Bing Fernandez “S-sir…” anas ko. Hindi ako sigurado kung narinig pa iyon ni Sir Lucio. Basta alam ko lang ay mas malakas ang t***k ng puso ko. Nakakabingi. “Lucio!” Agad nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Ma’am Sheila. Bigla ay naitulak ko si Sir Lucio sa dibdib. Natauhan naman si Sir Lucio at nabigla sa ginawa ko. Agad na akong tumalikod at pinulot ang salamin ko. Mabilis ko ‘yong isinuot at nang humarap ako ay nakatalikod na si Sir Lucio. Doon na siya nakaharap kay Ma’am Sheila na nakapasok na dito sa kusina. “Diyos ko! Nate-tense ako!” sigaw ng utak ko. Nararamdaman kong nag-iinit ang pisngi ko. “Sheila…” Sambit ni Sir Lucio na lumapit sa babae. Binaling ni Ma’am Sheila ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagtitig nito sa mukha ko at naging bakas ang pagtataka nito. P