Chapter 6

2146 Words
Nicole's POV Sa loob ng isang taon puro aral ang ginawa namin nila Krystal, Kim at Danica. Minsan sabay sabay kaming umuuwi pag swak sa oras, pati sa lunch ganun na lang din. minsan kasi iba ang oras ni Dani dahil nga iba ung course n'ya. Minsan naman sinusundo kami ni Kuya Daniel pagkatapos ng work n'ya sa company nila. "Second year na tayo, tapos 18 ka na! pwede ka ng sumama sa bar! whoo!" saad ni Kim dahil matagal na nilang inantay na mag18 ako. Well! matagal na naman akong 18, February pa. Anong month na ngayon, August, 'di lang talaga nila ako mayaya sa mga gala nila. "Baka mayaya natin yan e! lagi naman ang sagot satin n'yan walang kasama si Tita Ja," saad ni Tala Natawa naman ako sa kanila. "May point si Tala, kahit anong yaya mo sakin Kimberly hinding hindi ako sasama dahil ayoko ng alak at ayoko din ng maingay," saad ko naman sa kan'ya. "Sige na naman.. kahit ngayong gabi lang! please..." paawang sabi ni Kim "No." Alam n'yang ayun na ang end ng conversation namin dahil hindi na n'ya ako mapipilit. Nung gabi nga na yun ay nagbar ang tatlo samantalang ako ay nasa bahay at gumagawa ng kanta. Kasi balak kong sumali sa Band sa School. sayang naman kung hindi ako makakasali at sabi nga ni Kim, minsan masarap mag enjoy pero 'di ko gusto ung ginagawa nilang enjoyment. Kinabukasan nakita ko na lang si Kimberly na punong puno ng red marks sa leeg. 'di na to bago kasi simula nang mag18 s'ya at si Danica nagbabar na to at minsan nga may nakikita akong mga ganto sa kanila. pero hindi ibig sabihin na okay lang sakin. "Ano na namang ginawa mo?" inis na sabi ko sa kan'ya nang tabihan n'ya ako. Bigla naman n'yang tinago ung leeg n'ya. "Wag mo na itago. nakita ko na!" dagdag ko pa. "sorry na. make out lang naman! wala namang nangyaring you know?!" sabi naman ni Kim na pilit pa ding tinatago ung leeg n'ya. "Aba! dapat lang! kasi hindi ko alam ang gagawin ko sayo pag ginawa mo un!" inis pa ding sabi ko sa kan'ya. "Si krystal pala? wala pa din s'ya e" tanong ko sa kan'ya dahil ang Krystal wala pa talaga. "Baka may hang over kaya malelate yun," saad naman ni Kim na inaayos ang scarf n'ya na nilagay sa leeg. "Don't tell me, may nakamake out chuchu din un kagabi?" mataray na tanong ko. Kagat labi lang ang naging sagot n'ya alam ko na ang sagot. ilang minuto pa dumating na ang prof namin pero wala pa ding krystal na nagpapakita. Ilang minuto pa ang lumipas at ang babaeng inaantay ko ay nasa harap na at pinapagalitan ng prof namin. "Anong nangyari sayo bakit late ka?" agad na tanong ko sa kan'ya nang makaupo s'ya sa tabi ko. "Hang over lang, Nics. sorry," saad n'ya at tumingin kay Kim na bahagya pang natawa. "wag mo kong tawanan. pareho lang tayong may ganto, magaling ka lang magtago," saad ni Kim, bumubulong dahil yayariin kami ng prof namin. "ikaw kasi nagpapapak ka sa leeg." bulong naman na sabi ulit ni Tala. ---------------- "Ikaw din? merong gan'yan? Anong sabi ni Kuya Dan dyan? pati na din ni Tita at Tito?" singhal ko kay Danica dahil meron din s'yang red marks. "Di nila nakita. kasi tulog na sila tas si Kuya naman...." ngiwing sabi n'ya at on cue naman! dahil nagring ang phone ko at si Kuya Daniel ang tumatawag. Niel Calling~~~ "Hm? bakit?" tanong ko sa kan'ya nang masagot ko ung tawag n'ya. [are you with Cass?] tanong n'ya sa kabilang lin'ya. Cass? patay mukhang galit to. agad naman akong napatingin kay Dani at nakapikit s'ya. alam siguro n'ya kung bakit tumawag to "Ahm.. Nope.. iba ung sched namin ngayon ih. Try to call her kaya." [I did that pero 'di n'ya sinasagot] sabi naman n'ya na halatang naiinis pa dahil sa ginawa ng kapatid n'ya. iniilingan ko naman si Dani dahil sa ginagawa n'ya sa kuya n'ya. [if you see her, please tell her that I'm going to fetch her after her class and also pakisagot kamo ng tawag ko habang hindi pa ko inis na inis sa ginawa n'ya kagabi] dugtong n'ya sa sinabi at sinen'yasan ko naman si Dani ng 'hala' habang nagsasalita si Niel. "Sure. pagnakita ko s'ya. Sabihin ko lahat ng sinabi mo. so kumalma ka na dyan Kuya and also you're driving baka maaksidente ka n'yan. bawal yan 'di ba?" saway ko sa kan'ya para mabago ang usapan namin. tinawanan naman ako ni Kim dahil alam nila ang ginagawa ko. nililihis ko ang galit ni Niel para di na maalala ung inis n'ya kay Danica. [concern? Yeah! I know that, I just want to call you para itanong si Danica. ajsdkfkfbshd] 'di ko gaano narinig ung dulo kaya naman hinayaan ko na lang. "os'ya sige na. sabihin ko na lang sa kan'ya pag nagkita kami. Bye! careful sa pagdadrive kuya." paalam ko sa kan'ya, nagpaalam na lang din s'ya sakin at ibinaba na. "Anong sabi ni kuya?" tanong ni Dani ng mababa na ung tawag. "susunduin ka daw n'ya at sagutin mo daw ung tawag n'ya habang hindi pa s'ya inis na inis sayo," tugon ko at alam kong kinakabahan na s'ya. "ih... papagalitan ako nun.. alam mo naman kung paano magalit un.." pabulong na sabi n'ya. "that's exactly the point! alam mo kung paano magalit un kaya sagutin mo ang phone mo," saad ko naman sa kan'ya. Natapos ang lunch at bumalik na kami sa room ganun lang din ulit discuss lang ng discuss.. at paalala sa mga Org na pwede namin salihan.. Prof pa din namin si Sir Henry. nung tinanung ko s'ya about dun sa kanta. Ngiti lang ung sinagot n'ya, so I guess hindi nagustuhan nung kaibigan n'ya ung kanta. Maaga nagdismiss ung last prof namin dahil may nagsabi na mga blockmates ko na may audition daw sila sa org na gusto nilang salihan. okay lang naman daw since malayo pa ang midterm exams namin. "Anong org sasalihan nyo?" sabi ni Gab ng makasabay namin sila. "Ako, baka sa Dance Troupe na lang. magkasama kami ni Clare, diba?" sagot naman ni Kim "Yep! if I'm not mistaken, Irine already joined in theater. akala ko nga hindi pwede dun paghindi ka nasa arts course e," saad ni Clare na nagtataka naman. "Baka magaling talagang umarte si Irine kaya nakuha s'ya. malay natin! ako kasi Arts and Designs ang sasalihan ko since may alam naman ako," saad naman ni Tal "Ikaw ba, Nics?" tanong ni Gab dahil nakikinig lang ako sa kanila. "Ahm.. Music Org. mag aaudition ako dun sa isa sa mga band na kasali na pero naghahanap pa sila ng member," tugon ko sa kanila dahil nakatingin na sila sakin "ow! pwede ka nga dun! kasi magaling ka. kayang kaya mo un," saad ni Clare na naamaze pa. "sana," tugon ko ulit sa kan'ya at ngumiti. ---------- Dumaan ang mga Buwan at nakapasok nga ako sa Adhika Band. may kan'ya kan'ya na rin kaming mga ginagawa dahil nga iba iba ang org namin. Kasama din ako sa Scholars Org o Kinaaadman Council (Knowledge/ wisdom) Organization s'ya na tanging mga scholars lang din ang nandun. Katulong kami ng Student Council ng school sa mga events and others activities ng school. Secretary ako dun at Rhythm guitarist/Sub vocal naman ako sa band. "Hay! sobrang busy nyo naman!" sabi ni Krystal nang minsang magsabay sabay kaming kumain ng lunch. "Hoy! eto lang. hindi ako busy, 'no!" saad naman ni Kim habang tinuturo pa ko. "Sorry! naging busy lang pero hindi na ngayong week kasi tapos na ung election at ung ibang gagawin sa band," tugon ko naman sa kanila at sumubo na sa pagkain ko. "Pero.. di ko pala sure.. " "really? so sasama ka saming lumabas ngayon?" ngiting tanong naman ni Danica. "ahm. No!" mabilis na sagot ko sa kan'ya. Balak na naman kasi nilang magbar kahit na may pasok bukas. "Ano ba yan?! seryoso ka?" sabi ni kim na nanlalaki ang mata. natawa naman ako pero tinanguan ko lang s'ya. "Yep. ayoko talaga. kayo na lang at walang kasama si mama sa bahay," tugon ko naman sa kanila. natapos ang lunch na pinipilit pa din nila ako pero sa huli nagkaroon na lang kami ng deal na pagtumawag sila at nagpasundo, susunduin ko sila at ako ang magdadrive ng kotse ni Danica. so I agree kesa naman kung saan pa sila mapunta o baka maaksidente. And yes! marunong akong magdrive tinuruan ako ni Kuya Daniel kasi kailangan ko ng Driver's license so hin'yaan ko ng turuan n'ya ko. madali lang naman daw akong matuto kaya nakakuha ako agad. unlike kay Kim at Tal na hanggang ngayon wala pa din. "Basta ung deal natin ah... susunduin mo kami.." paalala nia Danica bago ako lumabas sa kotse n'ya "Yup! basta tumawag kayo sakin," tugon ko naman at bumaba na ng kotse. pumasok na ako ng bahay at sana pala sumama na lang ako kila Danica. dahil nandito sila Tita Jazz ngayon nakasama n'ya si Tito ben ung asawa n'ya. "Oh! Ate andito na pala ung ampon mo e!" sabi n'ya habang kumakain ng meryenda. "Hello po." bati ko at magmamano pa sana kaso iniwas n'ya agad ang kamay n'ya kaya kay tito ben na lang ako nagbless. "Bakit ka magmamano sakin? kaano ano kita?" sabi n'ya na parang diring diri sakin. "Jazzmine!" sita ni mama sa kan'ya at lumapit na sakin. Humalik na lang ako sa pisngi ni mama at sinabing aakyat na. nakarinig pa ko ng voilent reactions kay tita jazz pero si mama na ang bahala dun. Alam ko naman yun na hindi ako tunay na anak ni Mama Janice at Papa Mondy. Nakuha nila ko nung nagpunta sila ng Pangasinan at saktong nasunog ang compound na tinutuluyan namin ng pamilya ko. At tumulong dun si Papa Mondy, nakita n'ya ko na nakabalot ng basang kumot. Ayun kasi ang nilagay sakin ng real mom ko at sinabing tumakbo na ako at susundan n'ya daw ang tatay ko sa taas. sa kabutihang palad nakasalubong ako nila Mama Ja at Papa Mondy. kinuha ako ni Mama Ja at si Papa Mondy naman ay sinabi lumabas na kami at susundan n'ya daw ang nanay at tatay mo. ginawa naman yun ni Mama Ja at sa kasamang palad. My real parents and Papa Mondy didn't make it. Hindi sila nakalabas dahil na tupok na ng apoy ang bahay namin. Iyak nang iyak si Mama Ja nun at niyakap n'ya lang ako at sinabing 'ikaw ata ang iniwan ng asawa ko para makasama ko habang buhay' inantay naman ni Mama Ja na may kumuha o magclaim sakin na kamag anak ko pero ayaw ata nila sakin dahil ni isa sa kanila ay hindi ako pinuntahan o kinumusta man lang. kaya naman na pagdesisyunan ni Mama Ja na s'ya ang kukupkop sakin. Inilegal n'ya ang adaption sa DSWD at kinuha lahat ng important documents ko sa school para makapag aral ako dito sa Maynila. Hanga ako sa kan'ya kasi ginagawa n'ya un habang nakaburol si Papa. Napakasakit ng pinag dadaanan n'ya pero inaasikaso n'ya pa din ako kaya laking pasalamat ko sa ginawa n'ya at kinupkop n'ya ko. kahit na ayaw at ako ang sinisisi ng mga kamag anak n'ya at kamag anak ni Papa Mondy sa nangyari sa kan'ya. 'di nagpatinag si Mama Ja at tinuloy pa din ang pag aapon sakin dinala n'ya ko sa apartment nila ni Papa at dito itinuring na parang sariling anak. pinag aral n'ya ko at dun ko nakilala sila Kim at Danica. Grade 4 ako nang mapunta ako sa kan'ya. kaya alam ko lahat ng nangyayari dahil may isip na ko nun. At gagawin ko ang lahat para makabawi kay mama dahil sa ginawa n'ya para sakin.. "Anak? Nicole?" nawala ako sa pag alaala ng mga nangyari nuon ng marinig ko ang boses ni mama. "po? bakit, ma?" sagot ko at agad pinunasan ang luha ko. pag naalala ko talaga un naiiyak ako nang sobra pero nagpapasalamat na din. "Kain na tayo. wala na din ang tito at tita mo. lika na," saad ni mama ng buksan na n'ya ang pinto. "sige po. susunod ako, ma. hilamos lang ako," tugon ko naman at ngumiti sa kan'ya. nung unang mga buwan ko dito nakikita ko si Mama na umiiyak dahil nga sa pagkawala ni Papa pero pagkaharap n'ya ko lagi s'yang nakangiti at sinasabing magiging ayos din ang lahat kaya wag kong sisisihin ang sarili ko sa nangyari kay Papa. una 'di ko magawang gawin un dahil ako naman talaga ang dahilan kung sinama ko na lang si Papa sa paglabas ng bahay at hindi umiyak at sinabing nasa taas ang nanay at tatay ko edi sana kasama namin s'yang nakaligtas at hindi s'ya namatay sa sunog. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD