Episode 11

1040 Words
Malayo ang aking iniisip, gusto ko magpahinga, iyong malayo sa ingay ng Manila. Habang nag-i-scroll ako sa aking newsfeed, biglang nagpop-up ang group chat namin nila Pillow. NEVER MA-I-INLOVE group chat PILLOW: HEEEEEY!! NENE: Whyyy?? PILLOW: RIZAL US! MAG CAMPING TAYOO!! KAMILLA: KAILAN? NENE: Kailangan ko ngayon ito, girls. I'm also exhausted ? PILLOW: This weekend? G? Iyong pinsan ko kasi niyaya ako magcamping. KAMILLA: Gwapo ba niyang pinsan mo, Pillow? ?? NENE: Kapag lalaki talaga ng bilis mo?? KAMILLA: I'm asking lang naman, Nenette? PILLOW: Oo Pero my gf na, Kams. Ano G tayo? NENE: G ako!! KAMILLA: Me too!! PILLOW: Okay! Sabihan ko lang siya. Bye, girls! Tinaob ko ang aking phone sa kama, bumaba ako sa sala namin. Panibagong araw, panibagong iisipin kung anong gagawin ko ngayon. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Ang daming pumapasok pero ayaw naman nilang lumabas. Napabuga ako habang kinukuha ang gatas na nasa refrigerator, tamad na tamad akong kumilos hindi ko alam bakit. Hindi pa ako bababa sana para kumain kung hindi lang ako nakakita ng platter of dimsum sa f*******:. Gusto ko sumama roon sa camping na sinasabi ni Pillow para makapag-isip naman ako nang mabuti. "Ayos ka lang ba, 'neng? Mukhang 'di maganda ang gising mo ngayon?" Tumingin ito sa wall clock na nasa sala, "anong oras ka na bumaba para kumain ng breakfast mo. Anong oras ka ba nakatulog kagabi?" Napaisip ako sa sinabi ni Manang, nag-iisang kasambahay nila kuya Jeppy. Galing si Manang kila Tita Jewel 'tas pinasama kina Kuya Jeppy and Ate Jasmine para may mag-asikaso sa kanila. Napakamot ako sa aking buhok, "hindi ko po matandaan, Manang." Basta puro scroll ako sa t****k kagabi, nagpapaantok pero imbis na antukin ako, natakot at nasaktan lang ako dahil sa mga entry ng ibang tiktoker doon tungkol sa bagong kanta ni Taylor Swift. Ang dami talagang mga t*ngang lalaki, nasa tamang babae na nga iniwan pa. "May problema ka ba, Nene, ngayon lang kitang nakitang ganyan. Kilala ko na kayo ng kuya mo, nu'ng nandoon pa tayo sa bahay nila Ma'am Jewel, hindi ka naman ganyan." Napatigil ako sa pagsubo ng cereals dahil sa sinabi ni Manang. May problema ba talaga ako? Umiling ako sa kanya, "wala po, Manang. Pagod pa po siguro ako dahil sa tatlong araw ko sa Ilocos." Pinagpatuloy ko ang pagkain, ramdam kong panaka-nakang tumitingin sa akin si Manang. "Oo nga pala, Nene. May tumawag kanina rito, akala ko nga sila Sir Jin iyon. Sasabihin ko sana tulog pa si Jasmine at si Jeppy naman pumasok na sa opisina niya. Pero, iba ang boses nu'ng tumawag, alam mo namang kilala ko boses nila sir Jin." Kumunot ang aking noo habang nakatingin kay Manang na patuloy na nagluluto. "Ano po sinabi, Manang? Baka po prank call lang niyon." Ang dami kong napanood sa t****k na nagpaprank call. Ang yayaman nila sa load. Humarap ito sa akin at ang kanang kamay niya ay nakalagay sa kanyang bewang. "Ay! Mukhang hindi naman prank call niyon, Nene. Kilala nga nu'n tumawag." "Huh? Kilala po ako?" Gulat kong sabi kay Manang, "baka po sina Pillow at Kamilla po tumawag?" Umiling siya sa akin, "kilala ko ang boses ng dalawang magandang iyon. Boses lalaki, basta ang sabi sa akin, tatawag na lang daw siya ulit kapag gising ka na." Bumalik ulit ito sa paghahalo. Sino niyon? Lalaki? P'wede namang babae, may babaeng boses lalaki. "Mowning po, Tita Nene!" Napalingon ako at nawala ang aking iniisip ng makita ang gwapo kong pamangkin na si Josev. "Good morning din, pogi. Kumusta ang tulog?" Lumapit ito sa akin at saka ako hinug at kiniss sa aking magkabilang pisngi. "Kanina pa po ako gising, nakaligo rin ako, Tita Nene. Nasa room lang po ako dahil kay Mommy." Tinignan niya ang aking kinakain. "Gusto mo?" Umiling siya sa akin. "Busog pa po ako, Tita." Nakita kong lumapit siya kay Manang, may binulong siya roon at nakita ko na lang kinuhaan siya ni Manang ng banana. Gustong-gusto niya talaga ang banana. "Nonood lang po ako sa sala," paalam niya sa amin at daling lumabas sa kusina, muntik pa madapa. Ang isang iyon talaga. "Habang lumalaki si Josev nagiging kamukha talaga ni Jeppy. Xerox copy niya, gwapo at matalino rin." Ngumiti na lang ako kay Manang. Tumayo na rin ako at dinala ang mangkok na ginamit ko sa lababo, huhugasan ko sana ito pero pinigilan ako ni Manang. "Ako na d'yan, Nene, sundan mo na lang ang pamangkin mo bago paglaruan na naman ang mga bagong biling pang-display ng Mommy niya." Tututol pa sana ako pero ngumiti na sa akin si Manang kaya wala na akong nagawa kung 'di lumabas na rin sa kusina. Nakita ko roon ang pamangkin kong nakasandal sa isahang sofa habang ang mga mata ay tutok na tutok sa television, nanonood siya ng Paw patrol. Umupo na rin ako at nakinood sa kanya, nasa pang-tatluhang sofa ako. Maganda ang panonood namin ni Josev ng mag-ring ang telepono sa tabi ko. Walang alinlangang sinagot ko ang tawag. "Hello?" Katahimikan ang bumungad sa akin puro ugong lamang ang aking naririnig sa kabilang linya. "Hello, sino ito?" Salita ko ulit dito. "Kung prank call man ito, tigilan niyo na iyan, nagsasayang kayo ng load niyo!" Tumataas na ang aking boses kaya maging ang mga pamangkin ko ay tumingin na sa akin. "Hi," "Sino ito? Sino hinahanap niyo po?" Bumalik sa pagiging kalmado ang aking boses. "P'wede ko bang makausap si Nenette Apodar." Mahina ang kanyang boses. Kumunot ang aking noo, anong kailangan niya sa akin. "Speaking. Sino ito?" "I'm sorry," "Ha? Sino ba talaga ito?" Gusto kong pakalmahin ang aking sarili pero ang g*go sa kabilang linya ayaw sumagot. "Hello! Mister, o, kung sino ka man? Ano po ba pakay niyo?" Pagtatanong ko ulit sa kanya. "Denver. I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka. I'm sorry, Nene. I'm sorry, baby girl." Nailayo ko ang telepono sa aking tenga pero rinig ko pa rin ang umiiyak niyang tinig. Wala akong sinabi sa kanya at ang ginawa ko na lamang ay ibaba ang telepono. Sorry? Gin*go niyo ako. Napangiti na lang ako habang nakatuon ulit ang aking tingin sa harap ng television. Ang daling sabihin ang salitang sorry pero iyong iniwan niyo sa taong niyon, never ng mabubura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD