✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ GABI na akong nakauwi sa apartment pagkatapos kong kuhanin kanina sa faculty room ang diary ko. Imbes kasi na umuwi ay gumala pa ako para maghanap ng puwede kong pasukan bilang part time job. Dito na lamang din ako sa Talburn City naghanap ng trabaho para hindi na ako mapalayo pa. Narito rin kasi sa City ang university. Para sana pagkatapos ng klase ko sa hapon ay doon na ako didiretso. Isa pa, wala naman kasing tumatanggap sa akin sa Town kaya dito na ako naglakas ng loob na humanap. Baka sakali, ‘di ba? Dahil komplikado sa schedule ko ang mga nauna kong in-apply-an, naisipan kong balikan ang Good Days na grocery store kung saan ako natanggap noon bilang may disability. Nag-resign kasi ako noong nagsimula na ang klase, pero ang sabi sa akin ni Anne—manager doon—anyt