✿♡ TATE DE LUNA ♡✿
TAHIMIK akong naglalakad papunta sa bago kong lilipatang apartment habang sukbit ang malaki kong backpack na may ilang mga damit. Hindi gaanong kalayuan ang apartment dahil malapit lang naman ‘yon sa downtown, kaya nagdesisyon na lang akong maglakad kaysa sumakay sa tricycle. Sayang pa ang pamasahe.
Kailangan kong magtipid ngayon para umabot ang budget ko hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Lalo na at hindi ako sigurado kung makakahanap ako agad.
Given my criminal record, siguradong tatanggihan ako ng mga a-apply-an ko. Pero hindi ako susuko hanggang sa may magmagandang loob na kumupkop sa ‘kin para patunayan ang sarili ko.
Huminto ako sa nadaanan kong babaeng nagtitinda ng mga laruang pambata sa gilid ng daan at pinagmasdan ang mga tinda niya. Siguradong medyo mahal ang mga malalaking laruan, kaya doon sa mga maliliit na lang ako tumingin.
Iginala ko ang tingin ko at dinampot ko ang isang laruang palobo. Iyong isasawsaw sa bula at hihipan mo para magkaroon bubbles.
Pinakita ko ‘yon sa babaeng nagtitinda. “Magkano po ito?” Hindi naman ‘yon kalakihan. Maliit lang. Handy, kaya siguradong ma-a-afford ng barya sa bulsa ko.
“Sampong piso lang, iha.”
Bahagya akong napangiti sabay dukot sa bulsa ko. Naglabas ako ng sampong pisong barya at inabot sa kaniya. “Salamat po.”
Hindi ko na ‘yon pinalagay sa plastic dahil kaya ko namang hawakan. Ramdam ko pa ang pagtitig niya sa akin nang tumalikod ako. Halatang nagtataka siya kung bakit sa edad kong ito ay naisipan ko pang bumili ng polobo. Well, hindi naman ‘to para sa ‘kin. Pero ngayon, sa akin muna.
Nakangiti ko ‘yon binuksan at siya kong hinipan-hipan habang naglalakad ako papunta sa apartment. Kaya naman sa bawat daraanan ko ay nag-iiwan ako ng mga bubbles, na hindi rin naman nagtatagal at naglalaho rin sa hangin.
Pagdating ko sa apartment, tinigil ko na ang pagpapalobo bago ko pa ‘yon mapangalahati.
My new apartment isn’t a part of a huge complex. Hindi katulad ng mga magagara at matatayog na building sa downtown. Ang apartment na ‘to ay isang single-standing unit lang, pero hanggang third floor. May abandonadong parking lot sa magkabilang gilid at may convenience store naman sa katapat. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa apartment at pinagmasdan ang paligid. Lumang-luma. Nagkalat din ang mga basyong bote at lata ng alak sa harap. Tsk.
Pinindot ko ang doorbell sa gate, isa hanggang tatlong beses. Pero walang lumalabas. Doon ko lamang napansin na hindi pala naka-lock ang maliit na pinto sa gate at p’wedeng-p’wede kong itulak para makapasok ako sa loob.
Pagpasok ko, sinipa ko ang isang lata ng beer sa tabi ng paa ko para hindi ko 'yon matapakan. The place looks even worse than it did online. But I expected as much dahil mura lang naman ang renta. Kaya nga dito ko piniling mag-inquire.
Noong nakapasok na ako sa compound, saka ako sumigaw para tumawag. “Tao po! Tao po!”
Ilang sandali pa ay may lumabas na babaeng nakasuot ng pambahay na besita. Medyo matanda na ito. Parang nasa singkwenta anyos na. “May bakante pa. Mangungupahan ka ba?”
Ha? Hindi man lang niya tinanong kung ano’ng pangalan ko. Kung sana tinanong niya, malalaman niyang nag-inquire na ako rito at nagpa-reserve ng kwarto.
“Uhm. May nakausap na po ako rito. Sa chat. Nagpa-reserve na ‘ko. Ako po si . . . Cess.” Not from Princess. But Cess from my second name na Francessca.
Tate Francessca De Luna. I’m 23 years old. Sa totoo lang, mas kilala ako sa tawag na Tate, pero kailangan kong gumamit ng ibang pangalan ngayon para maiwasan na may makakilala sa akin. Dahil si Tate ang kilala na may . . . criminal record.
Ayokong makilala o matandaan ako ng mga tao rito kahit pa matagal na ang insidenteng ‘yon.
Recognition flashes on the woman's face. She makes a ‘hmph?’ sound while looking me up and down. “Hindi ko inaasahan na gan’yan itusra mo.”
Hindi ako nakakibo. Hindi ko alam kung ano’ng ibig niyang sabihin sa komento niyang ‘yon. Positive o negative?
Binaba ko ang tingin ko sa suot kong luma at kupas na pantalon, maging sa suot kong lumang t-shirt na may maliit pang punit sa laylayan. Napahawak ako ro’n para itago sana kahit papaano. Pero alam ko namang nakita na niya. Kaya siguro ngayon ay mas nakabas ko sa mukha niya ang habag na hindi ko nakita kanina.
“Five thousand per month ang singil namin para sa mga estudyante. Estudyante ka ba?” tanong niya.
“Hindi pa po. Pero balak ko pong mag-enroll kapag nakahanap na ‘ko ng trabaho at nakapag-ipon. Mag-wo-working student po ako.”
Saglit niya akong pinagmasdan. “Gusto mo ba nang mas mura? May bakante sa third floor. Ibibigay ko na lang sa’yo ng two thousand per month. Gano’n din, may banyo at lavabo. Kaya lang, walang kagamit-gamit do’n. Walang kama. Walang cabinet. Pero may isang mahabang kahoy na upuan, p’wede mong higaan—”
“Sige po,” sagot ko agad. Bahagya pa ‘kong ngumiti. ‘Yung ganitong mga pagkakataon ang hindi dapat tinatanggihan.
Okay na ‘ko sa kahoy na upuan. Hindi ako maselan dahil naranasan ko na rin naman matulog noon sa lansangan noong bata pa ako, at mas lalong sanay akong matulog sa malamig na semento na karton lang ang sapin, wala pang unan.
Dahil gano’n ang sitwasyon ko sa kulungan noong unang buwan ko ro’n. Nakatikim lang ako ng banig, unan at kumot noong may nag-donate sa amin.
Okay lang din kahit walang cabinet dito. Wala naman akong masyadong damit na ilalagay. Dahil itong mga damit ko sa backpack ko ang tanging mga gamit ko lang. Hahanap na lang siguro ako ng kahon o ‘di kaya ay susubukan kong manghingi sa katapat na convenience store. ‘Yung box ng mga paninda nila na p’wede kong paglagyan ng mga damit ko.
“Sige. Halika. Sumunod ka sa ‘kin.” Sinundan ko siya sa hagdan patungo sa taas. Pagdating namin sa third floor, dinukot niya ang bulsa niya at may inilabas na susi para buksan ang pinto.
Nauna siyang pumasok doon. Noong sumunod ako sa kaniya, napaubo agad ako dahil sa kapal ng alikabok. Napilitan pa akong takpan ang ilong ko gamit ang dibdib ng t-shirt ko.
Kaya rin pala mura, dahil ako pala ang maglilinis.
“Matagal na kasing walang nag-ro-room dito kaya ganito karumi. Ikaw na lang ang bahala. Dalawa lang ang kwarto rito sa taas. Ito at ‘yung katapat mo. Kaso, walang nag-ro-room do’n dahil ginawa naming stock room.”
Bahagya akong tumango. “Ano pong utilities ang kasama sa two thousand?” tanong ko. Nakatakip pa rin ang ilong ko gamit ang damit ko. Medyo sensitive kasi ako pagdating sa alikabok dahil may asthma ako. Alikabok ang bawal na bawal sa akin, pulbos, at matatapang na pabango.
“Tubig. Sagot mo na ang kuryente mo. Uh. P’wede ka pa lang kumonek sa WiFi, libre na lang din. Akin na cell phone mo at ako na mag-type ng password.”
“Wala po akong cell phone.”
Natahimik siya saglit at napatango. “Okay.”
“Pero balak ko rin pong bumili kapag nakapagtrabaho na ‘ko. Kahit ‘yung mumurahin lang siguro. Kapag nakabili na ‘ko, saka ko na lang ipapa-connect.” Bahagya akong ngumiti.
Tumango siya. “Sige. Ako nga pala si Imelda. Welcome to Orange Apartment. Dalawang estudyante sa kolehiyo ‘yung nasa second floor at may dalawa rin sa baba, 'yung nasa katabi ng room ko. Kaya hindi ka masyadong maiilang dahil parang mga kaedad mo lang sila. Ako, hindi ako naglalagi rito, umuuwi ako sa bahay dahil may mga apo akong inaalagaan kapag nasa trabaho mga anak ko. Apat na beses sa isang buwan lang ako pumupunta rito, kapag may magbabayad ng renta.”
Tumango ako at saglit ko pang pinakinggan ang kuwento niya bago niya maalalang singilin ako sa unang buwan ko rito. Mabuti na lamang at walang deposit at advance, dahil kung sakali, hindi ko ‘yon kakayanin.
I mean, kaya ko pa rin naman. Kaya lang, hindi na ako kakain. Kailangan ko pa rin kasi ng extra budget para sa pangangailangan ko sa araw-araw habang naghahanap ako ng trabaho.
Noong nakaalis na siya, minsan ko pang iginala ang tingin ko sa loob ng apartment bago ko simulang igala ang mga paa ko para ikutin ‘yon. Maliit lang kaya hindi ako napagod sa pag-ikot. At literal na upuang kahoy lang talaga ang naroon na puwede kong higaan. ‘Yung bintana naman ay plywood lang ang pinakatakip. ‘Yung banyo, marumi rin at puso agiw. Actually, puro agiw ang buong kwarto, pati na rin ang lavabo.
May nakita akong naninigas na basahan na nakabalumbon malapit sa sink kaya naman kinuha ko ‘yon at binanlawan sa gripo bago ko gawing pamunas sa upuang kahoy. Noong napunasan ko na ang upuan, doon ko inilapag ang bag ko.
Lumabas muna ‘ko sa kwarto at bumaba. Tinungo ko ang convenience store sa tapat para bumili ng kakailanganin ko sa paglilinis tulad ng sabon at zonrox bleach. Bumili na rin ako ng isang box na facemask.
☆゚.*・。゚
Hapon na noong matapos ako sa paglilinis. Kahit papaano ay hindi ako inubo sa kapal ng alikabok dahil tatlong patong ang facemask na sinuot ko. ‘Yun nga lang ay daig ko pa ang binugbog. Sobrang sakit sa katawan.
Nagpahinga lang ako nang halos kalahating oras bago ako magdesisyong maligo dahil kailangan ko na rin lumabas para maghanap ng trabaho.
Masakit ang katawan ko, oo. Pero hindi ako disney princess para mag-seating pretty rito. Kailangan kong gumalaw para mabuhay. Dahil kung hindi ako makakahanap ng trabaho agad at maubos ang perang naipon ko, hindi ako makabayad ng renta. Sa lansangan ako pupulutin kapag nagkataon.
Lumang maong na pantalon muli ang sinuot ko. Tatlo lang kasi ang pantalon ko at puro luma pa. Maging ang mga damit ko, lahat luma. Pero sinikap kong makahanap ng maayos na p’wede kong isuot para magmukha akong disente sa pag-a-apply-an ko.
May nakita akong v-neck shirt na kulay puti. Actually, mukhang hindi na nga siya puti. Parang manila-nilaw na. Pero ito lang ang mukhang maayos na p’wede kong isuot ngayon, dahil ang ibang damit ko ay may mga kung anu-anong tatak.
Mayroon isa na may tatak na Red Horse Beer, ‘yung isa naman ay Bear Brand, at mayroon pang mukha ng isang kumakandidatong politiko. Mayroon naman isa na may tatak na Mountain Dew, at ang isa naman ay may tatak ng brand ng sigarilyo. Ang iba naman ay may mga butas na at punit. So, wala talaga akong choice.
Matapos kong magbihis, sinuot ko na ang luma ko ring converse na suot ko kanina. Iyon lang ang kaisa-isa kong sapatos. Nag-shoot ako ng pera sa bulsa ng pantalon ko since wala akong wallet o kahit coin purse man lang. Saka na ako lumabas sa apartment para maghagilap ng ikabubuhay.
Kailangan kong makaipon. Kailangan kong makapag-aral. Kailangan kong ayusin ang buhay ko para maging karapat-dapat ako sa nag-iisang tao na dahilan kaya mas pinili kong ipagpatuloy ang buhay ko ngayon kahit na pakiramdam ko ay kalaban ko ang buong mundo.