Agad kong sinagot ang tawag ni Mr. Gabriel, “Hello?” tugon ko, “Good morning Ms. Chase, are you busy right now?” tanong naman niya sa akin, “Ahm—no sir, wala naman pong kaso sa pag-tawag niyo. Ano pong meron sir?” tanong ko naman pabalik sa kaniya, “Is it okay with you kung this Sunday ka mag-start? Or if you want, today? Kahit mamayang gabi, I’ll introduce you sa bata, if it’s okay with you?” tanong niya Laking gulat ko sa kaniyang sinabi dahil saktong-sakto ito sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Ngunit hindi ako pwedeng ngayong araw dahil nangako ako kay Emily na sasamahan ko siya sa club kasama ang kaniyang boyfriend. Napahinga naman ako ng malalim, “I’m sorry sir, hindi po ako available ngayon eh—kung okay lang po sa inyo, bukas nalang po ako pupunta?” tugon ko naman sa kaniya,