HILING

1099 Words
KABANATA 8 HILING Buong gabi niya akong inalagaan. Kaya noong nakatulog ako at nagising ulit na wala siya sa tabi ko at si mama lang ang nandito ay agad akong nataranta. Akala ko iniwan na ulit niya ako. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang maraming bulaklak, balloons, cake, at iba pa habang may dalang camera si Yuan kasama si Voss at Farah. Ako, sina Farah, Voss at Yuan ay matagal nang magkakakakilala. Dati kong manliligaw si Voss pero binusted ko na bago pa man maikalat na kami na ni Yuan. Alam ko kasing may pagtingin si Farah sa kanya. Pero pinanatili niyang hindi ito pinapakita dahil alam niyang ako ang gusto ni Voss. Nang aalis na sana papuntang France si Voss inamin ni Farah ang nararamdaman niya. Ang sabi ni Voss sakali mang bumalik siya sana nakapaghintay si Farah. Pero labing tatlong taon ang lumipas walang Voss na dumating. Nabalitaan kong 'yong pinsan ni Farah, na si Stella, ang pumuporma kay Voss kaya hindi na umasa pa si Farah. Gusto kong makita kung paano ikasal si Farah kay Voss o kahit sino mang maswerteng lalaki, pero mukhang malabo... Ngumiti ako sa camera. Hindi ko sinayang ang pagkakataon na iyon. Ngumiti lang at tumatawa na para bang wala akong sakit na dinaramdam. Naging masaya ang araw na iyon. Naiyak lang ako nang may pasabog pala sila para sa akin. Akala ko may kung ano na, 'yon pala ang araw na naging malapit kami sa isa't isa. Umuwi rin kaagad si Farah at Voss. Pati si mama umuwi nang maaga dahil hindi niya pupwedeng iwan ang kompanya. Nagulat ako nang nandoon din si mommy, ang mommy ni Yuan. Usually kasi palagi itong nasa ibang bansa, at hindi sila masyadong nagkakasundo ni mama. Hindi kasi workaholic si mommy kaya naiinis si mama sa kanya. Ay ewan ko ba! "Hindi na tayo bata, Yuan. Tigilan mo nga iyang pagpapahid ng ici—AAAHHH!!" Napatili ako nang pahiran niya ulit ako ng icing. "Yuan!" "Ah ito pa." At pinahiran ulit ako ng mas malaking icing. Hindi ako makaganti. Tawa lang siya nang tawa habang kumakain ng cake. Napapatawa na lang din ako. Madami akong gustong itanong. Pero nanatili akong tahimik. Ayokong magtanong dahil baka hindi isang sagot ang gustuhin kong marinig galing sa kanya. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Sobrang sakit. "Y-Yuan.." "Hmm?" "Sakali mang may kamukha ako tapos nagkakilala kayo, anong gagawin mo?" mahina ang pagkakatanong ko. "Ngingiti. Kasi sa huling pagkakataon nasilayan ko ulit ang mala anghel mong mukha," tugon nito. "Huling... pagkakataon?" nagtatakha kong tanong. "Oo. Kasi 'yong totoong ikaw lang ang mananatili sa puso ko. Ayoko na ulit humanap ng iba. Tama na itong pagkakamali ko, dahil sobra sobra naman ang parusa." Malungkot ang kanyang tinig. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Parusa dahil dalawang tao ang mawawala sa kanya. Una ang anak naming hindi man lang nasilayan ang mundo. Hindi ko kayang sabihin ang pangalawa. Ayoko pang umalis. Ayoko pang lumisan. Ayoko siyang iwan. Paano pag hindi niya naalagaan nang mabuti ang sarili niya? Paano kung kalimutan niya lahat ng bilin ko sa kanya? "Baby..." tawag ko sa kanya gamit ang endearment naming dalawa. Kanina pa siya nakatitig sa akin. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Lumapit naman ito. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito. "Saulo mo ba lahat ng ibinilin ko sayo?" "Yup." Niyakap niya ako sa likod. Iniligay niya ang baba sa aking balikat habang hinahalikan ang leeg ko. The warmth of his embrace made me feel at home. Ito iyong matagal ko nang inasam na bumalik. Na sa bawat paggising ko ito ang gusto kong maramdaman muli. Na sa bawat araw na nilalamig ako, siya ang gusto kong umakap sa akin hanggang sa mainitan ako. "Bakit hindi ka na madaldal ngayon? Dati naman pag alam mong nagkakasakit ako palagi kang nagkukwento na para bang nagpapaalam kasi takot ka na mawala ako at hindi ka nakapagpapaalam sa akin," tunog nagtatampo kong sambit. Naramdaman ko ang pagpatak ng kanyang luha. Haharapin ko sana ito ngunit mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Ayaw niyang nakikita ko siyang malungkot. Ayaw niyang nakikita ko siyang umiiyak at mahina. Ayaw na ayaw niya. Gusto niya laging ipakitang malakas siya. Matatag palagi at masaya. "Kasi a-ayoko pang mamaalam. Ayoko. Gusto kong kasama lang kita. Gusto kong manatili ka lang sa tabi ko. Gusto kong punahin lahat ng pagkukulang ko sa loob ng dalawang taon. Pero da-dalawang araw lang ang ibinigay sa akin. Ito ba ang kabayaran sa lahat?" Umiiyak lang 'yan kapag hindi na niya kaya 'yong sakit. Umiiyak lang ito kapag sukdulan na. Napakagat labi ako at di napigilang umiyak. Suminghot pa ako. "Maging matatag ka." "Paano? Paano kung ayaw ko? Magiging selfish ba ako kung gusto kong nasa tabi lang kita? Magiging selfish ba ako kung gusto kitang agawin at piliting dito lang kasama ako?" "Magiging selfish din ba ako kung gusto kong bumitaw ka na at tanggaping hanggang dito lang ako? Yuan, kaakibat ng tagumpay ang mawalan ng mahal sa buhay. Malay mo ako pala ang sagabal sa lahat ng magiging tagumpay m—" "Ikaw ang dahilan ng tagumpay ko. Stop saying that. You are my everything, baby. I want to be martyr. I want my heart to be numbed. I don't want to feel this kind of pain anymore. I-I've always wanted to be loved. Akala ko nagkulang lang ang mga tao sa paligid ko na mahalin ako at intindihin sa kagustuhan kong magkaanak. Pero ako pala ang nagkulang. Ako pala ang nabulag. I just want to be happy. We just want to be happy. Ayoko pang isara ang libro ng ating kuwento dahil hindi ko pa napupunan lahat ng pagkukulang ko. Gusto kong makita mo isang araw ang saya sa mga ngiti ko dahil natupad ang panghuling kahilingan ko," tuloy-tuloy nitong sabi. "Ano bang panghuling kahilingan mo?" "Ang mabuhay ka pa ng matagal kasama ako." Humikbi ako kasabay ng paghikbi niya. Tadhana nga naman. Sumang-ayon ang panahon kung kailan tadhana na ang kalaban. Sumang-ayon ang tadhana kung kailan panahon naman ang pilit lumalaban at umaayaw. "Gusto kong malaman ang una mong hiniling noon," mahina kong sambit at inabot ang gilid ng kanyang mukha para haplusin ito. "Unang hiling ko noon? Iyon ang mapansin mo rin ako. Sumunod ang pangalawang kahilingan ko na sagutin mo ako. Pangatlo ang magtagal tayo. Pang-apat ang sa akin ka maikasal. Muntikan lang matupad ang huling tatlong kahilingan ko." Puno ng hinanakit ang mga katagang iyon. At iyon ay ang kahilingan niyang manatili kaming dalawa, magka-anak ng marami at mabuhay ako nang matagal kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD