Episode 12

1179 Words
"Guys, see you sa friday! Susunduin namin kayo with my cousin and his friends and jowa sa oras na 8AM SHARP! Walang mahuhuli!" Kaya heto ako ngayon, naka-abang na sa harap ng bahay namin. Wala raw mahuhuli, 8AM Sharp ang usapan pero 8:30 na ng umaga wala pa ring Pillow sa harapan ko. Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking buntok dahil nangangalay na ito. Kinuhaan pa ako ng driver ni kuya Jeppy na monoblock chair para raw 'di ako mangawit kakatayo. Tatangihan ko pa sana kanina buti na lang pinagpilitan niya, akala ko kasi saglit lang nandito na sila. Nahahampas ko na rin ang aking binti dahil sa lamok na nangangagat sa akin. Anong oras na, ba't ang tanggal naman nilang dumating. 8:45AM, sulyap ko sa aking wristwatch, kapag 'di pa sila dumating 'di na ako sasama. Pumasok muna ako sa loob at iniwan ang aking bagpack sa harap ng gate. Nandoon na muna si Manang, nagdidilig ng mga halaman ni ate Jasmine. Naabutan ko ang aking pamangkin na naglalaro habang karga ni ate Jasmine si Angelus. "Wala pa rin mga kaibigan mo, Nene?" Umiling ako sa sinabi ni ate Jasmine at dumiretso sa kusina. Nauuhaw na ako. Hindi naman p'wedeng inumin ko iyong baon kong tubig. Pagkatapos kong uminom ay lumabas na rin ako sa kusina, "may dala ka bang mosquito repellent, Nene? Mukhang malamok doon sa pupuntahan niyo." "Opo, ate Jasmine. Binilinan din ako ni kuya Jeppy kanina. May dala po ako." Kinurot ko ang pisngi ni Angelus habang karga-karga ni ate Jas. Tuloy laway na ang bata namin kaya pinunasan ko. "Tita Nene, asalubong po ulit." Napalingon ako kay Josev at ngiting-ngiti nitong tumingin sa akin. Kitang-kita ang pantay niyang mga ngipin. Tumango ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. Maya lamang ay may narinig akong sunod-sunod na busina galing sa labas. "Nene, ang mga kaibigan mo nand'yan na." Napalingon ako sa pinto at nakita ko roon si Manang. "Sige, ate Jasmine, alis na po kami!" Paalam ko at hinalikan ang pisngi ni Angelus maging si Josev. "Mag-iingat kayo, Nene. Baka atakihin ang kuya mo kapag may nangyari sayo." Napangiwi na lang ako sa sinabi ni ate Jasmine. Lumabas ako at nakita ko roon si Pillow na kumakaway sa akin, "nandito na iyong bag mo, pinasok ko na!" "Ang tagal niyo naman akala ko 8AM Sharp!" Sabay pinang-ikutan siya ng aking mga mata. "Sorry na, may problema, e. Huwag mo na lang pansinin niyong nasa loob ha? Hindi ko alam na kasama nila." Kumunot ang aking noo at nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Magsasalita pa sana uli ako pero bumisina ulit ang sasakyan, hinila na niya ako pasakay sa van na nasa harapan ko. Gano'n na lang ang aking kinabigla ng matanaw ko sa loob sina Warren at Wayne, isama mo pa si Baca. Anong ginagawa nila rito? Nakangisi ang mga ito sa akin hanggang makaupo ako sa unang row ng van. Napapikit ako at kinusot ang aking mata baka namamalikmata lang ako na makita sila rito pero hindi sila talaga iyon. "B-bakit nandito sila, Pillow?" Mahina na sabi ko sa aking katabi. "Hindi ko rin alam, kaibigan pala ng mga pinsan ko ang mga g*gong niyan, Nene. Maging ako nagulat din." Bulong na sagot din ni Pillow sa akin. Napatingin ako sa mirror na nasa gitna at gano'n na lang ang aking gulat ng nakatingin din sa akin sina Wayne at Warren. Napaiwas na lang ako. Sunod na pinuntahan namin ay si Kamilla, bakas din sa kanyang mukha ang pagkakagulat. "Bakit kasama sila?" Bungad niyang tanong sa amin ng makasakay siya sa loob ng van. Umiling na lamang ako sa kanya, "huwag mo na sila pansinin." Ligtas ang aming naging byahe papunta sa Antipolo, nakarating kami sa Singalong Nature Campsite Hill sa oras na alas-onse ng umaga. Pagkababa namin sa pinaka-parking lot, hindi pa pala roon ang camping site, pinag-trekking pa kami ng halos trenta minuto bago makarating talaga sa mismong camping site. Buti na lang hindi ako ginulo nu'ng kambal na iyon. Nakasunod kasi kami nina Pillow at Kamilla sa tour guide na kinuha ng pinsan niya, binilisan talaga namin ang lakad. Bumungad sa amin ang maaliwalas na kalangitan, berdeng mga halaman at puno at tahimik na kapaligiran. May mga iilang tent ang nakatayo, may mga nauna na sa aming nakapunta. Dinala kami ng aming tour guide sa information center nila para maglist ng aming mga pangalan. Nang makapaglista kami ay binigyan kami ng tatlong tent. Kinuha ko ang isang tent para sa amin nila Pillow pero hindi ako marunong mag-assemble nito. Walang gaanong signal sa lugar na ito at internet wala rin. Nakaharap kami sa tent na binigay sa amin, nakatunganga kaming tatlo habang iniisip kung paano aayusin ito. "Paano na ito? Hindi natin alam paano aayusin ang tent natin!" Napalabi ako sa sinabi ni Kamilla. Wala rin akong alam pagdating sa mga ganito. Akala ko naman, pagdating namin dito may mga nakatayo ng tent. Wala pala, sariling sikap din. Tumingin kami sa pinsan ni Pillow kasama niya ang jowa nito na nakapanglumbaba lang habang nag-aayos ang jowa niya. "Paturo tayo sa pinsan mo, Pillow. Hingi ka tulong kay Ken." Ani ko sa kaibigan namin, mukhang patapos na kasi niyong pinsan niya. "Amin niyan!" Sabay kaming tatlo na nagsalita ng may kumuha sa tent namin. "I know. Tutulungan ko na kayo. Hindi maaayos ito kung tititigan niyo lang." Aba! Sinabi ba namin tulungan niya kami? Hinihintay kaya namin matapos iyong si Ken para siya tumulong sa amin. Aagawin ko na sana ang tent sa kamay niya pero inisa-isa na niya itong inalis sa lalagyan. Wala na kaming nagawa kung 'di titigan si Wayne habang inaayos ang tent namin. Lumingon naman ako sa gawing kanan namin, nakita kong tapos na sa pag-aayos sina Warren at Baca kaya siguro tinulungan niya kami. Hindi siya nagsalita at pinagpatuloy ang pag-aayos sa tent namin, naging mabilis ang kanyang galaw kaya ilang minuto lamang ay tapos na niya ito. Nakatayo na ang aming tent na kulay bughaw. Malaki ito mukhang kasya nga ang anim na tao sa loob. Maluwag pa sa aming tatlo. "See, it's done." Sabay pagpag ng kamay niya sa kanyang pantalon. "Thank you," mahinang sabi ko sa kanya. Marunong naman akong magpasalamat. Binuksan niya ang zipper ng aming tent at nakita namin ang loob nu'n, malaki nga. Unang pumasok si Kamilla para mag-spray ng pabango sa loob, amoy kulob kasi. "Iyong comforter natin, girls." Inabot ko ang comforter at siya namang latag sa loob nito. Mas okay ng malambot ang hihigaan namin kahit sa loob ng tent kami matutulog. Iyong ibang kaibigan ng pinsan ni Pillow, kumuha sila ng bongalow, ayaw nilang mahiga sa tent. "Ayos na ba kayo d'yan, baby?" Sinamaan ko siya ng tingin, porke't siya gumawa ng tent namin p'wede na niya akong tawaging baby? Mukha niya. "Baby mo mukha niyo ni Warren, Che!" Pagsusungit ko sa kanya at pumasok na rin sa loob ng tent, buti na lang talaga unang pumasok si Pillow sa loob at hindi niya narinig kung 'di aasarin na naman nila ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD