TRUTH

1025 Words
KABANATA 7 TRUTH "Paki sara ang bibig mo, Little Deviana, The Angel. Naglalaway ka na sa sobrang kilig at sa sobrang kagwapuhan ko," nang-aasar nitong sabi. Hindi ko namalayang tapos na pala siyang kumanta. Nag-iwas ako ng tingin at napapatikhim na lang dahil sa hiya. Tumawa ito nang mahina. "Anong nakakatawa?" medyo naiinis kong tanong. "Naalala ko 'yong time na pinrank kita. 'Yong akala mo talaga niloko kita pero ang totoo pinlalo lang namin iyon ni Voss." 'Yon 'yong araw na sinagot ko siya pero kinabukasan kumalat na sinagot din siya ni Gashina. Si Gashina ay pinsan ni Voss na tomboy pala! Grabe 'yong inis at galit ko nung sinabi nilang prank lang iyon. Nakakapanghina pa nung sinabi nilang tomboy si Gashina. Hindi ko naman inakala na maloloko ako ng mga mokong na iyon. Inirapan ko siya kaya mas lalo itong natawa. Nakakatawa ba ang pagmumukha ko? "Ano ba, bakit tawa ka nang tawa?" Nainis na ako nang tuluyan. "Eh grabe ang pagkakunot ng noo mo!" Sinundan niya iyon ng paghalakhak. "Goodness, Yuan magtanda ka nga!" "What? Tss. I just love your expressions. Bawal bang mamangha?" "Kinikilabutan ako dyan sa ngiti mo!" Mas lalo pa nito nilaparan ang kanyang mga ngiti. Ganyan talaga siya simula pa noong una. Minsan hindi mo alam kung bakit sobrang hyper niya. Minsan naman hindi mo maintindihan kung bakit mas babae pa kung magtampo at maging moody. Pero hindi niya ako kailanman napagbuhatan ng kamay. Siya 'yong tipo ng lalaking kakalma kahit sobrang galit na. Kahit sukdulan na. Pero kapag alam kong sobrang nasasaktan siya habang galit, napagtataasan ka ng boses. Binuhat niya ako pabalik sa kwarto ko nang makita niyang uulan na. "Hindi ako nilalamig." Pagrereklamo ko nang balutin niya ako ng kumot. "Kahit na. Para hindi ka lamigin." Hindi ko maigalaw ang sarili ko habang siya'y malayang nakakagalaw at minu-minuto akong pinagsisilbihan. Hindi ako kaagad nakatulog. Kaya naman para antukin nagtanong na lang ako sa kanya ng kung ano-ano. Mabuti na lang at sumasagot siya na walang bahid ng pag-aalinlangan. "Nasaan na si Caren?" "I don't know. Probably on her vacation in Switzerland." Nagbalat ito ng mansanas. "Hiniwalayan mo?" I expected him to say no. Umiling ito. Medyo nalungkot ako. Pero nakabawi rin nang maisip na mas mabuti iyon. Para pag lumisan na ako hindi siya mahihirapang humanap ng iba. "Hindi naman naging kami," ani nito. Napataas ako ng kilay sa kanyang sinabi. Medyo gulat din pero hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "Nakakasama ko lang siya dati pero walang relasyong namamagitan sa amin. But then months ago she told me about her condition. She has a nymphomania," malungkot ang tono ng kanyang boses. Nanlaki ang mga mata ko. I never thought that a woman like her can have a condition like that! May naramdaman akong kirot sa aking puso. Naawa tuloy ako. She's suffering too… "Naging malapit kami sa isa't isa. Isang araw na lang nagising akong gusto siyang protektahan laban sa mga nang-aabuso sa kanya. Everyone who are working with her are calling her 'Dirty woman without dignity'. Akala nila ginusto niya ang nangyari sa kanya. Even her manager have a dirt and insulted her. I asked her to file a case but she stopped me." Hindi ako nakapagsalita. Hindi namin alam iyon ni mama. Ang alam lang namin ay plano ng pamilya ni Caren na gamitin si Yuan para makuha nila ang kompanya namin. Hindi ko hiningi ang paliwanag niya para roon sa araw na nahuli namin sila... Because it is very understandable. But he explained everything. "Alam kong hindi niya sinasadyang itulak ka nun dahil nagulat din siya. Pero nagalit ako sa kanya. Pagkatapos nun sinabi kong huwag na niya akong hanapin o harapin pa. Kasi sino ba naman ang taong gustong malagay sa panganib ang taong mahal niya? Ipinakilala sa akin ni Caren si Gaia noon. Oo gusto kong magka-anak. Pero hindi sa maruming paraan. Kaya naisip ko na makipaghiwalay sayo. Pero kalaunan naisip ko ang mali ko." Nanatili akong tahimik habang nakikinig. Kinain ko na lang ang mansanas na isinusubo niya sa akin. "Bigla akong bumalik sa huwisyo ko at nasa bingit na ng malapit nang pagkasira ng relasyon nating dalawa. Sinumpong siya ng sakit niya noong oras na dumating ka. I swear hindi natuloy ang kung anumang iniisip mo noon. Nagkataon lamang na kagagaling ko lang sa pagligo nang dumating siya. Tulad ng nararamdaman ko kapag inaapi siya at pinapahiya sa Modeling Agency na iyon, naramdaman ko iyon nang sinisigawan siya ni mama. Pinaghalong inis at awa. Naiisip ko na paano kung ikaw rin ay may sakit? Sa sobrang busy ko sa ibang tao hindi ko namamalayan na sarili kong asawa may malalang sakit na pa lang dinadala." Lumungkot ang kanyang boses. Napatungo siya. Akala ko magpapatuloy siya sa pagsasalita pero narinig ko na lang na humihikbi na siya. Nagtubig din ang aking mga mata. Ganito ba lagi kalupet ang tadhana sa mga taong walang ibang ginawa kunde maging mabuti sa kanyang kapwa? O may oras na masusuklian ang kabutihan pero hindi lang ngayon ang tamang panahon? Nakatulog ako sa kanyang pagkukwento tungkol sa aming nakaraan. Pero lumipas ang apat na oras nagising ako. Naabutan ko siyang gising pa rin, hinahalik-halikan ang tungki ng ilong ko tapos nakatitig lang sa akin habang nakangiti pero halata ang sakit, lungkot, at pangungulila sa kanyang mga mata. "Bakit gising ka pa?" napapaos kong tanong. "I can't sleep. I want to spend my time staring at you. Memorizing every inch of you, again. Matulog ka na ulit, hindi pa naman nag-umaga," napapaos din nitong sagot. "Kantahan mo nga ulit ako para makatulog ako." Nakadungaw lang ito sa akin habang pinaglalaruan ang buhok ko. Maya-maya'y kinanta nito ang chorus ng Swear It Again by Westlife. "I'm never gonna say goodbye. Cause I never wanna see you cry. I swore to you my love would remain. And I swear it all over again and I, I'm never gonna treat you bad. Cause I never wanna see you sad. I swore to share your joy and your pain. And I swear it all over again..." Isang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo at ako'y nakatulog na ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD