✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ HINDI ko pa na-meet noon si Tate kaya hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Sina mom at dad lang ang nagbalita sa akin habang nasa New Zealand ako, na may inuwi raw na babae si Glenn sa bahay namin at ipinakilalang girlfriend. Of course, mom and dad were against it. Ang sabi kasi nila sa ‘kin, club worker daw ang babaeng ipinakilala sa kanila ni Glenn at hindi nag-aaral. Noong una, nagalit pa ako sa kanila. Sabi ko, hayaan na lang nila si Glenn kung doon ito masaya sa babae. Lalo na kung mahal naman nila ang isa’t-isa. Pumanig ako kay Glenn. Palihim kaming nag-uusap tungkol sa girlfriend niya. I’m his big brother kaya gusto kong iparamdam sa kaniya ang suporta ko sa relasyon nilang dalawa kahit na hindi ko pa na-me-meet ‘yong babae. I even told him na huwag niyang