8. SATURDAY

2425 Words
✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ Saturday. LATE akong dumating sa apartment ni Miss Bear Brand. Ako ang nagsabi sa kaniya na alas nuebe ako darating dito para sunduin siya at maasikaso na namin ang mga dapat naming gawin sa pagpapanggap na mag-asawa, pero 9:45 A.M na noong makaalis ako sa bahay ko dahil nag-usap pa kami ni mommy sa phone. Pati si Frida ay kausap ko rin at siya ko pang nilambing-lambing dahil umiiyak siya. Naninibago siya roon sa New Zealand at nagyayaya na raw umuwi. Noong bago ang flight nila, excited ito at tuwang-tuwa pa. Pagdating doon, saglit lang daw itong naging masigla, at noong na-realize niyang iba na ang lugar na kinaroroonan niya, doon na ito nalungkot at nagyayaya nang umuwi. Ayaw niya raw doon dahil hindi niya ako makikita. Ako rin naman nalulungkot din. Sanay ako na dumadalaw sa bahay namin sa Handersfield Town para maka-bonding siya. Sanay ako na ipasyal siya tuwing weekend kapag wala akong pasok. Pero pansamantala kaming hindi magkakasama dahil hindi naman siya p’wedeng iwan ni mommy at daddy sa ‘kin. Nagtuturo ako sa university at siguradong hindi ko siya maaalagaan. Hindi ko naman siya p’wedeng isama sa school at doon paglaruin. Pero pansamantala lang naman ang pagpunta nila sa New Zealand. Hindi naman sila magtatagal doon. ‘Yon ang pilit kong ipinaintindi sa kaniya kanina. Ang sabi ko, aayusin lang nina mom at dad ang mga dapat asikasuhin sa mga factory namin doon, at kapag okay na ay uuwi rin sila rito. Nagsabay-sabay na sila nila papa na umalis four days ago pa dahil doon din talaga sa New Zealand nakatira si papa dahil isa siya sa namamahala sa mga factory namin doon. Palapit pa lang ako sa lumang apartment building nang matanaw ko siyang nakatayo sa tapat ng gate. Si Miss Bear Brand. Binagalan ko lalo ang pagmamaneho and I took that opportunity para pagmasdan siya. She became a new person. Hindi na lumang damit ang suot niya. She’s wearing a plain white knitted dress na lalong nagpalitaw sa hubog ng katawan niya. Nakasuot siya ng puti ring flat sandals at nakalugay ang buhok niyang lampas sa balikat. Wala siyang sukbit na bag, pero may hawak siyang coin purse na kulay purple. Huminto ako sa tapat niya at ibinaba ko ang bintana. “Get in.” Sumunod siya. Pumasok siya sa loob ng sasakyan ko, sa tabi ko. She smells different this time. Hindi na siya amoy pawis. She smells sweet. Pero hindi dahil sa pabango, kun’di dahil sa naamoy kong shampoo sa buhok niya nang hawiin niya ‘yon papunta sa likod niya. “What’s your name?” I asked. ‘Yon ang unang lumabas sa bibig ko dahil noong nagkita kami sa Pares House that night, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong alamin ang pangalan niya. Nakatitig siya sa ‘kin. Hindi ko siya iniwanan ng tingin. “Ta— Cess . . .” she says. “Cess? Cess what?” I recognize the war in her eyes. I don’t know why. “De Luna.” ✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ “De Luna,” tipid kong sagot sa kaniya. Silence. Umandar na ang sasakyan. Ngunit bahagya pa lamang kaming nakakalayo sa apartment building nang magsalita siya, pero mahina lang. “Cess De Luna . . . it suits you.” Sinulyapan ko siya, pero hindi niya ako nilingon. Tate Francessca De Luna. I don’t want him to know my name kaya iyong Cess na lang din ang ginamit ko. Knowing na isa siyang Mendez, nag-aalala ako na baka makilala niya ako. Pero hindi pa naman kami nagkita dati kaya siguradong hindi niya ako kilala, maliban na lang kung nakita niya na noon ang mukha ko sa diyaryo o sa TV. Pero matagal naman na ‘yon. Kung sakali man na gano’n nga, siguradong hindi na niya ako makikilala pa. ☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚ Totoo ang sinabi niya na hindi na namin kailangan ikasal. Ang ginawa lang namin ay pumunta sa isang kilalang clothing boutique sa Talburn City at doon siya tumingin ng isusuot namin para sa wedding photoshoot. Nag-rent siya ng wedding gown ko at suit niya dahil sa picture lang naman daw namin ‘yon gagamitin kaya hindi na kailangan bumili pa. Dinala niya rin ako sa isang jewelry shop na kilala rin. At halos malula ako sa presyo ng singsing namin na binili niya. Doon siya gumastos dahil iyon daw ang kailangan na makita sa amin kung magpapanggap kaming mag-asawa. Saka niya ako dinala sa isang salon. Pinaayusan niya ako. Hair and make-up. At kita ko ang gulat sa mukha niya nang matapos ang pag-aayos sa akin. Matagal siyang hindi nakakibo at napatitig lang sa ‘kin. Bigla tuloy akong nahiya. Hindi ba bagay sa ‘kin? “L-Let’s go,” yaya niya sa akin noong inabot na sa kaniya ng isang staff ang bank card niya dahil sa bayad sa service na ginawa sa ‘kin. Sinundan ko siya sa labas, sumakay kami sa sasakyan niya para sa susunod naming ruta. Ang studio kung saan kami kukunan ng mga pictures na nakasuot kami ng pangkasal. Hindi magarbo ang wedding gown na ni-rent niya sa ‘kin. Simple lang na fitted sa katawan. Yakap no’n ang kurba ng katawan ko. Backless at spaghetti strap at v-shape ang harapan, na mayroong mga crystals and beads na designs. Then, mermaid style sa bandang ibaba. “Closer,” sabi ng photographer na may hawak na camera. Hindi mahirap ang mga naunang shots sa amin dahil pinagtabi lang kami sa mataas na stool. Then, magkatabing nakatayo habang naka-smile. Mayroon pang kuha na nakatalikod kami sa isa’t-isa, our back pressed against each other. Pero ngayon, gusto na ng photographer na magdikit kami nang nakaharap. Sinabihan niya pa kami na yumakap sa isa’t-isa. Sh*t. Alam kong hindi lang ako ang naiilang, pati na rin siya. Ang tagal niya kasing tumitig sa ‘kin. “Yakapin mo misis mo, sir. Ikaw naman misis, ikawit mo mga kamay mo sa batok ni sir. Tapos, pagdikitin niya mukha n’yo. ‘Yung magdidikit dapat ang dulo ng mga ilong n’yo.” Nagulat ako nang ipuwesto niya ang isa niyang kamay sa likod ko. His right hand slides up my back, and I gasp because I feel his touch surge through me like a current. Saka niya ako hinapit palapit sa katawan niya. Nagdikit na ang mga katawan namin. Walang space. And I can feel him through his jeans. Hard. Para akong kakapusin ng hininga sa sobrang lapit naming dalawa. “Put your arms up on me,” bulong niya. “Around my neck.” Pigil-hininga ko siyang sinunod. Inangat ko ang mga braso ko papunta sa batok niya. Doon ako kumapit. Noong nakakapit na ako, lalo niya akong hinapit sa katawan niya. His touching my face now, and he lifted my chin up. Napalunok ako nang ibaba niya ang mukha niya sa akin, hindi para halikan ako. Pinagdikit niya ang dulo ng ilong namin, and it makes me weaker and weaker, and so fvcking thoughtless. Not thoughtless as in uncaring, but thoughtless as in empty inside my head, and feeling everything in my chest, like a ball of fire is building inside of me. “Okay, good. Now, smile. ‘Yong tipong inlab na inlab kayo sa isa’t-isa,” sabi ng photographer. Naiilang ako sa sa kaniya. Naiilang ako na malapit siya sa ‘kin. Pero kailangan kong sumunod para mas madali kaming matapos. So, I smiled. I smiled at him the whole time. We smiled to each other hanggang sa matapos ang photoshoot. ☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚ Nakatitig ako sa pekeng mga dokumento na hawak ko ngayon habang tahimik akong nakaupo sa table namin. Narito kami sa isang mamahaling restaurant sa Talburn City dahil dito niya ako dinala para makapag-dinner daw muna kami bago niya ako ihatid sa apartment ko. Binigyan niya ako ng copy ng pekeng marriage certificate namin at copy ng kontrata na pinirmahan ko sa kaniya bilang pekeng asawa niya. Nakasaad na rin sa kontrata kung magkano ang ibibigay niya sa akin na allowance per month at kung magkano ang bonus ko sa tuwing kakailanganin niya akong isama sa kanila. Hindi biro ang halaga na makukuha ko sa pagtatrabaho sa kaniya kaya kahit na sa totoo lang ay ayaw ko talaga ang ideya na ito—mas pinili ko na lang tanggapin. Dahil ang halagang makukuha ko sa kaniya buwan-buwan ay maari ko nang gamitin para makapag-aral ako. Nga pala, Tate Francessca De Luna ang pangalan kong nasa pekeng marriage certificate namin dahil kahit peke ang kasal namin ay kailangan pa rin ang buo kong pangalan doon. But the good thing is, hindi niya ako kinuwestyon. Mukhang hindi niya talaga ako kilala. Isa pa, mukhang hindi siya gano’n kainteresado sa pangalan ko o pagkatao ko, which is good thing din. Ibinalik ko ang mga dokumento sa loob ng brown envelope nang makita ko na siyang palapit sa ‘kin. Galing siya sa men’s restroom. Sakto rin na noong dumating siya ay may lumapit na sa amin na waiter para ihatid ang inorder niyang pagkain. Walang nagsalita sa amin ni Xyrus habang siniserb sa amin ang pagkain. Noong umalis na ang waiter, doon pa lamang siya nag-angat sa ‘kin ng tingin. But this time, when I look into his eyes, I can see no walls. Hindi katulad noong una naming pagkikita na para bang ingat na ingat siyang tingnan ako. Ngayon, may kakaibang ningning sa mga mata niya. And for the first time, he smiled at me kahit na walang photographer na nagmamando sa kaniya. “B-Bakit?” taka kong tanong. “Who are you?” he whispers. I already told him, but I repeat it again. “Cess.” He smiles but then loses the smile and says, “I know your name. What I mean is, who are you? Like, where’d you come from? Bakit ngayon lang tayo nagkita? Bakit . . . hindi pa noon?” Bakit hindi pa noon? Ano’ng ibig n’yang sabihin? There’s a lump in my throat. Hindi ako makalunok. Hindi ako makakibo. Nakatitig lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. And I know that this is the moment I should walk away. Before I say too much, before he asks more questions. But I like his voice and his presence. It’s comforting yet distracting. And I really need a distraction right now. Pero ayokong magsalita. Talking will only get me in trouble in this town. “H-Hindi ako tagarito. Galing ako sa malayo.” Sa kulungan. “Oh. I see. Kaya pala.” Ibinaba na niya ang tingin niya sa pagkain at sinabihan na rin niya ako na kumain na. Mabuti na lang ay hindi na siya nagtanong pa ulit. Pero pansin ko na panaka-naka siyang sumusulyap sa akin. Na para bang gusto niya pa akong kilalanin mabuti. Parang ang dami niya pang gustong alamin, pero may pumipigil sa kaniya. At hindi ko alam kung ano. Pero pabor ako do’n. Because I don’t want him to know who I really am. Pagkatapos namin kumain, umalis na rin agad kami sa restaurant. Bago kami makarating sa apartment ko, hininto niya ang sasakyan niya sa isang convenience store at bago siya bumaba ay tinanong niya ako kung gusto ko raw ba ng coffee. “Sure.” Saka ako tipid na ngumiti sa kaniya. Iniwan niya ako saglit sa sasakyan at tinungo ang loob ng convenience store na isa rin sa sinubukan kong pag-apply-an. Pero hindi ‘yon ang nasa tapat ng apartment. Pagbalik niya, dala na niya ang kape namin. Inabot niya sa akin ang isa at humigop muna siya sa kape niya bago niya ‘yon ibaba sa cup holder na nasa pagitan namin. Saka na siya ulit nagsimulang mag-drive. “Gabi na. Buti nakakatulog ka pa kapag nagkakape ka nang gabi?” sabi ko. “Hindi naman ako agad matutulog mamaya. I don’t think I can.” Lumingon ako sa kaniya, pero itinuloy niya ang pagsasalita. “Madalas talaga ‘kong nagkakape after meal, lalo na kapag parang pakiramdam ko nasuya ako sa pagkain.” “Hmm,” I hummed, napatango pa ako. Tahimik na ulit kami hanggang sa makarating kami sa apartment. Nilingon ko siya para magpaalam. “Salamat,” nahihiya kong sabi. Hindi na ako nagtagal pa at lumabas na agad sa sasakyan niya. Pero sumunod din siyang lumabas kaya pumihit pa ako para harapin siya. Doon ko nakitang bitbit niya ang brown envelope na may mga pekeng dokumento ng kunwaring kasal namin. “Naiwan mo ‘to. It’s your copy.” Hinagis ko muna sa basurahang nasa gilid ang baso ng kape ko tutal ay kaunti na lang ang laman no’n. Saka ko tinanggap sa kaniya ang envelope. Inipit ko ‘yon sa kili-kili ko at muling nagpaalam sa kaniya. “Ingat ka.” Naroon na ako sa tapat ng gate, papasok na sana nang muli niya akong tawagin. “Cess?” Muli ko rin siyang nilingon. Humakbang siya palapit sa ‘kin at may inilabas sa likurang bulsa niya. Iyong maliit na jewelry box kung nasaan ang wedding ring na binili niya kanina. Nakayuko siya roon, maging ako. Kinuha niya ang mas maliit na size at inabot niya ang isang kamay ko. Para akong nakuryente dahil sa pagsalat ng kamay niya sa ‘kin. Kanina pa sa studio ko naramdaman ang kakaibang pakiramdam kapag hinahawakan niya ako. There’s something in his touch na hindi ko maipaliwanag. Pinanood ko kung paano niya ‘yon isinuot sa ring finger ko. Dahan-dahan. Pero hindi niya binitawan ang kamay ko noong naisuot na niya ‘yon. Imbes ay nag-angat siya ng tingin sa mukha ko. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. “G-Gusto mo bang . . . isuot ko rin sa daliri mo ‘yung sa’yo?” kabado kong tanong. “Can you?” May maliit na ngiti sa labi niya at hindi ko iyon kinaya kaya nagbaba agad ako ng tingin sa singsing na para sa kaniya na naroon pa sa box. Dahan-dahan ko ‘yon kinuha at inabot ko ang kamay niya para isuot ‘yon sa daliri niya. Sukat na sukat ‘yon sa amin. “Ayan na.” Niluwagan ko na ang paghawak ko sa kamay niya para bitawan siya, ngunit nagulat na lamang ako nang agapan niya ang pagbitaw ko sa kaniya. Saka niya ako hinila palapit. And the next thing I knew, his mouth was on mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD