✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ AKO NA yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Hindi dahil hindi ko na-meet ang anak ko kanina. Kun’di dahil ang nag-iisang tao na sana’y makakatulong sa ‘kin para makita ko si Frida at mapalapit ako sa kaniya, ay ang kauna-unahan na ngayon sa listahan ng kaaway ko. I hate him. Wala siyang puso. Hindi niya alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko na malayo sa anak ko. Hindi niya alam ang pangungulila na halos araw-araw pumapatay sa ‘kin. I really hate him. And I hate that I let him kiss and touch me just last week. I hate him dahil hindi man lang niya nagawang ipasilip sa akin si Frida kahit sa picture man lang. At ngayon, papunta na siya sa kanila. Uuwi siya ro’n to reinforce their hatred for me. He’s going to help his parents build an even studier, taller, t