Chapter 5

2301 Words
Nang matapos na kaming kumain ni Emily at nang makabalik na sa office ay agad naman akong nagpaalam sa kaniya. “Diyan ka na muna, punta muna ako sa office ni Ms. VP habang maaga pa,” pag-papaalam ko naman sa kaniya, Agad naman siyang tumango sa akin nang “Okay sis, Good luck nalang! Kabahan ka sana haha,” tugon naman niya sa akin ng pabiro. Doon ay umalis na ako at tumungo na sa office at habang papalapit sa office ay unti-unti na akong kinakabahan. “Ano ka ba Chase, umayos ka nga—wala kang dapat ikaba dahil kakausapin ka lang naman, hindi ka patatalsikin ng kompanya,” pabulong ko sa aking sarili habang hawak-hawak ko ang aking dibdib. Nang biglang bumungad sa akin si Ms. Secretary, “Oh Chase, nandyan ka na pala, kanina ka pa ba diyan?” tanong naman niya sa akin, Dahan-dahan naman akong napailing nang ako ay kaniyang tanungin, “Ahm—hindi naman po miss, kararating ko lang din, nandito na po ba si Ms. VP?” tanong ko naman pabalik sa kaniya, Agad naman siyang tumango sa akin, “Yes—yes, oo nandiyan na siya sa loob at hinihintay ka na nga niya eh. Eksakto nga dahil tatawag pa naman sana ako sa office niyo para muli kang sabihan,” tugon naman niya sa akin, “Ah—ganoon po ba,” mahinhin kong pag-sagot sa kaniya “Sige na, let’s go inside. Wag kang kabahan, hindi naman yan nangangagat,” pag-aaya naman niya sa akin. Tumango naman ako agad sa kaniya. Binuksan na ni Ms. Secretary ang pintuan at doon ay nag-sisimula na lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko, “Madam, nandito na po si Ms. Chase,” pahayag naman niya habang nakatalikod si Ms. VP habang nakatingin sa labas. Agad naman itong lumingon nang marinig niya iyon at laking gulat ko sa nakita ko. Ngumiti siya sa akin ng hindi ko inaasahan, dahil hindi ito ang inaasahan ko lalo na sa kinasanayan namin. “Good Afternoon, Chase. Good to know naman at pumayag na pumunta dito on time,” pag-bati niya sa akin, Halos hindi ako makaimik at nawawala ang mga gusto ko sabihin na nasa isip ko. nang bigla akong siniko ng secretary at doon ay tila nagising ako sa pagiging pipi ko. “Ahm—I’m sorry madam, Good afternoon din po. Hindi ko po inaasahan ang ngiti niyo, na-starstruck lang po ako,” tugon ko naman sa kaniya. “Miss? Iwanan mo na muna kami. Ako na muna ang bahala kay Chase,” pahayag niya sa kanyang secretary. “No problem madam,” tugon naman nito Nang makalabas ito ay muli niya akong kinausap, “Chase? Right? You may take your seat, wag kang kabahan, hindi ako nangangain,” imbita niya Tumango naman ako sa kaniya at agad rin namna akong naupo. “I know nag-tataka ka kung bakit kita pinapunta dito ng hindi mo ineexpect or kahit ng sino, hindi ba?” ani niya muli Tumango muli ako, “Yes ma’am,” “I just have one question, pero nasa sa iyo naman kung tatanggapin mo ang offer na ito,” Lalo akong nag-isip sa kaniyang sinabi,” “Ano po yun ma’am?” tanong ko Umiling siya at biglang may kumatok sa pintuan niya. “Ow—mukhang hindi ako ang mag-tatanong niyan ah,” Bumukas ang pinto, “Ms. VP? Nandito na po ang bisita niyo po,” Agad naman akong napalingon sa likod upang tingnan din ang sinasabing bisita nito. “Sige papasukin mo na siya,” tugon niya rito Laking gulat ko nang makita ang isang lalaki na papasok ng pintuan. “Ahm—ma’am?” pahayag ko Nang agad namang tumingin sa akin si Ms. VP. “Bakit Chase? Kilala mo siya? Have you met him before? Somewhere? Or kung saan man? are you friends?” tanong naman niya sa akin, “Para pong kilala ko siya, nakita ko siya sa mall habang kasama ko po workmate ko na si Emily. Kasama niya ang anak niyang babae,” tugon ko naman sa kaniya. Dahan-dahan namang tumango sa akin ang lalaki, “Yes, mabuti natatandaan mo ako,” ani naman niya sa akin “Hmm—so Chase, this is Mr. Gabriel ang CEO of Astro Corporation, and Mr. Gabriel this is Chase, another secretary ko,” pag-papakilala ni Ms. VP sakin kay Mr. Gabriel ngunit nagulat ako sa iba ang pag-papakilala sa akin kaya’t napatingin ako ng kakaiba sa kaniya. Tumango naman sa akin si Ms. VP na tila hayaan ko na na iyon ang pakilala. “So maiwan ko na kayong dalawa?” pag-papaalam ni Ms. VP sa amin. “Thank you tita,” tugon naman ni Mr. Gabriel sa kaniya Nang makalabas si Ms. VP sa kaniyang opisina ay muli akong naupo sa aking upuan, at napapalunok sa kung anong posibleng sasabihin nitong lalaking nasa harapan ko. “So you’re Chase, and I’m Gabriel. How long na ang pag-tatrabaho mo dito sa company?” tanong naman niya sa akin, “Ahm—3 years sir,” tugon ko naman kaagad sa kaniya, at tumango siya “Okay naman ba ang salary mo? is it enough sa mga pangangailangan mo sa inyo? Or sa kung paano ka mamuhay?” tanong niya muli at doon ay napataas ang aking kilay, “What kind of question that sir? Relevant po ba yan sa iba pang sasabihin niyo sa akin?” tanong ko naman pabalik sa kaniya na tila naiinsulto na Napangisi naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya at dahan-dahang napatango, “Hindi ko sinasadya kung na-offend ka man sa sinabi ko, I’m just asking and I want your honest question para sabihin ang mga kasunod ko pang tanong sayo,” ani niya Napahinga naman ako ng malalim nang sabihin niya ito, “Okay lang sir, go ahead po sa sunod niyo pang mga tanong,” tugon ko naman Natawa naman siya, “So? Anong sagot mo? is it enough for your living?” tanong niya muli Dahan-dahan kong itinaas ang aking balikat, “I’m not sure sir. For me, enough nay un para sa akin. But for my family na asang-asa sa akin at pera lang ang pakay sa akin, hindi enough yun,” tugon ko naman sa kaniya At bigla siyang napatingin sa akin, “So what about your family? Anong ibig sabihin noon? Sayo parin sila kumukuha ng pera kahit hindi na dapat? Mali yun, you should work for yourself not for them. I mean, kailangan mo parin sila bigyan pero hindi lahat,” Namangha naman ako, at napangisi. “I know sir, pero anong magagawa ko kung ganoon nalang ang tingin nila sa akin, wala naman akong magagawa hindi ba dahil nananatili parin ako sa bahay namin at hindi sa labas,” tugon ko naman Napaupo naman siya habang nakahalumbaba, “Okay, I get it. So if I ask you kung interested ka sa ibibigay ko sayong trabaho, tatanggapin mo ba agad?” tanong niya muli Napatingin ako muli sa kaniya, at napaisip sa sinasabi niya. “It depends sir, kung malinis na trabaho yan why not? Kung hindi, wag nalang. Malinis at tapat po akong tao,” tugon ko naman sa kaniya Napangiti naman siya nang tumingin sa akin dahil sa isinagot ko sa kaniya, “Gusto ko yang sagot mo. pero bakit naman kita bibigyan ng maduming trabaho hindi ba? Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo, I’m the CEO of Astro Corp. so pay attention,” ani niya na may pag-kaseryosong mukha Dahan-dahan naman akong tumango at humingi ng pasensya, “I’m sorry sir,” “It’s okay, gusto mo lang naman malaman kung anong trabaho and it’s my fault naman kaya nakapag-isip ka ng kakaiba. Hindi ko sinabi kung anong trabaho,” ani niya “So? Ano pong work?” tanong ko naman pabalik “Tanda mo ba ang bata na lumapit sayo kahapon? Gusto ko sanang maging yaya ka niya, if it’s okay?” tanong naman niya sa akin Agad naman akong natawa sa kaniyang sinabi at hindi ko ito napigilan. “Wait—what sir? Hahahaha, are your serious about it? nakikita niyo naman siguro ang trabaho ko dito? Hindi po ba?” “I’m serious Chase, and I think she liked you kaya ka niya nilapitan. I’ll pay you double of your salary here, magkano ba salary mo dito?” ani niya At nagulat naman ako sa kaniyang sinabi, “Ahm—20k, bawas na lahat” tugon ko naman sa kaniya “Wow—that’s great, I’ll give you 40k libre na tulugan, wala ka ng ibang babayaran kahit pa ang mga SSS mo or kung ano pa man, ako na bahala. Just take care of Sarah,” pahayag naman niya sa akin Agad naman akong sumagot, “Seryoso po ba kayo diyan sa sinasabi niyo? Hindi kayo nag-bibiro? Pero paano ang trabaho ko rito?” tanong ko naman sa kaniya Agad niya akong tinapik sa balikat, “I got you Chase, ako na ang bahalang makapag-usap kay tita ganoon din sa CEO nitong company na kukunin kita. Besides, madali lang naman sila kausapin lalo na at pag-dating sa trabaho, at business partners kami, part din ako ng kompanyang ito, so don’t worry,” tugon naman niya sa akin “Okay sir, tinatanggap ko po ang offer niyo,” ani ko sa kaniya “Good! That’s good, so sign this papers and contract para may kalinawan tayo na walang aatras and what so ever. Baka mamaya sumuko ka na, hindi ka pa nakakatagal, pwede kita idemanda,” pahayag niya sa akin. Agad niyang inilapag ang mga papel at iniabot sa akin ang ballpen. Doon ay binasa ko lahat, at nang nabasa ko ay agad ko naring pinermahan. “Okay na po, pwede na po ako bumalik sa trabaho ko?” tanong ko naman sa kaniya, “No—wait, may ibibigay ako sayo,” tugon niya sa akin. Agad niyang kinuha ang isang cheque at pinermahan niya ito. “Oh—tanggapin mo, mag-start ka next week. Pumunta ka din sa address na ibinigay ko sayo, bumili ka ng mga kailangan mo o kung ano pa mang gusto mo, regalo ko na yan sayo at pa-welcome,” pahayag niya sa akin. Umalis na siya sa harapan ko at agad kong tiningnan ang ibinigay niya sa akin. “What the—20k? ang laki nito?” pabulong ko sa isip ko, “Ahm—Sir? Malaki po yata ito?” tanong ko naman sa kaniya at napatigil siya sa kaniyang pag-lalakad, “It’s fine Chase, I know na comfortable sayo si Sarah and magiging okay kayo pag nag-kasama pa so it’s a gift okay? keep it. wag mo nalang ipaalam sa iba, baka kung ano pa ang isipin sayo okay?” tugon naman niya sa akin “Thank you so much sir,” pag-papasalamat ko sa kaniya. Nang makalabas siya ay pumasok na muli si Ms. VP. “So? Chase? Nakapag-usap na ba kayo ng maayos?” tanong niya Agad naman akong tumango sa kaniya, “Yes ma’am, thank you po” tugon ko sa kaniya “Take good care of our Sarah, okay? Sige na, you may go back to your office. Ako na ang bahala makapag-usap sa iba pang boss mo,” pahayag naman niya sa akin “Thank you ma’am,” tugon ko muli sa kaniya. Lumabas na ako ng office ni Ms. VP at agad na ring tumungo sa office namin. Pag-pasok ko ay bumungad sa akin ang mga ka-trabaho namin na nakatingin sa akin na tila may nagawa akong mali, kaya’t agad rin akong naupo sa upuan ko. “Anong meron? Bakit nakatingin sila sa akin?” tanong ko naman sa kanila “Hindi ko rin alam? Baka naiintriga lang sila kasi pinatawag ka sa office ni VP?” tugon naman sa akin ni Emily. Dahan-dahan naman akong napatango sa kaniya, at hindi na sumagot ngunit may kasunod pa siyang tanong sa akin. “So? G ka ba sa off? Friday night yun, baka naman tumanggi ka pa ha, bukas na yun,” Napangisi naman ako nang kaniya itong sabihin sa akin at ipaalala, “Oo na, hindi naman ako tatanggi sayo eh,” tugon ko sa kaniya -- Pag-sapit ng hapon ay tapos na ang aming trabaho ni Emily, ngunit maaga itong nag-paalam sa akin dahil mag-kikita sila ng kaniyang afam na ka-fling. “So? Paano ba yan, bukas ha? Sa club. Wag kang mawawala. Ipapakilala ko na siya sayo, wag mo akong paasahin,” pahayag niya sa akin, Natawa naman ako sa kaniyang sinabi sa akin, “Oo nga, hindi ko kinakalimutan. Palagi mo nalang ipinaalala sa akin yan, hindi ko nga kakalimutan,” tugon ko naman sa kaniya. Nag-hiwalay na kami sa stop light sa labas ng company. Doon ay tumungo na ako sa sakayan pauwi sa amin, at habang nag-lalakad ay hindi mawala sa isip ko ang ibinigay na cheque sa akin ni Sir Gabriel. Nang agad naman akong may nakitang bangko kaya’t tumungo ako doon kaagad upang ipasok nalang sa account ko. Nang makauwi ako sa amin, ay bumungad kaagad sa akin si tatay. “Oh nandiyan ka na pala, mabuti at maaga ka nakauwi. Mag-ligpit ka ng mga pinag-kainan,” pahayag niya kaagad sa akin, Doon ay tumungo kaagad ako sa kwarto at nag-palit ng aking damit nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si nanay. “Wala ka bang pera diyan? Pahingi muna ako,” tanong naman niya sa akin, Napahinga ako ng malalim, “Wala nay, hindi ko pa sahod,” tugon ko naman sa kaniya Nang agad naman niyang sinarhan ang pintuan, “Ano ba yan?! Walang-wala na talaga akong maaasahan sayong walang kwenta ka!” sigaw niya sa akin,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD