Chapter 10

2495 Words
NICOLE Nandito pa din kami ni Kim sa garden dahil nga 2hrs vacant kami, matagal tagal pa. Di ko alam kung pumasok na si Danica sa klase nya kasi alam ko 1hr lang ung vacant nun e. Kanina ko pa kasi sya tinatawagan tas busy ung line.. tinext ko na din pero walang response. Pag talaga nalaman kong may boyfriend na sya isusumbong ko sya kay kuya niel. And speaking of kuya niel, tinext ako nun kanina kung pwede daw na sunduin ako sabi ko may practice ako ng band, which is meron talaga.. "Ang tagal naman nung dalawa." inip na sabi ni Kim "baka pumasok na si Danica kaya hindi alam ni Tally o kaya naman si tally pala magpunta ng Org nya." paliwanag ko sa kanya nag isip naman sya at tumango, ilang minuto lang ay may naramdaman na kaming mga paa na naglalakad. nakita naman namin sila Tally at Danica.. "oh? bat andito ka pa? akala ko 1hr lang vacant mo? di na nga ako nagexpect na pupunta ka ih!" sigaw naman ni Kim kay danica. "Why? what time is it na ba?" sagot nito sabay baling sa relo nya "Oh! fvcking s**t! late na pala ako! ito kasi arte arte, alis alis pa sa cafeteria! argh! late na ko ng 20 mins." maktol pa nito. "At bakit ako pa ang sinisisi mo? ih ikaw itong hindi marunong tumingin sa orasan." bwelta naman nitong isa. Hay! sana pala hindi ko na sila pinapunta, mag aaway na naman tong dalawa. pero teka! ou nga nuh? dapat nasa klase na sya. wala namang 20 mins ang palalakad mula cafeteria hanggang dito. so kanina pa sya late? Nakita ko naman sasagot agad si Danica kaya pumagitna na ako. "Teka nga!" awat ko sa namumuo nilang sagutan "pareho lang naman kayo ih. ikaw? bakit kasi umalis ka pa sa cafeteria.. at ikaw? bakit kasi hindi ka tumingin sa orasan mo." tinuturo turo ko pa sila habang sinasabi ung line ko. "ih kasi nga gusto mo magdrama!! pero di naman pala dapat." sagot ni Kim "ih kasi inaantay ko ung tawag o text mo. tas tawag din sakin si Kuya Caleb kaya nakalimutan ko." sagot naman ni Danica Tango lang ang naging sagot ko at tinignan si Tally na tahimik kaming tinatawanan. "Wag kang tumawa tawa dyan. di mo pinaalala dito na may pasok sya. loko!" sabi ko sa kanya na nakatawa tawa din "Hahahaha. cute nyo kasi! anyway nawala din sa isip mo kasi ng Calligraphy ako at drawing.. hehehe. sorry" nag peace sign pa. "oh! so lahat tayo may kasalanan.. so wag ka ng pumasok kasi late ka na din. Hahahahaha. di na din kaya kami papasok?" sabi ko naman sa kanila at agad na umalma ang babaeng broken hearted "Hey! hindi pwede! kay Sir Henry ung next subject natin nuh? nawalan na nga ako ng bf, di ko pa makikita ung crush ko. wag ganun?!" "Wow! broken hearted ka ba talaga? landi pa din ah! at ano ang lagay ako lang?! dapat pati kayo!" sabi naman nitong isa kami naman ni tally nagkatinginan lang at napangiwi.. "Hay naku! bahala ka dyan basta ako papasok kay bebe henry.." sabi naman nitong isa "ayan! kaya ka nasasaktan kasi puro ka bebe." bwelta nitong isa na ikinalungkot ni Kim "Danica! that's below the belt." saway ko sa kanya dahil nakita kong nangingilid na naman ang luha nitong si kim parang natauhan naman si Danica at agad na lumapit kay Kim.. "uy! kimmy.. i didn't mean that.. sorry.. hala! don't cry na.. i'm sorry.. im just upset kasi hindi ako nakapasok pero hindi naman kita sinisisi.. alam mo namang joke lang un.. Hey... sorry na... don't worry.. susumbong ko si Shaun kay kuya tas papabugbog natin sya kila kuya and friends..." pag aamo nya dito, nagsimula na kasing umiyak ulit si kim "okay lang gaga! medyo sensitive pa ako kaya naiiyak ako ngayon.. sorry.." sagot naman nito kay Danica Nagyakapan lang sila at tumahan na din si kim. Natawa na lang ako sa dalawang to. napatingin ako kay tally na hindi na napigilan ang pagtawa at nakiyakap na din sa dalawa.. mukhang silang ewan, pero kahit ganyang yang tatlo na yan. Mahal ko yan, sila at si Mama ang naging pamilya ko nung panahon na walang tumatanggap sakin. Kaya kahit anong mangyari ayokong may masaktan sa kanila... lalo na si mama.. Kumusta na kaya un.. minsan napapansin ko namumutla at medyo hinahapo sya na bbother na ko sa nangyayari sa kanya ih. baka may sakit sya hindi nya lang sinasabi dahil kilala ko un si mama, mas uunahin nun ang kapakanan ko bago sya.. "Hoy! ano daydreaming? ayaw sumama sa group hug?"Naputol ang pag iisip ko dahil sa sigaw ni Tal. agad naman akong lumapit at yumakap sa kanila. "Ang drama naman ng mga to. HAHAHAHAHAHA" sabi ko sa kanila at mas hinigpitan pa ang yakap.. "KJ ka din talaga nuh? Hay! sana kahit magtrabaho na tayo magkakasama pa din o kaya naman. pagwalang pasok, mag get together tayo! diba masaya un?!" excited na sabi ni Tal. "Grabe Krystal! 2nd year pa lang tayo tapos tapos trabaho agad?! isipin muna natin kung papasa tayo sa midterm nuh? hahahahahaha" sabi ni kim na ikinatawa naming lahat! "Ay!! tama! buti sana kung kasing talino tayo ni Nicole na sure na papasa agad.." balik naman ni Tal. "Mga sira ulo to! sinong matalino? hahahahaha. pinapalad lang kaya ganun." sagot ko naman sa kanila "Wow! sana all laging pinapalad." singit ni Danica na sinangayunan naman ng dalawa Nagstay lang kami dun hanggang sa malapit na magbell kaya nagsipuntahan na kami sa Building namin. Gusto sana naming ihatid si Danica kasi sabi nya wag na daw at baka kami naman daw amg malate. pagpasok namin ng room wala pa si Sir Henry at ung mga classmates namin na babae nagpapaganda na pati mga binabae. Hahahaha. akala talaga nila mapapansin sila ni Sir. Dumating na si Sir at bahagya pang nagulat dahil sa mga kaklase namin. "Good Afternoon guys! san ang Beauty Pageant at halos lahat kayo nakamake up." natatawang bati samin ni Sir. "Papaganda sila para sayo sir!" "Hindi Beauty pageant sir, Gay Pageant po. HAHAHAHAHAHA" "Ha! talaga? nakakatawa un?" "Ou bakit?!" Reaction at sagutan ng mga classmates ko. natatawa na lang kami at ganun din si Sir. "Okay! calm down na guys." natatawa pa din si sir. "okay lang na mag make up kayo but plaese next time wag naman makapal at para kayong sinampal o kinagat ng bubuyog sa pisngi at labi. okay na ung simple parang sila..." mahabang paliwanag ni sir at parang may hinahanap. "Ayan sila Irine, Claire, Krystal, Kimberly at Nicole" sabi ni sir at pinasadahan kami ng mga tingin "Ayan! ayan ang magaganda! walang make up!" "Ay so true naman sir! yang 5 marias na yan ang pinagmamalaki ng Block namin nuh?!" "Sir naman! wala kaming laban sa ganda ng 5 na yan!" sabi naman ng mga kaklase naman kahit ung mga nakamake up pa. Napayuko na lang kami maliban kay Kim. "Ay! salamat sir! ganda ko diba? ay namin pala.." sabi nya at nahihiya hiya pa.. alam ko BH to ih?! anyare? "Wow! bilis magshift ng mood ah. HAHAHAHAHA" natatawa tawang sabi ni Tal. natawa na din ako kasi biglang ngumuso si Kim "Yes. maganda naman talaga kayo. actually lahat kayo kaya no need ng make up." sabay ngiti ni sir saming lahat "okay! start na tayo." at magdiscuss na nga po ang aming professor. focus lang pero minsan tinitignan ko si Kim.. chineck ko kung anong ginagawa.. "So okay! Since ang Subject nyo sakin ay about Marketing Strategiesand Application.. i'll group you into 5 person and you will research some companies here in manila and titinignan nyo kung gaano ka effective ung strategies na ginagawa nila para mapalago o lumawak ung market nila." paliwanag ni Sir. Teka! parang mahirap un ah! "Sir! for midterm na po ba to or pang activity lang?" tanong ni Gab. "Actually, No Midterm! Hehehe. That will be your Finals for my Subject. Dahil medyo mahirap ang ipapagawa ko." nakangiting sabi ni sir. Ah! so wala midterm kasi ito na ung finals namin.. magaling! "So katulad nga ng sinabi ko magreresearch kayo ng Companies na andito lang sa Manila and you will record all their strategies and how they apply it to their market." nginitian nya pa kami "and after nyo igather lahat ng infos and strategies ng Company na napili nyo, iccompile nyo sya into bookbind and after nyong ibind, pipili kayo ng pinaka naging effective nilang strategy and the leader or kung sino man sa group nyo ay irereprt dito sa harap ung napili nila. " dagdag pa ni Sir Henry Nagtaas na ko ng kamay at sinenyasan nman ako ni sir na igo ung tanong ko. "Sir! choice din po ba namin kung mag iinterview po kami or required po?" tanong ko at nagtanguan naman ung mga classmate ko. "Good question. actually pinag iisipan ko pa kung irerequired ko ang interview siguro ganto na lang, ipapasa nyo naman sakin for correction ung gagawin nyo, bago nyo ibind at ireport dito sa harap. so titignan ko if the group will need to interview the markering head or no need na. Kung maayos ang pagkaka gawa at maiintindihan agad, no need ng interview pero kung na kukulangan ako at need ko ng other explanation then irerequired ko. Okay? nag kakaintindihan ba tayo?" mahabang explanation ni Sir Tumango tango na lang kami para ipagpatuloy ni Sir ung paliwanag nya. "So bukas ko na sasabihin ung groupings at ako na din ang mag aasign ng Leader nyo para naman wala ng pilitan na magaganap. Also mag search na kayo ng mga Companies na pwede nyong pag usapan sa group nyo hukas.. So that's all for today. Goodbye. see you tomorrow." Paalam samin ni Sir at lumabas na sya. dumating na ang sunod naming prof at discuss lang ulit at ipinaalala na mag aral kami for our midterm.. hay! sakit sa ulo! Uwian na pero di pa ko pwede umuwi kasi may meeting kami ng Adhika Band. kaya naman nahiwalay ako sa kanila at nagpunta sa HQ ng Musikalista Org. Dahan dahan akong pumasok at nakita ko na sila Kuya Myk at Marky naka upo pabilog kaya naman, ibinalik ko muna sa dating lalagyan ung gitara nahiniram ko. napansin naman nila ako agad at nilingon.. "uy! andyan ka na pala hija maldita! Hahahaha" sabi ni kuya myk na natatawa pa. Si kuya myk ang leader ng banda namin, sya din ang lead vocalist at lead guitar namin, matnda sya sakin ng dalawang taon pero alam ko kayear nya lang din sila marky. Si marky naman keyboardista namin at sub vocal pareho kami. Wala pa ung dalawa pero siguro maya maya andito na un.. "Bakit may maldita kuya, hindi naman ako maldita ah.." sabi ko sa kanya at lumapit na din "wala lang.. para rhym. Hahahaha. diba marky?" sagot nito sabay tapik sa katabi nito. "ou na lang, bahala ka dyan. Hahahahaha. Hi Nicole! kumusta ang araw mo prinsesa ng banda?" sabi nito at inakbayan pa ko. matanda lang sya sakin ngi isang taon parang sila Kim kaya komportable din ako sa kanya. sa kanila pala actually kahit nag iisa akong babae sa banda tuwing magkikita at mag uusap usap kami tungkol sa banda, hindi nila ipinaparamdam sakin na wala akong karapatan para magsalita. minsan sila pa nagtatanong ng suggestion ko or kung may idea ako. kaya naging komportable agad ako sa kanila.. "Hm.. oks lang naman, medyo masakit lang sa ulo kasi wala atang prof ang hindi nag paalala sa midterm. Hahahaha" sagot ko sa kanya na natawa na din "Sa inyo din! ang grabe samin din.. akala naman nila may magagawa ung pagpapaalala nila sa pag pasa natin." singit ni kuya myk at tumingin sa pinto dahil narinig naming bumukas un. niluwa nun sila Jacob at Andrew.. Si jacob ang bassist namin at si Andrew naman ang drummer namin kasing edad nila si marky. "Waaaah! naunahan mo kami Binibini! apaka bagal kasi nung prof naming umalis ih!" maktol na sabi ni Andrew sabay pabagsak na umupo sa upuan. "So what kung naunahan tayo ni Nicole? apaka OA naman mo drew." sabi naman ni Jacob. "Hi Nics! kumusta?" bati nito sakin at nakipag apir pa sakin tinanggap ko naman un "syempre dapat ang babae hindi pinag aantay! at marky bakit nakaakbay ka kay Nicole?" sagot naman nya at ska pilit na inalis ang kamay ni Marky sa balikat ko Inalis naman din agad ni marky un at umayos na ng upo dahil kuya myk clear his throat meaning mag uumpisa na ung meeting namin. "So kumusta ang pag aaral? Hahahaha. Nakakapagod nuh? ang sakit sa ulo. anyway! kumusta ang usapan natin kanta?" pauna ni kuya myk at nagtinginan na lang kaming apat "s**t! ou nga pala! nakalimutan ko na un!" histerikal naman na sagot ni Andrew "Wag kang mag alala hindi na ko umaasa na meron ka Ands kasi yan ung lagi mong sinasabi." bweltang sagot naman ni Kuya myk. "grabe! ang harsh ah! paano kung magbibiro lang ako tas meron naman pala?! pero wag na wala naman talaga. HAHAAHAHHA" natatawang sabi pa nito Binatukan naman agad sya ni Jacob kaya natawa na kaming lahat, dahil nag umpisa na silang magsagutan. "Tigil na uy! balik tayo sa usapan.. so sinong may kanta sa inyo? sabihin nyo agad ah. kasi may sinabi ang Student Council nung nakaraan na nagmtg kami, may activity ata na gagawin after ng midterm ata.. wait! bakit ako nag eexplain dito dapat si Nics kasi secretary sya ng Kinaaadman Council may mga notes to!" sabi nya at tinuro pa ko "Ay ou nga nuh?! ikaw mag explain! bilis! ang tagal Nicole!" singit naman ni Andrew na para akala mo ay inip na inip na mag aantay Inambahan naman sya ni Marky ng batok pero di nya tinuloy. "Ahm.. wait lang." sabi ko at kinuha ung notes ko na gamit nung nagkaroon ng meeting.. ou nga pala at may paFestival Kuno tong school namin na pakana ng mga Student Council, dapat daw para mas mag enjoy ang student.. ano to? highschool? pero okay lang naman kasi un din naman talaga ang gusto ko ang ienjoy ang college at wag puro aral. habang kinukuha ko ung notes ko. biglang may mga pumasok na mga tao at un ung ibang banda may meeting din ata sila. Lima kasi kaming banda ng Musikalista bukod pa dun ung mga solohista. Lightbulb Band, Revel Band, TLC Band, RGB Band at Kami ang Adhika Band. Nagulat pa sila ng makita nila kaming nakaupo ng pabilog.. pero nag ngitian din. Close naman namin halos lahat maliban lang sa Revel Band.. i mean some of their members inaaway kami lalo na ko kasi naman kasama ko si Marky sa Banda.. Type ata nya. Hahahaha. edi sana dito sya nag audition. Hmp! ------------------------------- A/N : ang hirap mag isip ng pangalan ng Banda! Hahahaha. please paki pagtyagaan na lang. Salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD