Bing Fernandez
“Magandang araw po, Mam Lea!” Masayang bati ko sa mayordoma na si Ma’am Lea habang pinagbuksan ako ng malaking gate.
Narito ako ngayon sa bagong patayo na mansion ni Sir Lucio na matatagpuan sa isa sa pinakamayaman na village dito sa Metro Manila. Sinundo pa ako ng driver ni Ma’am Aubrey at ibinaba ako dito sa tapat ng mansion dahil kailangan pa nitong bumalik sa mansion ng Donya at may lakad pa raw ito.
Bigla tuloy akong nahiya sa pa-special treatment sa akin ng mommy ni Sir Lucio at naka-abala pa tuloy ako. Pinanalangin ko na lang na sana ay hindi ito ma-late sa pupuntahan nito.
Habang nasa loob naman ako kanina ng sasakyan ay halos tumulo naman ang laway ko habang naka-awang ang bibig at pinagmamasdan ang dinadaanan namin lalo na nang makapasok kami dito sa village na ito. Lahat ng daanan na mata ko ay nagsusumigaw ng karangyaan. Pati yata daga ay mahihiya na pumasok dito dahil sa linis ng paligid. Ako tuloy ay nanliliit sa sarili ko na makapagtrabaho sa lugar na kagaya nito.
Pero mas nalula ako sa paghanga nang ibinaba ako ng driver ay tumambad sa akin ang bahay na pagta-trabahuhan ko. Walang tulak kabigin ang mga katabing mansion sa three-story mansion ni Sir Lucio.
Humanga ako sa wrought iron fence na gate nito na tanaw ang kabuuan ng mansion. May parte pa ang mansion na glass wall at ang lakas makayaman. Makikita rin ang malawak na garden nito at maraming tanim na bulaklak. Nakakakita lang ako ng ganitong kagarbo na bahay sa telebisyon.
“Hija, kamusta ka?” nakangiting banggit naman ni Ma’am Lea sa akin na ngayon ay tuluyan nang nabuksan ang bakal na gate.
“M-mabuti naman po,” sagot ko.
“Kumain ka na ba?”
“Busog pa po ako, Ma’am” sagot ko na muling ngumiti.
“Busog o nahihiya?” sagot naman ni Ma’am Lea na biglang tumawa. “Halika at kumain ka muna at tikman ang luto ko. Paunti-unti na rin kitang tuturuan kung paano gamitin ang mga appliances dito at i-tour na rin kita dito sa mansion. Si Sir Lucio mo ay sa susunod na linggo pa titira dito. Kaya sulitin mo na habang wala pa siya at magpahinga ka maghapon o magdamag simula bukas. Hanggang mamayang gabi lang ako dito, Bing. Sa susunod na araw ay sasamahan ka naman ni Isko, yung driver dito sa mansyon para mamalengke.” Mahabang paliwanag ni Ma’am Lea.
Ako naman ay puro tango lang kay Ma’am Lea. Ang saya ko na magaan ang loob nito sa akin at hindi ito masungit. Hindi gaya ng Tiyang Carmen ko na bigla naman na pumasok sa isip ko. Iniisip ko tuloy kung hinahanap ba nila ako. Siguro ay sobra silang galit ngayon sa akin dahil ako lang ang inaasahan nila na magtitinda sa palengke.
Ipinalapag muna sa akin ang dala kong bag sa nadaanan namin na sofa sa may sala. Hanggang sa makarating na kami sa may kusina at doon ay ipinaghain pa ako ni Ma’am Leah. Halos napapanganga na naman ako sa lahat ng madaanan ko dahil napakaganda at halatang mamahalin ang lahat ng gamit. Parang ngayon pa lang ay natatakot na akong maglinis sa mansion na ito at baka may mabasag pa akong gamit at hindi makasahod ng ilang taon.
“Ma’am Leah, nakakahiya po. Ako na lang po ang maghahain para sa sarili ko.”
Pero nagpumilit si Ma’am Leah. Sinabayan pa nga ako nito sa pagkain. Matapos kumain ay ako na ang nagpumilit na maghugas ng pinggan na hinayaan naman ng mayordoma.
Matapos maghugas ay nagsimula na akong sabihan ni Ma’am Leah tungkol sa araw-araw kong gagawin. Kagaya nga ng sinabi rin sa akin nang una pa lang, na all-around ako dito. Magluluto, laba, plantsa at lahat ng gawaing bahay pati ang paglilinis sa labas ng mansion, sa garden at swimming pool.
Dinala muna ako ng mayordoma sa magiging kwarto ko na narito sa first-floor ng three-story mansion ni Sir Lucio. Sa first floor ay naroon ang office or library ni Sir Lucio, ang malawak na sala, dining area, entertainment room at kusina.
“Okay na ba sa’yo ang kwarto mong ito, hija? O baka may gusto kang i-request pa at ng masabi ko kay Lucio?” tanong ni Ma’am Lea.
“Naku, Ma’am Lea, wala po. Napakalaki nga po ng kwarto na ito.”
Hindi ko naman akalain na ganito kaganda ang kwarto ko na may sariling TV at aircon pa. May pinto rin akong nakita na naroon na nang sinilip ko ay bathroom. Ang sarap palang maging amo si Sir Lucio dahil parang hindi ako katulong dito sa mansion.
Matapos kong ilagay ang gamit sa kwarto ay nilibot na ako ni Ma’am Lea sa buong first floor. Hanggang sa secondfloor kung saan naroon ang master’s bedroom na si Ma’am Aubrey pa raw ang nagpa-design para sa anak nito.
“Isa lang naman ang ni-request ni Lucio sa mommy Aubrey niya. Basta raw malaki at malambot na kama,” kwento naman ni Ma’am Leah. “Ewan ko ba sa batang iyan, hayy, napaghahalataan kung bakit sa kama lang ito concern.” Dagdag pa ni Ma’am Leah na natatawa pa.
Sobrang ganda rin ng kwarto ni Sir Lucio na maaliwalas ang kulay creame na dingding. Gusto ko pa ngang subukan na umupo sa kama nito dahil pakiramdam ko ay napakalambot nu’n. Sa tingin ko nga ay sampung tao ay kasya doon. Siguro ay malikot matulog itong si Sir Lucio kaya gusto ng malaking kama para hindi mahulog.
Inilibot pa ako ni Ma’am Lea sa mga kwarto sa second floor. Mga bakanteng kwarto raw ito para sa mga future baby ni Sir Lucio kapag nag-asawa na ito. Sa third floor naman ay naroon ang mini gym ni Sir Lucio meron rin na maluwag na mga bakanteng kwarto na naroon na baka raw na gawing study room at playroom kapag nakapag-asawa na si Sir Lucio.
“Ah, eh. Ma’am Lea. Ilang taon na po ba si Sir Lucio?” tanong ko nang makababa na kami at tutungo naman sa may garden at swimming pool area.
“Thirty-two na, hija.” Sagot naman ni Ma’am Leah.
“Hindi pa po siya nag-aasawa? Wala po ba siyang girlfriend?” pasimpleng tanong ko naman.
Kung may girlfriend na kasi ito ay mahihiya na akong magka-crush dito. Naalala ko pa naman nang unang kita ko pa lang dito ay parang malalaglag na ang panty ko sa kaba nang magtama pa lang ang mata namin. Kahit halatang hindi ako ang gusto nitong maging maid.
“Sa ngayon ay hindi ko alam, Bing. Madalas kasi ay buwan o linggo lang ay may bago na naman na girlfriend iyan si Lucio. Kaya nga si Aubrey ay laging sinasabihan ‘yang anak niya na iyan. Sa kanilang tatlong lalaki na anak kasi ay si Lucio ang parang wala pang balak mag-asawa.”
Natahimik na lang ako sa narinig kay Ma’am Lea. Babaero pala talaga ang Sir Lucio. Papalit-palit ng girlfriend.
Nang makarating kami sa garden ay na-relax naman ako dahil sa mga bulaklak na tanim roon. Binilin sa akin ni Ma’am Leah na alagaan ang mga bulaklak at diligan ko rin daw araw -araw. Dinala rin ako nito sa swimming pool.
“Mahilig mag-swimming si Sir Lucio. Bata pa lang ay tinuruan na nila Aubrey ang mga anak nila sa swimming. Si Lucio nga pala ang nagma-manage ng Resorts, Hotels and Restaurant business ng pamilya ng mga Del Fiero.” Paliwanag naman ni Ma’am Lea. “Ikaw Bing, marunong ka bang lumangoy?”
“Naku, hindi po Ma’am.” Iling ko naman. Ngayon pa nga lang ay natatakot na akong tignan ang pool dahil parang ang lalim nito.
“Gano’n ba, hija? Hindi bale at sasabihan ko si Lucio na turuan ka kapag hindi siya busy. ‘Yung dalawang kasambahay sa mansion ni Aubrey, si Lucio lang ang nag-train doon eh. Pinaturuan din kasi ni Aubrey dahil mas maganda raw kapag marunong lumangoy at makaiwas sa pagkalunod. Siguro mga two weeks ay natuto na sila.”
Natahimik naman ako at hindi na sumagot. Parang hindi ko kakayanin na turuan ng isang Lucio Del Fiero na lumangoy. Pakiramdam ko ay sa tingin pa lang ni Sir Lucio ay malulunod na ako.
Matapos akong i-tour ni Ma’am Lea sa buong mansyon ay ako naman ang nagluto para sa pananghalian namin. Halos kumpleto naman ang sahog na naka-imbak sa fridge. Naisipan ko na magluto na lang ng menudo.
“Ma’am Lea, ano po ba ang paborito na pagkain ni Sir Lucio?” tanong ko kay Ma’am Lea na nakaupo lang na sa silya at pinagmamasdan ako sa pagluluto. Tinulungan ako nito sa paghihiwa ng gulay.
“Kahit ano naman ay kinakain ni Lucio. Hindi siya maselan sa pagkain. Mahilig siya sa pinoy foods. Kagaya niyang niluluto mong menudo.”
Mabuti na lang at Filipino dishes ang hilig ni Sir Lucio. Hindi naman sa pagmamalaki ay masarap talaga akong magluto. Si Tiya Carmen ang nagturo sa akin na magluto. Kapampangan si Tiya Carmen at kilala ang pamilya nito na masarap magluto talaga.
Nang matapos na akong magluto ay ako na rin ang naghanda ng pagkain namin. Si Ma’am Lea ay umalis muna dito sa kusina at nang bumalik ito ay naihanda ko na ang pagkain.
Ilang sandali lang ay pareho na kaming nagsimulang kumain.
Nakita ko naman na sumubo na si Ma’am Lea at pagkasubo nito ay bigla itong natahimik. Ako naman ay kinabahan na baka hindi nito nagustuhan ang niluto ko. Ilang sandali lang ay nanlaki pa ang mata nito at tumingin sa akin.
“Bing! Grabe ang sarap ng luto mo!”
Bigla naman lumuwag ang paghinga ko sa narinig. Ang akala ko pa naman ay hindi nito nagustuhan ang luto ko.
“Salamat po,” nahihiyang sabi ko.
Maganang kumain si Ma’am Leah at halos kada subo nito ay puro papuri ang sinasabi nito. Sigurado daw na magugustuhan ni Sir Lucio ang luto ko. Ewan ko ba na bigla akong kinilig sa isipin na iyon. At least kahit papaano ay magiging approve na ako sa bagong amo. Sana nga ay magustuhan nito ang luto ko.
Matapos ang tanghalian ay pinagpahinga naman ako ni Ma’am Lea at nang matapos ang pahinga ko ay tinuro nito sa akin ang pag-operate ng mga appliances. First time kong gumamit ng mga ganoong appliances kaya naman nakinig ako ng mabuti dahil hanggang ngayong araw lang ako matuturuan ni Ma’am Lea.
Medyo nahirapan ako sa pag-operate ng mga appliances at nag-ulit pa kami. Nahihiya nga ako dahil baka isipin ni Ma’am Lea na tatanga-tanga ako. Pero mabuti na lang at mahaba ang pasensya ni Ma’am Lea. Laking pasalamat ko talaga dito. Kaunting tao lang ang kagaya nito. ‘Yung hindi hinahamak kahit na ang itsura ko. Kahit na pangit ako.
Mag-aalas siyete na ng gabi ng magpasya na umalis si Ma’am Lea para bumalik na sa mansyon nila Ma’am Aubrey. Marami pa itong binilin sa akin at hindi nagtagal ay tuluyan na itong nagpaalam.
Naiwan akong nag-iisa sa loob ng mansyon. Nakaramdam naman ako ng kakaibang lungkot sa pag-iisa ko.
“Bakit ba ako pinanganak para lang maging malungkot?”
Naiisip ko tuloy kung nasaan ang tunay kong mga magulang. Kung buhay pa ba sila? Naiinggit talaga ako sa mga taong may buong pamilya at hindi naranasan ang katulad ng naranasan ko. Sa tingin ko nga ay habang buhay na akong mag-isa dahil baka wala naman na pumatol sa kagaya kong nerd. Natulog ako nang gabing iyon na may luha sa mata.
Kinabukasan ay nagsimula na ako sa trabaho ko. Naging masipag ako sa paglilinis kahit na walang nakakakita sa akin. Ginanahan ako dahil first time ay magtatrabaho ako na babayaran ang serbisyo ko. Kailangan kong magpakitang gilas.
Lumipas ang isang linggo at naging payapa naman ang buhay ko sa loob ng mansion ni Sir Lucio. Naging masipag ako. Dumating rin ang sinabi ni Ma’am Lea na driver at ako rin ang namili ng supplies para sa mansion. Marami rin naman akong oras na free time at nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood ng TV.
Feeling ko tuloy minsan ay akin itong bahay dahil nagagawa ko ang gusto ko. Kagaya ng sinabi ni Ma’am Lea ay sinulit ko ang nagdaang linggo habang wala pa ang amo ko.
Ngayong araw naman ang sinabi sa akin na paglipat ni Sir Lucio dito sa mansion. Naghintay ako mula umaga pero walang Sir Lucio na dumating. Buong araw akong kinakabahan sa muli namin na pagkikita ni Sir Lucio.
Mga bandang tanghali ay dumating na ang mga personal na gamit ni Sir Lucio na pinaakyat ko muna sa kwarto nito. Hindi ko naman ginalaw iyon dahil hintayin ko ang amo ko na ito mismo ang mag-utos sa akin na ligpitin iyon. Mahirap na at baka may mawala doon at ako pa ang mapagbintangan.
Kinagabihan ay hindi naman dumating si Sir Lucio. Nakaramdam ako ng lungkot sa hindi ko maintindihan na rason. Excited pa naman ako sa niluto ko na menudo dahil tiyak daw na magugustuhan ‘yun ni Sir Lucio. Dumating na ang alas nuwebe ng gabi pero hindi na talaga dumating si Sir Lucio.
Wala akong nagawa kung hindi ang itabi na lang ang niluto kong ulam sa ref.
Malungkot akong nahiga sa kama ko ng gabing iyon at natulog.
Bigla naman akong naalimpungatan nang may narinig na sasakyan na tila pumasok sa loob ng mansyon. Nang binuksan ko ang table lamp at tinignan ang oras ay nakita kong pasado alas dose na ng gabi. Kinabahan naman ako at baka may nakapasok na masamang loob sa mansyon. Wala naman kasi security guard dito dahil secured na naman ang village na ito.
Natatakot man ay lumabas ako ng kwarto. Iniisip ko rin kasi na si Sir Lucio iyon at baka ginabi lang ng uwi.
Lumabas ako ng kwarto at naglakas patungo sa may sala. Patay ang ilaw pero kabisado ko naman ang daan at naroon din kasi ang switch pa ng ilaw sa bukana papunta sa sala.
“Ohhhh... Lucio... Ahhhh... Ahhh.. Sige pa... Kainin mo pa... Ohhhh... para akong nasa heaven sa sarap...”
“Sh*t! I wanna eat your wet p*ssy all night...”
“Ohhhh.... Ang sarap Lucio... Sige pa... Dilaan mo pa... Uhmmm...” Tila nahihirapan na matinis na ungol ng babae.
Bigla naman akong kinilabutan sa narinig na mga ungol. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi mag-isip ng malaswa sa naririnig.
Si Sir Lucio! Sigaw ng isip ko. Narito na si Sir. Mabuti na lang at hindi ko pala binuksan ang ilaw. Agad akong umatras ng hakbang at nagmamadaling umeskapo sa may sala. Sa pagkatuliro ay nakalimutan ko na may vase nga pala sa banda roon na agad kong natabig na naging dahilan para mabasag iyon at mag-ingay sa buong mansyon.
“Oh noh! Help me, Lord!”
“What the f*ck!!!” narinig kong umalingawngaw na galit na tinig ni Sir Lucio. “What the hell is that??!” dagdag na sigaw pa nito dahilan para ma-estatwa ako sa kinatatayuan ko...