3. YOU NEED A JOB, I NEED A WIFE. ARE YOU IN?

2142 Words
✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ NASA harap ako ng isang Pares House dito sa town. Dito ako dumiretso after I kissed Frida good-bye. Mas okay nga sana kung gising siya para mawala ang pagka-badtrip ko sa isang linyahan niyang ‘Bye, Daddy Xy. Love you, miss you!’ tuwing aalis ako at magpapaalam sa kaniya. Pero tulog na kasi siya, kaya sagad ang badtrip ko ngayon dahil sa usapan namin ni papa (my grandfather). Pero imbes na bar o club ang puntahan ko, here I am. Dito ako iinom kasabay ng pares dahil may tinda rin silang beer dito. Kailangan ko kasing umiwas sa mga bar o club dahil noong minsan na nagpunta ako ro’n sa bar, nagkita-kita kami ng ilan sa mga estudyante ko. I know outside of work naman ‘yon, pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng hiya. Gano’n din sila. Nagkahiyaan na silang uminom lalo na at nakatingin ako sa kanila. Maganda ang Pares House na ‘to sa town. Madalas ‘tong dinadayo ng mga content creator dahil sa ganda. Para siyang restaurant, pero hindi ka sa loob kakain, kun'di sa labas. Maluwang ang compound nila kaya nasa gawi roon ang pinaka-Pares House, at dito sa labas nila sineserb sa mga customer ang pagkain dahil may mga upuan at mesa rito. Sa bandang gitna naman, naroon ang fountain na may led lights sa ilalim na dagdag liwanag kapag ganitong gabi. Sabagay, sa gabi lang talaga sila open. 4pm to 4am. Sa paligid naman, ma-re-relax ka dahil napapalibutan ng mga halaman na may iba’t-ibang bulaklak ang paligid. May bell sa gitna ng bawat mesa na gagamitin ng mga customer para lapitan sila ng server kapag oorder na sila. I take the bell and ring it. May babaeng lumapit sa ‘kin at nagbigay ng menu. Hindi lang kasi pares ang tinda nila. Marami pang iba. Pero sa pares sila nakilala dahil ‘yon ang una nilang sinerb dito noon. At noong lumago sila, saka lang sila nagdagdag ng menu, like seafoods, pasta, rice meal, at kung anu-ano pa. “Pares and beer,” I tell her at hindi ko na inabala pa ang sarili ko na abutin ang menu. “Okay, sir.” She smiles before turning her back to me. Ibinaling ko ang tingin ko sa harap, sa parking, kung saan nakaparada ang sasakyan ko. May napansin akong babae ro’n na nakatayo at nakatanaw rito sa Pares House. Para siyang may sinisilip. She’s wearing an old, faded jeans and an old white shirt na may tatak na Bear Brand Fortified Milk sa harap. She has her hair tied up in a bun, giving a full view on her innocent face. Humakbang siya papasok sa nakabukas na gate ng Pares House, looking somewhat lost. She glances around like she’s never been here before, and when she notices an empty table beside me, she makes a beeline for it. I stare at her the entire time she’s walking through the table. I stare at her so hard that I can’t even take my eyes off her until she notices me staring. I look away. Sh*t. Kakahiya. Narinig ko na tumunog ang bell niya at may isang babaeng server na lumapit sa kaniya. Binati siya nito ng hello bago siya abutan ng menu. Hindi ko na naman naiwasang sumilip sa kaniya at nakita kong tinanggihan niya ang menu. “Uhm. H-Hindi ako kakain.” Confused ang babaeng server sa sinabi niya, maging ako. “Nandito ako para sana magtanong kung . . . nangangailangan ba kayo rito ng helper? Server? Dishwasher? Kahit ano sana’ng available.” She’s here for work? Bakit? Ang bata pa niyang tingnan. I think she’s in her twenties. Hindi ba siya nag-aaral? Why do you care so much, Xyrus? “Naku. Hindi ko alam, eh. Pero kung mahihintay mo si boss, p’wede ko s’yang tanungin pagdating n’ya.” “Sige,” she says immediately and nods. “Alas dose ng gabi pa ang dating n’ya. Okay lang ba sa’yo?” Saglit siyang natigilan, but then she smiles again. “Oo. Okay lang. Hanggang 4 A.M naman kayo open, ‘di ba?” “Oo,” the server answered. “Sige. Maghihintay na lang ako rito.” Maghihintay? I glance at my watch. Alas nuebe pa lang ng gabi. Tatlong oras siyang maghihintay? “Uh. Ano pala ‘yung pinakamura n’yong tinda rito? May tinapay ba kayo?” “May special pan de coco pa yata na ilan. Fifteen pesos lang isa.” “Sige. ‘Yon na lang sa ‘kin. May libre ba kayong tubig? I mean, ‘yung hindi bottled water. Kahit ‘yung tubig lang sa gripo, okay na ‘ko.” “Meron. Dalhan na lang kita.” “Salamat.” Ngumiti siya sa server bago ito tuluyang tumalikod. Fifteen pesos na pan de coco at libreng tubig? Gaano ba s’ya kahirap at gano’n na lang kung tipirin n’ya sarili n’ya? Nag-iwas na agad ako ng tingin bago pa niya makitang nakatitig ako sa kaniya. Makalipas ang ilang sandali, dumating na ang server na kausap niya kanina, may dalang tray at ako ang una nitong hinintuan. Inilapag niya sa harap ko ang order kong pares at tatlong beer. Napansin ko sa tray na naroon ang pan de coco na order ng babaeng nasa katabing mesa. Nakabalot ‘yon sa cellophane, kasama ang isang baso ng tubig na may ice cubes. “Thank you,” I tell the server. Ngumiti siya sa ‘kin at sumunod na nilapitan ang babaeng nasa katabing mesa. Binigay niya rito ang order na pan de coco at libreng ice water. “Miss?” Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ng server palayo nang huminto siya dahil sa pagtawag ko. She turns to face. “Ang dami ng serving n’yo ng pares. Hindi ko ‘to mauubos. Sayang lang.” Sinulyapan ko ang babaeng nasa katabing mesa. Nakatingin siya sa nag-uumapaw na bowl ng pares ko and she swallows. Halatang gutom siya at parang gustong sunggaban ang pagkain ko nang sabihin kong hindi ko ‘yon mauubos. “P’wede n’yo naman pong i-take out, sir, kapag hindi n’yo po naubo—” “Can you get me another bowl? Pakihati mo ‘to and give her the other half.” Tinuro ko ‘yung babaeng nasa katabing mesa, na ngayon ay may pagtatakang nakatitig sa ‘kin. But at the same time, there’s a relief in her eyes, like she’s thanking me for it. “Sige po, sir.” The server left, at noong bumalik siya, may bowl na ro’n sa tray niya at extra spoon and fork na nakabalot sa tissue. Sa ‘kin siya lumapit at hinati sa harap ko ang pares. Hindi hating-kapatid ang ginawa niya. Hating-magkaaway, dahil mas marami ang isa, na sa tingin ko ay sa akin. Bago niya pa damputin ang bowl na mas kaunti ang laman, inunahan ko na siya. ‘Yun ang kinuha ko at nilagay sa harap ko at sinimulang kainin. Nagtataka niyang dinampot ang mas marami ang laman at ‘yon ang dinala sa babaeng nasa kabilang mesa. “Enjoy your free pares, ma’am. Ganito po talaga sa Pares House namin. Mababait ang mga customer dito.” Kahit hindi ako nakatingin sa kanila, alam kong nakangiti sila sa isa’t-isa. “Thank you,” the other girl says. Nang umalis na ang server, narinig ko ulit siyang nagsalita. “T-Thank you po, sir.” I turn to her, and our eyes lock together. For a moment, hindi ako nakakilos. I just stare at her. “Ito ang una at pinakamasarap na meal ko ngayong araw. Kaya . . . salamat. God bless you more.” She smiles lightly, but it’s genuine. Like she’s thanking me for saving her life. And I wanted to laugh, because it’s the first time in my entire life na may nagsabi sa ‘kin ng gano’n. God bless you? Hindi ako sanay marinig and I don’t know what to feel. It’s new and it’s awkward. ☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚ It’s eleven-thirty in the evening and I’m still here because my gut is telling me na huwag akong aalis hangga’t narito pa ang babaeng nasa katabing mesa ko. She’s still here dahil gaya ng sinabi niya kanina sa babaeng server ay maghihintay siya hanggang sa dumating ang boss nila para malaman niya kung tumatanggap pa sila rito ng helper. Ganitong oras, dapat sana ay tulog na ‘ko. Pero ngayon, nakakatitig ako sa babaeng nasa katabing mesa na nakadukdok doon sa mga braso niya sa ibabaw at mahimbing na natutulog. Nakatulog siya sa paghihintay, dahil na rin siguro sa kabusugan. Dinig ko ang pag-burp niya kanina kaya alam kong nabusog siya sa pares at pan de coco, which is a good thing. Pero hindi niya alam na narito pa ‘ko sa mesa ko dahil kanina ‘nung natapos siyang kumain at makuha ng server ang pinagkainan namin, dumukdok na agad siya sa mga braso niya para umidlip. At mula kanina, hindi pa siya nag-aangat ng mukha. Pero humihinga pa naman siya. I know na buhay pa siya dahil gumagalaw pa nang bahagya mga balikat niya sa paghinga. It's just that . . . she looks exhausted. Kaya rin siguro ang bilis niyang makaidlip. Time flies and it’s twelve midnight already. May mga customer pa rin na nagdadatingan at halos napupuno na ang ibang mesa. Noong makita ko na may dalawang customer na palinga-linga at naghahanap ng mauupuan, agad akong tumayo at mabilis na lumipat sa mesa ng babaeng natutulog. Para magamit ng ibang customer ang mesa ko. Seriously, huh? Batuhan ang tinatapakan namin—maliliit na kulay puting bato—kaya dinig ang ingay na likha ng sapatos ko na dahilan para magising ang babaeng kahati ko sa pares kanina. She looks up at me at halatang nagulat pa siya nang maabutan akong nakaupo sa tapat niya. Pinahid niya ang gilid ng bibig niya, magkabila, kahit na wala naman siyang tulong-laway. “Uh . . .” She’s lost for words. “B-Bakit ka narito sa mesa ko? Sisingilin mo ba ‘ko sa pares na kinain ko kaya hindi ka pa umaalis?” “Mesa mo?” Fvck. Bigla akong nagsisi sa binitawan kong salita dahil napayuko siya at natahimik. Na para bang pinamukha ko sa kaniya na hindi niya pag-aari ang mesa na ‘to. But it wasn’t like that. Hindi gano’n ang ibig kong sabihin. “May hinihintay kasi ako,” I told her immediately. “Dumami customer kaya lumipat na lang ako rito para magamit ng iba ‘yung puwesto ko.” Lumingon siya sa mesa ko kanina, na ngayon ay okupado na ng babae at lalaki na mukhang couple. Napatango siya. “Gano’n ba? Uhm. P’wede bang malaman kung ano’ng oras na?” Sumulyap siya sa relo ko kaya sumulyap din ako ro’n para tingnan ang oras. “Twelve-five A.M,” I tell her as I look up at her. “Hindi pa rin ba dumadating ‘yung hinihintay mo?” she asks. Pero wala naman talaga ‘kong hinihintay. “Mm. Wala pa ‘yung hinihintay ko. Pero ‘yung hinihintay mo, mukhang dumating na kani-kanina pa.” Her eyes widened. “Talaga?” Saka siya luminga sa Pares House sa bandang kanan namin. Patayo na sana siya para pumunta ro’n pero natigilan siya nang makita niyang palapit na sa ‘min ang server na kausap niya kanina. “Miss, sorry.” Bumagsak agad ang balikat niya nang ‘yon ang ibungad nito sa kaniya. “Wala raw kasing bakante ngayon. Pero sa susunod na dalawang buwan, may isang kasama kaming mag-re-resign na. Kung available ka pa raw no’n, p’wede ka raw bumalik dito.” She sighs. At wala sa sarili kong nasabayan ang buntong-hininga niya. I feel bad for her dahil tatlong oras siyang naghintay sa wala. Noong umalis na ang server at nagtama ang mga mata namin, lalo akong nakaramdam ng awa sa kaniya. Namumula mga mata niya na para siyang nagpipigil ng iyak. And in this moment, I knew for sure that she badly needs a job. She smiles. She smiles at me despite her eyes getting teary. “Better luck next time," she says as she stood up. “Salamat sa pares. Wala akong nakitang trabaho ngayong maghapon, pero at least, uuwi akong busog.” She walks away from our table. Our? And I stood up immediately and followed her. “Miss, wait!” Nasa tapat na siya ng sasakyan ko nang huminto siya at lingunin ako. “Hmm?” That hummed of hers is fvcking music to my fvcking ears, I swear! “You need a job?” She eyed me, confused. But she nods. I stand straight and look into her eyes. “You need a job, I need a wife. Are you in?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD