✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ GUSTO kong gantihan ang halik niya tulad noong una at pangalawang beses niya akong halikan. Pero ngayon, sa hindi ko malamang dahilan, parang hindi ko kayang ibuka ang bibig ko. O baka nakukunsensya ako dahil alam kong kapatid niya si Glenn? He’s dead, pero hindi ko maiwasang maramdaman na tila ba pagtataksil sa kaniya ang tanggapin ang halik ni Xyrus. Ano kaya ang mararamdaman niya kung makikita niya kami ngayon? Kung makikita niyang nakaikot sa baywang ko ang mga kamay ng kapatid niya habang humahalik sa labi ko? Hindi ko na kaya. Inilapat ko na ang mga palad ko sa dibdib niya para maitulak siya palayo. Hindi malakas, iyong sapat lang para magkaroon ng space sa pagitan naming dalawa. Medyo mabilis ang paghinga namin at nakaramdam ako ng hiya sa kaniya. Pero pinil