Chapter 6

1407 Words
Bing Fernandez “Sir, pasensya na po kayo!” pakiramdam ko ay maiiyak ako sa nakikitang reaksyon ni Sir Lucio. Sino nga ba ang hindi magagalit? Matapos kong mabasag ang mamahalin na vase nito kagabi ay ngayon naman ay nasunog ang damit nito. Diyos ko naman, bakit ba naman talaga saksakan ako ng clumsy? “That’s my mother’s gift!” napahawak naman si Sir Lucio sa sentido nito. Kung kanina ay parang knight in shining armour ko si Sir dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa sa akin doon sa babaeng kasama nito ay ngayon parang ito naman ang mang-aaway sa akin. “S-sir pasensya na po talaga, hindi ko po talaga sinasadya!” napayuko na lang ako habang nakakakapit ng mahigpit sa polong gusto ko nang itakip sa mukha ko dahil sa kahihiyan. “P-papalitan ko na lang po kapag nakasahod na ako.” “No need!” ang sabi ni Sir Lucio na kunot na ang noo. Kinabahan ako sa sinabi nitong ‘no need’. Baka dahil tatanggalin na ako nito? “Maghahanap na lang ako ng bagong susuotin!” Matapos ang sambit ni Sir. Parang napamura pa nga ito ng mahina. Umalis na si Sir Lucio at halatang galit sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan at napayakap sa hawak na polo habang kagat ang ibabang labi. “Promise papalitan kita kahit maubos ang magiging sahod ko.” sambit ko na lang sa sarili ko habang nakatingin sa nasunog na polo. Nakakahiya na regalo pa naman ito ni Ma’am Aubrey kay Sir Lucio. Pero mas worst na ang presyo no’n ay lagpas kalahati na ng sahod ko. Ang laki agad ng mawawala sa akin. Naghintay ako ng ilang sandali pero hindi na bumalik si Sir Lucio. Hindi ko tuloy alam kung may ipapa-plantsa pa ito. Ilang minuto pa ako naghintay at nang hindi na talaga bumalik si Sir Lucio ay napagpasyahan ko na ako na lang ang pumunta doon sa kwarto nito. Nanginginig ang kamay ko na kumatok at nang wala akong narinig na sagot ay pinihit ko ang seradura ng pinto. “Gosh!” nagulat na lang ako nang madatnan si Sir Lucio na half naked na nakatalikod sa akin at nakaharap sa closet nito. Siguro ay ito na mismo ang naglagay ng ibang mga damit nito sa closet dahil hindi ko pa naman naayos ang mga box na pinadala dito ng driver. Tila natuod na lang ako sa kinatatayuan ko mula dito sa may pinto nang biglang humarap sa akin si Sir Lucio. Kitang kita ko mula dito ang ganda ng katawan ni Sir. One, two, three, four, five, six, seven, eight... Eight! Mabilis kong bilang sa isip ko. Eight pack abs ang meron ito dahilan para mapanganga ako. Halatang alaga sa gym ang katawan ni Sir Lucio. Parang hindi na ito totoong tao sa paningin ko. Sa barrio kasi namin ay wala akong nakitang ganitong kaganda na katawan. Para sa akin ay ang kaibigan ko na si Gabriel ang pinakamagandang katawan na nakita ko noong naligo kami sa ilog, at six-pack abs ang meron ito. “Bing!” bigla naman akong napakislot nang marinig ang boses ni Sir, bigla tuloy akong napahiya dahil nakita nitong nakatitig ako sa katawan nito. Binaling ko ang tingin sa mukha ni Sir Lucio. “Are you listening?” “Listening?” May sinasabi na pala ito. Hindi ko tuloy narinig dahil nasa iba ang atensyon ko. “Sir, p-pasensya na po, itatanong ko lang kasi kung may ipapa-plantsa ka po uli?” napayuko naman ako, sobrang nag-init ang mukha ko sa ikinilos ko at alam kong namumula na ako ngayon. Pati ako ay naiinis na sa sarili ko. Hindi dapat ako kumikilos nang ganito sa harap ng amo ko at nagmumukha talaga akong tanga. Pero ang hirap pigilan ng paghanga ko sa ka-gwapuhan ni Sir Lucio. Idagdag pa na kanina ay pinagtanggol ako nito doon sa masungit na babaeng bisita nito. Para siyang prinsepe sa paningin ko. “No more, baka masunog ulit!” may kasungitan na sagot nito sabay harap muli sa closet nito. Bigla tuloy akong nalungkot at badshot na tuloy ako dito. “Ah, sige po Sir. P-pasensya na po uli.” Hindi ko na matingnan pa sir at lumabas na lang ng kwarto. Hindi man lang ako nito nilingon na. Pagkalabas ay doon ako napabuga ng hangin dahil sa labis na kaba ko. Muli akong bumalik sa sa room kung saan ako nag-plantsa at niligpit ko ang mga naiwang kalat ko roon. Mabilis na kilos ang ginawa ko at matapos ay lumabas ako doon ay nakita ko ang gwapong si Sir Lucio na malamang ay paalis na dahil nilalaro nito sa kamay nito ang susi ng kotse. “A-ahm, sir Lucio,” agaw pansin ko sa binatang amo. “P-paalis na po ba kayo?” Bahagyang naningkit ang mata ni sir Lucio. Sa tingin ko talaga ay mainit na ang ulo nito sa akin. Kasi naman… ang dami ko ng katangahan na nagawa! “Yes. I don’t know kung anong oras ako makakauwi. Just make sure that all the doors are closed lalo na kung wala pa ako. I don’t expect any visitor… kaya huwag kang magpapasok ng kung sino-sino. I’ll call you once I’m going home.” Seryoso lang ang mukha ni Sir Lucio habang sinasabi ang mga bilin nito. Sinabayan ko siyang maglakad hanggang sa makarating kami sa parking ng sasakyan nito. Marami rin pala akong gagawin ngayon mag-isa dito sa mansion dahil sa mga utos ni Sir Lucio. Kasama na doon ang ligpitin ang mga boxes na naglalaman ng mga personal na gamit at damit at iligpit sa kwarto nito. Nakita ko na lang na kinapkap nito ang pantalon nito sabay labas ng cellphone nang nasa tapatna kami ng kotse niya. Naging busy na ito sa pagdutdot ng cellphone at parang naging hangin na lang ako sa paningin nito. “What’s your number, Bing?” sambit ni Sir Lucio matapos nang ilang sandali na wala naman sa akin ang tingin. “Ahm, Sir… wala po akong cellphone.” Nag-angat ng tingin sa akin si Sir Lucio. Ngayon ay mas kunot na ang noo nito. “This is the first time na may nakilala akong taong walang cellphone.” Seryosong sabi ni Sir Lucio. Hindi ko alam kung insulto ‘yon. Pero na-offend ako. Parang hindi tao ang tingin niya sa akin kung gano’n? Dahil ba pangit ako? Never pa talaga akong nagkaroon ng cellphone sa tanang buhay ko dahil wala naman akong sariling pera at inalipin lang ng kumupkop sa akin. “A-ahm, sir, pasensya na po.” Tanging nasambit ko na lang sabay yuko at ayokong salubungin ang titig ng lalaki. Sa tingin ko ay magiging expression ko na ang salitang ‘pasensya’ dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses ko iyon sinabi mula pa kaninang umaga. Nababanas na siguro si Sir Lucio kakasabi ko no’n. Narinig ko na lang na napabuga ng hangin si Sir Lucio. “It’s okay. I know my sister bought a new phone. Hihingin ko na lang sa kanya ang lumang cp niya para ibigay sa’yo.” Hindi na nakita pa ni Sir Lucio ang pagngiti ko sa kanya dahil nang inangat ko ang tingin ay tinalikuran na niya ako at pumasok sa kotse niya. Pina-andar na ni Sir ang sasakyan nito at tiningnan ko lang iyon. May automatic gate systems ang driveway kung saan lalabas ang kotse ni Sir kaya kahit gabihin siya ay hindi naman ako maiistorbo. Sinundan ko si Sir Lucio nang tingin hanggang maka-alis ang sasakyan niya ay nakatulala pa rin ako sa may parking. Ilang sandali pa yata ang nakalipas bago ako kumilos at pumasok muli sa loob ng mansion. Naging busy ako habang wala si Sir Lucio. Sinunod ko ang mga utos nito na iligpit ang mga personal na gamit nito. Nag-stay ako sa kwarto nito at maingat na inilabas ang mga gamit nito na nasa box. Halos mga damit lang naman ang naroon na sinalansan ko sa closet ni Sir. Medyo nag-init lang ang pisngi ko na pati mga brief ni Sir Lucio ay niligpit ko. Bigla ko tuloy na-imagine ang katawan ni Sir… lalo na at kanina ay nakita ko ang abs nito. Pero agad ko rin na sinaway ang sarili sa kahalayan na naiisip. “No, Bing. Katulong ka ni Sir Lucio at ‘wag mo nang tangkain na magkagusto sa babaero mong amo.” Saway ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD