Chapter 4

2157 Words
Habang nag-lalakad kami ni Emily at nag-sasalita siya ay bigla akong napaimik, “Mukhang hindi siguro para sa akin ang trabaho natin,” Nagulat naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya at agad niyang hinawakan ang aking braso, “Don’t tell me aalis ka sa trabaho mo? wag mong sabihin na iiwan mo ako doon? Isama mo nalang kaya ako? Saan ba? May nahanapan ka na bang bago?” marami niyang tanong sa akin, Agad ko siyang inirapan at muli akong naglakad, “Ewan ko sayo,” tugon ko sa kaniya “Kung wala pa, wag nalang—hindi nalang ako sasama,” saad niya “Pero seryoso sis, para kasing hindi naman sapat sa akin ang per ana kinikita ko diyan sa trabaho natin. and besides, tingnan mo naman ang estado ng buhay ko, sa akin nalang lahat umaasa ang mga kasama ko sa bahay, minsan pinag-mumumura pa. sa tingin mo deserve ko yun?” tanong ko naman sa kaniya. Napahinga nalang siya nang malalim sa aking mga sinabi, at dahan-dahang napatango sa akin. “Sabagay, kahit ako nakikita ko naman ang worth mo lalong-lalo na ang best mo na binibigay sa trabaho. Kahit ako, masasabi ko talagang hindi sapat ang sinasahod natin kahit na ang laking tingnan ng lugar na pinagtatrabahuhan natin,” pahayag naman niya “Di ba? So sa tingin mo? kailangan ko na ba umalis?” tanong ko naman muli sa kaniya, “Wag muna, habang wala ka pa namang nakikitang maayos na trabaho. Pero kung aalis ka, ano naman at saan ang hahanapin mong trabaho? Don’t tell me mag-iibang bansa ka?” tugon naman niya sa akin. Napataas balikat ako, “Hindi ko pa alam, pero kung saan paladin bakit hindi di ba?” ani ko Agad naman niyang hinawakan ang braso ko at niyakap ito ng mahigpit, “Kung saan ka, doon ako at susuportahan kita sa kahit ano pang trabaho yan okay? I got you sis! Tara uminom?” pahayag niya sa akin, Agad ko naman siyang tinulak palayo sa akin, “Anong usapan? Hindi ba sa off? Ang dami ko pang trabaho, kaya umayos ka kung ayaw mong madamay,” tugon ko naman sa kaniya At doon ay nag-tawanan kami habang nag-lalakad sa daan. -- Kinaumagahan, pumasok ako ng maaga sa trabaho. Pinilit kong pumasok ng maaga upang makaiwas sa masasakit na salita na maririnig ko sa umaga. Nang makaupo ako sa aking upuan, ay biglang pumasok sa pintuan si Emily at tila gulat na gulat nang ako ay kaniyang makita at biglang ngumiti. “Good morning my friend,” pag-bati niya sa akin, nang bigla niyang tapikin ang aking balikat. Napangisi naman ako nang sabihan niya ako niyon At habang nag-aayos ako ng aking lamesa at inihahanda ang aking trabaho ay bigla siyang umupo sa aking lamesa. “Ano na naman ang problema mo ha?” tanong ko naman kaagad sa kaniya habang nakatingin sa kaniya ng masama. Napangisi siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Nakakapag-taka lang ha, bakit ang aga-aga mo yata pumasok ngayon? Eh hindi ka naman ganito napasok aber?” tanong naman niya sa akin pabalik Napailing naman ako sa kaniya, “Hindi ba pwedeng nag-bago lang? o di kaya gusto ko lang para naman kahit si madam ay manibago din sa akin,” tugon ko Natawa naman siya nang sabiin ko iyon sa kaniya, Nang biglang dumating ang secretary ng aming boss, "Chase, pwede ka ba makausap for a while?" agad naman akong nagulat sa kanyang tanong, at agad naman akong napatango. dahan-dahan akong napatayo sa aking kinauupuan at agad ko naman ding pinaalis si Emily. "Yes ma'am? ano po yun?" tanong ko naman nang agad akong lumapit sa kaniya. "May I ask if may gagawin ka mamayang hapon? mag gustong kumausap sayo eh," tanong niyang muli sa akin. "Of course ma'am, available po ako mamaya. May I know po kung sino makakausap ko?" tanong ko pabalik sa kaniya "Malalaman mo mamaya, ayaw pang ipasabi kung sino eh, but I'll update you later. Pinasabi lang sa akin ni VP," tugon naman niya sa akin. "Okay ma'am, tawagan niyo nalang po ako sa phone if may kailangan pa kayo or kung ano pong oras para di na po kayo tumaas," ani ko "Thank you so much Chase," tugon naman niya sakin. -- Muli akong pumasok sa loob ng opisina namin at agad naman akong naupo sa aking upuan nang agad din naman akong kinausap ni Emily “Sis? Anong meron? Bakit ka kinausap ni Miss Secretary? Weird ha,” Agad naman akong lumingon sa kaniya at napataas naman ako ng aking balikat. “Kinausap lang naman ako dahil pinapapunta ako ni Miss P sa office niya mamaya, at yun ang hindi pa natin alam dahil wala pa naman sinasabi rin sa kaniya kung bakit,” tugon ko naman sa kaniya “Bakit? Alam na ba niyang mag reresign ka para papuntahin ka doon?” tanong niyang muli sa akin “Wag na natin pag-usapan yan dito ano ka ba, lalo na at wala pa namag nakakaalam sa plano kong yan. Baka mamaya mapaalis ako ng wala pa namang kasiguraduhan kung may mapupuntahan akong panibagong trabaho,” saad ko naman sa kaniya. “Okay, basta sa off natin ha wag mong kakalimutan. May gala tayo noon, isasama ko ang future boyfriend ko,” pag-aaya niya sa akin Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi, “Anong future boyfriend? Hindi ka na naman sigurado diyan sa lalaki mo ha,” ani ko naman Agad naman siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan sa likuran ko at dahan-dahang lumapit sa akin. “Hoy aber, wag mong ginaganon-ganon lang ang lalaki ko ha. Hindi mo alam mamaya totoong boyfriend ko na pala at sineseryoso na ako,” pahayag naman niya sa akin habang nakatingin sa akin ng masama Napangisi naman ako sa kaniya nang sinabi niya iyon sa akin at agad rin akong sumagot, “Mag-dilang anghel ka diyan sa sinabi mo at sana maging totoo, kasi nakailang ka na ba? Hindi ko na mabilang eh, 3? 5? 6? Ay! 7!” pabiro ko naman sa kaniya, Nang agad naman niyang hinila ng malakas ang aking buhok, “Aray!” pasigaw ko nang biglang pumasok ang isang head sa amin, “Chase? Anong sinisigaw mo diyan? Hindi man lang kayo nahiya sa mga kasama niyo dito sa office?” panenermon niya sa akin kahit wala naman talaga akong ginagawa, At hindi ako nakaimik sa kaniya ngunit narinig ko naman ang mahinang pag-tawa ni Emily sa akin at lumingon naman siya sa akin. “Lagot ka sa akin mamaya,” pabulong ko naman sa kaniya. “So guys, sooner or later may panibagong papasok na naman dito sa office natin. ang mga juniors, kasi alam niyo naman plano ni madam na dagdagan tayo dahil sa parami na ng parami ang projects natin,” pahayag naman niya sa aming lahat, Nang agad namang umimik si Emily, “Kailan po kaya sir ang sooner or later na yan?” tanong niya Napatingin naman ako sa kaniya, at agad rin sumagot si sir. “Hindi ko rin alam, dahil wala pang update muli sa akin si miss VP about that. why you ask miss Emily?” tanong namana niya pabalik sa kaniya “Nothing sir,” tugon niya “Bakit? May nag-babalak na bang umalis dito? Sabihin niyo lang sa akin, para mapag-handaan,” saad niya “Ahm—wala po sir,” tugon naman niya “So that’s all, let’s start our works. Chase, ang project na pinapagawa ko sayo ah—send it to my email para ma-check ko,” pahayag naman sa akin ni Sir Mark. “Copy sir, I’ll send it na po agad,” tugon ko naman. Nang makaalis si sir ay agad naman akong lumingon kay Emily, “Ano yun? Bakit mo ginanon?” tanong ko naman sa kaniya, Agad naman siyang umiling, “Wala lang, don’t worry girl. Wala naman akong balak sabihin kay sir ang plano mo eh, baka mamaya kung sabihin ko mapaaga ka pa lalo kang lagot,” tugon naman niya Napahinga naman ako ng malalim nang sabihin niya iyon sa akin, “Wag ka talaga gagawa ng mali Emily ha, sinasabi ko sayo. Malilintikan ka sa akin, wala kang makakasama sa off natin,” pananakot ko naman sa kaniya. Agad naman niyang inabot ang balikat ko at tinapik. “Ano ka ba, joke lang naman—sorry na, last na yun. Baka mamaya wala pa akong makasama hay,” Napangisi naman ako sa kaniya, at dahan-dahang tumango. -- Ilang oras ang lumipas, habang nasa kalagitnaan ng trabaho ay biglang nag-ring ang telepono ni Sir sa office at dahan-dahan siyang napatingin sa akin. Kaya’t dahan-dahan rin akong napalunok at doon ay lumakad na siya patungo sa kaniyang pintuan at ako ay kaniyang tinawag. “Chase? Phone call!” pahayag niya sa akin, at agad naman akong tumayo sa aking kinauupuan. Agad ko namang sinagot ang tawag, “Yes ma’am?” pahayag ko Nang agad kong narinig ang boses ni Miss Secretary, “Chase? Pumunta ka nalang daw sa office ni Miss VP at 1pm after lunch okay? don’t be late, kung ayaw mong mapagalitan tayong dalawa,” ani niya sa akin “Yes ma’am copy po, pupunta nalang po ako doon on time,” tugon ko naman sa kaniya. “Okay thank you, don’t tell this to anyone diyan sa office kahit si sir mo pa yan,” pahayag niya muli sa akin “Okay po ma’am,” tugon ko At doon ay namatay na ang tawag at nang pag-kababa ko ay agad namang nakatingin sa akin si Sir Mark. “Anong sinabi sayo?” tanong naman niya sa akin at napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya o hindi. “Ahm—sir, sabi po kasi ni Ms. VP wag ko raw po sabihin, ako po ang malalagot. Sorry sir, mauna na po ako,” tugon ko naman sa kaniya, At doon ay napahinga nalang siya ng malalim dahil wala siyang magawa lalo nan ang aking banggitin si Ms. VP dahil kilala nila kung paano ito magalit. Nang ako ay makalabas ay agad naman akong naupo na sa akin . “Tara na? lunch break na,” pag-aaya sa akin ni Emily, Agad naman akong napatingin sa aking orasan, “Oo nga no, tara,” tugon ko naman sa kaniya at doon ay tumayo na kami at tumungo sa cafeteria. Habang nag-lalakad, ay agad akong tinanong ni Emily. “Oh? For sure naman na si Miss Secretary na ang tumawag kanina di ba?” tanong naman niya sa akin Dahan-dahan naman akong napatango sa kaniya, “Eh bakit ka ganiyan? Akala mo naman buhat-buhat mo ang mundo para maging ganyan ang mukha mo,” ani niya muli sa akin Napahinga ako ng malalim, “Wala naman, kinakabahan lang ako. Kasi imagine, sa office ni Ms. VP ako pinapapunta tapos hindi ko pa alam kung anong rason,” tugon ko naman sa kaniya Napahawak siya sa kaniyang bibig at tila gulat na gulat, “Shiz! Legit ba?! Ako ang kinakabahan sayo ngayon,” pahayag naman niya sa akin “Ano naman oras sis?” sunod na tanong niya “After lunch, mga 1PM.” Tugon ko naman sa kaniya “What the! Ano pang ginagawa natin? bilisan na natin!” sigaw naman niya sa akin, nang agad niya akong hinila ngunit agad ko rin siyang pinatigil. “Gaga! Ang aga pa ha. Bakit ba nagmamadali ka? And besides ano naman kung ma-late ako?” tanong ko naman sa kaniya “Wow ha—kapag na-late ka lalo kang lagot, di ka ba nag-iisip?” saad naman niya pabalik sakin. “Sira ka, syempre joke lang yun! Pero bakit ka kasi nag-mamadali na akala mo ma-lalate ako? Tumingin ka nga muna sa oras, ang aga-aga pa kasi,” pahayag ko muli “Okay fine, ako lang naman kasi ang kinakabahan para sayo,” ani niya Nang bigla akong may nakabangga na lalaki at ito ay si Gerald. “Sorry,” pahayag ko sa kaniya, “It’s okay—it’s okay, coffee lang yan,” tugon naman niya sa akin, “I’ll get you one nalang, sayang kasi—” pahayag ko naman, Agad naman siyang umiling, “No—it’s fine, itatapon ko naman na yun e,” ani niya At dahan-dahan naman akong napatango sa kaniya. “Sorry ulit,” Doon ay muli na kaming nag-lakad ni Emily, ngunit agad naman niya akong biniro at siniko-siko. “Yiee! Baka naman si Mr. Right na yung bumangga sayo, hindi mo pa sinulit,” pahayag naman niya sa akin, Ngunit napangisi naman ako sa kaniyang sinabi, “Ano ka ba, nabangga lang Mr. Right na kaagad? Nasisiraan ka na ba? Wag mo ako igaya sayo ha,” tugon ko naman sa kaniya At doon ay nag-patuloy na kami sa pag-lalakad at dumeretso na sa pag-bili ng pag-kain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD