh! hindi ko matanggap!!! Binigay ko lahat lahat ih! Waaaaaah!!!" pagmamaktol na naman nya at nag umpisa na namang umiyak pero teka?! lahat lahat daw? hindi kaya? ay putek! "Teka? lahat lahat?! wag mong sabihing?!!" nakataas kilay kong tanong sa kanya "Gaga! syempre hindi nuh?! ay hindi. muntikan pero syempre napigilan ko ang tukso at nakita ko ung itsura ng Tatay at nanay ko pati na din yang mukha mo pag nalaman mo... so tinulak ko sya nun.. kaya nga ata ako iniwan kasi hindi ko binigay?!!" pagpapaliwanag nya at dahil sa pahayag nya di ko na napigilan ang sarili ko at binatukan ko sya! kung kanina naawa ako ngayon unti na lang at nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti na lang at walang ganun... "ARAY!! masakot yon Denzie Nicole!!!" sabi naman nya habang hinihimas ang ulo nya. "Gusto mo pa isa? para tumigil ka sa kakaiyak mo? gusto lang naman pala nun ung bagay na yun tapos iyak ka ng iyak dyan?! mas mabuti na pala un na niloko ka habang hindi pa nya nakukuha ung gusto nya sayo.. atleast nalaman mo na agad na hindi ka talaga nya mahal! Argh! masasapak ko un lalaki na un eh!" inis na sabi ko. "Ou na! hindi na nga ih! masakit lang talaga ung ginawa nya.. kasi minahal ko talaga sya ng totoo.. tapos ipagpapalit lang ako.. hay.." bigla namang lumungkot ulit ung boses nya. napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nya. nakita ko naman un, at alam kong minahal nya talaga un.. kaya nasasaktan din ako kanina pero siguro tama na to na nakita nya agad ung intensyon ng lalaki na un bago pa man may mangyari sa kanila.. atleast alam naming hindi sya talo.. "Hayaan mo na un.. malilimutan mo din un.. atleast wala kang talo diba? hehehe. Kain na lang talaga tayo. gutom na ko ih!" sabi ko sa kanya at hinimas pa ang likod nya. "Tama Tama! tara na nga! parang ewan to ih, ayaw na magdrama ko kahit unti!" sagot naman nya sakin.. alam kong hindi pa sya okay at may lungkot pa pero pinipilit na maging okay dahil ayaw nyang makitang nag aalala kami.. ganun din naman ako sa kanila kaya kahit nasasaktan na ko sa sinasabi nila tita sakin nakangiti lang ako sa kanila at nakikipagbiruan. Kumain na lang kami at nagpahangin sa ilalim ng puno.. at kumunta lang ng kumanta.. mahaba pa naman ang oras namin.. Sarap talaga dito.. Danica's POV Hay! asan na kaya ung dalawang un.. sana nakausap na ni Nics si Kimmy.. "Di ba natin sila susundan?" tanong ni Tally kaya napatingin ako sa kanya "Nope.. I know their fine naman. and Nicole can handle Kim very well.. mas nakikinig sya kay Nics kasi kami mag aaway lang. Hahaha" sabi ko kay Tally And That's actually true! when kim and i discussing something, we end up arguing and shouting. Lagi lang kaming sinasalo ni nicole, kaya di kami pwedeng magsama ni kim pag may mga dapat pag usapan or decision making kasi hahantong lang sa away.. "Ow.. kung sa bagay.. very neutral kasi si nicole and sincere sa mga sinasabi." sang ayon naman ni Tally "Yes! alam mong hindi ka inuuto at very matured pa sa buhay, even though we're 1 year older to her.." sagot ko naman kay Tally And that's a fact again! yes! Me, Kim and Tally are 1 year older to Nicole but she's the most matured to the 4 of us. she's the one who will analize the situation first, think on the solution SILENTLY. While kami, panic here and panic there.. Hahahahahaha "Hahahaha. Totoo yan! madami na din kasi syang pinagdaanan sa buhay diba? buti nga nakayaanan nya un eh. baka kung ako naging loner ako at baka sumunod na lang sa parents ko." malumanay na sabi ni Tally "Naku! kung maririnig ni Nicole yang line mo sasabihin lang nun 'Of course! kung hindi naman dahil sa inyo at kay mama, baka sumunod na lang ako kila mamang at papang pero andyan kayo ih kaya nakaya ko' i know her very well." natatawang sabi ko sa kanya Yan naman ung laging sinasabi ni Nics pag sinasabi naming malakas sya dahil kinaya nya un.. pero hindi nya alam na kaya din kami malakas kasi nakikita namin syang nagiging malakas. And the way Tita janice raise her, Wow lang talaga! Tita Janice loves her so much like her own. Kaya Nicole grow up a very strong, independent, kind, matured and beautiful woman. Ayaw lang nun pumayag pero saming magkakaibigan sya talaga amg pinaka maganda. Hindi lang maganda! sexy pa matalino! "Ay totoo yan.Napalaki din kasi ni Tita Janice ng maayos. Pero strikto ba si Tita ja?" Biglang tanong ni Tally kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. "Hm? what you mean?" balik kong tanong sa kanya Nag isip pa muna sya "Kasi diba? hindi pa nagkakaboyfriend si Nicole kaya natanong ko kung strikto ba si Tita Ja at hindi sya pinapayagan or sya lang talaga.." Hm.. actually high school pa lang kami madaming gustong manligaw sa kanya pero nirereject nya agad.. at first akala namin ni Kim bawal pa sya pero hindi pala, si Nicole mismo ang may ayaw.. gusto daw kasi nya once na nagkaboyfriend sya ayun na rin ung mapapangasawa nya. katulad raw nila Tita Ja at Tito mondy pati na din ni Mamang nya at ni Papang nya.. Kaya pati si Kuya Caleb kahit anong paramdam sa kanya ay hindi rin nagkakaroon ng pag asa kasi ayaw talaga ni Nics. and yes! alam kong may gusto ang kuya ko kay Nicole, okay lang naman sakin.. i know nicole very well and af course my kuya too kaya kung magkatuluyan sila! ay!!! I'm their number 1 supporter.. pero mukhang matagal pa un kasi nga si Nicole.. "No. si nicole ang may ayaw. actually Tita ja wants her to explore and do what teeangers do but of course with limitations.. pero si Nics talaga ang may ayaw. Mas okay na sa kanya ang magkulong sa kwarto, magbasa, gumawa ng kanta and syempre tumugtog." paliwanag ko kay Tally Tumango tango na lang sya at tinignan ang calligraphy nya... ako naman inaabangan ang tawag ni Nicole dahil alam ko pag okay na ung dalawa ay tatawag nga un.. pero sana nahanap agad ni Nicole si Kimmy at sana okay lang sya.. Idiot Danica malamang hindi sya okay kasi broken hearted. Kasi naman ih! pinagsabihan na! lagot talaga saking yan Shaun guy na yan! papabugbog ko sya kay Kuya Caleb and friends. Dumaan ang minuto at nagring nga ang phone ko.. pero ibang tao. Si Kuya Caleb. Kuya CD Calling......... "Yes Kuya?" sagot ko sa kanya sa kabilang linya [Anong ginawa mo na naman kagabi?] oh ow! ou nga pala! Hindi ako sa bahay umuwi kagabi. i know his mad.. "Wala naman kuya.. kila nicole kami matulog kagabi, she call you last night right?" sagot ko sa kanya at narinig ko namang bumuntong hininga. Yep! that's the sign na surrender na sya. Hahahaha. Nicole na ang usapan ih.. [Yeah. She did. pero sabi nya sinundo nya kayo.. kaya dun kayo matutulog but anyway are you okay?] mahinahon na ang kanyang boses "Yes kuya kasi nagkaproblema si Kim about dun sa boyfriend nya kaya nagkayayaan lang tas nagpasundo kami kay nicole kasi diba bilin mo samin na 'No driving' pag makainum.. so nagpasundo kami. also im alright! sa bahay na ko uuwi mamaya." nakangiti kong banggit sa kanya. [okay at ikaw bawas bawasan ang pag inum na bata ka. buti tumawag agad sakin si Nicole kaya nasabi ko agad kila mommy at daddy. kampante naman sila pag nakila nicole or kim ka.. so sunduin kita?] paliwanang nya laki talaga ng pasalamat ko kay Kuya CD! lagi akong pinagtatakpan kila mommy at daddy. Hahahaha "Ako ba talaga ang susunduin mo? Hahahaha. jk! No need na kuya, i have my car pero gusto mo bang sabihin ko kay Nics na susunduin mo sya? pwede naman." pang aasar ko sa kanya totoo naman kasi kunwari pa syang gusto akong sunduin.. si nicole naman talaga ang gustong makita. Hahahaha [Hahahahaha! you really know me baby sis! pero wag na.. i message her kanina may practice daw sya sa band so wag na.] naririnig ko pa syang tumatawa sa kabilang linya. See? sabi na ih! gusto lang talaga nya masigurado. Hahahaha. His concern about me pero paniguradong may side step un. Hahahaha "Sabi na ih! but for the record i'm not a baby anymore kuya.. stop calling me that way.." maarte kong sabi pero syempre hindi totoo na ayokong tawagin nya ko na baby sis.. Hahahaha. sarap kaya na baby ako ng kuya ko but i'm not a possessive sister na pag nagkagirlfriend ang kuya ih.. aawayin ung girl. Hahahahaha. bahala sya sa buhay nya humanap ng Girlfriend pero katulad nga ng sabi ko si Nicole ang gusto ni kuya kaya matagal na nung huli syang nagka girlfriend sya. [okay, okay! sabi mo ih.. basta ingat sa pag uwi at mag aral ng mabuti. i love you. bye!] pagpapaalam nya i just said my goodbyes and drop the phone call. and i check my messages.. kasi nakita kong nagtext si Nicole.. she sent me 5 messages. From: DN Nasa garden pa din kami. bahala ka dyan kung pupunta kayo.. ???? Nag usap na kami and i think she starting to move on. nakikipagkwentuhan na tungkol kay Sir Henry again. ? kumain na kami pareho. Pupunta ba kayo dito? Cassandra Danica? bakit busy ang line mo? sinong kausap mo? susumbong kita sa kuya mo. sasabihin ko may boyfriend ka na?! ?? Pakisagot madam? baka naman.. Nasa Garden kami. ?? Napairap na lang ako sa text nya. Sira ulo din talaga to minsan.. puring puri ko na kanina pero may saltik talaga tong babaeng to! isusumbong sa kuya ih! sya nga ung kausap ko. "Tally gurl! tapos ka na dyan? tara punta tayo garden, andun daw sila.." yaya ko kay tally at isinukbit na ung bag ko. "Ay sige tara!" nagstart na din syang ligpitin ang gamit at isukbit ang bag naglakad na lang kami papuntang garden na sinabi ni Nics.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD