Chapter 25

3548 Words
+++++++++++++ Nicole's POV This is it pancit! Hahaha. Eto na ang araw na hinihintay namin. Battle of The Bands Finals at Mini Concert! Papunta na ko ngayon sa campus para sa rehearsal ng Finals at ng MC pati na dun ung kay Ms. Sofia na performance. Napolish naman na lahat ng sa kanya. Naayos na din ung mga flats nya.. maganda naman ung boses nya. Nagsorry din sila sakin sa nangyari nung nakaraang araw. Wala naman na sakin un. Di ko na lang inisip kasi baka kung san pa ko dalhin ng imagination ko. Hahahahaha Pagkadating ko ng campus, nagpunta agad ako sa grounds kung asan ung stage. Inaalis na din ung ibang booths na nakatayo para mamaya may magagalawan ung mga students. Nang makalapit ako. Inaayos na nila Kuya Raf ung mga gamit namin. Iniwan ko na kasi ung gitara ko dito kesa naman bibitbit bitin ko pa. Bigat kaya... Hahahaha Andito din ang KC at SC para isupervise ang rehearsal namin. Wala pa si Ms. Sofia kaya paniguradong late un. Paspecial ih. Hahahahaha "Okay. Andito na ba lahat?" Tanong ni Kuya Raf Nagtinginan muna atska tumango.. "Okay. First na TDR na gagawin natin ung sa BTOB... So ungga lalaban muna which is Revel, Adhika, TLC... May tig 2 tayong sound check. Bahala kayo kung gusto nyong iparinig samin ung kanta, bahala din kayo kung ayaw nyo. Hahahaha. Ibig sabihin. Madamot kayo! Hahahahahaha. Jk! After ng BTOB ung nasa programme na... 4 na pasada un pag may mali. Ulit. Okay ba tayo dun?" Sabi ni nya Nagtinginan muna kami tapos nagsingisian at sabay sabay na sumigaw ng "HINDI!!!" tas nagtawanan. "Sabi ko pa nga ba eh! Nagtanong pa kasi ako! May in ear naman lahat diba? So maririnig nyo ung monitor nyo." Sabi ni kuya raf kaya lahat kami tango. Nauna nang magTDR ang TLC, Sunod ang Revel at Huli kami kasi ayun naman ung nasa program kaya ayun na lang din ung sinunod namin. Ang ganda ng kanta nila. More on memories and friendship. Galing! "Galing nila! Kinakabahan tuloy ako. Hahahahaha" sabi ni Andrew. Di sya mag iisa. Kami din ih! Hahahaha "Sa last TDR na tayo kumanta. Tugtug lang muna para mas makuha natin ung tunog. Wag kalimutan ung in ear ah! Jacob! In ear mo ah! Isasalpak ko yan sa tenga mo!" Sabi ni kuya myk na nanggigigil pa. Tinawanan lang sya ni jacob tas ipinakitang isinusuot to. Hahahaha. Sira ulo! Nang matapos ang TLC sabak agad sila kuya raf, ang Revel. "Uy! Goodluck!" Sabi ni Ate Arie. Leader ng TLC "Goodluck din mga chicks!" Sabi ni Andrew at tinaasan lang sya nun ng daliri Natawa naman kami kasi ang gandang babae tapos ganun. Hahahaha "Napakapowerful at full of entitlement ung kanta nila." Sabi ni Marky sa tabi ko Ou nga... Meron pang lyrics na 'We are here because we deserve this. We are here because we are great.' "Ganun naman kasi sila. Hahaha. Yaan mo na." Bulong ni Kuya Myk. Okay naman ang Revel pero minsan talaga masyadong entitled. At kitang kita un sa kanta nila ngayon... Habang nakikinig, may biglang kumalabit sakin... Pagtingin ko si Kuya James at Ate Jasmine kaya napatayo ako agad. "Bakit po?" Tanong ko sa kanila "Wala naman. Gusto ka lang namin iGoodluck! Okay lang kahit hindi manalo basta masaya..." Sabi ni Ate Jas. "Opo! Hehehe. Enjoy naman po ako kaya okay lang." Sagot ko sa kanya tapos ngumiti "Ichecheer ka ng buong SC at KC! Hahaha. Oh? Pagkain baka gutom ka na." Sabi ni kuya james sabay abot ng burger, fries, ice cream at drinks... "Waaaah! Ihh... Salamat po." Sabi ko at napayakap pa kay Ate Jas Ih.. lab nila ko.. kahit hindi ako tumutulong ngayon may food pa din ako. Hahaha "May bayad yan!" Sigaw ng kung sinong panira sa mood ko "Hayop ka talagang Alas ka!" Sigaw ko sa kanya Natawa naman sila Ate at Kuya pati na din sila Marky. Paano laging panira! "Akin na lang Ice Cream mo. Di ka pwedeng kumain nyan kasi kakanta ka!" Sabi nya sabay kuha ng ice cream ko "Ay... Ou nga! Sige sayo na lang tas ilibre mo na lang ako ng ice cream sa ibang araw ah!" Sabi ko sa kanya, hinayaang kainin ung ice cream ko. "Ano ka gold? Silver ka lang kaya." Sabi nya sakin at tumawa ng malakas Hayop talaga! Ang galing mang inis! "Hoy! Gold ako nuh?! Ikaw nga bronze ih!" Sabi ko at tinatawanan lang nila ung sagutan namin. Pagkatas namin mag asaran bumalik na sila sa ginagawa nila at kami naman? Pumunta na ng stage dahil turn na namin. "Jacob! Ung in ear mo ah!" Sigaw ulit ni Kuya Myk bago kami magstart. Unti unti namang inayos ni Jacob ung in ear nya tapos nag okay sign kay Kuya. Nagstart na kami sa pagtugtog. Sa di namin malamang dahilan biglang huminto lahat sa ginagawa tapos pinanuod ung ginagawa namin at magsasasayaw. Nagtinginan pa kami nila kuya at nagtawanan.. hindi pa kami kumakanta kasi un ung utos ni Kuya kaya walang nakanta. Tunog anime kasi ung amin. Concept? From the Title itself 'Time of Our Life'. Hindi naman namin inexpect na makakaabot kami dito sa Finals, amg samin ay tumugtog at gawin ung bagay na nakakapagpasaya samin. At syempre gusto namin na sa paglipas ng panahon at muli naming kantahin tong kanta na to maalala agad na kami ang Adhika Band na minsang nangarap sa namakasama sa Finals ay nakasama. Hahahahaha. Isa pa! Isang dahilan kaya may mini concert or festival ay para naman magsaya ang mga estudyate after ng Exam. So let's come out and have some fun! Hahahaha Natapos ang rehearsal pati na ung sa mini concert pero wala pa din si Ms. Sofia para sana isama sya. Ako lang tuloy ung gumawa ng act namin. Hahahaha. Pati kumanta. Nung dating sya tapos na kaming lahat tapos madami na din student. Tapos sabi nya gusto nya daw na suot namin is White Dress. Nakakatawa kasi wala akong white dress na dala. Sana kahapon nya pa sinabi para naman nakapaghanda ako. Hahahaha. Kakaloka. Buti na lang din at natawagan ko sila Kim para puntahan at tignan kung okay ung white dress ko sa bahay. Nakuha naman nila kaya kailangan ko na lang silang hanapin ngayon. Nag aayos na lang kami dahil 30 mins na lang start na. Ako eto at papunta sa crowd para kunin ung white dress na un. Kim's POV Sa wakas nag karoon din ng POV dito! Hahahaha Anyway andito kami ngayon sa ground, nag aantay lang na mag start ung Mini Concert/BTOB... Inaantay na din namin si Nicole kasi kukunin nya ung dress nya samin. Nakakaloka naman kasi biglang may padress si Mayor! Kaarte ung iaacompany nya ah! Gigil ako! "Nagawa mo Tal ung banner natin for Nicole?" Tanong ni Danica "Ou naman yes! Pati ung para sa Block D nagawa ko. Eto oh!" Sabi nya sabay abot samin ung banner na ginawa nya. Sya talaga ang lagi pinapagawa namin kasi magaling sya sa Art, ako kasi maganda lang! Hahahahaha. Choss lang syempre! Si Nicole ang pinaka maganda samin. Aminado kami dun. Kahit ako nuon pa. "Kimberly!" Tawag sakin ni Calli. "Bakit bakla?" Sagot ko sa kanya Tinawag nya muna ung iba bago sagutin ung tanong ko. "Dito na lang na us pupwesto? Dapat ung makikita ung banner natin." Maarteng sabi nya Artey talaga nito pero friend kami nito kahit maartey sya. Lahat naman kaming block D. Kaya nga lahat kami nagcheer sa kahit na sino saming at may banner pa lagi. Hahahaha "Ou siguro. May camera naman kaya kita tayo. Dami na ding tao sa harap, di na tayo makakasingit! Hahaha" sagot ko kaya naman nagsilapitan na sila "Si Sir Henry ba sasama satin?" Tanong ni Ivan Ih... Type ko talaga un si Sir Henry. Hahahahaha. Noon pa man, simula nung unang kita ko sa kanya nung Orientation namin. Hahahaha. Grabe talaga kasi ang kagwapuhan! Nag uumapaw! Hahahaha "Sinabihan ko naman si Sir kanina nung nakita ko kaya baka pumunta un. Un nga lang may kasama syang mga kaibigan nya ata." Sabi ni Kenny "Magchecheer un panigurado kay Nicole, presidente ng Block natin un ih!" Sabi ko naman. Totoo naman un. Kami nga na hindi nya gaano nakakausap at sa room lang nakikita, todo cheer, si Nics pa kaya na nakakasama nya sa lahat ng activity ngayon. Don't get me wrong. Hindi ako naiingit kay Nicole. Never! Kung si nicole man ang gusto ni Sir, ay! Support! Wag lang ung mga babaeng palaka dyan! Hahahaha At ayun na ang prinsipe ko! May kasama din mga gwapong mga lalaki! Ay s**t! Lahat ba ng kaibigan ni Sir, gwapo?! Nakakainis naman! Pero ung iba may mga nakapulupot na koala bear! Hmp! Mas maganda naman ako dyan. Hahahahahaha "Sabi sa inyo pupunta si Sir ih." Sabi ko ng makita ko sya at tinuro pa. Naglingunan naman ung mga blockmates ko at nagsigawan! Ibig kasing sabihin! Kumpleto na kami! Full support sa Presidente ng Block D!! Tinatawanan pa kami ni Sir nung makalapit sya, paano parang mga nakawala sa hawla tong mga kasama ko. "Block D, ang ingay nyo?! Baka biglamg bumaba si Nicole sa Stage at sawayin kayo nun. Hahahahahaha." Natatawang sabi nya at parang walang kasama kasi kami na ung kinakausap "Grabe ka kay Nicole, Sir! Hahahaha. Concert to kaya di nya gagawin un. Marunong naman magsaya un. Hahahaha." Sabi ko na ikinatawa ng todo ni Kenny at Bry "Ay?! Marunong ba? Hahahaha. Jk! Ou nga naman Sir! Marunong un. Hahahaha." Sabi ni Kenny dahil dun nahampas tuloy sya ni Krystal sa braso "Teka! Itago nyo muna yang mga banner natin kasi pupunta pa un dito. Kukunin ung dress nya." Sabi ko sa kanila Nagtaka naman sila papa henry. Kahit naman ako nung marinig kong kailangan nya ng dress, nagtaka ih! "Bakit may dress? Magddress sya sa concert?" Sabi ni Kenny "Ay naku! Sya na lang tanungin nyo. Basta pinagdala nya kami ng dress." Sabi ko sa kanila Actually, bagong bili to. Kasi wala pa naman si Tita ja nung nagpunta kami sa bahay nila. Buti na nga lang at sexy talaga to si Nicole kaya madaling hanapan ng dress.. At syempre kasama namin ang forever stylist namin na si Danica kaya pasok to panigurado! "Ayan na ang babaeng pinaglihi kay Aphrodite." Sabi ni Calli Kaya naman napalingon kami at ayun! Nakikita na namin si Nicole na nakikipagsiksilan sa mga tao. Nang maaninag nya kami, kinawayan sya ni Papa Henry ko. Ih... Wag kayo! Habang papalapit sya. Mas lalo kong nakita si Aphrodite sa kanya! Ganda talaga ng babaeng to! Papasang Goddess! Nakalipstick lang yan tapos pulbo, ung ayos ng buhok nya nakalaglag lang pero may nakapusod sa taas. Basta ganun... May face paint ata sya sa mukha na heart. Tapos ung suot nya. Naka't-shirt na black, nakatuck in sa high waisted pants tas syempre ang kukumpleto ng porma nya ay ung black converse nya.. ganda! "Ayoko ng titigan si Nicole, baka maging tomboy ako. Hahahaha." Sabi ni Calli Tignan mo pati si Calli bakla, naaapektuhan! Nagtawanan lang kami pati si Sir natawa sa sinabi ni Calli. Di ko sadyang mapatingin dun sa mga kasama ni Sir. Parang napilitan lang ih... Pero ang gagwapo! Para ring nakita ko na sila. Nakatingin sila kay Nicole! "Hoy! Landi na naman gurl?!" "Matunaw yan!" "Punasan mo laway mo. Natulo!" Sabay sabay na puna sakin ng tatlong bruha sa buhay ko. Choss! Love ko tong tatlong to kahit panira sila lagi! Napatingin ako kay Nicole kasi nakalapit na pala sya "Bwisit kayo!" Sabi ko sa kanila pero pinagtawanan lang ako. "Nakuha nyo?" Tanong nya samin Nagtinginan muna kaming tatlo tapos nagtawanan. "Hindi gurl ih. Wala kasi si Tita Ja sa bahay nyo." Sabi ni Tally "At syete! Ou nga pala!" Sabi nya at nasapo pa ang noo Hahahaha. Natatawa talaga ko sa boses nito pagparang napufrustrate sya.. ang angas kasi ng boses pero sweet! Para syang kumakanta lagi.. "But of course! Hahayaan ba naming wala kang isuot!" Sabi ni Mayora Danica. "Kimmy! Give it to her." Sabi nya at pumalakpak pa. Natawa ung nasa paligid namin kasi mukha syang tanga "Mukha kang tanga dun Dani. Hahahahhaa" sabi ni Tal Natawa lang si Danica sa sinabi ni Tal. Inabot ko naman na kay Nics ung paper bag. Pero sya nakatingin lang. Ay putek! Aangal na naman to! "Kunin mo na! Nangangalay na ang magaganda kong braso." Sabi ko sa kanya Inabot naman nya pero sumegway pa. "Braso lang. Walang ganda!" Sabi nya at tinignan ung dress "binili nyo? Ay! Kayo talaga! Sana sinabi nyo para sinabi ko na lang na wala akong dala. Mga loko!" Dagdag nya pa See.. laging ganyan yan. Ayaw nyang binibilhan sya ng bago! "Girl! Hayaan mo na. Atska ung white dress mo baka di na kasya sayo un. Kasi 4th year pa tayo nun. Nung nagspeech ka." Sabi ko sa kanya. Wala naman syang nagawa kaya nagthank you na lang sya pero bago un tumingin muna sya samin na naniningkit ang mata.. parang alam ko na to. "Hindi naman siguro to revealing diba, Danica?" Sabi nya Sabi ko na ih! Hahaha. Kaya ayaw nyang binibilhan namin sya ng damit kasi minsan revealing.. Sexy nya kaya kaya bagay sa kanya un pero this time hindi to revealing, kasi alam namin aayawan nya un.. "Don't worry Nics. Hindi yan revealing. Promise!" Sabi ni Danica "Bat kasi may pa dress dress pa! Astig na nga yang suot mo!" Sabi ni Kenny hindi na napigilang hindi magtanong. Huminga muna ng malilim si Nicole bago magsalita. "I'll accompanying someone ih and she requested it. She said it's for her boyfriend. So wala akong magagawa." Sabi nya mukhang stress sya dun "Acoustic? Parang mas okay kung yan ung suot mo." Sabi naman ni Bry na tinuro pa ung porma nya "Nope. Keys." Sabi nya habang umiiling "Ano? Ikikiss mo sya? Ang ganda mong babae tapos hahalik ka ng kapwa mo babae!" Histerikal naman na sabi ni Ivan Mga bungol tong mga to! Hindi ba sila nag aral ng instruments. "Sira! Keyboard or Piano baga! Aral din minsan Ivan." Sabi ni Nicole at tinawanan naman namin sya "Ganun ba ka special ung gagawin nya para irequired kang nakadress... Artey ah!" Sabi ko Pero biglang bumulong si Bebe Henry kay Nicole at ung isa naman napatakip ng bibig bigla tapos tumingin sa likod nya.. "TAKTE!" Bulalas nya tapos tinawanan lang sya ni Sir Henry. "Bakit ngayon nyo lang sinabi Sir!" Pagmamaktol nya Anyari dito. Lahat kami nakatingin lang sa kanya at kay Bebe ko Henry. "Ih kasi kanina, okay naman kaso nagsalita na si Kimberly ng iba. Baka narinig, lagot ka!" Pananakot nya kay Nicole "Ay shala! Bakit ako? Dapat si Kim." Sabi nung isa biglang lumapit sakin ng todo, si Sir Henry naman tawa lang ng tawa. "Wag ka masyadong magsalita ng badwords dun sa sasamahan ko. Andyan lang sila sa likod, kasama ni Sir Henry. Pati ung jowa nya kasama din." Sabi nya sakin at ako naman ngayon ang napamura "G*GO!" Sabi ko sa kanya at lalong natawa si Sir Henry "Anong problema nyong dalawa?!" Sabay na tanong ni Tal at Dani "Wala! Pumunta ka na nga dun at magready! Napapahamak ako sayo ih!" Sigaw ko kay Nicole kaya natawa na din sya. "Yang bunganga mo kasi walang filter!" Sabi naman nya at tumingin sa relo nya Biglang nanlaki ang mata at naaligaga. "s**t! Kim kasi ih! Di ko tuloy namalayan ung oras. Punta na ko dun." Sabi nya at talikod Pero sadyang mapang asar si My Loves.. pinigilan sya.. "Oh? Bat nagmamadali ka?" Sabi nito na nang aasar. Kami naman tumatawa tawa lang sa ginawa ni Sir "Ay Sir! Mamaya na po tayo mag asaran ano po? Kasi 10mins na lang mag sstart na. Sasakalin ako ni Kuya Raf nito!" Sabi nya at pilit kumakawala sa hawak ni Sir Henry "Hindi. Kwentuhan muna tayo." Sabi ni Sir tapos ngiti, galing mang asar! "Sir Henry naman ih..." Maktol nitong isa, pero habang mamaktol sya.. may nagsalita sa speaker "Paging Denzie Nicole Ferrer, maari lamang na bumalik ka na dito sa Backstage. Students and Alumni any minute, mag sstart na po ang ating Concert." Sabi dun sa page na ikinainis ng lalo ni Nicole "Ay Putek! Napage pa nga! Sir. Bitaw na." Sabi nya na halatang naiinis na. Ayaw na ayaw nya yang ganyan ih. Hahahaha Tinawanan lang sya ni My Loves tas binitawan na sya. Busangot tuloy si Bebe gurl. Hahahaha "Byie!" Paalam nya samin "Goodluck Nicole!" Sigaw namin sa kanyang lahat at nagflying kiss lang naman sya samin "Ako sasalo! Minsan lang yan!" Kanya kanyang sabi nung mga boys "Ako na lang para walang away!" Sabi ko sa kanila Bago pa man makalayo si Nicole, may bumati sa kanya na kasama nung mga kaibigan ni Sir Henry. "Goodluck Nicole and of course sa performance natin later. White dress, don't forget." Maarteng sabi nun Oww.. so sya ung kasama ni Nics mamaya. Maarte nga. "Goodluck din po. Opo. I have here na po." Sabi nya at ngumiti dito sabay tas ng paper bag. Magsasalita sana ung kasama nung babae kaso biglang sumigaw si Sir Henry. "Hey! Nicole! You better go there, they might mention you again! Intro ka na ka part diba? Punta na!" Sigaw ni Sir Henry Kaya naman parang natauhan si Nicole at nagpaalam na sa kausap nya. "Ay s**t! Ou nga pala. Sige po. Bye!" At kahit siksikan tumakbo pa din. "Tang*na nito ni papi hens! Chicks na un eh!" Sigaw nung isang lalaki "Wag un! Bata pa un. Inosente un kaya wag mong kursunadahin." Balik ni Sir Henry dun sa Theo ata. Di na ko nakinig kasi parang nabubwisit si Papa Henry dun saga kaibigan nya. Kursunada ata si Nicole. Mga manyak! Kahit ung lalaking kasama nung kausap ni Nicole, malagkit ang tingin... Hay naku! Nakipagkwentuhan na lang ako sa dalawa na nakatingin din pala dun sa grupo ni Sir Henry.. pero hinayaan na lang namin. Ilang minuto nga lang namatay na ang ilaw at inaannounce na masstart na... At nang tumunog ang gitara, nagpalakpakan lahat ng estudyante at sumisigaw... Nung natapatan ng Spotlight... Ang putek! Ang angas! Kaibigan ko yan!!! "Whoa!!! Ang angas ni ateng gitarista!!! "Whooo! Go Nicole!!!" Sigaw naming Block D at dinig ko din ung sigaw ni Sir Henry na parang proud kuya at professor! "Nice! Estudyante ko yan! Hahahaha. Hindi na kita ibabagsak kasi maangas ka dyan!" Sigaw nya na ikinatawa ng buong block D Biruan kasi nilang dalawa yan ni Nicole. Nakwento nya samin yan. Kaya alam namin na may ganyang biruan sila. Hahahaha Pero walang bias! Ang angas ni Nicole! Tamang tama ung bigay namin ng gitara sa kanya! Grabe! Sayang lang wala si kuya daniel at hindi sya napapanuod... Maiinlove na naman un! Pinanuod lang namin si Nicole na sobrang mag eenjoy sa ginagawa nya. Nagsisigawan ung mga tao puro compliments sa kanila kasi naman puro sila babae tapos ang gagaling pa! Todo sigaw din kami lalo na pag kumakanta na si Nicole! Ah! Iba talaga tong babae na to! Nakakapang hinayang lang na ung family nya hindi nila nakikita si Nicole na lumaki ng Matalino, maganda, at sobrang talented. Sana lang kung asan man ung iba nyang pamilya, hanapin nila si Nicole. Kasi matutuwa sila. Tinignan ko lang ulit si Nicole na nakangiti at nahihiyang iniiwasan ung camerang nakatutok sa kanya. Hahahaha "Ganda ni Nicole... Asan kaya ung family nyang iba? Hinahanap kaya sya?" Rinig kong sabi ni Danica Pareho pala kami ng iniisip. Alam kasi namin ang kwento nyan kaya ganun na lang ang iniisip namin. Nagkibit balikat na lang ako at hinayaang ung tanong nya. "Hayaan mo na. Hindi naman natin alam kung pati si Nicole iniisip un. Masaya naman sya kay Tita Ja." Sabi ko na nakatitig kay Nics Masaya kami na masaya sya. Buti nga at nakikipag usap na yan sa iba. Hindi katulad dati na kaming tatlo lang ang nag uusap. Apat pala kasama si Kuya Daniel. Henry's POV Nakatingin lang ako kay Kim at dun sa Danica, na nakatingin naman kay Nicole. Parang sobrang proud na proud sila sa kanya. Hindi sila gaano sumisigaw pero kita mo sa mata nila at sa ngiti kung gaano sila kasaya. Naputol ang pagtitig ko ng may magsalita sa gilid ko. "Dude! Ang ganda na ng bata mo at talented pa! Ang Astig!" Sabi ni Theo Kanina pa nito sinisipat sipat si Nicole ih! Gusto pa atang binyagan... Well! Di ko naman sila masisisi, maganda naman talaga tong si Nicole. Kanina pa bukang bibig ng mga estudyante na may ganyan daw palang student dito. May nagtatanong akong course, ung iba anong block. Tinitignan nga lang ng Block D, isa isa ung nagtatanong. Hahahahaha. Sorry sila. Bantay sarado ng Block D boys yan. Hahahaha Mas gumanda pa sya dahil sa pag gigitara nya tapos nakaayos pa sya. Kanina nga si Calli, ayaw na syang titigan. Hahahahahhaa Tinignan ko lang sya ng masama at inirapan. Kahit tropa ko to. Hindi ko palalapitin to sa mga estudyante ko lalo na kay Kim. "Ung isa kanina gusto ng gumawa ng aksyon eh!" Bulong ni Keith Hahahaha. Si Miggy ung tinutukoy nito. Kanina kasi kakausapin na nya at kanina pa sya nakatingin kay Nicole. Wag nya lang tatangkain dahil baka biglang sabunutan ni Sofia si Nicole. Lagot sya sa mga tao dito. Hahahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD