Bing Fernandez “Sir, heto na po ang kape.” Nakangiting sabi ko nang makarating ako sa harapan nila Sir Lucio at nilapag ang mainit na kape. Binalewala ko na lang ang narinig na usapang pang-boys kanina at nagbingi-bingihan. Gusto ko na lang din ma-turf off kay Sir Lucio dahil sa naririnig sa bibig nito. Grabe pala siya na ginagawang damit na lang ang mga babae sa pagpapalit. Nanahimik na rin naman sila nang bigla nilang naramdaman ang pagdating ko. “Thank you, Bing.” Sambit ni Sir Lucio. Nang magtama ang mga mata namin ay biglang ngumiti si Sir Lucio sa akin. Para na naman akong napapaso sa simpleng tingin na iyon. Kaloka naman. Kasasabi ko lang na matu-turn off ako pero 'di naman nakikisama ang dibdib ko. Isang titig, isang ngiti... kakawala na sa ribcage ang puso ko. Dahil s