"Ano kaya unang gagawin natin mamayang gabi? May nasagap akong balita na every night dito sa camping site ay may bonfire na ginagawa." Nakatingin ako kay Pillow ng marinig ang salitang bonfire.
"Kanino mo nalaman?" Pagtatanong ko sa kanya. Nasa loob pa rin kami ng tent, ang sarap kasi sa pakiramdam na nasa loob ka. Ang lambot ng hinihigaan namin pero kinakabahan din baka kasi kita kami sa labas. Kaya mamayang gabi tatabunan namin na dala naming kumot ang pinto ng tent namin.
"Sa pinsan ko. Kay Ken, alam mo naman iyon maaasahan sa lahat tsismis." Napailing na lang ako kay Pillow. Sarili niyang pinsan nilalaglag niya.
"Gusto ko malaman kung anong gagawin natin bukas? Gusto kong mag-trekking papunta ilog na malapit dito. Maganda raw ang ilog dito sa Singalong Nature Campsite Hill, ayon dito." Tinaas ko ang hawak kong pamphlet sa harap nila.
Kinuha ni Kamilla ang pamphlet sa aking kamay at binuklat ito. "Wow! Magaganda ang mga lugar na nandito. Look? P'wede tayong mangisda sa may lawa!" Sumilip ako sa kanyang tinitignan niya. Mayro'n nga! Ba't hindi ko niyon nakita kanina.
"May malaking duyan din," sabat ni Pillow at tinuro ang kabilang side ng pamphlet.
"Marerelax tayo rito, girls! Ito ang gusto natin ang maging fresh dito at mawala ang stress natin lalo na si Nene!"
Sinarado ni Kamilla ang pamphlet at saka tumingin sa akin. "Mas lalong ma-i-stress si Nene dahil nandito ang kambal na sina Wayne at Warren, Pillow! At, dahil iyon sa pinsan mong si Ken. Bakit hindi mo nalamang kaibigan niya ang mga iyon? Paano tayo makakapag-awra, ha?" Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Pillow.
Napangiwi kami parehas ni Pillow dahil sa sinabi niya, "p'wede naman tayong umawra pa rin kahit nand'yan sila, Kamilla. Saka deadmahin natin sila, diba? Hindi naman natin sila kaibigan." Sabi ko sa kanila.
Ano naman pake ko kung kasama namin sila? Kamag-anak lang sila nila Kuya Jim. Isang Lazaro sila pero iyong ugali nila? Saksakan ng yabang. Negative points para sa kanila.
Nilagay ni Kamilla ang kanyang kanang hintuturo niya sa kanyang sentido at waring nag-iisip siya. "Oo nga naman. Wala ka namang pake sa kanila, diba, Nene? So, mag-enjoy tayo hanggang sa gusto natin. That's it!" Pagkasabi niyang iyon ay biglang siyang lumabas sa tent namin at nag-unat-unat doon.
"Come on, girls? Need nating umawra at makipag-kaibigan sa ibang campers na nandito. Hindi tayo p'wedeng magtago d'yan sa tent natin." Hikayat niya sa amin at nagsenyas pa ang kanyang kanang kamay na pinapalapit kami sa kanya.
Wala na kaming nagawa ni Pillow kaya lumabas na rin kami sa tent namin. Ang dami ng nakatayong tent. May mga tao namang nasa bungalow at nakaupo ito sa hagdan kung saan sila nagrent.
Tumingin pa ako sa aking paligid at natanaw ko roon si Baca na abalang nakikipagk'wentuhan sa isang babae. Grabe, wala pa yata kaming two hours dito sa camping site, nanlalandi na agad siya. Ano pa ba maaasahan ko sa mga playboy na katulad nila? Makakati.
Nawala ang aking ngiti ng makitang papalapit si Wayne habang may hawak na ice cream cone sa kanyang kamay. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at binalingan ulit sina Kamilla at Pillow.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila ng makitang naglakad ang mga ito.
"Doon, Nene, may parang picnic chair doon, oh!" Turo ni Pillow at tinignan ang sinasabi niya. May mga lamesa at upuan na gawa sa kahoy at mukhang gawa ito sa mahogany wood.
Nang makarating doon ay umupo kami sa bakanteng p'westo, nangpalumbaba ako sa kanilang harapan. "Parang gusto kong kumain ng inihaw na tilapia..." Mahinang sabi ko sa kanila. May nakita kasi ako kanina na nag-iihaw habang papunta kami rito.
"Mamingwit na kaya tayo? Gusto ko rin ng inihaw na isda. Nagutom ako roon sa dinaanan natin." Sabi ni Pillow kaya sabay-sabay kaming tatlong napabuga.
Busog pa naman ako pero nag-crave ako roon sa inihaw.
"May masamang hangin na humihip, Nene. Huwag kang lilingon, ha?" Nakita kong umismid si Kamilla at umikot pa ang kanyang mga mata.
"Hindi naman amoy mabaho, Kamilla." Maang na sabi ko sa kanya. Masamang hangin daw, e.
"Mas mabaho pa sa pupu ng aso o ng pusa, Nene." Matambang na sabi nito sa akin.
Naguguluhang tumingin ako kay Pillow at may tinuro lamang ito sa aking likuran. Doon, nakita ko sa aking likod si Wayne habang may hawak na isang ice cream cone.
"Para sa'yo, Nene." Kumunot ang aking noo dahil sa boses ni Wayne. Parang lumambing yata ang boses ng isang ito.
"Inuubo ako saka 'di ako mahilig sa Ice cream. Thanks but no thanks. Sa'yo na lang niyan." Matamlay na sabi ko sa kanya at 'di siya pinansin.
"Nasa lawa pala ngayon sina Warren at Ken kasama nila iyong ibang kaibigan namin. Namimingwit sila ng mga isda na p'wede iihaw mamayang gabi bago mag-bonfire." Announced niya sa amin. Tumango lang kaming tatlo sa kanya.
Hindi ba niya napapansin na ayaw namin siyang kausapin o makasama man lang, 'di man lang siya makaramdam.
"Hindi ka babalik sa lawa para tulungan sila? O, kaya isama mo iyong kaibigan niyong si Baca! Ayon iyong kaibigan niyo nakikipaglandian agad." Sabay na napatingin kami ni Kamilla kay Pillow dahil sa sinabi niya.
Napansin niya rin si Baca kanina? Magkakilala ba silang dalawa? Baka, oo kasi tropa ng pinsan niya sila, e.
Nagulat kaming tatlo ng tumayo si Pillow. Hindi man nagsabi sa amin kung saan siya pupunta.
"Anong nangyari roon?" Pagtatakang tanong ni Kamilla sa akin habang nakatingin pa rin kami sa likod ni Pillow.
"Malay ko," kibit-balikat ko sa kanya. Tinignan ko naman sa gilid ko si Wayne at abala itong kumakain sa kanyang ice cream, "magkakilala ba si Pillow at si Baca?" Pagtatanong ko sa kanya pero imbis na sumagot siya sa akin nagkibit-balikat lang din siya.
Kinalabit ako ni Kamilla. "Teka, Nene! Puntahan ko lang si Pillow alam mo naman ang isang iyon..." Tumango ako sa kanya. Mabait si Pillow pero kapag ganitong nagwo-walk out siya, paniguradong may problema siya. Ayaw niya lang sabihin sa amin.
"Do you want, baby?" Lumayo ako ng upo kay Wayne dahil ito na naman ang lintik ng tambol nang puso ko. Bumibilis.
Nakataas ang hawak niyang ice cream na nangalahati na dahil nilantakan na niya habang nakaupo sa tabi ko kanina. Ang dungis ng mukha niya, iyong labi niya na puno ng ice cream. Para naman siyang bata kung kumain.
"Ayaw mo pa rin, baby?" Mahinang sabi niya habang nagpapaawa ang kanyang mukha sa akin. "Masarap naman itong binili ko." Dagdag na sabi pa niya sa akin.
"Hindi nga ako kumakain ng ice cream!" Nilayo ko ang kanyang kamay kung nasa'n ang ice cream. Tumutulo na ito dahil ayaw niya pa ubusin.
"Gusto ko ang ice cream, malamig lalo na kapag na sayo." Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Saka roon ko lang na proseso sa aking isipan ang sinabi niya.
Tumayo ako at saka siya pinalo sa kanyang braso, "manyak!"
"I love you too, baby!" Malakas na sabi niya sa akin kaya ang mga taong malapit doon ay nakatingin sa akin.
"Mukha mo! Bwisit!" Balik ko sa kanya at iniwan siya roong tumatawa.
Bwisit na Wayne talagang iyon! Bwisit!