✿♡ TATE DE LUNA ♡✿
LIFE IS SO UNPREDICTABLE. So, so, unpredictable. Bakit?
Kahapon, pagkatapos kong linisin ang apartment room ko na mayaman sa alikabok, lumabas ako para mag-ikot-ikot sa town at maghanap ng mapapasukang trabaho.
Syempre, dahil may convenience store sa tapat ng apartment, doon muna ako unang pumunta. Nakita ko ang Hiring na nakapaskil sa salaming pintuan sa labas kaya parang nabuhayan ako ng pag-asa.
Pero punung-puno naman ng kaba ang dibdib ko nang pumasok ako sa loob dahil baka makilala ako ng babaeng kahera roon at ng guwardya na hawak ang mop at naglalampaso sa sahig.
Pero, sabagay. Hindi naman ako matagal na tumira rito noon bago ako makulong. Apat na buwan lang. At sa apat na buwang ‘yon, wala naman akong naging kaibigan dahil halos puro trabaho ang inatupag ko noon.
Nagkaroon ako ng mga kakilala, pero ‘yung mga katrabaho ko lang din na hindi ko naman nakakausap o nakaka-bonding sa labas. Close ko lang sila kapag nasa trabaho. Kaya parang malabo rin ang iniisip ko na may makakakilala sa ‘kin dito. Paranoid lang siguro ako masyado dahil nahihiya ako na may makakilala sa akin at malaman nilang galing ako sa kulungan.
Kulungan. Hindi pa rin ako sanay sa salitang ‘yon kahit na limang taon akong namalagi ro’n. At napakahirap para sa ‘kin sabihin ang salitang ‘yon.
Kapag sinulat sa papel ang salitang ‘yon ay parang ayos lang. Walang gaanong epekto sa ‘kin. Pero kapag kailangan ko nang salitain, para bang ayaw lumabas sa bibig ko. Nakabitin sa dulo ng dila ko dahil kapag binabanggit ko ‘yon, ako ang nasasaktan at nahihiya para sa sarili ko.
Sa isip ko nga ay hindi naman kulungan o prison ang tawag ko ro’n. I like to refer to it in my head as the facility. Minsan naman, ang salitang 'noong nasa malayo ako' ang ginagamit ko sa isip ko kapag naaalala ko ang panahong ipinamalagi ko roon. Gano’n lang. Para hindi ko na kailangan pang ipamukha sa sarili ko na galing ako sa kulungan.
Kaya lang . . . ngayon . . . siguradong kailangan lumabas ang salitang ‘yon sa bibig dahil sa paghahanap ko ng trabaho. Kapag may nagtanong sa ‘kin kung may criminal record ako or kapag hinanapan ako ng police clearance, hindi ko ‘yon p’wedeng itanggi. At nasisiguro ko na kapag nakita nila sa record na nakapatay ako, goodbye opportunity.
Humugot ako ng hangin bago ako naglakas ng loob na lumapit sa kahera. Hindi ito ang oras para panghinaan ng loob. Malay natin hindi judgemental ang manager dito at bigyan pa rin ako ng pagkakataon, ‘di ba?
Isa pa, naniniwala ako na kapag para sa’yo, para sa’yo. Kaya kapag hindi ako natanggap dito, ibig sabihin, hindi para sa ‘kin 'to.
“Miss?” Mahina at malumanay ko siyang tinawag habang busy siya roon sa pag-aayos ng mga sigarilyo sa enstanteng nasa likod ng cashier counter. Nang lumingon siya sa ‘kin, agad kong dinugtungan ang pagtawag ko sa kaniya. “Nakita ko kasi sa labas na hiring kayo. Uhm. P’wede ba ‘kong mag-apply?”
Ngumiti siya sa ‘kin. “Hay, salamat! Magdadalawang linggo nang nakapaskil sa harap ‘yung hiring na ‘yon, ngayon lang may pumunta para mag-apply. Sandali, ah? Tatawagin ko lang si Sir Arvie.” Umalis siya sa puwesto niya at tinungo ang nakasarang pinto doon sa bandang dulo.
Paglabas niya, may kasama na siyang lala—beki. Mukhang ‘yon ang manager na sinasabi niya. “Hello,” bati nito sa ‘kin. “Ikaw ‘yung mag-a-apply?”
“Opo.” Tipid akong ngumiti.
“Magpasa ka na lang ng resume mo with two by two I.D picture at police clearance. Tapos balik ka.”
☆゚.*・。゚
Bumalik ako makalipas ang halos kalahating oras. Dala ko na ang mga kailangan ko. Medyo natagalan ako dahil ang tagal ko pang nag-ikot para lang humanap ng computer shop kung saan ako p’wedeng gumawa ng resume ko.
Yes. Ako lang ang gumawa. Hindi ko kailangan magpagawa dahil may utak naman ako para gawin ‘yon. I’m still proud to say that I’m smart. Lagi akong nasa honor noon and actually, I graduated as a Valedictorian noong grade six ako.
Noong tumungtong na ako sa senior high, hindi ko na na-i-maintain ang pagiging honor ko dahil kapos na kapos ako sa pinansyal gawa nang tita ko lang ang nagpapaaral sa ‘kin noong Grade-7 hanggang Grade-10 ako. Hindi niya naibibigay ang pinansyal na kailangan ko like sa mga projects at kung anu-ano pang kailangan sa school. But I understand that dahil may mga anak din siyang mas kailangan niyang i-priority. I should be thankful na kahit papa’no ay napagtapos n’ya ‘ko hanggang grade 10.
Then, grade 11 and 12, ako na ang nagpaaral sa sarili ko dahil hindi na niya ako kayang suportahan since ‘yung dalawang anak niya, na pinsan ko ay college na that time. Doon ako nagsimulang maghanap ng trabaho para makapag-aral din ako tulad ng iba kong pinsan. Naging working student ako noon at kinaya naman kahit papa’no sa awa rin ng Diyos.
Pero hanggang doon na lang. Hindi ko na nagawang mag-aral sa kolehiyo gawa ng mga nangyaring insidente sa buhay ko na nagdulot sa ‘kin para manatili ako sa kulungan sa loob ng limang taon.
“Miss, pasok ka na raw sa loob.” Tinuro sa ‘kin ng babaeng kahera ang pintuan kung saan galing kanina ang manager niya.
Sumunod ako at pumasok doon. Maliit lang ang opisina at simple lang. May hindi kalakihang table sa sulok at mayroon siya roon upuan. May isa pang upuan sa harap ng table at may mga kung ano-anong mga papel at documents ang nakasalansan sa bookshelf. May mga kahon din sa isang gilid, kahon ng ibang mga stocks nila.
“Maupo ka.” Sumenyas siya sa upuan sa harap ng mesa niya at kinuha niya sa ‘kin ang mga dokumentong hawak ko—ang resume ko at ang police clearance.
Ang totoo, bago pa ‘ko pumunta rito sa Handersfield Town ay naigayak ko na ang police clearance ko dahil alam kong kakailanganin ko ‘yon sa trabaho. Nagpa-xerox na ‘ko nang ilang kopya at naiwan sa apartment ko ang iba.
Una niyang hinagod ng tingin ang resume ko. “Wow. Valedictorian ka pala ‘nung elementary at with honors ‘nung senior high?” He sounds amazed. Pero hindi pa rin ako kampante hangga’t hindi niya nakikita ang police clearance ko.
My heart is in my throat when he flips the paper. Tahimik niyang inaral ang police clearance ko, and when he finally looked up at me, I already knew what he was thinking.
Okay.
Okay, fine.
Tanggap ko na.
Tanggap ko nang hindi ako matatanggap.
“I’m so sorry to say this, Tate.” Alam niya ang pangalan ko dahil nabasa niya ‘yon sa resume ko. “Pero mahigpit kasi ang management sa may mga criminal record. Pasensya ka na, ha?” Bakas din sa mukha niya ang totoong lungkot para sa ‘kin.
Pinilit kong ngumiti nang ibalik niya sa ‘kin ang mga papel na dala ko kanina. “Okay lang po. Salamat pa rin dahil kahit papa’no sinubukan n’yo akong interbyuhin.”
I left the convenience store with a heavy heart and a heavy life. Parang gusto kong maiyak, pero naalala kong una pa lang ‘to. Saka na siguro ako iiyak kapag nakasampong apply na ako tapos wala pa rin tumanggap sa ‘kin kahit isa.
☆゚.*・。゚
Ang sabi ko saka na ako iiyak kapag nakasampo na akong pinag-apply-an pero wala pa ring tumanggap sa ‘kin. Pero ito ako ngayon.
I was crying and sobbing in my apartment room, alone. Dahil nakaapat na ako ng pinag-apply-an kanina, inabot pa ako ng alas dies ng gabi sa paggala-gala sa lansangan para lang makahanap ng trabaho, pero biro pa rin ako. At lahat ay dahil sa criminal record ko.
Alam kong ‘yon ang dahilan dahil kapag titingnan nila ang resume ko, natutuwa silang makita ang mga achievements ko noong nag-aaral pa ‘ko. Pero kapag nakita na nila ang police clearance ko, nag-iiba na ang ihip ng hangin. Kahit na kung tutuusin ay hindi naman malalaking kompanya ang ina-apply-an ko.
Una, ‘yung convenience store sa tapat ng apartment, then gasoline station, cashier or bagger sa grocery store, cashier sa cake store, at last ay convenience store ulit. Pero lahat, palyado.
Malugi sana kayo!!!
Dahil sa lungkot kong nararamdaman, nakatulog akong hindi kumakain ng hapunan. Nakatulog akong umiiyak doon sa malamig na kahoy na upuan sa kwarto dahil wala akong sapin, walang unan at wala rin kumot. Dahil iniwan ko ang banig ko at unan sa kulungan para magamit ng iba. Ang ginawa ko na lamang unan dito sa upuan ay ‘yung backpack ko na may mga damit pa. At ang ginawa kong kumot ay ‘yung medyo maliit kong tuwalya sa pagligo na halos kalahati ng katawan ko lang ang natatakpan.
Sana . . . sana makahanap na ‘ko ng trabaho bukas para makapag-ipon na rin ako ng pambili ng kumot, sapin at unan.
Manifesting na magkaroon na ng trabaho si Tate Francesca De Luna. Amen.
☆゚.*・。゚
Kinabukasan, alas singko pa lang nang umaga ay gumising na ako para maligo. ‘Yung pantalon ko lang din kahapon ang sinuot ko, iyong suot ko noong naghanap ako ng trabaho bandang hapon, dahil hindi naman ‘yon gaanong narumihan. Hindi katulad ng una kong suot noong dumating ako rito na halos naligo ng alikabok dahil sa paglilinis ko ng kwarto. Mamaya na lang ako maglalaba.
Iyong Bear Brand t-shirt ko ang sinuot ko ngayon at sinuklay ko ang buhok ko. Mamaya ko na lang itatali kapag natuyo na.
Saka ako lumabas sa apartment na wala halos kayos-ayos sa sarili. Ni mumurahing press powder ay hindi ko na afford. Iyon lang kasi ang p'wede kong gamitin dahil umiiwas ako sa pulbos. Para rin kasi 'yon alikabok, at baka ma-trigger ang asthma ko. At least kapag press powder, hindi ko nasisinghot.
May pera pa naman ako rito at p'wede akong bumili kahit iyong dati ko lang ginagamit na tig-199 pesos. Pero nagtitipid ako dahil hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako mag-iikot para maghanap ng trabaho. Kaya lahat ng pagtitipid ay kailangan kong gawin para kung sakaling hindi ako makahanap agad ng trabaho, at least, may maipangbayad pa ‘ko ng renta at may pangkain pa.
Kain. Bigla kong naramdaman ang pagkalam ng mahapdi kong sikmura dahil wala pa akong kain simula kagabi. At mukhang sinusuwerte ako ngayong umaga dahil may natanaw akong food and drinks na tricycle cart. Kasalubong ko ito kaya agad kong pinara.
“Ano po'ng tinda mo, manong?” tanong ko nang hintuan niya ako. Nakita ko ang jar ng palamig sa gilid, pero may nakita rin kasi akong malaking kaldero sa gitna at ‘yon ang gusto kong alamin.
“Lugaw.”
Thanks, God.
“Magkano po?”
“Twenty-five kapag may itlog, o kaya tokwa, o atay. Depende kung ano gusto mong kahalo.”
“Magkano naman po kapag walang kahalo?”
“Kinse lang."
“Sige po. ‘Yung purong lugaw na lang. Saka po ten pesos na palamig.”
‘Yon ang naging almusal ko habang naglalakad-lakad ulit dahil nakalagay naman 'yon sa disposable cup.
Naglalakad lang akong tumungo sa bayan (downtown) para doon muling sumubok na maghanap ng mapapasukan.
☆゚.*・。゚
Inabot ako nang ala-una ng tanghali, tirik na tirik ang araw pero wala pa rin talagang tumatanggap sa ‘kin. Huminto ako sa isang stall ng street foods para doon mananghalian. Bumili ako ng kwek-kwek na tatlong piraso sa halagang twenty pesos. At palamig ulit na halagang sampong piso.
Bitin na bitin ako. Gusto ko pa sanang bumili ng fried tokwa, pero kailangan kong magtipid. Kaya nang maubos ko ang kwek-kwek at palamig, muli na akong lumakad para hindi na ako matukso pang bumili.
☆゚.*・。゚
Inabot ako nang hapon hanggang sa magdilim, na wala man lang nahabag sa akin kahit isa. Lecheng police clearance. Pahamak!
Mangiyak-ngiyak akong naglalakad sa gilid ng kalsada at tinatalisod ang ilang pirasong bato na madaraanan ko. Amoy pawis na rin ako at sobrang gutom pa dahil hindi pa ako naghahapunan.
Ang tanda ko na huli kong kinain ay ‘yung kwek-kwek kaninang tanghali. Then, puro candy na ako after that para kahit papaano ay hindi ako makaramdam ng gutom agad dahil sa tamis.
Kaya lang, kanina pa ubos ang candy ko kaya ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko ngayon. Uhaw na uhaw na rin ako at medyo nilalamig na dahil manipis lang ang suot kong Bear Brand shirt. Hindi no’n kaya ang lamig ng ihip ng hangin sa lugar na ‘to, lalo na at maraming puno.
I hug myself as I walk. Kapag ganito kalamig, para bang kaysarap humigop ng mainit na—Pares House?
To be continue . . .