My Dearest Diary, Dati noong bata ako, naranasan kong magkasakit nang walang nag-aalaga sa akin. Walang nagpapakain sa akin. Walang nagpapainom ng gamot. Walang nag-aasikaso kapag kailangan kong magpalit ng damit dahil sa sobrang pawis o kapag kailangan magsuot nang mas makapal kapag masyado akong nilalamig. Natatandaan ko noong nagkasakit ako, anim na taon ako noon. Sinabi ko sa tita ko na masakit ang ulo ko dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko. Ang sagot niya sa akin, dahil daw ‘yon sa kalalaro ko sa labas. Hindi niya ako inintindi, bagkus ay inutusan niya akong maghugas nang isang tambak na mga plato dahil ang mga anak niya, na pinsan kong mas may edad sa akin ay abala sa panonood ng TV. Kahit masama ang pakiramdam ko, naghugas pa rin ako ng mga plato. Noong natapos ako, nag