6. DEAL

1633 Words
✧XYRUZ GLEO MENDEZ✧ RAMDAM ko ang bigat ng bawat paghakbang niya palapit sa pinto ng passenger seat. Halatang wala sa loob niya ang gagawin niya, but she opens the door and climbs in, shutting it after her. Alam kong kinakabahan siya dahil hindi siya makatingin sa ‘kin nang diretso ‘nung nakaupo na siya. Pero alam ko rin na kaya niya piniling pumasok dito sa loob ay para malinawan sa alok ko. I sighed. “Ganito ‘yon. I have a situation and I need a temporary wife.” She turns to me, so I continue. “My grandfather set me up in an arranged marriage. I know it sounds ridiculous. Hindi ko rin akalain na hanggang ngayon uso pa ‘yang arranged marriage na ‘yan. And the only way for me to escape—” Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa pagtitig niya sa ‘kin. There’s a look in her eyes I can’t quite understand. “Do you want me to speak in Tagalog?” I say. Baka kasi nahihirapan siyang intindihin ako. “Tagalog or English, okay lang sa 'kin. Kung saan ka happy." I stared at her for a moment. Wow. Ibig sabihin, hindi ang language ko ang problema kung bakit gano’n siya tumingin. “Okay. Where are we? Uh. The only way for me to escape that marriage is to find a wife bago pa umuwi rito ‘yung babae at ang lolo n’ya para ipakasal kami. Ang sabi rin sa ‘kin ni papa—lolo ko—‘yun lang din daw ang maganda n’yang p’wedeng idahilan sa kaibigan n’ya. Palabasin ko na lang daw na naging rush ang kasal ko dahil pinikot ako." Nagsalubong ang mga kilay niya. “Pinikot?” “Yeah. I know.” I sighed and ran a hand through my hair. “I know. That’s ridiculous. Pero ‘yun lang ang naiisip na paraan ng lolo ko. At kaya naisip n’ya ‘yon . . . dahil sinabi kong may girlfriend ako kahit na wala. Kaya gusto n’yang magpakasal ako agad. But I don’t want to get married, kaya kailangan ko ng isang tulad mo. You need a job, right? And I need someone who will work for me. Someone who I can fake-marry.” Napalunok siya at nag-iwas ng tingin sa ‘kin. Saglit siyang bumaling sa labas ng bintana habang malalim ang iniisip. She turns to me again, and she tries to open her mouth, but no words come out. For a moment, I stared at her rosy lips, and I suddenly wanted to kiss— “Kailangan bang tumira tayo sa . . . iisang bahay?” she snapped me out of my thought. “Not necessarily. Kakailanganin lang siguro kita sa bahay ko kapag papasyal doon ang parents ko. At kakailanganin lang din kitang isama sa bahay ng parents ko kapag kailangan kong pumasyal sa kanila.” She let out a sigh of relief. ‘Yun ba ang kinatatakot n’ya? Ang makasama ako sa bahay? “P-Paano ‘yung kasal?” She turns to me again. “Kailangan ba nating magpakasal sa church? Kailangan ko pa ba ng parents at relatives?” I shake my head. “Nope. Hindi tayo ikakasal sa church. Hindi rin tayo magpapakasal sa kahit saan. Ako na ang bahala sa pekeng marriage certificate. Madali na lang ‘yon dahil may p’wede na ‘kong kausapin tungkol do’n. Kakailanganin ko lang ang cooperation mo dahil kailangan natin ng wedding photo, wedding rings and—” “Wala akong pambili,” she cut me off. Napatitig ako sa kaniya. “Does that mean, payag ka na?” She shakes her head. “Hindi pa. Dahil kung papayag ako, hindi ko afford ang mga sinasabi mo. Hindi ko kayang bumili o kahit magrenta ng wedding gown para sa wedding photo. Mas lalong wala akong pambili ng wedding ring ko.” “Kapag nagtatrabaho ka, saan ba nanggagaling ang uniform? Employee ba ang nag-po-provide? Of course, the employer. Kaya ako na ang bahala ro’n.” “About naman sa . . . sa suweldo? Paano ang magiging suweldo ko?” “Good question. If you accept my offer, I’ll give you fifty-thousand cash as a bonus." She gasps. “F-Fif—” “Fifty thousand cash para ayusin ang sarili mo. Buy yourself some clothes, dahil hindi magandang tingnan kung isasama kita sa bahay ng parents ko na nakasuot ka ng Bear Brand t-shirt. Baka dumede pa sa’yo ‘yung pamangkin ko. Second, spend some for yourself. Go to salon and . . .” I stop. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na ipaayos niya ang buhok niya. Actually, wala naman problema sa haba no’n. Ang problema, medyo frizzy. Hindi ko alam kung nag-sha-shampoo ba siya kapag naliligo o hindi. Ayoko sanang sabihin sa kaniya isa-isa ang mga kailangan niyang ayusin sa sarili niya, but I need to. Para rin naman 'yon sa kaniya. Para na rin hindi siya husgahan ng parents ko. Kailangan niyang magmukhang disente. I mean, she looks decent. She’s pretty, actually. Kahit wala siyang make-up, maganda siya. Napakasimple niya lang. Her face is a work of art. Para bang ang sarap niyang i-paint at i-display ang portrait niya sa loob ng bahay ko, na siya kong tititigan anumang oras ko gustuhin. ‘Yun nga lang, halatang kulang siya sa self-care at self-love. Dahil lahat ng suot niya sa katawan ay luma na. Wala rin akong maamoy sa kaniya na pabango. Instead, she smells like sweat with a combination of bath soap. Her converse shoes . . . they’re dirty and old. And her skin is dry, halatang hindi nakakatikim ng lotion or moisturizer. I look into her eyes and she’s staring at me. Bahagyang namumula ang mga mata niya, hiyang-hiya siya at para siyang nagpipigil ng iyak dahil sa ginawa kong pag-inspeksyon sa kaniya. And it makes me want to lean forward and hug her and tell her I’m not judging her in the wrong way she's thinking. Ano ba kasi'ng klase ng buhay meron siya at parang nanliliit siya sa sarili niya? What’s her story? Tsk. I don’t want to know. I don’t need to know. Ang kailangan ko lang ay ang tulong niya para hindi ako maipakasal kay Keiza. Isa pa, hindi naman kami magsasama sa iisang bubong kaya hindi ko na siya kailangan pang kilalanin. It’s not like I want to date her. Besides, there’s something terrifying about her. I can’t quiet put my finger on it, but when I talk to her, I feel like my voice is trapped in my chest. And not in a way that I’m left breathless by her, but in a more substantial way, as though my brain is warning me not to interact with her. RED FLAG! DANGER! WARNING! ABORT! But why? I don’t understand why. And I don’t think I would understand. We make eye contact, and I should feel flattered, but I feel scared instead. Ang dami kong pinagdaanan sa pagtuturo. Sanay rin akong humarap sa mga tao at makipagtitigan sa mga estudyante ko lalo na kapag maiingay sila. Isang tingin ko lang sa kanila sa mata, nagkakaintindihan na kami. But now, when I made eye contact with this pretty girl, it felt different. “I mean . . .” I swallowed. “Go to salon and pamper yourself. After ng fifty thousand, I’ll give you monthly allowance for your self-maintenance. Dahil ang iiwasan mo ay ‘yung makita ka ng mga taong nakakakilala sa ‘kin na kung ano na lang ang suot mo. Pati ako makukuwestyon. Baka sabihin pa nilang pinababayaan kita lalo na kung alam nilang asawa kita. And besides sa monthly allowance, I’ll give you bonus every time na makikipag-cooperate ka sa ‘kin, like kapag bibisita tayo sa parents ko. Or kapag pupunta ka sa bahay ko kapag kailangan kita ro’n. But don’t worry. Gaya nga ng sabi ko, kakailanganin lang kita sa bahay ko kapag may bisita ako.” Bahagya siyang humugot ng hangin. “P’wede bang . . . pag-isipan ko muna at sabihan na lang kita kapag payag na ‘ko?” Ako naman ang bumuntong-hininga. “I don’t have much time, Miss Bear Brand. Pero, sige. Kung kailangan mo munang mag-isip, I’ll give you one week.” Saka ko dinukot ang bulsa ko para kuhanin doon ang wallet ko. Naglabas ako ng calling card. Alam kong wala siyang phone dahil mula pa kanina ay wala naman akong napapansin na phone sa kaniya. Or baka naiwan n’ya sa bahay n’ya? “Here.” Inabot ko ‘yon sa kaniya. She takes it and when I feel our fingers touch, I feel something else trapped in my chest other than my voice. Maybe it’s a few extra heartbeats. Maybe it’s an erupting volcano. Hindi niya ‘yon tiningnan. Nasa akin pa rin ang mga mata niya. “That’s my calling card. Kapag nakapag-isip ka na, call me.” She didn’t say a word. She just nodded, at saka na siya lumaba sa sasakyan ko. I stayed there for about a whole minute bago ko start ang sasakyan. I drive. And think about her. And drive again. And think about her again. Then, I stopped. Because there she was. Running. Tanaw ko siya sa side mirror na humahabol sa sasakyan ko. I opened the car door para makalabas ako. Hinintay ko siyang makalapit sa ‘kin. “Xyrus . . . Gleo . . . Mendez,” she says in between her heavy breathing. Hingal na hingal siya dahil sa pagtakbo. Nakayuko pa siya at nakatukod ang mga kamay niya sa ibabaw ng tuhod niya. “Yes, Miss Bear Brand?” She straightens, our eyes once again locked together, and she says, “Deal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD