Chapter 2

1766 Words
“Bakit naman ngayon ka lang Chase?! Hindi mo man lang naisip na kailangan namin ng katulong dito sa bahay?” tanong sa akin ni mama nang makarating ako sa bahay at hindi naman ako sumagot. Tila napikon si mama nang hindi ako umimik kaya’t agad niya akong binatukan at agad naman akong napatayo sa aking kinauupuan. “Ano ba ma?! Ako lang ba ang anak niyo dito sa bahay para sabihin niyo yan sa akin?!” ani ko Napangisi naman siya, “Aba, lumalaban ka na? baka nakakalimutan mong pamamahay ko parin ‘yang—” putol niyang sinabi nang agad akong sumingit “Hindi mo na kailangang sabihin yan ma dahil palagi ko ng naririnig yan! Pwede ba? Bigyan niyo muna ako ng pahinga, alam niyong galing akong trabaho!” sigaw ko naman Nang agad ko na siyang tinalikuran at tumungo na sa aking kwarto. Nang aking sarhan ang pintuan ay pilit niya paring kinakatok ng malakas ang pintuan na tila halos masira na niya ito, ngunit hindi ko na napigilan ang aking luha dahil sa kaniyang panguugali. Bigla namang nag-ring ang aking cellphone, at agad ko rin namang sinagot. “Hello?” “Hello Chase? Si Emily to ano ka ba? Hindi mo man lang ako nabosesan?” tanong naman niya sa akin, Agad naman akong nag-taka, “Pero? Bakit—hindi, kaninong number ang gamit mo?” tanong ko kaagad sa kaniya, “Sa kasama ko,” tugon niya “Sino na naman ‘yang kasama mo ha? Emily, baka naman kung saan-saan ka na pumupunta niya,” saad ko naman sa kaniya, “Don’t you worry girl! I got this,” ani niya “Mag-iingat ka,” pahayag ko naman sa kaniya, nang agad siyang may ipinaalala sa akin. “Girl! Don’t forget yung presentation ni madam, baka mapagalitan kana naman noon!” pahabol niya nang agad ko nang pinatay ang tawag dahil tanging naririnig ko lang ay mga malalakas na tugtugan. Agad ko nang tinrabaho ang ipinapagawa sa akin ng aking boss, dahil kung hindi ko ito magagawa ay pwedeng-pwede akong mapatalsik sa trabaho. -- Umaga na nang biglang nag-ring ang alarm ng cellphone ko. “s**t! 7 na!” sigaw ko at dali-dali naman akong kumilos lalo na at bawal akong mahuli sa tarabaho Nang matapos ko ang lahat ganoon din ang aking pag-ligo at pagbihis ay dali-dali akong bumaba ng hagdan ngunit bumungad na naman sa akin si mama. “Umuwi ka ng maaga ha—dahil kung hindi, hindi ka na makakatapak dito,” pahayag niya sa akin. “Hindi ko control ang oras ko ma kung hind isa trabaho, kaya wag niyo ako asahan sa ganiyan,” tugon ko naman sa kaniya at doon ay umalis na ako. Mabilis akong nakarating sa kompanya at kampante ako na handa na ang lahat. Ngunit nang papasok ako sa opisina ay biglang bumungad si Emily sa akin na tila hindi alam kung paano makakapagsalita. “Ahm—Good morning po, ano pong meron?” tanong ko naman sa kanila Napahinga naman ng malalim si Mrs. Gonzales at napahawak naman sa noo si Emily, “Nothing, did you bring your presentation na ipepresent ko mamaya sa mga investors natin?” tanong naman niya sa akin, Agad naman akong tumango sa kaniya, “Yes madam, nandito na po at nagawa ko na.” “That’s great, and mamaya after meeting may pag-uusapan tayo in private okay?” pahayag niya sa akin Nang sabihin niya ito ay agad naman akong kinabahan ng sobra na tila mapapaisip kung may nagawa ba akong masama at nang makalabas si Mrs. Gonzales ay agad akong naupo sa aking pwesto at agad akong nilapitan ni Emily. “Kinabahan naman ako,” pahayag niya Napatingin naman ako sa kaniya, “Anong kinabahan? Saan ba? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo ha,” saad ko naman sa kaniya. “Ano ka ba, akala ko nga magagalit si madam eh,” tugon naman niya sa akin Nagulat naman ako, “Bakit naman siya magagalit eh wala naman akong ginagawang masama?” tanong ko naman kaagad sa kaniya, Napailing naman siya sa akin ng dahan-dahan, “I don’t think so, dahil may nakapagsend sa kaniya ng video mo noong araw na nasa bar tayo,” tugon naman niya sa akin Nagulat lalo ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya, “What the! Tangina! Hindi pwede! Saan daw galing?!” tanong ko naman kaagad sa kaniya Napataas nalang siya ng kaniyang balikat sa tanong ko, “Don’t worry girl, hindi naman siya kalat. Buti nga kay madam lang ipinasa eh, paano nalang kung kumalat sa buong company hindi ba?” pahayag naman niya muli sa akin. “Ano nalang ang ipapaliwanag ko kay madam? Kasalanan mo kasi ito Emily eh! Alam mo naman na hindi ako ma-bar!” saad ko naman sa kaniya, “Bakit kasalanan ko? hindi ko kasalanan ah, hindi ka lang talaga nag-ingat sa kilos mo. pero infairness, ang galing mo sumayaw sa gitna ah? talo mo ang ibang girls,” tugon naman niya sa akin. Agad ko naman siyang kinurit sa kaniyang hita at doon ay agad na siyang bumalik sa kaniyang pwesto at naupo na sa kaniyang kaupuan. -- “Wow! Congratulations Chase, thank you for this presentation,” pag-bati sa akin ni Mr. Chua at agad niya akong kinamayan, “Thank you so much Mr. Chua,” tugon ko naman sa kaniya. Nang makapag-kamayan narin ito kay Mrs. Gonzales at nang makalabas na ang mga investors ay agad niya akong kinausap. “Chase? Let’s talk,” pahayag naman niya sa akin, Napalunok naman agad ako dahil sa kaba, at agad naman akong tumingin sa kaniya habang inaayos ang aking laptop. “Yes madam?” tugon ko naman sa kaniya, “I’m sure nasabi na sayo ng kaibigan mong si Emily, pero sana next time naman mag-ingat ka sa nasa paligid mo,” pahayag naman niya kaagad sa akin, “I’m so sorry madam, hindi ko po alam. Patatalsikin niyo na po ba ako?” tanong ko naman sa kaniya, Agad naman siyang umiling, “I’m giving you chance Chase, sana hindi na maulit ito dahil kahiyayan ang kalalabasan niyang kung mas maraming tao ang makakakita at makakaalam. Alam naman natin na nakakawala talaga sa sarili ang alak, but please—sana naman maging safe ka sa paligid mo,” tugon naman niya sa akin “Thank you so much madam, hindi na po talaga mauulit,” saad ko naman sa kaniya “Mukhang yun ang rason kung bakit hindi ka nakapagwork nitong presentation mo ah,” pahayag naman niya sa akin, “Ahm—sorry po ulit,” tugon ko naman sa kaniya “Okay, mauna na ako sayo Chase. I have something to work pa, bumalik ka nalang sa office niyo, thank you for the hard work,” pahayag niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya, at doon ay napangiti naman ako dahil success ang nagawa ko. Nang lumabas ako sa pintuan ay bumungad sa akin si Daniel, at agad namang sumama ang tingin ko sa kaniya. “Oh?” tanong ko naman sa kaniya, Napangisi naman siya sa akin nang sabihin ko iyon, “Ano? Susungitan mo na naman ako? Eh wala naman akong ginagawa sayo?” tanong naman niya pabalik sa akin, “Umalis ka nga sa harap ko, hindi gumaganda ang araw ko kapag nandiyan ka,” pahayag ko naman sa kaniya Natawa naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Wow—ang hangin mo naman masyado miss, makaalis nan ga,” tugon naman niya Doon ay umalis na siya sa harapan ko habang ako naman ay tumungo na ng deretso sa opisina. Bumungad naman na sunod sa akin si Emily, “So how’s your presentation miss?” tanong naman niya kaagad sa akin, “Success, nang dahil sayo kinausap ako ni madam. Ngayon last chance ko na yun at kapag may nagvideo pa at kumalat, mapapatalsik na talaga ako, kaya please wag na tayo mag Bar,” tugon ko naman sa kaniya Agad naman sumimangot ang mukha niya, “Bakit naman? paano na ang mga boylet natin na nakita natin doon?” tanong naman niya sa akin, “Are you crazy sis? Lalaki lang yan, marami pa diyang iba,” tugon ko naman sa kaniya Natawa naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Pero alam mo, napaisip ako. Gumamit ba kayo ng lalaki mo?” bigla niyang pabulong sa akin, Agad naman akong napaisip sa kaniyang itinanong, “Oo, siguro—ano ba yang mga tanong mo Emily, umayos ka nga. Ayaw ko pa mabuntis,” tugon ko naman sa kaniya, Napahinga naman siya ng malalim nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Bakit? What if lang naman? at tsaka hindi naman masama na walang gamit as long as hindi ipuputok sayo ano ka ba,” saad naman niya “Alam mo, bumalik ka na diyan sa trabaho mo. pati about sa s*x tinatanong mo sa akin, eh di ba lasing ako non,” saad ko naman sa kaniya. “I’m just concerned, okay? concerned lang ang bff mo,” pahayag niya sa akin “Okay, thanks sa pagiging concerned,” tugon ko naman Bumalik na kami sa trabaho namin, ngunit biglang may pumasok sa isip ko na kakaiba. “Parang gusto ko na bumukod,” pahayag ko sa aking isip, kaya’t agad naman akong nakapagbukas ng panibagong browser at naghanap ng part time work na pwede pag-kakitaan ng malaki-laki, Ngunit sa kahabaan na ng aking pag-babasa ay biglang may kumatok sa ibabaw ng desk ko, at nagulat naman ako. Bumungad na naman sa akin si Daniel, “Ano ba Daniel?” pahayag ko sa kaniya, “Bakit ba? May itatanong lang naman ako, bakit gulat na gulat ka? May itinatago ka diyan sa pc mo no? patingin nga?” saad naman niya sa akin nang pilit niyang gustong silipin ang desktop ko, at ipinipilit ko siyang tinutulak papalayo. “Tigilan mo nga ako Daniel!” sigaw ko, Nang biglang sumilip sa pintuan si Mrs. Gonzales nang siya ay mapadaan, “Chase? Daniel? Ano yan? Nandito pa ang mga investors natin, hindi na kayo nahiya,” pahayag niya sa amin “Sorry madam,” tugon ko naman sa kaniya At ganoon din naman si Daniel “Kung may kukunin ka sa akin, makausap ka naman ng ayos. Hindi yung pati trabaho ko aalisin mo sa akin dahil diyan sa kakulitan mo,” pahayag ko sa kaniya. Agad naman na akong naupo habang siya ay hindi na nakaimik at umalis nalang sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD