✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ TAMA si Prof Xyrus noong unang beses niyang sinabi sa akin na kamukha ko si Frida. Pero that time, wala akong idea kung saan kami magkamukha. But now I do. She looks like me. We have the same hair, the same eyes, the same lips. She even has the same slender fingers I have. Kitang-kita ko ‘yon habang tumutugtog siya sa laruan niyang piano. Wala siyang pakialam kahit mali-mali ang tinutugtog niya at bubbles na tunog no’n, ang mahalaga sa kaniya ay nakakanta niya ang Five little monkeys humpty dumpty na ngayon ko lamang narinig. Iba-iba ang lyrics niya. Parang naging remix. Pero ang mas ikinatuwa ko, she got her father’s nose and eyebrows and laugh and smile. Watching the videos of her was like a refresher course in the history of Glenn. Sobrang tagal ko na kasi siyang