Chapter 6

1688 Words
Gabriel’s point of view Kararating ko lang sa bahay nang bumungad sa akin si mom. “Oh? You’re home anak,” pag-bati niya sa akin, “Mom? What are you doing here? Pumunta kayo ng walang pasabi sa akin,” saad ko naman sa kaniya. Umiling siya sa akin, “Ano ka ba, gusto ko lang bisitahin si Sarah. Okay naman siguro siya dito hindi ba?” tanong naman niya sa akin, Napahinga naman ako ng malalim, “Okay siya mom, pero hinahanapan ko na naman siya ng panibagong yaya dahil hindi talaga siya masabihan ni Yaya Bel,” tugon ko naman sa kaniya. Doon ay agad niya akong nilapitan at tinapik sa aking balikat, “Ano ka ba hijo, that’s normal. Hindi naman agad masanay ang bata sa kung bago talaga ang yaya—” putol niyang pag-kakasabi nang biglang sumigaw si Sarah. “I don’t waaaant thaaaat!” sigaw nito nang agad naman akong napakamot sa aking ulo, “Look at that mom, nakikita mo na ba ang mga sinasabi ko?” pahayag ko sa kaniya. Napahinga naman ng malalim si mom, “Don’t worry anak, makakakita ka rin ng panabigang yaya. Sayang, masarap pa naman magluto si yaya bel, pero kung paaalisin mo siya wag nalang. Ilipat mo nalang sa amin ng dad mo okay? aalis na ako, ikaw na bahala diyan ah, love you anak!” pag-papaalam niya sa akin, “Love you mom,” tugon ko naman sa kaniya. Nang makaalis si mom, ay agad ko namang tinawag si Sarah. “Sarah? Come here to daddy, let’s talk for a while.” Pag-tawag ko sa kaniya, Agad rin namang lumapit si Sarah sa akin, “Huh?” “Pwede ba kahit ngayon lang, please give some respect naman kay yaya bel? Everyday, she’s taking care of you. ano pa bang gusto mo?” pahayag ko naman sa kaniya, Dahan-dahan siyang tumingin ng masama sa akin, “I want my mom! Not you or everyone else! My mom, okay?!” sigaw naman niya sa akin, at agad siyang umalis sa harapan ko at tumungo ito sa kaniyang kwarto. “Sarah! Sarah!” pag-tawag ko naman sa kaniya. Agad naman akong naupo at napahawak nalang sa aking ulo, “My God! Brother! Ano ba itong iniwan mo sa akin,” pabulong ko naman sa aking isip. At habang sap ag-iisip-isip ay bigla ring pumasok sa isip ko ang aking panibagong ipapasok bilang yaya ni Sarah na si Chase. “I hope this works, Chase ikaw nalang pag-asa ko para tumino ito,” pahayag ko muli habang tinitingnan ang phone number ni Chase sa cellphone ko. Nang bigla kong napindot ang call, at agad itong nag-ring. “Sht!” Ngunit agad naman niya itong sinagot, “Hello? Sino sila?” tanong naman niya kaagad sa akin, Hindi ko alam kung sasagot ba ako sa kaniya o hindi pero sinagot ko parin ito dahil malalaman din naman niya kapag kinailangan na namin mag-kita. “Hi, sorry for interrupting. I’m Gabriel, yung nakausap mo kanina. Sinisigurado ko lang kung sayo ng aba ito, sorry baka natutulog ka na,” pahayag ko naman sa kaniya. “No sir! Okay lang po, hindi pa naman po ako natutulog. May mahalaga po ba kayong sasabihin?” tanong naman niya pabalik sa akin, “Ahm—gusto ko lang malaman if nag-dadalawang isip ka pa ba or sure ka na sa Monday?” sagot ko “Ano ka ba Gabriel?! Walang sense yang mga sinasabi mo!” pahayag ko sa isip ko “Hindi naman po, sure naman po ako sa pag-tanggap ng deal niyo. May problema po ba?” tanong naman niya pabalik sa akin, “Nothing—nothing, just making sure of it. para maipaayos ko na ang iba mo pang kailangan sa pag-tigil mo,” tugon ko naman. Nang matapos ang usapan at nang namatay ang tawag ay agad akong tumungo sa aking kwarto. Doon ay agad naman na akong nag-palit ng damit. “Gabriel—ano kasing ginagawa mo sa buhay, hindi nag-iingat,” pabulong ko muli sa aking isip -- Chase’s point of view “Ang weird naman ng Gabriel na yun, kung hindi lang kita boss baka agad na kitang pinatayan kasi ganitong oras tumatawag pa para lang siguraduhin lahat. Daig ka pa ng tita mo na si Ms. VP,” pabulong ko naman nang mamatay ang tawag. Kinaumagahan ay tanging ingay nalang ang narinig ko sa pamamahay namin, kaya’t agad naman na akong bumangon ng kama. Habang nag-aayos ako ng kama ay biglang may kumatok ng malakas at agad ko rin naman itong binuksan. Bumungad muli sa akin ang aking ina, “Ano na naman ma?” tanong ko kaagad sa kaniya, dahil alam ko na kung bakit siya nasa harap ko. at nag-iba naman kaagad ang kaniyang mukha at sinamaan muli ako ng tingin, “Wow? Anong ano na naman? baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo ngayon? Mag-karoon ka naman sana ng respeto ano?” saad naman niya sa akin, “Eh bakit kayo kumatok? Ano kailangan niyo?” tanong ko naman sa kaniya, “Pera, alam kong meron ka diyan—ibigay mo na sa akin,” tugon naman niya “Ma, wala akong pera. Hindi pa kami nasahod, sa isang araw ko nalang kayo aabutan,” ani ko naman Nang bigla siyang nagpumilit na pumasok sa kwarto ko at hinanap nito ang aking bag, at nang kaniyang makuha ito ay agad niyang hinanap ang aking wallet at nang kaniyang makita ay nainis lalo siya. “Hindi ba nag-tatrabaho ka? Sa lahat ikaw ang may pinaka-maayos na trabaho dito, bakit wala kang pera?!” sigaw naman niya sa akin nang bigla niyang ibinato sa akin ang aking wallet, “Hindi po ba kakasabi ko lang? kung wala akong pera, wala talaga akong mailalabas. Kung may mailabas man ako, paniguradong sa sugal niyo na naman ilalabas,” pahayag ko naman sa kaniya, Nang bigla niya akong sinampal sa aking mukha, “Wag na wag mong minamaliit ang pagsusugal ko dahil yun ang ikinakain natin,” saad naman niya Napangisi naman ako nang sabihin niya ito sa akin, “At ang ipinangsusugal niyo? Baka nakakalimutan niyong doon napupunta ang mga pinag-hirapan ko? kung hindi niyo ginagawa yan, baka hindi na tayo gutom ngayon at kasya ang sinasahod ko,” tugon ko naman “Chase?! Bakit pinag-sasalitaan mo ng ganiyan ang nanay mo?” tanong naman ng tatay ko sa akin, Napangisi nalang ako at hindi umimik, dumeretso na ako sa banyo at naligo. Hindi ko na pinansin ang mga kasunod pang sinasabi ng aking ina dahil wala naman akong maririnig na mabuti rito. Nang makapagbihis at makapag-ayos ng sarili ay agad naman akong umalis ng bahay. Habang nag-lalakad ay hindi ko na naiwasang maiyak nalamang. At doon ay naisipan ko ng tawagan si Emily, at agad rin naman niyang sinagot ito. “Hello? Ang aga-aga napatawag ka,” tugon naman niya, “Are you busy? Nasaan ka? Pwede b akita puntahan diyan sa condo mo?” tanong ko naman kaagad sa kaniya, “Kasama ko boylet ko, pero pwede ko naman siya palayasin para sayo. Pumunta ka nalang at alam kong hindi ka na naman okay,” tugon naman niya kaagad sa akin, “Maraming salamat sis, pupunta na ako—” Agad na akong tumungo sa condo kung saan nakatira si Emily, simple at may kaya ang pamilya niya kaya hindi siya nahirapan na humanap ng matitirhan dahil ang condo na tinitirhan niya ay iniregalo sa kaniya ng kaniyang ama na may negosyo. Hindi kalayuan ito kaya’t mabilis rin akong nakarating. Nang nasa pintuan na ako ng kaniyang unit, ay agad akong kumatok at agad rin naman niya akong pinag-buksan. “Oh? Bes? Pugto ang mata natin ah?” tanong naman niya kaagad sa akin nang mapansin ang aking mga mata, nang agad naman akong napayakap sa kaniya. Hindi na ako nakapag-salita, “Panigurado, pamilya mo na naman yan—pasok ka na,” ani niya muli sa akin. Habang ako ay nakaupo na sa kaniyang sofa, ay kinukuha niya ako ng aking makakain at maiinom. “Ayaw mo pa kasi na dito tumira sa akin, may isa pa namang kwarto—” pahayag niya sa akin, “Nakakahiya kaya—at tsaka baka kung anong sabihin ng mga magulang mo sayo,” tugon ko naman sa kaniya. Agad niya akong tiningnan ng masama, “Oh kumain ka—ako na ang nag-sasabi sayo, kung sa inyo ka lang titira hindi ka makakaipon at makakafocus ng maayos ng ganyan. Atleast dito, hindi kita pag-dadamutan ng kahit ano, kapag wala kang pera hindi naman kita agad sisingilin, parang mag-kapatid na tayo okay?” Napahinga naman ako ng malalim nang sabihin niya ito sa akin, “Thank you ah, kung sinabi mo naman na—bakit ko naman tatanggihan hindi ba? Kahit nakakahiya, kakapalan ko nalang ang mukha ko. pero paano ang mga gamit ko?” tanong ko naman Agad niya akong tinapik sa balikat, “May dala ka naman ngayon na mga gadgets mo, marami akong damit diyan—undies nalang ang mga kailangan mo, wag ka na muna bumalik sa inyo, ewan ko nalang kung hindi ka hanapin dahil kailangan ka nila,” tugon naman niya sa akin. “Pagod na ako sa nanay ko, puro nalang pera ang nasa isip—wala naman akong maibigay,” ani ko “Tingnan mo, kagaya niyan—paano ka mabubuhay ng maayos kung ganyan ang mga magulang mo sayo, and besides, dapat nga hindi sila puro hingi sayo kasi nagbibigay ka naman ng labis-labis pa di ba kapag sahuran na,” pahayag naman niya. Natahimik nalang ako sa kaniyang mga sinasabi dahil hindi ko mapigilan ang luha ng aking mga mat ana pumapatak. Agad niya akong niyakap, dahil sa pag-alala. Nang biglang nag-ring ang aking cellphone, “Ang aga-aga, sino naman yang ka-callmate mo?” tanong naman niya sa akin. Tumigil ang aking pag-iyak at hindi ko napigilan na matawa sa kaniyang sinabi, “Sira ka—boss yan,” tugon ko naman sa kaniya. Agad siyang nakapag-takip ng kaniyang bibig upang hindi marinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD