2. PROF XYRUS

1599 Words
✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ I’M PULLING my car into the wide gate of my parent’s house. Isa ang bahay namin sa pinakamalaking bahay rito sa Handersfield Town. Pero hindi ako rito nakatira. I have my own house in the city. Sa Talburn City na kabila lang nitong town. May dalawang bahay rin kami ro’n, actually. Pero madalang umuwi roon sina mom at dad dahil mas gusto nila ang environment dito sa town. Mas refreshing nga naman at iwas sa maraming polusyon. “Where’s Frida?” I ask mom as I pull her in for a hug pagpasok ko sa loob ng bahay. She sigh. “Nasa kwarto, nagmumukmok.” I furrow my eyebrows. “Bakit?” Humakbang siya papunta sa kitchen para maghanda ng lunch, pero sumagot pa rin dahil nakasunod ako sa kaniya. “Galing kami sa downtown kanina. Nag-grocery. ‘Nung pauwi na kami, natanaw ni Frida ‘yung mga bubbles na lumilipad sa kalsada. May nakita s’yang umiihip ng palobo at gustong magpabili ng gano’n. Hindi ko naman alam kung saan nabibili kaya hindi namin nabilhan ng daddy mo. Until now, she's upset " Hindi na ‘ko kumibo pa at dumiretso na agad sa hagdan para puntahan si Frida sa taas, sa kwarto nila mom kung saan din siya natutulog. Pagbukas ko sa pinto, nakita ko agad siyang nakaupo sa sahig, next to the bed. Naglalaro siyang mag-isa. May nilalagay siya sa kuko niya. Nail polish. “Daddy Xy!” Her face lights up when she turns to me. Agad niyang ibinaba ang nail polish niya and she runs toward me. I catch her in my arms. “How are you, cupcake?” I kissed her cheek. She always smells like cupcakes. Dahil na rin siguro sa body wash na ginagamit sa kaniya ni mom. It suits her. She smells like a baby cupcake. “Mama and papa didn’t buy me bubbles-bubbles.” She pursed her lips. “I want one, Daddy Xy. Can you buy me?” Daddy Xy. She’s not my child but feels like mine and treat her like my own. Because she’s my brother’s daughter. And my brother Glenn died in a car accident five years ago. Kaya ako ang nakagisnan niyang tawaging daddy. Wala siyang nakilalang mommy dahil ang ina niya ay isang club worker and a drug addict. Kaya naman nag-decide sina mom at dad noon na kuhanin ang bata once na maipanganak niya. Wala ako rito that time, nasa ibang bansa ako dahil graduating ako noon sa masteral degree ko. At na-meet ko lang si Frida noong six months old na siya pag-uwi ko rito. And when I saw her, I fell in love with her at doon ko sinabi sa sarili ko na hindi siya lalaking walang pagmamahal ng isang ama. Because I’m here. We’re all here for her. “Sure, cupcake. How can I say no if you’re looking at me with those puppy eyes of yours?” I laugh. “Sa susunod na dalaw ko rito, may dala na ‘kong bubbles-bubbles.” “Really?!” She squeals. She’s four years old and she’s really cute. Nakuha niya ang ilong niya sa kapatid ko, pati na rin ang perpekto niyang kilay. “In return, I will make your nails pretty. Baba mo na ‘ko. Come here, Daddy Xy.” Hinila niya ‘ko papunta sa puwesto niya kanina. “Sit.” Tinuro niya sa ‘kin ang tapat niya na para bang isa akong aso na gusto niyang paupuin doon. Pero hindi ako umangal. I flop down in front of her, and she takes my right hand. ‘Yun ang nilagyan niya ng nail polish. Purple sh*t. Pero hindi ulit ako umangal because it’s her favorite color. ☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚ After ng dinner, ako ang nagpatulog kay Frida sa kwarto nila. Kami-kami lang nila mommy ang nagsalo-salo sa dinner dahil wala pa si dad. Siya kasi ang sumundo kay Papa (my grandfather) sa airport. Isa rin ‘yon sa dahilan kung bakit narito ako ngayon. Uuwi si Papa at gusto niya raw akong makausap. Hindi ko pa alam kung tungkol saan, pero parang may ideya na ‘ko. About sa arranged marriage na noong nakaraang taon niya pa binabanggit sa ‘kin. Isa sa apo ng business partners niya ang gusto niyang ipagkasundo sa ‘kin. Pero ilang beses na rin akong tumanggi. Habang nasa living room ako, narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Si daddy at Papa na siguro ‘yon. Narinig ko na inutusan ni mommy si Lily—housekeeper nila rito—para pagbuksan ng gate sina dad. Pumasok si dad at papa sa main door at narinig ko ang batian nila roon nila mommy. Tinanong agad ni papa kung nasaan ako kaya itinuro ako ni mom sa living room at nagbilin siya na maghintay lang saglit at ipaghahanda niya sila ni dad ng dinner. Footsteps. Tumayo ako 'nung malapit na sa ‘kin si papa. Sinalubong ko siya ng yakap dahil nakangiti siya sa ‘kin. Even though he’s old, he still that smiley face of him. “How’s life?” pabiro niyang tanong sa ‘kin habang may malapad na ngiti sa labi. “Have you decided?” Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkamali. ‘Yung arranged marriage ang tinatanong niya sa ‘kin kung napagdesisyonan ko na ba. “Not yet, papa.” Sumeryoso ang mukha niya. He looks like my father. And I look like my father. We all looked alike. Good-looking and smart. “Ayaw mo pa rin ba kay Keiza? I’m telling you, son, she’s kind and smart and pretty. Siguradong magugustuhan mo s’ya,” he says, trying to convince me. I sigh and look down at my shoes for a whole minute. “Pa, I can’t. I have a girlfriend.” Kumunot ang noo niya sa pagtataka. “You do?” No, I don’t. I’m just lying. I need to. “Nagkabalikan na ba kayo ni Venice? Tuloy na ba kasal n’yo?” Tama siya. Ang totoo, ikakasal na dapat ako three years ago sa ex-fiancé ko na si Venice. Nagkaproblema lang kami kaya mas pinili naming maghiwalay. After that, hindi na ‘ko nagkaroon ng girlfriend. Kaya si papa na ang naghahanap ng babae para sa ‘kin. Kay mom at dad, wala naman akong naririnig sa kanila about sa pagiging single ko. Okay lang sa kanila dahil alam naman nilang busy ako sa trabaho. Pero minsan, sinasabihan din nila ‘ko na maghanap na ng liligawan ulit dahil hindi na raw ako pabata. I’m twenty-nine years old and I’m a professor sa isang kilalang university sa Talburn City. Silver University. Malapit lang ‘yon sa bahay ko. Eight minutes-drive lang mula sa bahay ko sa city. “Hindi si Venice, pa. I . . . I have a new girlfriend.” “Sino? Kailan pa?” Dumiretso siya nang upo at lalong sumeryoso. “I met her six months ago and we’ve been dating since then.” “Why didn’t you tell me?” “I just wanted to surprise you.” Ako naman ang natawa. “Surprise!” “Are you planning to marry her?” “Yes. Actually, pinag-uusapan na namin ang kasal.” Lie pa more. “Kailan n’yo planong magpakasal?” “I . . . two years from now?” Patanong pa tono ko sa dulo dahil hindi rin ako sigurado. He shakes his head. “Tsk. Magpakasal na kayo agad.” “What?” “Para may idadahilan ako sa kaibigan ko kung bakit hindi ka na p’wede! Nag-usap na kasi kami at binigay ko na kay Keiza ang picture mo. Gustung-gusto ka n’ya at plano n’yang pasyalan ka ngayong nalalapit na bakasyon n’ya. She’s graduating on college. At ang sabi ko sa kan’ya, hinihintay mo rin s’ya.” “Pa!” Napatayo ako sa couch dahil sa gulat. “You said that to her?” I ran a hand through my hair, my other hand resting on my waist. “I said that to them. Ang alam n’ya gusto mo rin s’ya. ‘Yun din ang alam ni Silvino.” Silvino is his friend. Lolo raw ni Keiza. Sa lolo niya na lang siya naiwan dahil both of her parents died in a plane crash when she was young. That’s what papa told me. Pero sobrang yaman ng lolo niya. Mas mayaman pa sa ‘min. “They even bought a house for the two of you already dahil gusto rin ng lolo n’ya na doon ka tumira. Nag-iisa n’ya lang na apo si Keiza. S'ya ang magmamana ng business ni Silvino and she needs you. Silvino needs you to support Keiza dahil masyado pa s’yang bata to handle everything. At hindi birong halaga ang ginastos nila sa bahay. Twelve million, Xyrus.” I inhale heavily and blow it out. “Sabihin mo sa kanila na ibenta na lang ‘yung bahay dahil hindi kami magpapakasal ni Keiza. Hindi ko pa nga s’ya na-me-meet, sinabi mo na agad na gusto ko s’ya? Pa naman.” Napailing ako. “Then get married right away. Magpakasal na kayo ng sinasabi mong girlfriend mo. Sasabihin ko na lang kay Silvino na rush wedding ang ginawa n’yo dahil pinikot ka ng girlfriend mo. Hindi ko p’wedeng sabihin sa kanila na ikaw ang may gusto ng wedding dahil ang alam nila gusto mo rin si Keiza. Siguradong hindi lang sa 'kin magtatampo si Silvino kun'di pati sa'yo." Fvck. Saan ako hahanap ng babaeng pipikutin ako para maikasal kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD