Chapter 7

2074 Words
Bing Fernandez “Good morning, Sir Lucio! Nakaluto na po ako ng breakfast. Maghahain na po ba ako?” Masayang bati ko nang mamataan ang napaka-gwapo kong amo na pababa ng hagdan. Pupuntahan ko na sana siya sa kwarto niya para sabihin na handa na ang agahan. “Morning, yes please.” walang gana na sabi nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Laglag ang balikat kong napabuga ng hangin habang pinagmasdan na lang si Sir Lucio na papunta sa may sala. As usual ay magbabasa muna ito ng dyaryo at tatawagin ko na lang kapag handa na ang pagkain. Tatlong araw na rin mula ng nagsimula akong pagsilbilhan si Sir Lucio ay ganito araw-araw ang pakikitungo niya sa akin tuwing umaga. Nakakalungkot na kulang na lang ay hindi ako nag-eexist sa paningin niya. Dahil ba badtrip na siya sa akin sa mga kagagahan na ginawa ko nang unang araw ko pa lang? Oh, dahil sa pangit ako? Sa agahan lang nakakakain dito si Sir Lucio. Pagkatapos kumain ay sisibat na agad ito papasok ng trabaho. May main office ang resort ni Sir Lucio sa Del Fiero Building kung saan daw nagtatrabaho ang kapatid nitong si Sir Levi na hindi ko pa naman nakikilala. Pero madalas daw na doon si Sir Lucio nagpapalipas ng ilang araw sa Batangas kung saan matatagpuan ang resort na pinamana pa ni Donya Aubrey sa kanya. Lahat iyon ay naikwento naman sa akin ni Nanay Leah na mayordom ani Donya Aubrey. Madalas late na umuuwi at sa labas na raw kumakain si Sir Lucio. Kagabi nga ay hindi ko na naabutang gising ang binata. Tiningnan ko na lang ang kotse nito kung nakaparada ba sa parking para lang malaman ko kung umuwi ba ito kagabi. Kaya hindi man lang natitikman ni Sir Lucio kung gaano ako kasarap magluto. Puro breakfast na lang ang naihahanda ko. Ang problema ay nagluluto pa ako sa gabi kaya nasasayang lang din ang luto ko at ako ang kumakain kinabukasan dahil ayoko naman pakainin si Sir Lucio ng pagkain na ininit na. Ilang sandali ay biglang lumingon sa akin si Sir Lucio na bigla pang kumunot ang noo. “What are you still doing there?” Natigilan ako. Kapag tumatama sa akin ang titig niya ay nanghihina talaga ako. “Ahhm, Sir… ito na po…” sambit ko na akmang hahakbang papunta sa may kusina para magsimula ng maghanda ng breakfast para sa amo. “Make a breakfast for two.” Sambit ni Sir Lucio kaya bigla akong natigilan. “Gusto niya akong kasabay kumain?” Sa isip-isip ko. Bigla ay parang tatalon ang puso ko sa kakaibang saya. Sa wakas hindi ko na mararamdaman ang pag-iisa at gusto akong sabayan ni Sir Lucio sa pagkain. “Lucio!” Bigla ay napatingin ako sa itaas ng hagdanan nang may biglang tumawag do’n. Agad akong namula nang makita ang isang babae na nakasuot ng maluwag na t-shirt at panlalaki na boxer short. Damit iyon ni Sir Lucio. Nasa itaas pa lang ng hagdan ay nakikita ko na ang bakat nitong ut*ng. Agad akong namula at nag-iwas ng tingin. Hindi man lang nag-bra ang babae. Ako pa ang naeskandalo sa sitwasyon at parang walang pakialam naman ang babae na narinig ko ang yabag pababa ng hagdan. Nang binaling ko ang tingin kay Sir Lucio ay naroon na ang tingin niya sa babaeng sexy at maganda at kagat nito ang ibabang labi. Alam kong hinahagod niya ng tingin ang sexy na babae. Sobrang ganda at sexy naman kasi ng babaeng iyon kaninang isang sulyap pa lang ang ginawa ko. Naglakad na lang ako patungo sa kusina. Nagsimula na akong maghain ng niluto kong fried rice, at tapa with sunny side up eggs. “Apaka assuming mo naman kasi, Bing!” saway ko sa sarili nang maalala na akala ko ay para sa akin ang additional na breakfast na pinahahanda sa akin. Nang matapos akong maghanda at maghain sa dining table ni Sir Lucio ay tinawag ko na ang amo na nasa sala. Nakaupo ito sa sofa katabi ang babae kanina. Hindi pa nila binabaling ang tingin sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na masdan sila. Grabe! Sobrang ganda ng babae kahit dito pa lang sa malayuan. Kahit nakaupo ito ay alam mong sexy kapag tumayo na. Parang pang beauty contest ang datingan. Sabagay mukhang matangkad ito nang kaninang masulyapan ko pa lang. At isa pa. Bagay sila. Maganda at gwapo. Parehong sexy. Sa awra ng babae ay mukhang mayaman ito. “Ahhm, Sir Lucio handa na po ang agahan.” Nakangiting banggit ko nang makalapit at matapos ay binaling ko agad ang tingin sa babae ni Sir at nginitian ko. Ngumiti naman pabalik sa akin ang babae. Mas lalo itong gumanda sa paningin ko kaya napaawang na lang ang labi ko sa paghanga. “Come on, Sheila” Bigla ay tumayo si Sir Lucio at inalalayan pa sa pagtayo ang babae. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanila at tila lalanggamin na dito sa sala sa ka-sweetan nila. “Yes.” Sambit ng babae sabay angkla ng braso nito kay Sir Lucio. Tinalikuran ko na lang sila at nagtungo muli sa dining habang naramdaman ko na ang pagsunod ng dalawa. Narinig ko pa ang hagikgik no’ng Sheila at tila nagkikilitian sila sa likuran ko. “Maupo na po kayo, Ma’am, Sir.” Magalang na sabi ko. “Thank you, Bing,” sambit naman ni Sir Lucio na ang atensyon ay nando’n kay Ma’am Sheila at pinaghila muna ito ng upuan bago siya umupo. Napakaswerte naman ng mga babae ni Sir Lucio. Ang sarap pala magmahal ng isang Lucio Del Fiero at gagawin kang parang prinsesa. Kapag siguro naging boyfriend siya ay alagang-alaga nito ang girlfriend. “Ma’am Sheila. Gusto niyo po ba ng juice o kape?” tanong ko. “Ahm, juice na lang…” Nakangiting sabi nito. “Ano nga ang pangalan mo?” “Bing po.” “Bing. How cute… Thank you, Bing,” sambit uli ng Sheila at binaling na ang tingin kay Lucio. Mabuti at mukhang mabait itong babae ni Sir Lucio ngayon. Hindi gaya nang nakaraan na sinungitan ako. Si Sir Lucio naman ay nagsimula nang magsalin ng fried rice sa plato ni Ma’am Sheila. Tumalikod na rin ako at nagpunta ng kusina para magtimpla ng juice. Si Sir Lucio naman ay natimplahan ko na ng black coffee. Nang bumalik ako sa dining table ay nakita kong maganang kumakain na ang dalawa. “Hey, Bing! Did you really cook this.” Sambit ni Ma’am Sheila habang nilalapag ko ang baso na may juice. Kinabahan ako. Obvious naman na ako ang nagluto no’n dahil ako ang kasambahay dito. Pero bakit kailangan pa nitong itanong? May mali ba sa lasa ng beef tapa ko? Ako pa naman ang mismong nagtimpla no’n. “Ahh… Opo, Ma’am Sheila. May problema po ba?” “This is so good!” Exaggerated na sabi naman ni Ma’am Sheila. Bigla ay napalitan ng tuwa ang kabang naramdaman ko. Lumapad ang ngiti ko sa babae na muling sumubo at ganadong ganado sa luto ko. Nang binaling ko ang tingin kay Sir Lucio ay magana rin ang kain nito. Nitong nakakaraang araw ay bacon at hotdog ang niluluto ko kay Sir Lucio kaya ngayon lang nito natikman ang special beef tapa na ginawa ko. “Grabe… this is the best beef tapa I’ve ever taste. Ang sarap mo pa lang magluto.” Sambit pa rin ni Ma’am Sheila kahit may laman pa ang bibig nito. “Ang swerte mo naman sa kasambahay mo, Lucio. Kung pwede lang na akin na lang siya.” Baling pa nito sa lalaki. “You’re my girlfriend now, Sheila. Pwede ka naman magpunta dito ng madalas para matikman ang luto ni Bing. Ngayon ko lang din natikman ang luto niyang tapa. I guess, hindi ko siya pwedeng pakawalan.” Tumawa lang si Ma’am Shiela kay Sir Lucio. “Malapit na ang Bikini open at baka hindi mo ma-control ang diet mo kung si Bing ang magluluto sa’yo.” Dagdag pa na sabi ni Sir Lucio. Tumingin sa akin sa akin si Sir Lucio at ngumiti. “This taste so good, Bing.” Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa simpleng ngiti ni Sir Lucio. Ang lakas ng impact no’n sa kalamnan ko. Bigla ay parang nag-iba ang timpla ng tiyan ko at parang hinahalukay sa kilig. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. “Thank you po, Sir Lucio.” Agad ko nang iniwan ang dalawa sa hapag at bumalik sa kusina. Masaya ako dahil na-appreciate ang luto ko. Nang nakatira pa ako kina Tiya ay hindi ko maramdaman ang gano’n sa mga kinalakhan na pamilya. Tanging ang kaibigan ko lang na si Gabriel ang pumupuri sa akin. Naging magana na ako sa trabaho. Hanggang ngayon ay tila nakatatak pa rin ang itsura ni Sir Lucio habang ganado sa niluto ko. Siguro naman ngayon ay hindi siya papasok dahil mukhang wala pang balak umalis si Ma’am Sheila dito sa bahay. Napailing na lang ako dahil sa kakaisip kay Sir Lucio. Bigla ay tinaga ko sa isip na may girlfriend na si Sir. Pero hindi naman siguro masama na humanga sa lalaki ng palihim? Hanggang simpleng paghanga lang naman ang gagawin ko dahil alam ko naman na ang mga tipo nito. Isa pa ay lupa ako at langit si Sir Lucio. Kailanman ay hindi kami magtatagpo dahil sa layo ng kapalaran namin. Hinugasan ko na ang ilang pinggan na ginamit ko sa pagluluto. Mamaya ay pupuntahan ko na lang para iligpit ang pinagkainan ng mag-jowa. Kumain na rin ako matapos hugasan ang mga kaldero. Matapos kumain ay muli kong nilagay sa sink ang pinagkainan ko. Naisipan ko na i-check naman ang sahog na kakailanganin ko mamaya sa pagluluto. Tumingin ako sa ref at meron pa naman akong karne na magagamit. Siguro ay lulutuin ko na ang specialty kong menudo. Sana naman ay hindi na umalis si sir Lucio ngayong araw para matikman niya na. Nag-check naman ako ng tomato sauce sa pinaglalagyan ko na canister at nakita kong wala ng laman iyon. Ang alam ko ay meron pa no’n sa built-in cabinet kaya agad akong naglakad papunta doon. Binuksan ko ang cabinet at tumungkod para abutin ang canister kung saan nakalagay ang tomato sauce. Medyo mataas ang cabinet na ‘yon kaya mas tumingkayad pa ako para maabot dahil ayoko nang maghila pa ng silya at tumuntong para maabot ko. Nahawakan ko na ang canister ng biglang may kamay na humawak din do’n na ikinamanhid ng buo kong katawan. “Ito ba ang inaabot mo?” Agad nanlaki ang mata ko nang marinig ang tinig ni Sir Lucio na nasa likod ko. Ramdam ko ang katawan nitong nadikit sa likuran ko dahilan para magulat ako at bigla kong inalis ang kamay ko. Di pa sinasadyang tumama iyon sa gilid ng mukha ko kaya nasanggi ko ang salamin ko na agad kumawala sa mata ko at bumagsak sa may table. Mabuti na lang at hindi sa lapag dahil kung hindi ay basag iyon. Agad akong humarap at doon ay nakita ko si Sir Lucio na nakaangat pa ang kamay doon sa may cabinet. Bigla ay napatingin ito sa akin. “Sh*t na malagkit!” sigaw ng utak ko. Hindi ko namalayan na naipatong ko ang kamay sa dibdib ni Sir Lucio. Para kasing bibigay ang tuhod ko sa pagkakalapit namin. Sa sobrang lapit ng pagitan namin at nagdikit na bigla ang mga katawan namin. Bigla ay natuod ako sa kinatatayuan at hindi na maigalaw ang katawan. Kahit kamay ko ay hindi na nakisama at hindi ko na maalis sa dibdib ni Sir Lucio. Ang tigas no’n! Sobrang nagwala ang puso ko sa paglalapit namin ni Sir Lucio. Pero mas lalong nag-rigodon ang pintig ng puso ko nang napatitig si Sir Lucio sa mata ko. Napalunok ako habang dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang nako-conscious ako! “Sir Lucio…” namutawi sa bibig ko nang ayaw kumilos ni Sir Lucio at nagpalipat lipat ang tingin sa mga mata ko habang naka-awang ang labi. Siguro ay na-amaze siya sa kulay ng mata ko. Meron akong rare eye color na dark gray eyes na ilang percent lang sa mundo ang may ganitong kulay ng mata. Mas nakita niya dahil natanggal ang salamin ko. “Your eyes…” biglang anas ni Sir Lucio. “Your eyes seem familiar…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD