✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ TUMAYO siya at humakbang palayo sa amin ni Marie. Laking pasasalamat ko na narito si Marie para sundan siya. “Tate! Wait!” Mataas ang suot nitong sapatos kaya hirap siyang habulin si Tate. “Dear, wait for me!” Panatag ako na may nakasunod kay Tate kaya pinuntahan ko na lang muna ang sasakyan ko. Saka ko sila binuntutan. Pumuwesto ako sa gilid nila at ibinaba ang salamin ng bintana. “Tate?” Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinapansin, and I understand why. “Tate, ‘wag ka nang magmatigas. Mapapagod pa si Marie sa pagsunod sa’yo. Halika na, sumakay ka na. We’ll give you a ride home.” Still no response. Nakasunod pa rin sa kaniya si Marie at halatang hirap na ito dahil sa taas ng takong ng suot niyang sapatos. Idagdag pa na hindi na gano’n kalakas ang tuhod niya d