✿♡ TATE DE LUNA ♡✿
Pares House?
Huminto ako at napatitig sa maliwanag na pangalan ng kainan na ‘yon na nabasa ko sa kabilang daan. Maliwanag din ang compound nila at mukhang marami ang tao dahil kahit hindi pa man ako nakakatawid sa kalsada palapit doon ay dinig ko na ang mga boses na doon nanggagaling.
Tumawid ako agad sa daan dahil wala naman sasakyan na parating. Huminto ako sa tapat ng Pares House. Hindi pa ako pumasok at sumilip-silip muna.
Mukha kasi silang hindi basta-bastang paresan lang na makikita sa mga kanto-kanto. Kakaiba sila dahil ang working space nila at pinaka-store ay naroon sa bandang dulo at puro salamin ang wall. At ‘yung mga mesa naman at upuan na kahoy rito sa labas para sa mga customers ay parang hindi basta kahoy lang. Mamahaling kahoy at maganda ang disenyo.
Batuhan ang compound. Mga batong kulay puti na parang galing pa sa dagat. Sa paligid ay punung-puno ng mga mamagandang halaman at bulaklak na parang ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. May mga string na fairy lights din na nakapaikot sa puno ng mga halaman haggang sa mga sanga, kaya naman talagang nagliliwanag.
Maganda. Sobrang ganda sa compound kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming customers. Pero hindi ako tumawid at sumilip dito para kumain kahit pa gutom na gutom na ako.
Sumisilip ako sa pagbabaka-sakaling may makita akong nakapaskil na hiring or helper wanted. Mayroon kaya? At kung mayroon, tanggapin kaya nila ako?
Sus! Sa mga convenience store, grocery at gasoline station nga hindi ka tinanggap, dito pa kaya na mukhang mas sosyal? I tell myself.
Wala lang. Gusto ko lang lalong paiyakin ang sarili ko para ma-immune ako lalo sa disappointment at rejection. Para kung sakaling hindi ako matanggap, uuwi akong tanggap ang lahat at hindi sad girl.
Kumubli ako nang bahagya sa kulay itim na sasakyang nakaparada sa tapat at saka ako muling sumilip-silip sa loob ng compound. Bahala na. Kailangan kong lakasan ang loob ko.
Humakbang ako papasok sa malaking gate na bukas at lumilikha ng ingay ang bawat paghakbang ko at pagyakap sa mga batong kulay puti. Iginala ko ang paningin ko at ngayon ko lamang napansin na may fountain din pala rito. Nagliliwanag ang tubig no’n dahil sa led light sa ilalim.
I look around again to find myself a vacant table. May nakita ako sa isang gilid, sa katabi ng table kung saan may nakaupong lalaki. Diretso akong humakbang papunta ro’n at doon naupo.
Ngunit napilitan akong lingunin ang lalaking nasa kabilang mesa dahil pansin kong nasa direksyon ko ang tingin niya.
He’s staring at me. Ni hindi siya kumukurap at ‘yon ang nagpakaba sa akin. Kilala n’ya ba ako? Should I get out of here? Paano kung nakilala n’ya ‘ko at sabihin niya sa may-ari ng Pares House na may customer na kriminal dito ngayon?
Nag-iwas siya ng tingin bigla and I don’t know what to think or what to do. Aalis ba ako? Pero hindi p’wede dahil kailangan kong sumugal alang-alang sa trabaho.
So, I stayed quiet in my seat. Ang tanging ingay lang na nilikha ko ay nang damputin ko ang bell sa gitna ng mesa para i-shake ‘yon.
Kling! Kling!
Base sa appearance ng Pares House na ‘to, siguradong hindi basta-basta ang mga halaga ng tinda nila rito kaya naman nang lumapit sa ‘kin ang server na babae at iabot ang menu, hindi ko na ‘yon tinanggap. Isa pa, hindi naman ako naparito para kumain.
Sinabi ko sa kaniya ang pakay ko at sinagot niya naman ako nang maayos.
Ang kailangan ko lang gawin ay maghintay hanggang mamayang alas dose ng gabi para sa pagdating ng boss nila.
At para hindi nakakahiyang makigamit ng mesa hanggang mamaya, napilitan na akong magtanong kung ano ang pinakamura nilang sineserb dito.
Tinapay lang ang naisip ko na mura at buti na lang ay mayroon daw. Nanghingi na rin ako ng libreng tubig para lalo akong makatipid.
Ilang sandali pa, bumalik ang babaeng server na may dalang tray. Inuna niyang i-serve ang order ng lalaking katabi ko lang sa kabilang mesa. Mukhang ang sarap ng pares n’ya. Magkano kaya ‘yon?
Nang maibigay na rin ng babaeng server ang pan de coco at tubig, tumalikod na siya. Pero ilang hakbang pa lang ang layo niya sa ‘kin nang tawagin siya ng lalaking nasa katabing mesa.
And I was speechless nang mag-request siya rito ng another bowl dahil gusto niyang hatiin ang pares niya at ibigay sa ‘kin ang kalahati.
Truth is, I have trust issues sa mga taong hindi ko kilala. Pero sa pagkakataong ‘to, isasantabi ko muna ang trust issues ko sa ngalan ng pares.
Isa pa, hindi siya mukhang sindikato. He’s . . . good-looking and seems like a decent guy. And professional base sa gayak niya at pananalita.
Bumalik ang babae na may dalang bowl at hinati niya ang pares. Medyo nagulat pa ako dahil ‘yung mas kaunti ang kinuha ng lalaki para sa sarili niya. ‘Yung mas marami naman ang dinala sa ‘kin ng babaeng server.
“Enjoy your free pares, ma’am. Ganito po talaga sa Pares House namin. Mababait ang mga customer dito.”
I smiled back at her. “Thank you.” Hindi lang naman customer ang mabait. Mukhang mabait din siya.
Noong nakaalis na siya, sa lalaking nagmagandang-loob naman ako bumaling para magpasalamat. “T-Thank you po, sir.”
Nilingon niya ako and our eyes met. Nakangiti pa rin ako. “Ito ang una at pinakamasarap na meal ko ngayong araw. Kaya . . . salamat. God bless you more.”
He didn’t say a word kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pares na halos hindi ko na mahintay na sumayad sa bibig ko. ‘Yun ang una kong nilantakan, and it tastes like heaven. Sa sobrang sarap, halos ang bilis kong naubos. Isinunod ko rin agad ang pan de coco ko.
I burped once na maubos ko na rin ang tubig sa baso. Tahimik akong napatitig sa bowl na pinagkainan ko ng pares at parang gusto kong maiyak dahil na-realize kong mali ang sinabi ko kanina sa lalaki.
Dapat pala, ‘Ito ang una at pinakamasarap na meal ko matapos ang nakalipas na limang taon.'
Dahil totoo naman. Sa loob ng limang taon ko sa kulungan, lagi na lang walang lasa ang pagkain. Na para bang niluto na lang basta para lang may maipakain sa amin. At kailangan namin ‘yon tiisin para magkalaman ang sikmura namin at hindi kami magutom.
At sa loob ng limang taon, ito ang kauna-unahan kong meal na sa sobrang sarap ay nagpatulo sa luha ko.
Yes. I cry.
I cry silently. At bago pa may makita sa ‘kin na umiiyak ay agad ko nang inilihis ang bowl sa harap ko. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa ibabaw ng mesa para idukdok doon ang mukha ko.
I close my eyes and let my tears fall quietly because life can be so fvcking cruel and hard. Ilang beses noon sumagi sa isip ko na tapusin na lang ang buhay ko, but then moments like these remind me that happiness isn’t some permanent thing we’re all trying to achieve in life. Minsan, ang happiness ay bigla na lang susulpot sa harapan mo nang hindi mo inaasahan. Minsan sa pamamagitan ng maliit at simpleng bagay, na kahit sobrang liit, magbibigay pa rin sa atin ng pag-asa para ipagpatuloy ang buhay. Tulad ng pares na natikman ko ngayon.
Gusto ko pang mabuhay at gusto kong maging maayos ang buhay ko para sa mga susunod na panahon, kapag maayos na ako at may kakayahan nang bumili ng pares, ako naman ang magpapatikim sa iba.
Lalong-lalo na nag-iisang tao na gusto ko nang makasama. Pero hindi pa p’wede . . . dahil wala pa akong pambili ng pares.
☆゚.*・。゚
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dahil sa tahimik na pag-iyak. At nagulat na lamang ako nang magising ako dahil ang guwapong lalaki na kanina lang ay nasa katabing mesa, ngayon ay nasa harap ko na—nakaupo.
“Uh . . .” Ano’ng ginagawa n’ya rito? At bakit narito pa s’ya? “B-Bakit ka narito sa mesa ko? Sisingilin mo ba ‘ko sa pares na kinain ko kaya hindi ka pa umaalis?” Don’t be cruel. Wala akong pambayad. Isusuka ko na lang kung gusto mo.
“Mesa mo?”
Napalunok ako at mabilis napayuko. Napahiya ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Bakit ko inaangkin ang mesa rito sa paresan?
“May hinihintay kasi ako.” Napaangat muli ako ng tingin sa kaniya. “Dumami customers kaya lumipat na lang ako rito para magamit na iba ‘yung puwesto ko.”
Ngayon ko lamang napansin na mayroon nang nakaupo sa mesa niya kanina. Mukhang magjowa. “Gano’n ba? Uhm. P’wede bang malaman kung ano’ng oras na?”
Wala akong relo o cell phone na p’wedeng pagtingnan ng oras kaya sa kaniya ako nagtanong. Hindi ko kasi alam kung gaano ako katagal nakaidlip. Dahil na rin siguro sa pagod ko sa kalalakad maghapon.
Nang sabihin niya sa akin ang oras, hindi ko naiwasang magulat. Sh*t. Bakit ang tagal kong nakatulog? Tatlong oras.
At lalo pa akong nagulat nang sabihin niyang parang dumating na raw ang hinihintay ko. Ang boss dito.
Luminga ako sa Pares House, sa gawing dulo kung saan naroon ang mga staff nila para hanapin ang server na kausap ko kanina.Ngunit akmang tatayo na ako ay saka ko siya nakitang palapit kaya hinintay ko na lang.
Nang sabihin niya sa akin na wala silang bakante ngayon at kailangan ko pang maghintay nang dalawang buwan, hindi ko naiwasang maglungkot. Parang gusto ko na naman umiyak dahil alam kong sa susunod na dalawang buwan ay wala rin kasiguraduhan kung tatanggapin nila ako base sa record ko.
Pero ayos lang. Bakit pa ba ako nalulungkot? Eh, expected ko na ‘to!
Noong bumalik na sa loob ang babaeng server, pinilit kong ngumiti kay Mr. Pares.
“Better luck next time," sabi ko habang may pilit na ngiti sa labi. Saka ako tumayo sa upuan. “Salamat sa pares. Wala akong nakitang trabaho ngayong maghapon, pero at least, uuwi akong busog.” Humakbang na ako palayo sa kaniya, palabas sa gate.
Kung para sa’yo, para sa’yo, Tate. Maghintay ka lang. Darating din ang isang umaga na hindi mo kailangan magpagod sa kalalakad maghapon at magmakaawa sa mga tao para bigyan ka ng pagkakataong magtrabaho sa kanila.
Darating ang isang umaga na trabaho mismo ang mangangailangan sa’yo at kusang lalapit nang hindi na kinakailangan pang tingnan ang nakaraan mo.
“Miss, wait!” Napahinto ako nang marinig ang boses ni Mr. Pares.
“Hmm?” I hummed as I turned to him. Sumunod pala siya sa 'kin. Buti na lang ay tuyo ang mga mata ko at hindi ko pa naiisipang umiyak.
“You need a job?”
Kumunot ang noo ko at saglit napatitig sa kaniya. Bakit? Kung sabihin ko ba sa kan’yang kailangan ko, matutulungan n’ya ba ‘ko?
Bahagya akong tumango. At ito na ang sinasabi ko na life is so unpredictable.
Because he says, “You need a job, I need a wife. Are you in?”
What the . . . hell!
Parang kahapon at kanina lang ay ako itong halos nagkukumahog maghanap ng trabaho. Pero ngayong trabaho na ang lumalapit sa ‘kin . . . parang gusto ko namang tumakbo.
Sino’ng may saltik ba naman kasi sa utak ang papayag sa sinabi niya? I’m not that stupid. Oo, hindi ako nakatungtong sa college. Pero iyong tono niya ay alam ko ang ibig sabihin. He was asking me na maging employee niya, at ang posisyon ko ay wife niya.
“Uhm . . . may lagnat po ba kayo, sir? Or gutom pa kayo? Bakit kasi binigay mo pa sa ‘kin ‘yung kalahati ng pares mo? Sana pinilit mo na lang ubusin. Teka? Gusto mo bang isuka ko o it@e ko? Mamili ka—"
“I’m on the right mind at hindi ako nagbibiro. You need a job, and I’m offering you one.”
“You’re not offering me a job, sir.” Bakas ang gulat sa mukha niya dahil sinagot ko siya nang English. Parang hindi niya inaasahan na marunong ako. “It’s not a job you’re offering. It’s a lifetime commitment. And for your information, I don’t want to marry stranger.” Sabay talikod sa kaniya.
“You’re not the only one, miss.” Dalawang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang muli akong mapahinto at muling pumihit paharap sa kaniya. “Hindi naman din kita kilala. But I think, you’re perfect for the job. Bigyan mo lang ako ng pagkakataong i-explain sa’yo ang job na sinasabi ko, and the decision is yours to make. Salary? Wala kang poproblemahin sa bagay na 'yon dahil susuweldo ka sa ‘kin nang higit pa sa suweldo na kayang i-offer sa’yo ng Pares House.”
I swallowed. Salary? Na mas higit pa sa p’wedeng ibigay ng Pares House?
“Ano, Miss Bear Brand? Do you want me to explain? Or aalis na lang ako?"
Hindi ako kumibo at napatitig lang sa kaniya. Kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi sa iniisip kong masamang tao siya. It’s just that . . . parang . . . may something na hindi ko maipaliwang. Na para bang sinasabi sa akin ng instinct ko na kapag tinanggap ko ang trabaho bilang asawa niya ay masasaktan lamang ako sa bandang huli. Or, baka masaktan ko ang nag-iisang taong mahalaga sa buhay ko.
Napailing siyang humakbang sa sasakyan niya nang hindi ako kumibo. Nagulat pa ako sa tunog no'n dahil sa pagpindot niya sa hawak niyang susi para i-unlock 'yon.
“Sandali!” Nasa loob na siya at hihilahin na sana niya ang pinto pasara pero hindi niya ‘yon naituloy.
“Get in. Dito tayo sa loob ng sasakyan mag-usap.”