✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ MINSANG sumagi sa isip ko na kidnapin na lamang si Frida para makasama ko siya kahit papaano. Kung sampahan man nila ako ng kaso ay ayos lang. It’s not like there’s a worse life for me than the one I’m currently living. At least when I was in prison, I had a reason I was unable to see my daughter. Dahil ngayon, malaya nga ako pero hindi ko naman siya nakikita o nakakasama dahil sa mga taong nagpapalaki sa kaniya. At ang isa sa pinakamahirap ay iyong pagtatanim ng galit sa mga taong ‘yon. Kahit gaano kasakit ang ginagawa nila sa akin, hindi ko magawang magalit sa kanila. Paano ako magagalit kung malaki ang utang na loob ko? Sila ang kumupkop sa anak ko noong panahong nasa kulungan ako. Minahal nila at patuloy na minamahal at ibinibigay ang gusto nito na alam kong hind