AUTHOR'S NOTE: BASAHIN!!!
Sa mga hindi pa nakakaalam, bago na po ang laman ng chapter 1 - 6 nitong story na 'to. Kung dati ay si Prof. Rio ang mababasa n'yo, ngayon ay iba na po ang name ng male-lead dahil nag-major revision po ako. Bago na ang blurb at iba na rin ang plot. Kung si Prof. Rio pa rin ang nababasa niyo sa chapter 1-6, ganito po ang gawin niyo. Remove niyo po muna ito sa library niyo, then mag-clear cache po kayo sa setting ng Dr€ame app, saka niyo po i-add ulit para makita niyo ang bagong laman ng chapter 1-6. Dapat ang makita niyong name ng male-lead ay Xyrus Gleo Mendez. At ang name ng female lead ay Tate Francessca De Luna. Yun ang characters sa bagong plot nito. Thank you!
iyong dati pa rin ang nababasa niyo
✿♡ TATE DE LUNA ♡✿
“Dito ka nakatira?” tanong sa ‘kin ni Xyrus nang pareho na kaming makababa sa sasakyan niya.
Nagmagandang-loob siyang ihatid ako ngayon dahil gabi na raw, delikado kung maglalakad ako. Isa pa, para mapag-usapan pa raw namin ang ibang bagay tungkol sa magiging set up namin.
Medyo kinabahan nga ako noong una habang nag-uusap kami sa sasakyan pauwi rito sa apartment. Naisip ko kasi na baka tanungin niya ako sa nakaraan ko, sa buhay ko. Kung nasaan ang mga magulang ko at iba pa. Natatakot ako dahil ang iniiwasan ko ngayon ay ang malaman niyang galing ako sa kulungan.
Hindi niya ‘yon p’wedeng malaman dahil hulog siya ng langit sa akin. Siya lang ang nag-iisang taong nag-alok sa ‘kin ng trabaho without knowing who I am and without asking too much. Siya lang ang nag-alok ng trabaho sa ‘kin na may kapalit na malaking halaga na p’wede kong gamitin para makapag-aral na at maisaayos ang buhay ko bago ko balikan ang nag-iisang taong gusto kong makasama.
Buti na lang ay hindi na siya nagtanong-tanong pa. Ako rin ay iniwasan kong magtanong sa kaniya tungkol sa sarili niya dahil baka magbalik siya ng tanong sa akin na hindi ko kayang sagutin.
Hindi naman malayo ang apartment ko sa Pares House na pinanggalingan namin kaya mabilis lang ang naging takbo ng sasakyan niya. Sa panahong nasa sasakyan kami, kaunti lang ang nagpag-usapan namin. Iyon ay kung kailan kami ulit magkikita para sa fake wedding at sa pagpirma ko sa kontrata bilang pekeng asawa niya.
“Oo,” tipid kong sagot sa kaniya habang nakatanaw siya sa lumang apartment building kung saan ako nanunuluyan. “Luma lang ang building pero maayos naman sa loob. May mga estudyante rin na nangungupahan d’yan,” dugtong ko.
Tiningnan niya ako. “Sige na. Pumasok ka na sa loob. Alam mo naman na kung kailan tayo ulit magkikita, right?”
Tumango ako. “Mm. Next week. Saturday, 9 A.M."
Nagpaalam na rin siya kaya humakbang na ‘ko papunta sa gate. Hindi ‘yon naka-lock sa loob kaya nang itulak ko ay bumukas at nakapasok ako agad. Ito ang unang pagkakataong umuwi ako rito sa apartment nang may ngiti sa labi.
Dinukot ko ang likurang bulsa ko para kuhanin doon ang nakatiklop na sobreng kulay puti. Inilabas ko roon ang libu-libong cash, naupo ako sa upuang kahoy sa kwarto at doon ko binilang.
Fifty thousand. Sakto.
Kinuha ko agad ang ballpen sa loob ng bag ko, pati na rin ang notebook ko roon na medyo maliit. Para lang siyang diary. Actually, diary talaga siya. Doon ko sinusulat lahat ng saloobin ko o kapag may mga tao akong gustong kausapin pero hindi ko magawa nang harapan. Doon ko sinusulat ang gusto kong sabihin sa kanila.
Binuklat ko ang huling page at doon ko sinimulang ilista lahat ng mga bagay na kailangan kong i-priority na i-budget. Nagtabi na ako ng pambayad sa apartment ko for six months para ma-secured ko na ang titirhan ko. Saka ko naman nilista ang mga importanteng bagay na kailangan kong bilhin para rito sa kwarto, tulad ng unan, kumot at mumurahing comforter. Sa ukay na lang siguro ako bibili para mas makamura pa ako.
Bukas, mamimili na rin ako ng kaunting groceries para kahit papaano ay may stocks ako. Kailangan ko rin bumili ng rice cooker kahit maliit lang dahil mapapamahal pa ako kung lagi akong bibili ng kanin sa labas.
Dahil busog pa naman ako sa kinain kong pares kanina at pan de coco, inatupag ko na lamang maligo. Saglit lang akong naligo dahil katawan lang naman ang binasa ko. Saka na ako pumuwesto muli sa upuang kahoy para magpahinga.
**
Kinabukasan, sa halip na lumabas para maghanap ng trabaho, lumabas ako para mamili ng mga kailangan ko sa apartment. Sasamantalahin ko ang isang linggo para makapag-ayos sa kwarto bago kami muling magkita ni Xyrus.
Bandang hapon na ako nakauwi sa apartment sakay ng isang tricycle. Hindi ko kasi kayang bitbitin habang naglalakad ang lahat ng mga pinamili ko. Nagpatulong pa ako sa driver para ipasok ‘yon sa loob ng compound.
Matapos kong mabayad sa kaniya, saka ko unti-unting hinakot sa taas ang mga pinamili ko. Nakailang balik ako sa ibaba para makuha ang mga ‘yon.
Dahil hiningal ako sa pag-akyat at baba sa hagdan, nagpahinga muna ako nang kaunti bago nagsimulang mag-ayos sa kwarto.
Sa tabi ng lavabo ko muna ipinatong ang kahon ng kaunting groceries ko dahil wala naman akong cabinet na p’wedeng paglagyan no’n. Sunod kong inilabas ang binili kong comforter sa ukay-ukay, maging ang kumot para ibabad ‘yon sa sabon. Iyon ang kailangan kong unahing asikasuhin ngayon dahil hindi ko naman p’wedeng gamitin ‘yon nang hindi nalalabhan.
Magdamag ko iyon ibababad sa sabon na may suka para mawala ang mga nakakapit na dumi at amoy. Then, kinabukasan ko lalabhan sa panibagong sabon para kapag natuyo sa araw bukas ay p’wede ko nang magamit sa gabi.
Unan lamang ang hindi ko natagpuan sa ukay-ukay kaya bumili na lang ako ng bago. Dalawa na ang binili ko dahil minsan kapag sumusumpong ang asthma ko, nahihirapan akong matulog na mababa ang una ko. Parang lalo akong hindi makahinga. Dapat ay dalawang magkapatong, kaya para sure ay iyong buy one take one na ang binili ko.
Nakabili na rin ako ng maliit na rice cooker at mumurahing electric kettle, dalawang mug, dalawang plato, dalawang baso, dalawang mangkok at kutsara’t-tinidor. Set ang kutsara at tinidor na nabili ko kaya tig-anim ‘yon. Wala kasing per piraso. Pero okay na rin para may extra.
Nang matapos akong mag-ayos sa apartment, inikot ko ang paningin ko para pagmasdan ‘yon. Oo, hindi pa gano’n karami ang gamit dahil iyong mga importante pa lang naman ang binili ko. Pero kahit papaano ay hindi na empty. Kaya lang . . . hindi kaya magalit sa akin si Xyrus?
Ang sabi niya kasi, gamitin ko raw ang pera na fifty thousand para sa sarili ko, sa mga damit ko, sa buhok ko. In short, para magpaganda.
Kaya lang, sa isang tulad kong dukha na kalalabas lamang sa kulungan, kapag nakahawak ako ng pera, hindi katawan ko ang gusto kong gastusan. Mas gusto ko ‘yon ilaan sa mga bagay na mas kailangan ko sa buhay kaysa gugulin sa luho.
Oo. Gagawin ko pa rin naman ang gusto niya. Mag-aayos pa rin ako at bibili ng maayos na damit, pero isa o dalawang pares lang siguro. Para may maisuot ako sa sabado kapag nagkita kami at sa susunod pa naming pagkikita. Pero sa salon? Hindi na siguro ako pupunta. Mas mapapamahal pa ako ro’n.
**
Kinabukasan, lumabas ulit ako ng apartment para muling pumunta sa bayan (downtown). Bumili ako ng isang bagong pantalon, isang bagong blouse at isang simpleng dress at simpleng flat sandals, na sinadya kong hindi bilhin sa ukay-ukay, dahil masyadong halata na luma ang isang damit kapag sa ukay binili. Baka mag-isip pa nang hindi maganda si Xyrus kung saan ko dinala ang pera kapag nalaman niyang sa ukay ako bumili ng damit.
Salon? Hindi na ako pumunta sa salon. Bumili na lamang din ako ng mga kailangan ko tulad ng shampoo, conditioner at ilang gamit sa mukha tulad ng press powder na mumurahin lang at pati na rin liptint. Ako na lamang ang mag-aayos sa sarili ko kahit na hindi ko alam kung ka-level ba ng salon ang knowledge ko sa pag-aayos. Hindi naman kasi ako marunong mag-ayos.
Masyado na akong maraming nagastos simula pa kahapon at ngayon. Sobrang taas din ng bilihin kaya tumigil na ako bago pa maubos ang hawak kong pera. Baka mamaya pati iyong itinabi kong pangbayad sa apartment for six months ay magdelikado pa.
Bandang hapon nang makauwi ako sa apartment. Nagluto ako ng kanin sa rice cooker dahil nakabili na rin naman ako ng tatlong kilong bigas kahapon na siya kong titipirin para sa sarili ko. Iyong isinalang ko ay hanggang bukas ko na nang umaga. Nilagyan ko na lang nang kaunting suka ang tubig ng bigas para hindi ‘yon mabilis masira o mapanis kahit abutin nang magdamag.
Habang nakasalang ang kanin sa rice cooker, naligo naman ako sa banyo at gumayak. Iyong bagong pantalon ko na ang sinuot ko at iyong baong blouse dahil may kailangan pa akong puntahan mamaya.
**
Nakatayo ako sa harap ng isang malaki at mataas na gate ng isang bahay dito sa Handersfield Town. Dito ako nagpahatid sa tricycle na sinakyan ko kanina. Pero halos kalahating oras na akong naghihintay, wala pa rin akong nakikitang tao sa loob.
Madilim na dahil alas siete na ng gabi, dapat sana ay bukas na ang ilaw sa loob ng malaking bahay, ngunit madilim din. Wala bang tao?
Sinubukan kong mag-doorbell at naghintay pa rin, ngunit wala talagang lumabas sa gate. Nasaan ang mga tao rito? Hindi na ba sila sito nakatira?
“Excuse me, ‘neng?” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng isang babae sa bandang likuran ko. Mas may edad ito sa ‘kin. Para siyang nasa mid-forties at sakay niya ang isang tri-bike na may mga gulay na mukhang paninda niya. Pero halos paubos na ang mga ‘yon. “Wala na ang mga Mendez d’yan. Base sa narinig ko, pumunta raw ng ibang bansa noong isang araw pa.”
Bumilis ang tahip ng dibdib ko sa sinabi ng babae. Ibang bansa? Tila namawis ang mga kamay ko.
Napalunok ako. “Ho? D-Doon na po ba sila titira? K-Kailan po ang . . . balik nila?”
“Iyon ang hindi ko alam, ‘neng. Pero alam mo naman ang mga Mendez, maraming mga ari-arian at business sa ibang bansa. Hindi malabong doon na sila maglagi. Bakit ba?”
Doon maglagi?
Hindi p’wede.
Kaya ako bumalik dito ay para sa kanila. Para mabawi ko sa kanila ang dapat ay sa akin.