✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ “Leave, Tate. Now.” Napalunok ako. Kanina pa parang barado ang lalamunan ko, pero pinilit kong magsalita. “Xy . . .” Pangalan niya lang ang nasabi ko. Kasunod ang paghugot ko ng hangin. Hindi nakasumpong ang asthma ko, pero pakiramdam ko ay sumisikip ang airways ko. Bakit gano’n? Dinukot niya ang cell phone niya sa likuran niyang bulsa at ilang beses siyang nag-tap sa screen bago niya ‘yon iangat sa tainga niya. Segundo lang ang lumipas bago siya magsalita, pero alam kong hindi ako ang kausap niya kun’di ang nasa kabilang linya. “Nasaan na kayo?” Kayo? “No. Don’t come here. Mag-hotel muna kayo.” Nakatingin kami sa isa’t-isa. “Why not?” he added, doon sa kausap niya. Namilog ang mga mata ko at sunud-sunod ang pag-iling ko sa kaniya nang ma-realize ko kung sino ang