✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ KINABUKASAN. Lunes. Maaga akong gumising, naligo at gumayak para pumasok sa school. Ang totoo, hindi na dapat ako papasok ngayon dahil nangangamba ako na baka hindi na rin ako makapag-aral gawa nang wala na akong pagkukuhanan ng sapat na pinansyal. Si Prof. Xyrus lang kasi ang nakakapagpasuweldo sa akin nang alam kong masusuportahan ang pag-aaral ko. Pero dahil nga sa nangyari, nawala ang trabaho ko roon sa kaniya. At ang dahilan kung bakit nagpilit akong pumasok ngayon ay upang magbaka sakali. Noong unang araw ko kasi sa Silver University, may narinig ako tungkol sa pagiging full scholar ng university. Wala raw babayaran ang estudyante na maaaprubahan sa full scholar. Pero ang kapalit ay ang pagsisilbi sa school, like magiging student assistant ka, librarian at assist