Chapter 3

1160 Words
Labas na kami sa trabaho ni Emily at hindi pa namin alam kung saan kami tutungo, “Oh? Pasaan na tayo nito?” tanong ko naman sa kaniya, Ngumiti siya sa akin, “Alam ko na, maiba naman—what if mag-coffee tayo? Yung tayo lang dalawa tapos deep talks ganorn!” tugon naman niya sa akin, “Deep talks, sira ka ba? May problema ka ba sa buhay ng katulad sa akin?” tanong ko naman sa kaniya, “Ahm, no pero hindi naman kasi yan yung point ko. I know hindi ka okay, pag-pasok mo pa lang alam ko na ang dala-dala ng mukha mo galing sa inyo. Kaya tara nalang mag-kape, sagot ko,” tugon naman niya Agad ko naman siyang inakbayan, “Kaibigan ng akita, tara!” Nang makarating na kami sa mall, ay nag-lalakad kami patungo sa coffee shop ngunit bigla siyang napating sa isang damit at pumasok siya sa shop. Doon ay inaaya niya ako ngunit agad naman akong tumanggi. Habang nag-hihintay sa kaniya ay agad naman akong naupo sa isang upuan kung saan pwede tumambay dito ang mga namimili. Medyo matagal din si Emily, kaya’t kinuha ko muna ang cellphone ko at nag-scroll. Ngunit sa hindi ko inaasahan ay biglang may sumigaw na bata. “Mommy!” Sa lakas ng kaniyang sigaw ay agad naman akong napatingin, at lumingon sa paligid kung sino ang tinatawag niya. “Mommy!” inulit pa niya ito, at nang nasa harapan ko na siya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. ngunit umiling ako, “No, hindi ako ang mommy mo bata,” tugon ko naman sa kaniya Sa kasamaang palad ay hindi ito sumasagot sa aking sinasabi, “Nasaan na ba ang magulang mo? tara hanapin natin?” tanong ko naman sa kaniya, Ngunit umiling lang ito. Napahinga naman ako ng malalim, at nang tumayo ako ay biglang may dumating na lalaki na naka formal na damit na tila halatang mayaman. “I’m so sorry miss,” pahayag niya sa akin, “Kayo ba ang magulang niya?” tanong ko naman sa kaniya, at agad rin naman siyang sumagot. “Yes,” Nang biglang umimik naman ang bata, “Mommy! Mommy!” habang hila-hila niya ang damit ko, at agad naman akong naupo. “I’m not your mommy okay? sama ka na sa daddy mo,” pahayag ko sa kaniya “Kelsy, she’s not your mom. Tara na, gagabihin na tayo,” saad naman ng lalaki sa bata. “Miss, I’m so sorry ulit. Una na kami,” pahayag naman niya sa akin, “Sige, ingat!” tugon ko naman Nang makaalis na sila, ay agad na rin namang lumapit sa akin si Emily. “Sino yung kausap mo? mukhang ang laking lalaki nun ah? pogi ba?” tanong naman sa akin ni Emily Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin, “Goods lang, pero may anak. actually anak niya ang lumapit sa akin. Tapos ang weird nga,” tugon ko naman sa kaniya “Bakit naman?” tanong niya muli “Tinatawag akong mommy niya, sobrang weird di ba? Kamukha ko siguro mama niya?” pahayag ko naman sa kaniya Natawa naman si Emily nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Oh? Bakit ka natatawa ha? May masama ba sa sinabi ko? totoo naman ah?” tanong ko “Gaga, paano mo magiging kamukha ang nanay non? Eh mas may itsura pa nga yata ang tatay noon sa boylet ko sa bar eh, so paano?” saad naman niya “So ganoon na ako ka pangit sa paningin mo ganon ha?” tanong ko Dahan-dahan siyang napatango sa akin, at doon ay muli ko siyang kinurit sa singit. Agad na niya akong hinila sa coffee shop na sinasabi niyang masarap. Nang makapasok kami ay bumungad naman sa akin ang maraming guard na tila may artista sa loob. “Anong meron?” tanong ko kay Emily, “Hindi ko alam, baka may artista?” tugon niya sa akin. Agad namang tinanong ni Emily ang isang barista, “Ate? Anong meron? Bakit ang daming guard?” “Bumili po kasi yung isang businessman na masyadong private yata po yun, kaya maraming guard,” tugon naman niya Napatango din naman ako nang marinig ko iyon, at agad na umorder ng coffee. Nang makaorder kami ay agad na kaming naupo, “Sosyal naman ng businessman na yun, may pa-guard,” pahayag naman sa akin ni Emily. Nagulat naman ako nang mapansin ko sa sasakyan yung batang babae na lumapit sa akin, “Yung bata—” “Aling bata?” tanong naman kaagad sa akin ni Emily “Yung bata, na lumapit sa akin at tinatawag akong mommy. Nandoon sa sasakyan na yun kung saan maraming guards,” tugon ko naman sa kaniya. Agad na napatakip si Emily ng kaniyang bibig at tila gulat na gulat, “What the F! what if, yun yung kumausap sayo kanina? What if siya pala yung para sayo?” pahayag naman niya sa akin, Nang agad ko namang binatukan si Emily sa kaniyang ulo, “Sira ka ba? May asawa di ba? Anak nga niya yung bata eh, saan mo ako ilulugar doon sis?” tanong ko naman sa kaniya Natawa naman muli si Emily nang banggitin ko iyon sa kaniya. “So back to our topic, hindi mo ba talaga nakilala ang mukha ng guy na nakilala mo sa bar? Kasi sobrang curious na ako na hindi ko na maintindihan,” tanong naman muli niya sa akin, Dahan-dahan naman akong napailing, “Nope—hindi ko maalala, ang tangi ko lang na natatandaan is yung tattoo niya sa gilid niya, tapos ang balat niya sobrang perfect,” tugon ko naman sa kaniya. “Ang dami-dami mong pwedeng matandaan, yung tattoo pa talaga ang naalala mo? boses? Hindi mo ba nabosesan? Tanda mo ba?” tanong niya muli “Imposibleng maalala ko pa ang boses, kasi parehas kaming lasing non for sure. Parehas kaming may inom, iniwan nalang niya ako sa hotel noon na wala man lang pasulat,” saad ko sa kaniya Napakamot siya sa kaniyang ulo nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Sana tinanong mo kung sino ang nagbook ng room nay un sa frontdesk no? para may idea ka?” pahayag naman niya sa akin. Agad naman na nanlaki ang mata ko, at agad na sumagot sa kaniyang sinabi. “What if pumunta tayo sa hotel na pinuntahan namin, tapos itanong kung sino ang nagbook? Kasi tanda ko pa yung room,” pahayag ko sa kaniya. “Imposibleng payagan tayong malaman ang pangalan lalo na at anong araw na ngayon, baka sabihin stalker tayo or something,” tugon naman niya sa akin Napahinga naman ako ng malalim, “Sabagay, may punto ka. Parang imposible ko naman siya ulit makita depende nalang kung babalik tayo sa bar, pero ayaw ko na kasi,” ani ko Umiling siya, “Hindi! Babalik tayo sa off natin! hindi pwedeng hindi!” tugon niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD