✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ “Hintayin mo ‘ko rito. Kukuhanin ko gamit mo sa office at ipagpapaalam kita para ihatid.” Matapos niyang sabihin ‘yon, lumabas na agad siya sa faculty. Habang naiwan naman akong halos hindi makahinga sa pag-iyak dahil sa mga salitang binitawan niya. Ang sakit. Lahat. Ilang sandali pa, bumalik siyang bitbit ang tote bag ko. Saka niya dinukot sa bulsa niya ang isang panyo at inabot ‘yon sa akin. Inutusan niya akong punasan ang luha ko, saka siya lumapit sa desk niya. May kinuha siya sa drawer na isang sunglasses. Isinuot niya ‘yon sa akin. “Kailangan mo ‘yan para hindi ka pagtinginan ng mga estudyante. Let’s go.” Saka niya ako inakay palabas sa faculty room. Wala ako sa sarili at pakiramdam ko ay wala na akong lakas para kumawala sa kaniya kaya nagpatangay na lamang