I groaned at the weight pushing me down onto the bed. Nagmulat ako ng mga mata sa mabigat na brasong nakapatong sa akin. Ganoon din ang binti sa aking tagiliran. Hindi ako malikot matulog. Ngunit nakapagtataka na kung ano ang posisyon ko kagabi ay iyon pa rin ang ayos ko kinabukasan. I think Sirius has something to do with it. Sa pagmulat ng ay tuluyan nang naglaho ang antok. I was wide awake. Hindi ko inaasahan na narito pa rin siya paggising ko! I slowly lifted his hand leg off of me but he moaned and squeezed himself against me. Tila rin alam na mahuhulog ako kaya inusad niya kaming dalawa sa gitna. When I finally got to turn to see his face, he’s still asleep. Sigurado ako roon. Kalmado ang kanyang mukha. Marahang nakaawang ang mga labi. Once again, I was reminded of how he looked l