✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ MATAPOS kong makipagkuwentuhan kay Lily, nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Sinabi ko sa kaniya na may klase pa ako hanggang mamayang hapon, kaya kahit gusto ko siyang ihatid sana sa kanila ay hindi ko nagawa. Nagbilin na lamang ako sa kaniya na mag-iingat siya at balikan ako rito bukas kapag wala ulit siyang pagkain. Ang gano’ng sitwasyon kasi ay hindi ko kayang tanggihan. Alam ko kung ano ang pakiramdam nang walang makain, kaya ako ang nasaktan para sa kaniya. Lalo na at sobrang bata niya pa. Mag-aaim na taon pa lang at mukhang ulila rin sa magulang. Lola na lamang niya ang kasama niya, na ang tanging ikinabubuhay ay paglalaba sa mga kapitbahay nila. Pagbalik ko sa classroom at pag-upo sa upuan ko, mas lalo kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Iyon unang pagkain