“Masakit ba?” tanong ko nang makarating kami sa veranda. Saka lang din niya binawi ang pagkakahawak sa akin. He frowned and bit the side of his wounded lips. Ako ang napangiwi sa ginawa niya ngunit sa kanya ay tila wala lang iyon. “I only accept it because he’s leaving,” aniya at nilingon ang malayong dagat kung saan maliit na lang ang bangka. “He will know about you soon,” pag-amin ko. “Hindi ko sinabi sa kanya. But he’s determined to start an investigation. Dahil sa nangyari kahapon ay madali lang para sa kanya na makumpirmang hindi ka talaga namin tauhan.” “I am working for you. That makes me your employee.” “But not from our agency. Tingin ko ay may record ka dati sa kumpanya. It’s a security agency. Kaya tiyak na malalaman din Seyer ang tungkol sa’yo.” “Are you worried?” maraha