Chapter 5

1952 Words
Nicole's POV Nag umpisa na kong magplucking at sabayan ang kanta. pinikit ko lang ung mata ko ng kantahin ko na ung unang line ng kanta ko. And yes it's dedicated for my mom.. Mama Janice is not my real mom but she treats me as her own. Hindi n'ya pinaramdam na ampon lang ako at hindi n'ya kamag anak kahit galit sakin ung pamilya ni Papa Mondy at ung pamilya n'ya. hindi s'ya nagpatinag at inalagaan ako kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa kan'ya. napamulat ako at napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin lang sakin na nakangiti, ung iba naman parang naamaze sa naririnig nila. ako, inanamnam ko lang ung kanta. napatingin ako kay Kim na nakathumbs up at teary eye. Alam nila ni Danica ang kwento ko kaya gan'yan yan. at tinapos ko ang kanta ko sa isang stram.. 'di man ako humihiling ng palakpak pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil binigyan nila ko nun. "Thank you po. pasens'ya na kung may mga mali," sabay kamot ko sa ulo ko habang nagpapasalamat. "grabe! may lapse pa un? ang ganda na nga ih!" "namiss ko tuloy si mama kahit lagi naman kaming magkasama." "Sir! pwede ba tumawag sa nanay ko ngayon? kakamustahin ko lang." Sabi ng mga kaklase ko. natawa naman ako ng unti kasi naman ih... "Actually that's exactly what I want to do, call my mom and ask if she's doing good. Salamat sa kantang yan Ms. Ferrer, lahat ata kami ay namiss ang parents dahil sa kanta mo," komento ni Sir na nakangiti. "Salamat po, Sir," saad mo at yumuko pa. "No, Thanks to you. pwede bang irecord mo yan, I want my friends to hear that song of yours," saad n'ya at ngumiti l, tanging ngiti na lang din ang nasagot ko sa kan'ya. "iba din magpakitang gilas!" sabi ni Tala na pumapalakpak palakpak pa. "Sabi sayo ih! mamalasin sila pag di nila narinig boses mo!" sabi naman ni Kim. "Mga baliw," saad mo naman at naupo na sa pwesto ko. Nagtuloy pa nga ang activity namin at nang matapos na. "Okay! Thank you sa inyong lahat na nag participate. I really appreciate it kahit na gasgas na gasgas na ang activity natin kanina," saad ni Sir ng matapos ang last student. "ayoko munang maglecture sa inyo. ngayong araw let us all enjoy our time. pero hindi ibig sabihin na wala akong maituturo sa inyo. ayoko lang talagang magturo pa dahil it's just 3 days since nagstart ang class." paliwanag n'ya samin. may point naman si Sir. "tapos bibigyan ko agad kayo ng quiz, lecture, exam and pressure." "I once was a student and I don't want pressure and stress. Hindi ko din balak gayahin ang Prof ko na nagpaexam sa first day n'ya," mahaba at natatawa n'yang paliwanag. grabe! first day magpaexam?! anong alam ng estudyante nun. Buti na lang mababait ung Prof namin ngayon at walang ganung ganap. "So tomorrow we will start our formal discussion. I expect all of you na mag advance reading kung kaya. para medyo mabilis ang discussion natin, understand?" pagtatapos na sabi ni Sir Henry. "Okay! Goodbye to all of you." pagpapaalam n'ya habang nililigpit ang gamit. Akala ko aalis na si Sir nang biglang tawagin n'ya ang pangalan ko. "And oh! before I forgot. Ms. Ferrer the record of your song pakibigay sa office ko mamaya. I'll wait for that. bye guys!" at tuluyan na nga s'yang umalis. "Special mention ang pangalan bruha! wag mong sabihing aagawan mo pa ko. may Kuya Daniel ka na!" sabi ni Kim na walang preno ang bibig! "sabi ko na type ka ni Kuya Daniel!" singit naman ni Tala. hay naku! "Pinagsasabi n'yo?!" sagot ko lang sa kanila na dapat naman ay sasagutin ni Kim pero may dumating ng prof kaya natahimik na kami. —------------ "Hey! Bring back our dear Nicole into reality!" nawala naman ako sa pag iisip dahil sa salita ni Danica. "Ano bang iniisip mo at di namin maabot?" dagdag tanong n'ya. "ay naku! iniisip n'yan ung sinabi ni sir na irerecord ung kanta n'ya," saad ni Tala "really?! you sing? your own song? omg! I want to hear that song, Nics! Hindi pwedeng hindi. 1 hr ang vacant ko kaya pwedeng pwede mong iparinig yan while you recording it," masiglang sabi naman ni Danica. "Okay lang ba talagang irecord ko? parang nakakahiya," saad ko naman na pinaglalaruan ang kutsara ko. "Of course, it's okay! si Sir na nga mismo ang nagsabi diba? opportunity ko na un para makita si sir ulit!" sabi ni Kim na nakatingin pa sa taas. Tumaas naman agad ang kilay ni Danica at Tala. "Really YOUR opportunity not NICOLE's?" mataray na sabi ni Dani "Ay! sorry oo nga, sayo pala!" natatawang saad ni Kim na parang wala lang sa kan'ya ang pagtataray ni Dani. "Kain na tayo! maya na lang natin isipin un. Gutom na ko," saad ko sa kanila Panigurado kasing hindi titigil yang si Danica at Kim sa rambulan habang ang Tala tawa lang nang tawa. Naiiling na lang naman ako sa kanila. pag talaga etong dalawa ng sama! sabog ang buong pagkatao ko. "So what's your decision, Nics?" inip na tanong Danica. "Unting oras na lang natitira sa vacant ko... parinig na ko.." dagdag pa n'ya. "Oo na, sige na. Tara record na natin," sagot ko sa kan'ya at pumunta sa medyo tahimik na lugar para maganda din ung recording. —------------- "Waaaah! I want to call mommy because of this song!" sabi ni Danica after kong irecord ung kanta. Buti na lang kanina pinapakinggan n'ya lang at hindi nagsasalita.. "Tara na! ibigay na natin to kay Sir Henry at ikaw?! pumasok ka na sa next class mo," nakangiting sabi ko na lang sa kan'ya at niyaya na nga ung dalawa pumunta ng office ni Sir. "Ay?! Anong meron?! Bat andaming tao? Wag mong sabihing lahat to hiningan ni Sir ng recorded song?" Sabi ni Tala "Ay wow! gan'yan kadami? wag na lang. bahala si Sir dyan sa request n'ya," sabi ko at paalis na dapat ng hilahin ako ni Kim "Ako na lang ang magbibigay! Sige na oh! Support mo ko dito!" sabi n'ya at ngumuso pa. "Ganun mo talaga ka crush si Sir? na okay lang sayong makipagsiksikan?" tanong ni Tal na di makapaniwala sa nakikita at narinig n'ya. "ahm.. yes!" nakangiwing sabi n'ya. kahit kailan talaga tong babaeng to! "ih kasi naman.. sayang ung record tas 'di ba si Sir naman mismo nagsabi.. kaya sige na!" pangungulit n'ya sakin. "Sige na.. Oo na. ikaw na magpasa kay sir n'yan. ayusin mo ah! at isa pa! wag mong gagamitin ang pangalan ko para makuha ang number ni Sir! kekeltokan talaga kita ng solid!" pagpapaalala I mean pagbabanta ko sa kan'ya. At tanging tawa lang ang naging sagot n'ya. Umiling na lang ako at niyaya si Tal na umalis na, mapapadaan kami malapit sa pintuan ni Sir kaya naman medyo masikip. Sakto namang bumukas ang pinto ni Sir Henry nang malapit na kami at agad din n'ya kaming nakita ni Tala. "Nicole!" tawag n'ya sakin at nahiya naman ako kasi biglang tumingin sakin ung mga babaeng nakatambay sa labas ng office ni sir. "What are you doing there?" natatawang sabi ni sir. "Ahm. ung record po kasi na sabi nyo. okay na po. ibibigay ko lang sana kaso madami pong tao kaya po ung friend kong si Kim na lang po sana ang magbibigay," sagot ko at tinuro pa si Kim na nakangiting tingin samin. "Oh! sorry about that. naabala ko pa ata kayo ng mga kaibigan mo. Let's go inside nandun kasi ang phone ko. So you know, you can pass it to me," nakangiting sabi ni Sir at tinawag pa si Kim. proud naman na lumapit si Kim at parang akala mo e, nakajackpot! "Let's go." aya n'ya sa amin at hinarap ang ibang mga estudyante. "Guys! go back to your own business. baka may mga pasok na ang iba sa inyo. kaya naman pumasok na kayo and please don't do this again. baka matanggal ako sa trabaho." saway ni Sir Henry sa mga kapwa namin estudyante at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lang kami sa kan'ya at 'di na tinignan ung mga babaeng estudyante na malamang sa malamang pinapatay na kami sa isip nila. Pero bakit ba? si Sir naman ang pumansin samin. "Upo muna kayo. Asan na ba un?" sabi samin ni Sir, nang makapasok kami sa office n'ya. "Eto na! wait paano pala natin ipasasa?" tanong naman n'ya na nakangiti samin. "Oo nga. Mukhang mamahalin ung phone nyo, Sir" napaisip naman kaming lahat. "Eh kung kantahin mo na lang kaya ulit dito tas sa phone na ni Sir irerecord para 'di na mahirapan pa!" suggestion naman ni Kim na komportable sa inuupuan n'ya. bruhang to! "Great idea Ms. Santos, pwedeng dito mo na nga lang ulit irecord. If it's okay with you," sang ayon naman ni sir kay Kim. "Ahm.. sige na nga po. mukhang no choice naman na po kasi andito na rin kami." sagot ko naman na nahihiya pa. "Yun! so anong need mo para sa recording mo?" masiglang tanong ni Sir na parang gustong gusto talaga n'ya ung kanta ko. "Ahm. katahimikan lang po. pakitapalan na lang po ung bibig ng babaeng yan, para po hindi marinig ung tili n'ya. Salamat po," saad ko na tumuturo pa kay Kim. Tawa ang naging sagot ni Sir pati na din si Tala. samantalang si Kim ayun nakanguso at magkasalubong ang kilay. Asar na naman yarn? "Okay. I'll do that for you and here's my phone nasa record na yan pindutin mo na lang," saad pa ni Sir at tumingin kay Kim na ikinagulat pa ng gaga. "Wag ka muna maingay ah. I just need this song for my friend kaya gusto ko iparecord. Thanks" sabi ni Sir na ikinapula ng mukha ni Kim. Natawa naman kami ni Tal at hindi na nagsalita. inayos ko ang gitara ko, pinindot ko na ang recording at nag umpisa. Nakatingin lang sakin sila Sir habang nagrerecord. naiilang man pero kailangan kasi nandito na kami e. "Thank you ulit Ms. Ferrer for the song. I'll treat you three some snacks kung okay lang din ulit." sabi n'ya nang matapos ung recording namin. "Hindi na po, Sir. Okay lang po. Sana po mag enjoy ung kaibigan nyong pagbibigyan nung kanta," sagot ko kay sir na nakayuko at inaayos ung gitara ko. "I'm sure maeenjoy na to" sagot naman ni Sir na siguradong sigurado. "Salamat ulit," nakangiting sabi n'ya ng mag angat na ko ng tingin sa kanila. Tango lang ang naging sagot ko at nagpaalam na dahil papasok na kami sa klase. Medyo matagal din ung inantay namin bago magkaroon ng prof. 2 subjects na lang tas uwian na. "Sasabay daw ba ulit si Danica satin?" tanong ni Kim habang nag aayos ng gamit. "Hm. 'di ko alam e. mukhang mamaya pa tapos ng klase nun," sagot ko naman na ganun din ang ginagawa. Naglakad na kami palabas ng room nang matapos kami sa pagliligpit. hay! buti na lang at walang aaway saming mga girls dahil sa nangyari kanina. kung hindi yari talaga! Katulad nga ng inaasahan 'di namin kasabay si Dani kasi may klase pa s'ya so kami lang tatlo ang sabay sabay umuwi. pagkauwi ko wala pa si mama, ganun na lang ulit ang ginawa ko nagligpit ng gamit ko, magpahinga/advance reading sa mga subjects ko at nagluto ng hapunan. Nung dumating si mama, kumain na lang kami, naghugas at nagkwentuhan saglit pagkatapos ay nagpahinga na din. Sana talaga magustuhan nung kaibigan ni Sir ung kanta. Kung hindi man, sana wag laitin. Humiga lang ako at madali akong nakatulog dahil sa pagod na din. --------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD