✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ HALOS isang linggo na muli ang lumipas simula noong gabing inihatid ako ni Xyrus sa apartment ko at nagkakuwentuhan kami nang kaunti tungkol sa buhay ko. Hindi gano’n karami ang nabanggit ko sa kaniya. Ang pag-uusap namin ay hanggang doon lang sa part na walang kumokontak sa kanila noon na kamag-anak ko para makilala si Frida. Hindi na nasundan ang usapan namin dahil naging naging emosyonal ulit ako noon. Kaya nang kumalma ako ay nagpaalam na rin siya, para rin siguro hindi na ako lalong madala sa pinag-uusapan namin. Sa nakaraang isang linggo rin, kahit papaano’y nakakaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral ko at part time sa Good Days. Mag-aaral ako sa araw at mute na kahera naman ako sa gabi. So far, walang mga taga university ang nagagawi sa grocery na pinapasukan