Chapter 8

3292 Words
++++++++++++ Nicole's POV Pagkababa ko ng tawag sakto namang dating ni mama sa kwarto ko. "Anak. eto kape. baka gusto nila." sabi nya habang may dala dalang tray na may tasa ng kape. "Sige po ma. palagay na lang po dyan, ako na pong bahala sa kanila. pahinga na po kayo. Sorry. naistorba kayo.." sabi ko na patuloy pa din tinitignan ung tatlo. Nakatingin din sakin si Danica at ung dalawa naman nakahiga. "Im sorry.." sabi nya na yumuko pa. "hay! yaan mo na. gusto mo ng kape? para mawala ung yang pagkalasing mo." alok ko sa kanya ng kape at inabot un. "Salamat. di ko naman alam kasi na mag gaganto si kim, that shaun guy! humanda talaga sakin un!" sabi pa nya habang iniinum ung kape. "Hay! sinabihan na kasi sya ih!" sagot ko naman sa kanya habang nakatingin kay Kim. "I'm really sorry Nics! this won't happen again.. promise!" sabi naman nya at tumingin sakin. "Yes! Hindi na talaga mangyayari to kasi hindi na kayo magbabar hanggang hindi tayo nakakagraduate. understand?" sabi ko sa kanya at naupo sa lapag. "Yes! i promise! ahm.. we, promise! di na ko mag yayaya sa kanila." sabi nya pa na may pataas taas pa ng kamay "at kahit mag yaya sila, sasabihin ko hindi na pwede." dagdag nya naman. "Osige na.. tama na un. basta di na mauulit to. magpahinga na tayo at may pasok pa tayo bukas." sabi ko naman sa kanya at niyakap sya. Kinabukasan, ako na ung maagang gumising at naghanda ng pagkain naming lahat. di ko muna ginising sila Danica dahil alam kong may hangover ung mga un.. "Oh? good morning. nakapagluto ka na agad?" napalingon ako ng magsalita si mama. ngumiti ako sa kanya bago sumagot "Good morning din ma. opo tapos na, kain na po kayo. eto din po pala baon nyo." sabay abot sa kanya ng lunch nya na hinanda ko. "mukhang masarap ah! amoy pa lang ih!" sabi naman ni mama habang inaamoy amoy ang baunan nya. "Aba! masarap talaga yan ma! magaling kaya ung nagturo sakin.." ngiting sagot ko sa kanya.. "Good morning tita ja, hi nics" napalingon kami bigla sa nagsalita at nakita ko sila Danica, Kim at Tal. Tumaas lang ang kilay ko dahil nakahawak pa sila sa ulo nila at mukhang masakit un.. ayan! inom pa! "Good morning din sa inyong tatlo. okay lang ba kayo? masakit ang ulo? Nicole! gawan mo nga sila ng kape para naman mawala ung sakit." tanong ni mama sa kanila at utos naman sakin. bumuntong hininga muna ako bago tumalikod at ginawan sila ng kape at gatas. Hindi kasi umiinum si kim ng kape dahil madali syang nagpapalpitate. "oh! inumin nyo na. sakit ulo nyo?" abot ko sa kanila ng inimpla ko. Tumango naman sila "Inom pa!" dagdag ko sa kanila. hinampas naman ako sa braso ni mama "Ikaw talaga!" saway sakin ni mama " Hala! sige at kumain na kayo, hayaan nyo yan si Nicole, baka may dalaw." dagdag ni mama habang inaayos ung baon nya sa bag nya. "Ma! wala ah!" agad kong sagot sa kanya na ikinatawa lang nya. "aalis na kayo agad? almusal muna po. pumapayat kayo oh." sabi ko dahil na pansin kong sinuot na nya ung bag nya. Nagtatrabaho si mama sa isang Factory ng mga sapatos kaya minsan maganda ung mga sapatos ko kasi alam nya kung paano tumingin ng sapatos. "Ou anak, kay baka malate ako. kumain na kayo at maghanda para sa pagpasok." sagot nya at humalik na sa pisngi ko at nagwave sa mga kaibigan ko. "alis na ko ah. ingat kayo." "ingat din ma!" sigaw ko dahil parang nagmamadali talaga sya. hayaan mo na. baka talagang malelate na sya. binaling ko na lang ang tingin ko sa mga kaibigan kong nakaupo na sa hapag at inaantay ako. "So? anong oras ang klase mo Cassandra?" tanong ko sa kanya. di naman ako galit, gusto ko lang maguilty sila. HAHAHAHA "WAAAAH! nics! wag ka na magalet... di na ko uulit.. promise.." sabi ni Kim dahil alam nyang pag ganun ang tawag ko kay danica. galit ako.. "11am pa ang pasok ko. at wag mo na ngang pakabahin ung dalawa." saway sakin ni Danica. talaga to! papaiyakin ko pa si Kim at Tal ih! "yang babaeng yan! ay may problema pa yan." turo nya kay kim na yumuko naman. "Talaga to! panira!" inis na sabi ko sa kanya "sige na kumain na tayo, 9am lang naman ang pasok natin nuh?" sarcastic kong sabi sa kanila. "di ka galit? ilabyu na talaga! thank you sa pagsundo samin kagabi.." sabi naman ni tally na mukhang nakahinga ng maayos dahil hindi ako galit "yep! Hindi ako galit kahit muntikan na kong mapaaway dahil sa inyo. kaya tara na. may extra uniform ako dyan. may mga undergarments naman ako dyan na hindi pa gamit. bahala kayo kung gusto nyo." paalala ko sa kanila at nagsimula ng kumuha ganun din ang ginawa ni Tally at Dani, samantalang si kim, iniinum lang ang gatas at alam ko kung bakit. nagkatinginan na lang kami ni Dani.. "Ikaw. kumain ka na. kahit wala kang gana. mamaya natin pag usapan yang problema mo." sita ko sa kanya at pinaglagyan ng pagkain ang plato nya. gulat man sya, ngumiti lang ako sa kanya at tinuro ang plato nya. sinunod naman nya ang sinabi ko. Natapos kaming kumain, nagsiligo at umalis na agad dahil dadaanan namin ang mga gamit nila sa bahay nila. si Dani naman ipapahatid na lang daw sa driver nila. rich kid. hahahahha "okay! class we have a surprise quiz today. so sana nakapag aral kayo kagabi. para naman may maisagot kayo ngayon." sabi ng isa naming prof. "Hala! wala naman sinabi ih!" "Tange! kaya nga surprise ih.. di pa naman ako nag aral kagabi." "same tayo." agad namang magsiangalan ang mga kaklase ko nang marinig nila ung sinabi ni Mam. "Number 1." mas lalo silang nagmadali ng dahil sa narinig nila na un. "Get 1/2 yellow paper." dagdag ni mam at natawa na lang kami sa mga kaklase naming natataranta. "Sana may masagot ako.." rinig kong sabi ni Tal na binabatok batukan pa ang ulo. "Ayan! alak pa! HAHAHAHAHA" sabi ko na man na ikinanguso nya. Nangtignan ko si Kim tahimik lang syang may hawak na papel. Tinapik ko lang un balikat nya at nginitian sya. nagulat man ngumiti na lang din sya sakin. Alam kong may problema to dahil mga sa sinabi na ni Danica pero ang pinagtataka ko bakit ganyan sya.. marami na tong mga naging boyfriend kahit high school pa lang kami pero pagnakikipagbreak o niloloko sya para okay lang sa kanya. I mean hindi sya tumutulala o tumatahimik, pero ngayon.. alam kong may malalim pang dahilan. mamaya ko na lang aalamin. Nagquiz na nga kami at nakakatawa dahil kahit na nagrereklamo ung mga kaklase ko kanina, may nakaperfect score pa din at ung iba naman hindi naman bagsak. kaya kahit papaano ay natuwa samin ung prof namin. Lunch na at eto kami ngayon inaantay si Danica.. di ko pa din nakakausap si kim.. kasi kasama namin si Tally, gusto ko kaming dalawa lang para maikwento nya ng hindi nahihiya... "I'm here na! let's eat!" maarteng sabi ng kakarating lang na si Danica. "Anung kakainin natin? Kimmy.. you want something?" tanong nya pa. Umiling lang si Kim at parang sinasabing 'ayokong kumain. okay lang ako' look.. at biglang tumayo at naglakad paalis.. Nagtinginan muna kami nila Danica bago magsalita "Did the two of you talk?" baling sakin ni Danica. "Nope. kumain na kayo, susundan ko lang un at baka tumalon sa building ng school." paalam ko sa kanila at inayos na ang baunan ko. "sige na. magtatalo lang kami pag ako ang sumumod sa kanya. at isa pa.. mas nakikinig un sayo kesa sakin." sabi naman ni Danica at ngumiti. Nagpaalam na ko sa kanilang dalawa ni Tally at sinundan na si Kim.. hahanapin ko nga lang sya dahil madami kaming pinupuntahan pero bago un dumaan muna ko sa club na kabilang ako at nanghiram kila kuya myk ng gitara. babalik ko na lang pagtapos. "At asan ka na Lovely Kimberly.." bulong ko habang sinisipat sipat ang grounds.. napatingin naman ako sa pinakamataas na building ng school at maisip ko na umakyat dun at baka makita ko si Kim pag dun ako tumayo.. pero alam kong kahangalan un dahil di naman makikita ang buong school gamit un peri ginawa ko pa din.. "Hay! Kimberly! asan ka ba?!" unti unti na kong naiinis dahil mainit at mabigat ang dala ko. hay... sinabi na kasing tigilan na yang shaun na yan ih! di kasi naniwala.. FLASHBACK Nakaupo kami ngayon sa grounds ni Tally dahil bukod sa vacant time namin sabi ni kim antayin daw namin sya dito dahil may ipapakilala daw sya samin.. bagong boyfriend na naman nya siguro to. sa loob ng halos dalawang taon namin sa college. itong bruha na to laging may pinapakilala samin ih. "Ayun na sya Nics!" agaw atensyon na sigaw ni Tally. agad naman akong napatingin sa tinuturo nya at ayun nga ang bruha! may kasama na naman na lalaki at mukhang hindi ko gusto ang tabas ng mukha nito pero ayokong manjudge agad. "Mukhang hindi ko magugustuhan ang bagong papi ni Kimmy ah.." naiiling na sabi ni Tally. well! di ko sya masisisi kasi kahit ako diba.. "baka naman ung mukha lang pero pag nakausap na natin baka iba pala.. Don't n't judge the book by it's cover.. remember?" "wow! sayo talaga nanggaling yan ah! HAHAHAHA. eh! kanina pa nakataas yang kilay mo.. HAHAHAHA" natatawang sabi ni Tally. Wala sa sarili ko namang hinawakan ang kilay ko at shekla! nakataas nga. Hahahaha. nagpeace sign lang ako kay Tally na tuloy lang sa pagtawa.. "Hoy! anong pinag uusapan at pinagtatawanan nyo?" nagulat pa kami bahagya ni Tally ng magsalita sa gilid namin si Kim. Nakataas ang kilay nito pero nakangiti sya samin. "Wala naman. Bakit inggit ka?" nakataas din at nakangiti kong sabi sa kanya, sabay baling sa katabi nya "Sino ka?" "Ahm! Guys.. meet Shaun, boyfriend ko." pagmamalaki nya samin.. "Ow.. Hi! Krystal" pakilala naman ni Tal sabay abot ng kamay nya dun sya Shaun. "Hi. nice to meet you." sagot naman ni shaun kanya sabay baling sakin "Hi, Nicole Here." pakilala ko sa sarili ko sabay ngiti. Alam ni Kim na may iba kaming iniisip pero hinahayaan nya lang dahil alam nyang hindi naman namin sasabihin un. "So Babe. i need to go, my classmates are waiting for me." paalam naman nito kay Kim Nginitian lang ito ni kim " Sige. Nakilala mo na naman ung mga kaibigan ko. Kita na pang tayo later." tumango lang ito at nagpaalam samin tapos umalis na papunta ata sa mga kaibigan nya. "so kelan naman naging kayo nyan ni Shaun at kelan ka pa may manliligaw?" tanong ko ng tuluyan ng makaalis ung jowa nya. "kahapon lang... atska di ko naman makwento kasi feeling ko lagi kang busy" sagot nya ng nakanguso.. "anong course ulit ni shaun?" tanung ni krystal habang hinahanda na ung pagkain nya. "Engineering. Electrical Engineer.." kinikilig namang sagot ni Kim "Ah! ingat ka sabi nila mga engineer daw magaling magghost at madali daw magsawa. HAHAHAHAHA! Charot!" natatawang sabi ni Krystal na ikinakunot naman ng noo ni Kim "Apaka nito! iba sa kanila si Shaun nuh?! atska di naman totoo un." bwuelta naman ni Kim "Hay naku! kumain na nga lang tayo!" Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Kim. As i've observe her mukhang tinamaan talaga kay Shaun ih. "Basta di ako tutol dyan. Basta ingat lang at siguradihin mong di mo mapapabayaan ang pag aaral mo." sabi ko na lang at inayos na ung pagkain ko din. "at kung may problema ka, dito lang kami. okay? subukan mong magsekreto?! makakakita ka ng angels" paalala ko pa sa kanya "Awww... Thank you Nics! labyu! Hahahahaha" tumatalon talon pang sabi ni Kim at yumakap pa sakin Lumipas ang 2 Buwan. at napapansin kong itong si Kim na bukod sa busy sa Org na sinalihan namin, nagiging busy din kay Shaun. Kaya naman minsan kaming dalawa lang ni Danica ang magkasama dahil busy din sa org si Tally. katulad ngayon nasa grounds kaming dalawa ni Danica at tinitignan ung mga student na naglalakad lakad at syempre nakatambay na din.. Hanggang sa nabaling ung atensyon namin dun isang grupo ng mga lalaki na may mga kaakbay na babae.. at nung pakatitigan namin! sabay kaming napatingin sa isa't isa at alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak ni Danica. "I'll call Kimberly right now! itatanong ko kung asan sya?!" inis na sabi Danica at alam kong gustong gusto na nyang sugurin si Shaun pero nagpipigil lang dahil alam naming magagalit si Kim samin pag nangyari un. "Hello! asan ka?" agad na tanong nya ng sagutin ni Kim ung tawag [asa meeting ng org ko. bakit? miss mo na ko? daig mo pa jowa ko ah!] natatawang sabi naman ni Kim paniguradong hindi nya talaga alam ang ginagawa ng Boyfriend nyang magaling! Bumunting hininga na lang ako sa sagot nya. Anong namimiss, ih! busy sa babae nya! buti na lang nakaloudspeaker ung tawag. "kami lang nakakamiss sayo, hindi ang boyfriend mo!" mahinang sabi ko at umirap. natawa naman si Danica pero halatang naiinis pa din. "Asan ang boyfriend mo? alam mo ba kung asan sya?!" tanong ni danica sa kausap nya. [why? don't tell me type ko si shaun?! naku danica! sasakalin talaga kita!] naiinis na sabi ni Kim "Gaga! ayoko sa jowa mo! manlo- masyadong gwapo!" sarkastikong sabi ni Danica. [oh? eh? bakit ka ba napatawag. bilisan at mag sstart na kami ng meeting.] iritable naman sabi ni Kim kaya kinuha ko na ung phone ni Danica at Sinagot ang tanong ni Kim "Tanga! ung jowa mo niloloko ka! andito kami sa grounds at kitang kita namin mag kaflirting ung jowa mong pinagmamalaki! bye!" Iritable ko din sabi at pinatay ung tawag. Bahala syang mag isip o magalit basta sinabi lang namin ung nakikita namin. Pinikturan pa nga ni Danica para daw may proof. ah! bahala sya kung maniniwala sya o hindi. "Hahahahaha! You're so bad! bat naman pinatay mo agad? Hahahaha" natatawang sabi ni Danica ng iaabot ko savkanya ung phone nya. umirap na lang ako at di pinansin ung tawa nya naiirita pa din ako kay kim! pag kasi jowa nya ung kausap nya akala mo hindi makabasag pinggan. nabalik na lang ulit ung titig ko dun sa grupo ni shaun at nagulat kami ng nakatitig pala samin ang g*go! nakasmirk pa ang loko! "Sinasabi ko nga sayo kaflirt nya yan! may pakiss kiss pa yan sa pisngi ng babae! tungin mo kaibigan lang un? walang kaibigan na ganun Kimberly!" paliwanang ko kay Kim andito kami ngayon kila Danica dahil nagyaya ung isa ng meryenda at since magkakasabay kami. sa kotse pa lang pinapaliwanag ko na sa kanya ung nasa picture na pinakita namin ni Danica. "kaibigan nya nga lang un.. nakilala ko na un. kayo lang tong nag iisip ng malisya kay Shaun.." balik nya sa amin. "Argh! how many times na naming sinabi sayo na SHAUN IS FLIRTING THAT GIRL!!!" sigaw ni Danica kay Kim "At ilang beses ko na din sinabi sa inyo na KAIBIGAN NYA LANG SI FRANCINE!" balik na sigaw ni Kim samin "Bakit kayo nagsisigawan?!" naputol ang sigawan namin ng marinig namin ang galit na boses ni Kuya Daniel. Nagtitigan muna kami nila kim at danica. at pare pareho kaming di nagsalita. "So walang magpapaliwanag kung bakit kayo nagsisigawan?" nakataas kilay na tanong ni Kiya Niel "Wala kuya. we're just discussing something at hindi kami nagkasundo. Akala ko nasa office ka?" sagot naman ni Danica Mukhang hindi sya kumbinsido sa sinabi ng Kapatid nya kaya tumingin sya sakin at nagtatanong.. Huminga muna ko ng malalim bago magsalita "kinakausap lang namin si Kim about sa BAGO nyang boyfriend. at hindi kami nagkakaintindihan kaya tumataas ang boses namin. sorry... naistorbo ka ata namin." ipinag diinan ko talaga ung bago para dama. at napansin ko kasing nakapambahay lang sya at medyo magulo pa at mukhang kakagaling lang sa tulog. "May bago na naman?" mukhang nagulat sya at tinitigan si Kim "Kuya naman ih..." maktil ni Kim "Okay.. sorry. i'm just surprise.." he just immediately apologize to Kim at binaling uli samin ni Danica ang tingin. " Oh? ano naman kung Bago sya. may problema ba dun?" "See! kahit si kuya daniel, sinasabing walang problema kay shaun." at parang nakahanap ng kakampi si Kim kay Niel! Mas lalo tuloy nag iinit ang ulo ko! "Hindi naman ung pagkakaroon nya ng bagong boyfriend ung pinoproblema namin ih!" sagot ko na medyo tumaas ang boses. kaya nagulat ung dalawa "Ih ano ba? at bakit pati sakin nagagalit ka?" parang natakot si Neil dahil sa sinabi ko. "Kasi naman nakikisali ka dyan, tapos kakampihan mo pa yang si Kimberly!" sagot ko sa pinakairitableng boses ko... napakamot naman si Niel sa batok nya at tumingin kay Kim. "Ikaw kasi ih! nadamay pa tuloy ako.. galit na sakin.." pabulong pero naririnig naman namin "Kasi naman kuya daniel! sabi nila nakikipagflirt daw ung boyfriend ko sa kaibigan nyang babae." nakangusong sumbong ni Kim "Ih! totoo naman talaga ah! Eto ung picture oh! see for yourself!" naiinis na din na sabi ni Danica Kinuha naman un ni Niel at tinignan. kitang kita dun sa picture na nakikipaglandian ung shaun na un sa babaeng un.. "Whoa! this is alarming Kim.. You should talk to that guy... friend never kiss a friend like this..." sabi naman ni Niel at tumingin pa kay Kim "And that's exactly our point! see! even kuya know na hindi tama un?!" sabi naman nitong danica kay Kim at paturo turo pa. "Magkaibigan nga lang sila!!! Ang kulit nyo!" pagtataray ni Kim sa magkapatid. napabuntong hininga naman si Niel at tumingin sakin. "San nyo ba nakita yang lalaki na yan?" "sa grounds nga! ang kulit naman ih!" iritable ko pa ding sabi sa kanya. naiinis pa din ako sa kanya. sabay baling ko kay Kim "ikaw! bahala ka. see it for yourself basta sinasabi lang namin ung nakita namin and please! mag ingat ka.. wag kang mahulog ng todo dyan sa lalaki na yan. magreserve ka para sa sarili mo... Masisira pa tayo dahil dyan sa lalaki na yan.. tsk!" mahabang paalala ko kay Kim Nakatingin lang sila sakin at biglang tinakbo ni Kim ung layo namin ni Danica at yumakap. "Aalalahanin ko yang bilin nyo.. lab ko kayong dalawa..." "Sus! magkakaayos din naman pala... inistorbo pa ko sa pagtulog.." kamot ulong sabi ni Niel. "Sino ba kasing nagsabing magising ka o bumaba ka dahil narinig mo kaming nagsisigawan?" sarkastikong sagot ni Kim sa kanya. "Aba at talaga na-" di na nya matapos ang sinasabi ng simingit ako. "ou nga! kasalanan ba namin un.. kahit naman marinig mo kami dapat tinuloy mo na lang ung tulog mo." pagtataray na sabi ko sa kanya. "Ou nga kuya dear.. sana natulog ka na lang ulit... you know naman us, magkakaayos din later on.." maarteng sabi ni Danica "let's go to my room, Let's go movie marathon.." yaya samin ni Danica at nagpauna pang pumunta ng kusina dahil kukuha daw muna ng pagkain. "Ano okay na kayo? grabe talaga tong mga babae na to!" kamot ulong sabi ni Neil Tumingin muna ko sa kanya at inirapan sya.. "Alam mo! matulog ka na lang ulit kesa dada ka ng dada dyan.." tapos sumunod na kay Danica "Bye kuya Daniel!" paalam naman ni Kim "Hey! Nics! Galit ka pa din... sorry na. okay na naman kayo ni Kim ih..." sigaw nya pero di ko sya pinansin.. Sa ngayon okay na kami nila Kim, ganto lang naman kami. basta binalaan na namin sya.. pagnagkaaberya.. Dadamayan na lang namin at babantayan. END OF FLASHBACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD