Chapter 12

2589 Words
+++++++++++ Nicole's POV "Hay! kinakabahan ako, sana naman magkakagrupo tayo!" Sabi Tal na may papikit pikit pa "Ay ou nga! sana pagbigyan tayo ni Sir Henry.." Si kim Papunta na kasi kami sa room namin ngayon at kakatapos lang ng vacant namin... Si Sir Henry na ung sunod naming prof.. sana nga pagbigyan at gawin magkakagrupo kami. pagpasok namin sa room nagkakagulo na sila dahil sa subject ni Sir. Nakatayo lang ako sa pinto ng may nagsalita sa likod ko. "Ehem! ayaw mo na ba sa subject ko kaya andito ka pa sa labas ng room?" si Sir Henry pala at nakangiti sakin. Nauna na kasi ung dalawa at naiwan ako dito. di man lang ako niyaya.. Fake Friends!! Hahahaha "Hehehe. Hindi sir. Tinitignan ko lang po sila. eto na nga po oh.. papasok na at uupo sa pwesto. bye sir!" sabi ko kay sir at tumakbo papuntang pwesto ko. natawa ng bahagya si Sir at pumasok na din. naging tahimik naman agad dahil sa presensya ni Sir Henry. "Hi Guys! so nagresearch na ba kayo ng Companies? hahahaha. pero before that sasabihin ko muna ung groupings nyo." paumpisa ni Sir Henry "Sir! ikaw na din po ung pipili ng Leader namin diba?" maarteng tanong ni Kim "Yes. kaya ung napili ko, hindi na sya makakatanggi." sagot naman nya kay Kim "So since 25 kayo, I group you into 5 per group.. So 5 member/ 5 groups." paumpisa ni sir "Oh. pagnakita nyo ung name nyo, magsama sama na ung mga magkakagrupo... name na lang kasi un kasi ung natype ko." sabi naman ni sir habang natatawa ng unti And Sir Henry connect his laptop a projector at bumungad samin ang group na ginawa nya. Group 1: Irine-Justine-Claire-Miles-Clinton Group 2: Krystal-James-Danilo-Gab-Kimberly Group 3: Ivan-Bryan-Kenny-Mark-Nicole Group 4: Jones-Cally-Sandra-Wilmart-Zeus Group 5: Richard-Daryl-Aaron-Aldrich-Andrea Nagulantang naman ako sa Groupings ni Sir. nakahiwalay ako kila Tal at Kim.. at Kagrupo ko ung mga medyo late magpapasa pag may mga research kami... Argh! Bakit?!!! "Sir! bakit po nakahiwalay samin si Nicole tas kagroup nya si Bryan?" tanong naman ni Krystal na gulat pa din. Ung iba naming classmatw nagsisilipatan na at nagsasama sama na kami hindi pa. Kahit si Andrea na hiwalay sa mga kaibigan nya. "Same Sir! magkahiwalay din kami ni Andeng." Sabi naman ni Sandra at ayaw umalis sa tabi ni Andeng Nasabi ko na ba na halos lahat dito sa Block namin ay Scholars. 7 lang ata ang hindi, ung iba Half Scholars at katulad ko si Andeng at Sandra ay full scholar din sila, may natatanggap din silang allowance galing sa school. kahit naman mayayaman sila, nagiging scholars sila. Kaya masaya ung Block namin kasi kahit may mga mayayaman nakikisabay, walang to inggitan.. "Okay! sabi ko na may aangal sa groupings.." natatawang sabi ni Sir "Krystal, hiniwalay ko si Nicole sa inyo dahil mas kailangan sya ng Group nya at para din mahawaan ng kasipagan tong apat." sabay turo dun sa mga kagupo ko na ako na lang ang inaantay. "And Sandra, pinaghiwalay ko kayo ni Andrea dahil alam kong ang punta nyong dalawa ay sa grupo nila nicole. masyado atang luge pag nagkataon na ung tatlong Full Scholars natin ay nagsama sama.. baka wala pa ung deadline napasa nyo na ung sa inyo." mahabang paliwanag ni Sir Henry okay gets! may point naman si Sir dun sa baka magsama sama kaming tatlo kasi ganun talaga to ng naiisip namin kahapon. Hahahaha "kaya pumunta na kayo sa asign group nyo at pag usapan ang company choice nyo. Iaannounce ko din kung sinong leader ng Group nyo." nakangiti pa si Sir samin wala na kong nagawa kaya pumunta na ko Kila Ivan.. "Yes! kagroup namin si Nicole mapapadali ng unti ang trabaho." sabi nito habang pumapalapak "Anong klaseng mura ang gusto mong ibigay ko sayo Ivan?!" tanong ko sa kanya at magtawanan naman ung mga kaklase ko pati na din si Sir. "Ang sweet ng boses pero salitang Kimberly!" asar naman sakin ni Bryan. "At bakit ako nadawit dyan Bryan?! alagaan nyo yang si Nicole dyan.." singit naman nitong si Kim "Okay Guys! Quiet na muna. Group 1 leader nyo si Irine, Group 2 si Kimberly, Group 3 si Nicole, Group 4 si Sandra at Group 5 si Andrea. Now talk to your groupmates kung ano ang company na napili nyo. i"ll give you 10 minutes to discuss after that isulat nyo sa papel at ibigay sakin. Understand?" nagyes na lang kami at nag umpisa na. sa totoo lang matatalino naman ting mga kasama ko. sadyang tamad lang, di naman sila magiging scholars kung hindi ih.. "Ano gagawin natin? may nasearch ba kayong companies?" tanong ko sa kanila "Hm.. Si Ivan meron pero hindi ba pwede ung Villanueva Corp diba kaibigan nyo?" tanong ni Kenny "Baka kasi kuhain nila Kim un pero tatanong ko muna sa kanila kung hindi try natin pero wala na ba kayong naiisip pa?" sabi ko sa kanila "Wait! tanong ko sa kanila. isip na din kayo ng iba ah!" tumayo nga ako ay pinuntahan sila Kim. "Kim! kukunin nyo Vil Corp?" tanong ko sa kanya "Ou ih! un agad naisip ko. Hahahaha" sabi nya nakakamot pa sa ulo "Sabi na ih. Hahaha. sige. salamat" paalam ko sa kanya at bumalik sa bilog namin "Gagamitin daw nila" sabi ko ng makabalik ako "Awts! CL Industry na lang kaya medyo maliit lang na company un pero matagal na. madami na din ata silang branches ng mga stores nila" suggestion naman ni Mark diba matatalino tong mga to! tamad lang talaga.. "Pwede pero madami kaya silang strategies na nagawa na? baka naman ilan lang un, kaya maliit pa din ung company nila." agap naman ni Kenny pinapakinggan ko lang silang magdiscuss ng mga what if nila sa isang company.. "Eh kung Monticlaro Enterprise na lang kaya tutal sila ang naman ung Main Benefactor ng school. Tapos scholars pa tayo.. suggestion lang naman." suggest ni Bryan. May point sya kaso narinig ko kukunin nila Sandra un ih. Competitive si Sandra kaya alam kong un talaga amg gagamitin nya. "Awit! kukunin nila Sands un. narinig kong usapan nila kanina ih." pigil ko sa kanila okay sana pero mahihirapan tayo kasi malaking Kompanya ang Monticlaro Enterprise baka biglang irequired ang interview satin." Tumango tango naman sila at Napagpasyahan na CL industru na lang ang choice namin "CL Industry na lang. incase naman na hindi ganun karami ung strategies nila, bawiin na lang natin sa Explanation para wala na tayong interview." paliwanag ko sa kanila at sumang ayon naman sila Naglista na lang kami ng mga possible na hahanapin namin sa CL Industry para once na magstart na kami ng research di na kami mahihirapan magdistibute ng gagawin sa isa't isa. "Okay! Done? can I collect all the papers with your company choice?" biglang magsalita si Sir Sinulat na namin un at ipinasa sa kanya. "Villanueva Corp., CL Industry, Shan-Si Group, Nuet Company, and Whoa! Monticlaro Enterprise.." Tango tango si Sir ng binabasa nya ung mga company choice namin "Dahil ito ung napili nyo. may twist tayong gagawin. Hehehe" akangiting sabi ni Sir Henry waaaah! twist na naman?!!!! "Hala ano Nicole sabi mo 'Twist na naman?'" sabi ni Kenny at natatawa ung iba naming kaklase. Ha? ano daw? nasabi mo ba ng malakas? teka! wala akong sinasabi?! hayop na kenny to! "Yes Nicole, may twist ulit na mangyayari. Bakit may angal ba?" natatawa na din si Sir siguro dahil sa itsura ko kasi mukha akong tanga "Hoy! wala akong sinabi Sir! nakikinig lang ako dito! sira ulo to si Kenny." sabay hampas kay Kenny na tawa lang ng tawa "Sir narinig namin un sabi pa nya King of Twist daw kayo sabi ni Nicole." sabi pa ni Bryan Ang mga hinyupak na to! kanina lang ang tino nila kausap nung sa about sa research! tapos ngayon inaapi ako! "Mga Walang hiya kayo! Ang tino nyo kausap kanina tas ako pagtitripan nyo ngayon?! Sir! wala akong sinasabi.. Wag kayo maniwala sa mga yan!" halos maiyak na ko sa ginagawa ng mga to. baka maniwala si Sir nagtatawanan na ung lahat pati si Sir pero ako masama ang titig sa mga kagrupo ko. "Osya! Tama na. Sige na Nicole hindi mo na sinabi pero ito twist na to, Ung napili nyong company ay hindi pupunta sa inyo kundi sa makakabunot nito." paliwanag ni Sir pero di pa din tumitigil sa pagtawa ung iba lalo na ung apat na lalaki na to! isa isang tinupi ni Sir ung mga papel na binigay namin. Nasa yellow pad lahat kaya hindi mo malalaman kung ano ung sayo. "Leaders! punta na dito bumunot na kayo. ay wait! Group 1 muna.. Irine, come here." tawag nya kay Irine bumunot na si Irine ng makalapit sya at bunuksan agad un "Yes! Nuet Company sir!" tuwang tuwang sabi ni Irine Buti pa sya.. sana naman mapunta na sami. lahat wag lang ang Monticlaro Enterprise mahihirapan talaga kami ng todo dun. sunod na lumapit si Kim at tuwang tuwa pa kasi kaharap si Sir. "Hoy Kimberly! Bumunot ka muna, mamaya na landi!" sigaw ni Tal na ikinatawa namin at ikinasimangot naman nitong isa "Nag riritwal ako dito na sana Villanueva pa din ung mapunta satin ih. Bahala ka pag Monticlaro Enterprise ang nakuha natin ikaw mag isa ang mag research dun." bwelta namam ni Kim "Tagal mo Lovely Kimberly! bumunot ka na! ubos na oras ni Sir di ka pa nakakabunot!" sabi ko at hinarap nya ko. magsasalita pa sana ng tawagin sya ni Sir. "Get one now Kim. okay na siguro yan ritwal mo. Hahaha" Kumuha na sya at binuksan to.. Sobrang laki ng ngiti nya sa labi at alam ko na kung bakit?! "Oh diba? effective ung ritwal ko! Villanueva Corp! wala kang bilib sakin Krystal Jane ih!" sabi naman nito at nagyayabang pa. "Andrea, Sandra at Nicole sabay sabay na kayo bumunot." sabi ni Sir kaya lumapit na din ako pero di pa din natatanggal ung inis ko sa ginagawa nila sakin. bumunot na kami isa isa. kabado ako kasi hindi talaga ako pinapalad sa mga bunutan ih.. Unti unti kong binuksan at Sabi ko na nga ba hindi talaga ako pinapalad sa bunutan.. napunta sakin ang Monticlaro Enterprise pero sadya atang competitive si Sandra at agad na sinenyasan ako na magpalit kami. mabilis lang un kaya walang nakakita... sana. kaya ang naging company namin ay Shan-Si Group, kila Andeng napunta ung CL Industry at kila Sandra ang Monticlaro Enterprise. Sinabi na din namin kay Sir ung nabunot namin at bumalik na sa grupo namin. "Anong mabunot mo?" Tanong ni Kenny ng makabalik ako "ME pero nakipagpalit si Sandra kaya napunta satin ung Shan-Si Group, buti na lang din. Hahahaha" sabi ko at naupo na "Buti na lang competitive si Sandra! kundi pahirap ung ME satin." bulong ni Bryan pero dinig lang din namin. "Dapat nga di ko na papapalitan ih! pagkatapos ng ginawa nyo sakin mga hinayupak kayo!" biro ko sa kanila Alam ko tahimik lang talaga akong tao ih.. ayokong masyadong nagsasalita pero nung magcollege na, wala naging madaldal na ko at nakikipagbiruan.. Nagtawanan pa kami bago nagsalita si Sir. "Meron na kayong Company at mabigyan ko na rin naman kayo ng mga guidelines na pwede nyong magamit sa pag reresearch.And one more thing, Isa isa kayong gagawa ng icocompile nyo. What i mean is Isa isa kayong kukuha ng strategy ng kompanyang na punta sa inyo at un ung icocompile nyo." paliwanag ni Sir Henry "Then bago nyo ibookbind dapat naipacheck nyo sakin.. And Group 4, Sandra. Since kayo ang nakakuha ng ME.. Required kayong mag interview.. Malawak ang ME at maraming Business before kayo mag interview isipin nyo muna kung anong business nila ang kukuhaan nyo ng Marketing Strategy bago kayo makipag usap sa kanila.. the rest saka ko na sasabihin kung need ng interview." mahabang paalala ni Sir kila Sandra. mabuti na lang talaga at hindi sa amin napunta ung ME kundi mababaliw talaga kami. Tumango lang si Sandra, inilista lahat ng sinabi ni Sir. "Ayun na lang muna. Gamitin nyo ung natitirang oras ko para makapag usap sa pwede nyong gawin or kung gusto nyo ng umpisahan. pwede naman. Goobye guys! see you Next Week." paalam ni Sir at lumabas na nga. Second to the last subject namin si Sir Henry at after nung may meeting kami ng Kinaaadman kaya naman gagamitin ko na to para makipag usap sa mga hampaslupang ito! Hahahaha "Need natin magsearch about the company muna tas tignan kung saang strategy sila pinaka nagpeak at saang strategy naman sila pinaka hindi pumatok. tapos ska natin tignan ung iba at dun kumuha. tingin nyo?" paliwanag ko sa kanila "Tama tama! tas ung pinaka nagdown nilang strategy ung piliin nating ireport tas lagyan natin ng mga points kung bakit sila nagdown at kung ano ung dapat nila ginawa para pumatok un." Sabi naman ni Ivan "Magandang gawin tapos tutal ikaw naman nakaisip ikaw na din gumawa ng reporting nun.. diba?" sabi naman ni Bry. galing talaga! "Bakita kaya hindi ikaw ang gumawa nuh? para naman may maitulong kang animal ka!" singit naman ni Mark "Hey! Tama na nga! magkakasagutan na naman kayo tas wala na tayong matatapos.. di ako pwede mamaya kasi may meeting kami ng Kinaaadman mamaya.. Tong mga toh!" saway ko sa kanila at pinakinggan naman nila ko. Natapos na lang ang oras at may mabuo naman kaming gagawin about sa napunta samin. Next week ma lang ulit, pero dapat may maibibigay kami sa isat isa na info. Natapos na ang Last Subject at mahiwalay na naman ako sa mga kaibigan ko. Si Kim? sana okay na sya medyo nawawala na ata sa isip nya ung panget na Shaun na un. kasi kung hindi sasakalin talaga namin ung panget na un.. Nagpunta na lang ako sa Org Room naming Kinaadman para sa Meeting. nasabi ko ba na Adviser Prof namin dito si Sir Henry. Alumnus pala sya ng AHC, ewan ko lang bakit sya mapunta dito samin. Hahahaha "Hello po." bati ko kila ate jasmine andun na kasi sila pagdating ko. "Hi Nicole. tara na dito, antayin na lang natin ung iba kasi di pa ata tapos ung klase nila." Bati naman sakin ni Ate Jasmine Hay! akala ko talaga late na ko. buti ma lang hindi pa. Naupo ako sa tabi ni Kuya denver at kinuha ung notes ko for Kinaaadman. "Ay nga pala Nics, nadiscuss mo na sa Musikalista ung about sa Battle of The Band diba? nasabi kasi sakin ni James na tumawag daw si Raf sa kanya tas nasabi ko din na nagtext ka sakin." sabi ni Ate Jasmine "Opo. napaliwanag ko na din po ung mangyayari kada rounds po. Excited po kami.." sagot ko naman na mahihiya hiya pa kasi nga part ako ng band "ay ou nga pala! kasali ka dun sa Battle of The Bands.. Goodluck ah!" singit ni kuya Denver "Salamat po." un na lang amg masagot ko dahil nahihiya pa din ako. Dumating na ung mga inaantay namin bali si Sir Henry na lang ung inaantay namin. "Nicole, pwede favor, diba Prof mo si Sir Henry. baka pwede ikaw na lang ung pumunta sa kanya tas pakuha ng mga form and list ng ipapagawa satin ng Student Council.. sa kanya kasi binigay.. tas may bisita daw sya sa office nya." sabi ni Ate Jasmine "Ahm. sige po. alis na po." paalam ko sa kanila. "Sige. Salamat Nicole!" Pasalamat ni ate jasmine naglakad na ako papuntang office ni Sir Henry. Madami pang estudyante na nasa school dahil ung iba kakatapos lang ng klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD