✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ MAGHAPON kong hindi nakita si Tate sa university. Ang sabi ng mga classmate niya noong nag-che-check na ako ng attendance ay absent daw ito. Nag-alala ako pero hindi ko ipinahalata. Baka kasi isipin nilang asawa ko pero hindi ko alam na absent. Ang totoo, kaninang umaga, dumaan ako sa apartment niya para isabay ulit siya sa pagpasok. Almost twenty minutes akong naghihintay sa labas habang nasa sasakyan ko. Noong hindi siya bumaba, doon pa lang ako nag-decide na pumasok sa gate ng apartment nila dahil hindi naman ‘yon naka-lock. Pero pagdating ko sa taas, nakailang katok na ako sa pinto, wala pa rin nagbubukas. Hindi rin siya sumasagot mula sa loob. Ang una kong naisip no’n ay baka maaga siyang bumiyahe para pumasok, kaya umalis na lang ako. Pero pagdating ko sa unive