Chapter 5

2426 Words
Bing Fernandez “What the f*ck! What the hell is that??!” Parang hanggang ngayon ay naririnig ko pa ang tinig ni Sir Lucio. “Lord, please sana hindi muna magising si Sir Lucio!” abot abot na panalangin ko habang naghihiwa ng bawang para sa iluluto ko na fried rice na agahan ni Sir Lucio. Bakit ba naman kasi umiral na naman ang pagka-clumsy ko kagabi at natabig ko pa ang mamahaling vase. Ngayon ay ang problema ko ay pasasahurin pa ba ako at hindi ko alam kung magkano ang halaga ng vase na nabasag ko. Kaninang paggising ko nga lang nailigpit ang mga bubog na nagkalat kagabi. Kung minamalas ka nga naman. Nakadagdag pasanin pa sa akin sa pag-iisip ang tungkol sa vase na ‘yun. Sobrang puyat ako pero kailangan kong gumising ng alas singko ng umaga para linisin ang basag na vase at maghanda ng agahan ni Sir Lucio. Pero hindi ko alam kung pati ba ang babae na kasama niya kagabi ay narito pa. Malay ko ba kung narito pa ang girlfriend ni Sir Lucio. “Sh*t! I wanna eat your wet p*ssy all night...” Gosh! Ano ba itong nangyayari sa akin. Hanggang ngayon ay parang naririnig ko rin sa utak ko ‘yung sinabi ni Sir Lucio dun sa babae. Kung ganoon ay kinain niya ‘yung ano nung babae? Pati ang paraan ng pagkakasabi nito dun sa babae ay naaalala ko pa. Ang sexy ng boses nito. Pakiramdam ko ay pulang-pula ako ngayon habang naghihiwa ako ng bawang. Napakislot naman ako nang makarinig ng tikhim mula sa likuran ko. “Sir Lucio!?” “Ming,” tawag ng baritonong boses mula sa likod ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa kutsilyo. Kahit hindi ko tignan kung sino ang nasa likod ko ay alam ko na kung sino ito. Isang beses ko pa lang nga na narinig ang boses nito ay tumatak na talaga sa tainga ko. Hindi ko naman alam kung lilingon ako dahil sobrang kaba nang nararamdamam ko. Parang nabibingi pa yata ako at iba ang pagkakarinig ko sa tawag nito sa pangalan ko. “Ming ming,” muling sambit ng lalaki na nasa likod ko. Doon ay malinaw na sa pandinig ko ang sinabi nito sa pangalan ko. Bigla tuloy akong na-disappoint dahil apat na letra na nga lang ang pangalan ko ay hindi pa nito natatandaan. Napilitan na akong bitawan ang kutsilyo, tumayo at humarap sa boss ko. Pero hindi ko pa ito nasulyapan dahil nakayuko ako. Kinakabahan akong magtaas ng mukha at baka makita ko ang mukha nitong galit. “Ming, can you prepare breakfast for two?” Halos gusto nang kumawala ng puso ko sa dibdib ko sa sinabi ni Sir Lucio. Bakit ba pati ang boses nito ay napaka-gwapo rin. ‘Yung tipong kahit hindi ko ito tingnan ay alam kong gwapo ang nagsasalita. Dahan dahan ko naman na inangat ang mukha ko at doon nagtama ang tingin namin ni Sir Lucio. Matangkad si Sir na sa tingin ko ay nasa six-footer ito. Kahit matangkad na kasi ako sa height kong 5’5 ay nakatingala pa rin ako dito. Seryoso lang naman ang mukha ni Sir. Pinilit kong ngumiti ng matamis sa amo ko kahit na nangangatog na ang tuhod ko sa kaba. Bigla naman na hindi na maipinta ang mukha ni Sir Lucio na hinagod ang mukha ko. Matapos ay bigla itong tumikhim. “G-good m-morning po, Sir Lucio. Bing po ang pangalan ko, hindi Ming.” Pagtatama ko. “Oopps, sorry, Bing. Uhm. Bye the way, pwede mo bang plantsahin ang polo ko na binili pagkatapos mong maghain? Aalis din kasi ako ngayon at baka mamayang gabi na ang balik ko.” “Opo, Sir Lucio.” Ngumiti naman ako ng matamis sa amo ko. Pero parang ngumiti lang ito ng alanganin sa akin at matapos ay umalis na rin sa kusina. Pagkalabas na pagkalabas nito ng kusina ay napahawak na lang ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog. Ganoon lang iyon? Parang walang kainte-interes si Sir Lucio na kausapin ako. First day ko pa naman na kasama siya. Pero mabuti na rin para hindi nangangatog ang tuhod ko. Ang gwapo pala talaga ni Sir Lucio sa malapitan. Nakaka-panglambot ng tuhod ang tingin nito. Muli akong umupo dahil baka matumba ako sa kinatatayuan. Mga ilang minuto pa yata bago ako naka-move on sa amo ko. Minadali ko na ang paghihiwa at paghahanda ng agahan nila Sir. Mabuti na lang ang mukhang wala lang kay Sir Lucio ang nangyari kagabi at hindi ako pinagalitan pa. Matapos kasi ako nitong sigawan kagabi sa dilim ay sinabi ko na ako ang bagong katulong sa mansyon. Tapos pinapasok na lang ako nito muli sa loob ng kwarto ko at hindi ko na alam ang nangyari sa kanila ng kasama nitong babae. Pero ang worry ko nga na kapag dating ng pasahod ay baka doon maalala ni Sir Lucio ang vase at hindi ako pasahurin. Plano ko pa naman na bumili ng cellphone para matatawagan ko na si Gabriel at Tiya Gracia kagaya ng ipinangako ko sa kanila. Ang iba naman ay ipambibili ko ng mga gamit at damit para sa sarili ko. Sa laki ng fifteen thousand ay sigurado na makakaipon na ako para sa sarili ko. Pero ang naiisip ko talaga na pag-ipunan ay para sa paghahanap ng pamilya ko. Simula kasi ng tumakas ako kina Tiya ay Carmen ay doon ko talaga naranasan na malungkot ng sobra. Pakiramdam ko walang nagmamahal sa akin. Na hindi ako kamahal mahal. Na malas at salot ako kagaya ng laging itinatanim nila sa utak ko. Nakakatakot ‘yung ganoong klaseng lungkot na kahit ilang libong tao ang papalibot sa akin, ay parang laging nag-iisa lang ako. May trabaho nga ako pero wala naman akong pamilya na pag-aalayan ng mga sakripisyo ko. Ang hirap din talaga ng mag-isa sa buhay. ‘Yung tipong pagtanda ko ay hindi ko alam kung may makakasama ba ako. Dahil hindi naman sigurado kung may papatol rin sa akin at baka hindi na ako makapag-asawa. Gusto ko na lang talaga makilala ang pamilya ko. Kung patay na ba sila ay malaman ko man lamang. Kung hindi ko ba naman kasi nawala ang notebook dati sa bahay ampunan ay baka ngayon ay nahanap na ang pamilya ko. Ilang sandali pa ay iniwas ko na ang isip sa personal na bagay at nag-concentrate sa ginagawa. Nakapagluto na ako ng fried rice at nag-prito na lang ng bacon and eggs. Inihain ko naman agad iyon sa dining area. Habang naghahain ay bigla naman na dumating si Sir Lucio at ang isang babae na nagpatulala sa akin. Hinagod ko ito mula ulo hanggang paa. Grabe! Ang ganda! Morena ito at halos kasing tangkad ko ito. Nakasuot ito ng maluwag na puting t-shirt at malaking short na panglalaki. Marahil ay damit pa nga iyon ni Sir Lucio. “Are with us?” Napakislot naman ako sa tinig ng babae. Hindi ko alam kung may sinasabi ito dahil siguro napanganga ako sa ganda nito. “Hey, Bing.” Bigla naman na singit ni Sir Lucio. “she’s telling you na orange juice ang itimpla mo sa kanya dahil hindi siya umiinom ng kape. And for me I want a black coffee.” Ngumiti naman si Sir Lucio sa akin kaya bigla akong natigilan. Nang pagtingin ko sa babaeng kasama ni Sir Lucio ay nakita ko ang pagsipat nito sa kabuuan ko sabay taas ng isa nitong kilay. Agad rin naman akong umalis sa dining para magtimpla ng kape at juice. Matapos kong magtimpla ay agad kong dinala sa dining ang orange julice at kape. Wala naman doon si Sir Lucio at nakita ko nang kumakain ‘yung girlfriend ni Sir Lucio. “Hey, nerdy!” sambit ng babae matapos kong mailapag ang juice sa tapat nito. “Ikaw ba ang nag-istorbo sa amin kagabi ni Lucio?” Hindi naman ako nakasagot at yumuko na lang. “Next time, wag kang maging stupida!” Nakagat ko ang ibabang labi. Nasaktan ako sa sinabi ng babae sa akin. Wala nga si Tiya Carmen pero makakarinig pa rin pala ako ng masasakit na salita sa kung sinong tao. “Kate!” narinig naman namin na mariing sabi ni Lucio. Napalingon kami sabay sa kararating lang na lalaki na nakakunot ang noo. “I heard you!” Bigla naman na napatayo ‘yung babaeng tinawag na Kate. “Lucio!” “Do you know what I disgust the most about women?” Ang sambit nito. Nakita ko ang matalim na tingin na ipinukol nito kay Ma’am Kate. “I hate bullies!” Bigla naman akong natigilan sa narinig mula kay Sir Lucio. Akala ko naman ay magagalit din ito sa akin. “Hey, Lucio. Bakit ka ba nagagalit sa akin. Dapat nga magalit ka sa katulong—” “Just finish your food at pwede ka ng umalis. You’re not even my girlfriend para umasta na ikaw ang magpapasahod sa kasambahay ko. Mag-taxi ka na lang para makauwi.” Pagkasabi nito ay tumalikod naman si Sir Lucio ako ay hindi na magawang tumingin doon sa babae kaya sumunod naman ako kay Sir. “Sir Lucio,” tawag ko naman. Lumingon si Sir sa akin kaya bigla akong natigilan. “S-salamat po.” Tumango si Sir Lucio. “Puntahan mo na lang ako sa kwarto kapag naka-alis na si Kate. Mamaya na lang ako kakain.” Tumalikod na si Sir Lucio at papunta na sa kwarto nito. Ako naman ay hawak ang dibdib na nakatanaw sa amo hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko na ipinagtanggol ng amo. Maganda ang pagpapalaki ni Ma’am Aubrey sa anak niya. Natandaan ko naman ang sinabi ng mayordoma na si Ma’am Lea na si Ma’am Aubrey daw ay isang advocate against bullying. Napangiti ako. Naalala ko tuloy nang nasa bahay ampunan ako, first time na may nagtanggol sa akin na isang batang lalaki na dumalaw sa ampunan. ‘Yung ang isa sa magandang alaala ko nung bata pa ako na hanggang ngayon ay medyo naaalala ko pa. Pero hindi ko na matandaan ang mukha at pangalan ng lalaki. Bumibisita lang kasi ito sa ampunan at ilang beses ko lang nakasama. Hindi naman nagtagal ay umalis na rin ‘yung babae na nam-bully sa akin. Tinarayan pa nga ako bago ito umalis. Napapailing na lang ako dito sa sungit nito na hindi naman pala girlfriend ni Sir. Tinawag ko na rin si Sir Lucio na nasa kwarto nito at kumain na lang ito na mag-isa matapos umalis ni Ma’am Kate. Ako naman ay pumunta na sa kusina at niligpit muna ang ibang kalat na naroon. Matapos ay nagpasya ako na umakyat ako sa kwarto ni Sir Lucio dahil naroon raw ang pa-plantsahin ko na polo na niregalo raw sa kanya ng mommy nito kaya ingatan ko raw. Parang narinig ko pa nga ito na kausap sa telephone ang mommy nito. Sa pagkarinig ko ay pupunta sila sa birthday ng isa sa apo ni Ma’am Aubrey. Pagka-akyat ko ng kwarto ay agad akong pumasok at doon ay bumungad sa akin ang maaliwalas na kwarto ni Sir Lucio. Medyo magulo lang ang kama. Mamaya ay maglilinis na lang ako dito kapag naka-alis na si Sir. Nakita ko naman ang isang paperbag na naroon sa ibabaw ng table at kinuha ko iyon. Nang sinilip ko ay naroon ang polo na sinasabi ni Sir Lucio na plantsahin ko. Grabe, hindi naman ako magaling sa mga mamahalin na damit. Tinignan ko pa ang loob ng paper bag at nakita ko ang price tag na naiwan doon. 8,599 pesos ang presyo ng polo na iyon. Napalunok ako. Polo lang ni Sir Lucio ay higit na sa kalahati ng sahod ko. Muli ko na ibinalik sa paperbag ang polo at dinala ko na para plantsahin sa may first floor. Bigla ko naman na napansin ang isang walllet na nakakalat sa sahig malapit sa may side table. Malamang na wallet ito ni Sir Lucio na hindi nito napansin na nahulog. Bigla naman akong na-curious. Gusto ko sana na buksan iyon at tignan kung ano ang nakalagay doon na picture. Ang alam ko kasi ay ganon ang mga lalaki, doon nila nilalagay ang litrato ng family nila. O kaya naman ay girlfriend, o kaya naman ay dreamgirl. Kagaya ng kaibigan ko na si Gabriel, ayaw lang nitong ipakita sa akin pero sa wallet daw nito ang picture ng dream girl nito. Pinulot ko ang wallet. Kinakabahan akong binuklat ng dahan-dahan pero bigla akong nagulat ng biglang bumukas ang pinto. Mabuti na lang at mabilis kong nailapag ang wallet sa table bago tuluyan na makita ako ni Sir Lucio na hawak iyon. Mahirap na at baka kabago-bago ko ay mapagbintangan ako na magnanakaw. Humakbang na ako at sakto naman na nagtama na ang tingin namin ni Sir Lucio Natigilan ako at kumabog na naman ang dibdib ko sa simpleng tingin na iyon. “S-sir, kinuha ko lang po itong pa-plantsahin ko.” Ngumiti naman ako dito at nakalapit na si Sir Lucio sa may bandang kinatatayuan ko at pinulot naman nito ang cellphone na naroon. “Okay, maliligo lang ako at ibalik mo na lang dito kapag na-plantsa mo na.” Wala naman sa akin ang tingin ni Sir Lucio habang sinasabi iyon. Mabilis na akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kwarto kung saan nagpa-plantsa. Nagmamadali naman akong nagsimula na mag-plantsa dahil baka mabilis lang maligo itong si Sir Lucio at kailanganin na ang polo sa pagbibihis. Umiral na naman yata ang kamalasan ko dahil nasa kalagitnaan ako ng pagpa-plantsa nang na-itodo ko pala ang init ng plantsa dahilan para dumikit ang plantsa sa damit. Napalunok ako ng makita na nagmatsa ang init sa tela. Mahabaging Diyos! Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa katawan dahil sa nangyari. Nabitawan ko pa ang plantsa dahil napahawak ang magkabilang kamay ko sa bibig ko kaya mas lumaki ang sunog sa damit. Bigla ay parang maiiyak ako sa nangyari. Bigla kong pinatay sa saksakan ang plantsa. Tinignan ko ang damit na nagkakahalaga ng kulang nine thousand. Bigla naman na bumukas ang pinto sa likod ko kaya mas nanigas ako habang hawak ang polong butas na. “Bing, pakisama naman ito sa pa-plantsahin mo.” Narinig kong sabi ni Sir Lucio. Wala akong nagawa kung hindi ang humarap dito at nakita nito agad ang damit nitong butas na. Nangatog ang tuhod ko sa kaba. “What the hell did you do!?”...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD